تسجيل الدخولTahimik lamang ang buong biyahe. Tanging ang mahinang ugong ng makina ng sasakyan ang maririnig sa loob.Nakasandal lamang ako sa upuan ng backseat habang nakatanaw sa bintana. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa harapan kung saan magkatabing nakaupo sina Ezekiel at Erah.Tahimik lamang si Ezekiel habang nakatutok sa pagmamaneho. Gaya ng dati ay hindi mababakas sa kaniyang mukha ang anumang emosyon.Samantalang si Erah naman ay halatang hindi mapakali. Ilang beses ko siyang nakitang palihim na napapatingin sa side mirror na para bang sinusubaybayan niya ang sasakyang minamaneho ni Riguel na nakasunod lamang sa amin.Bahagya akong napangiti. Mukhang kinakabahan ka na, Erah. Bulong ko sa aking sarili. Sa totoo lang ay matagal ko nang nahulaan ang plano ni Ezekiel. Hindi niya kami iimbitahan sa mansyon nang walang dahilan. Kilalang-kilala ko siya. Hindi siya ang tipo ng taong gumagawa ng hakbang na walang malinaw na layunin.At kung tama ang hinala ko...Gusto niyang pagsamahin sina
Saglit na natahimik ang buong venue matapos kong ipakilala ang aking sarili.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ng bawat isa habang hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang narinig.Bahagya akong ngumiti bago marahang inilapit ang mikropono sa aking bibig."Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa event na ito," kalmado at propesyonal kong saad."Sa loob ng maraming taon ay pinili kong manatiling nasa likod ng mga proyektong aking binuo. Hindi ako naniniwala na ang tagumpay ay nasusukat sa kasikatan ng isang pangalan, kundi sa kalidad ng trabahong naiiwan nito."Sandali akong tumigil at pinasadahan ng tingin ang buong venue."Ngayon, narito ako hindi para patunayan ang aking sarili sa kahit kanino, kundi upang simulan ang isang bagong yugto ng pakikipagtulungan sa inyong lahat."Bahagya akong ngumiti."Sana ay maging matagumpay ang collaboration na ito at makalikha tayo ng mga teknolohiyang makatutulong hindi lamang sa ating mga kumpanya, kundi maging s
Vhianne's POV"Good afternoon, Mr. Ezekiel," seryoso kong saad sa kanila habang nakatalikod at busy sa paguusap. Nangmarinig nila ang boses ko ay sabay-sabay silang napalingon sa direksiyon ko at ggad na nagtama ang aming mga mata ni Erah. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata at kitang-kita ang pagkabigla sa kaniyang mukha."I-Ikaw?!" gulat niyang saad habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.Mula sa pagkagulat ay mabilis na napalitan ng matinding inis ang kaniyang ekspresyon."Hindi ba pinagbawalan ka na na huwag magpakita rito? Ang kapal talaga ng mukha mo!" Galit niyang sigaw sa akin. Nang marinig ko ang sinabi niya, gaya ng inaasahan ko ay bahagya lamang akong napangiti habang nananatiling kalmado ang aking mukha."I'm not here para maghanap ng gulo, Erah," malamig at matalim kong saad sa kaniya habang diretsong nakatingin sa nga mata niya. Nang marinig ito Ni Erah ay mas nanlaki ang mga maya niya dahil sa mga sinabi ko pero hindi ko lamang ito pinansin at agad na inal
Ezekiel's POVNasa opisina ako habang tahimik na nakaupo sa aking swivel chair habang nakatanaw sa malawak na bintana. Mula roon ay tanaw ko ang abalang lungsod sa ibaba, ngunit wala roon ang aking atensyon nakatuon lamang ang isip ko sa event na gaganapin mamaya.Mayroon na lamang isang oras bago magsimula ang event na matagal naming pinaghandaan. Nakalatag sa mesa ko ang ilang dokumento tungkol sa collaboration, ngunit kabisado ko na ang lahat ng detalye kaya hindi ko na iyon gaanong pinapansin.Maya-maya pa ay may marahang kumatok sa pintuan ng aking opisina koNapakunot naman ang aking noo ng marinig ko ito. "Come in," malamig kong saad.Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa akin harapan si Erah na may matamis na ngiti sa kaniyang labi."Babe..." saad niya habang papasok sa loob ng opisina. Malamig at kalmado lamang ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin pagkatapos ay huminto siya sa harapan ng mesa ko bago muling nagsalita."Excit
Kakatapos ko pa lamang maligo at agad akong lumabas ng banyo habang pinupunasan ang basa ko pang buhok gamit ang isang tuwalya.Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto namin at agad na pumasok. Pagkatapos ay tahimik akong naglakad palapit sa kama namin kung saan mahimbing na natutulog ang anak kong si Lily.Nang marating ko ito ay marahan akong naupo sa gilid ng kama at ilang sandali ko lamang siyang pinagmasdan. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniyang inosenteng mukha.Dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang buhok pagkatapos nagsalita. "Happy birthday ulit, anak..." mahina kong bulong kahit alam kong hindi niya iyon maririnig.Pagkatapos non ay Hinalikan ko ang kaniyang noo. Nang mahalikan ko na ang kaniyang noo ay tumayo ako muli para magbihis ng pantulog na damit. Ilang minuto ang lumipas ay inantok nadin ako kaya pagkatapos kong magbihis ay pinatay ko na ang mga ilaw at dahan dahan na naglakad papunta sa aming higaan. Pagkahiga ko ay agad akong nakatulog dahil sa pagod. .
Karga ni Ezekiel si Lily habang naglalakad papasok sa loob ng mansyon habang ako naman ay tahmik nakasunod lamang sa kanilang dalawa.Pagpasok pa lamang namin ay agad kaming sinalubong ng masasayang boses ng lahat."Happy Birthday, Lily!" sabay-sabay nilang sigaw.Napahalakhak naman si Lily habang mahigpit na nakakapit kay Ezekiel. "Thank you!" masaya nitong tugon sa lahatPagkatapos ay dahan-dahan na ibinaba ni Ezekiel si Lily at agad namang tumakbo si Lily papunta sa malaking mesa kung saan nakapatong ang napakagandang birthday cake na may disenyong unicorn."Woooow!" manghang-mangha nitong sambit.Napangiti kaming lahat habang pinagmamasdan ang inosenteng saya sa mukha ng bata."Sige na, iho," nakangiting saad ni Nay Ele kay Ezekiel. "Ikaw na ang tumabi sa anak mo." Dagdag nitong sabi. Sandaling natigilan si Ezekiel bago tumango at saka marahan siyang lumapit kay Lily at tumayo sa tabi nito.Samantalang ako naman ay napatayo sa kabilang gilid ng aming anak. "Family picture mun
Ilang saglit lang ay narating na ni Nay Ele ang taas kung nasaan sila Ezekiel. Habang ako ay naiwan mag-isa sa pagkainan at kinakabahan. My gosh, this is it. Ito na ang kinatatakutan namin ni Nay Ele, pero I prepared myself para sa araw na ito; kaya mo iyan, Vhianne. Bulong ko sa aking sarili.Hun
"I-I'm so sorry, Ezekiel," Saad ko sa kaniya ng ma-realize ko na nabunggo ko siya, pero tinitigan lamang niya ako ng malamig. Napalunok ako ng sarili kong laway. Pagkatapos ay iginala ko ang aking mata sa kaniyang katawan; he's wet, kakatapos pa lang niyang maligo, and the towel is wrapped only ar
Kinabukasan ay nagising ako bigla dahil sa alarm ng cellphone; nalimutan ko itong i-turn off, napakamot na lang ako sa aking ulo at pinatay ang alarm. Agad kong naalala ang nangyari kagabi. My gosh, Vhianne, what have you done? Nakakahiya ka! Saad ko sa aking sarili. Ano ang ipapaliwanag mo kay
"Vhianne! Mabuti na lang at nandito kana, akoy nag-aalala sa iyo lalo na at may malakas na bagyo na tatama sa atin. T-tika lang, sino ang sumundo sa iyo doon?" Nag-aalala niyang boses sa akin."Wala po nay Ele, pero nadaanan ako ni Ezekiel sa labas ng gate nila Kiro at pinasakay niya ako," tugon ko







