MasukHindi pa man siya nakakalayo ay agad na hinablot ni Tanner ang kanyang braso. “Where are you going?”“Bitawan mo nga ako. Pagod na ako, Tanner. Gusto ko nang magpahinga,” aniya habang nagpuppumiglas sa hawak ni Tanner.“Then let’s go rest. You’re drunk, you can’t go alone upstairs,” sabi pa nito na para bang wala na siyang karapatan pang tumanggi.Kahit nahihirapan ay akay-akay siya ni Tanner patungo sa loob ng pavillion kung nasaan ang kwartong nakalaan para sa kanilang dalawa lamang. Nang sandaling bumukas ang pinto ay agad siyang hinila ni Tanner papasok.He locked the door and the next thing she knew, Tanner’s now kíssing her tòrridly and hungrily. Mariin iyon at gutom na gutom. Sa ilang sandali lang ay tila lalong nalasing si Eloise. Ni hindi niya siya umiwas sa halik nito."Hmm... Tanner, akala ko ay magpapahinga..." sambit niya habang pilit na pinapababa ang boses.Tanner chuckled. Mabilis na bumaba ang halik nito mula sa labi niya patungò sa leeg niya."We can rest after our
Hindi pa man tuluyang humuhupa ang ingay ng kasal ay agad nang lumipat ang lahat sa reception, at kung kanina ay kahanga-hanga na ang seremonya, mas lalo pang nagningning ang engrandeng paghahanda para sa gabing iyon. Ang glass pavilion na napili ng pamilya Aldama ay tila isang hiwalay na mundo. Punong-puno ng ilaw, kristal, at mga dekorasyong maingat na inayos upang magmukhang elegante ngunit hindi nakakaumay.Pagpasok nina Tanner at Eloise, sabay-sabay na tumayo ang mga bisita at pumalakpak, at kahit ilang beses na niyang sinabi sa sarili na huwag magpaapekto, hindi pa rin niya maiwasang mapahigpit ang hawak sa braso ng lalaki.Napansin iyon ni Tanner.“Relax,” mahina nitong bulong, hindi man lang lumilingon sa kanya. “Hindi ka naman iinterviewhin ng mga yan.”Napairap si Eloise. “Mas okay pa nga kung interview. At least may script.”Bahagyang ngumisi si Tanner, halatang naaliw sa sagot niya.“Too late for that. You’re already part of the show.”“Good,” sagot niya, taas-noo. “I don’
Maagang nagising si Eloise nang araw na iyon kahit hindi pa sumisikat nang lubusan ang araw. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o dahil sa katotohanang halos wala rin naman siyang tulog buong gabi, ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay agad niyang naalala kung anong araw na.Ito na ang araw ng kasal.Sandali siyang nanatiling nakahiga habang nakatitig sa kisame ng silid na inihanda para sa kanya sa mansyon ng Aldama. Ilang araw pa lamang ang lumipas mula nang ilipat si Tanner pabalik sa mansyon matapos tuluyang payagan ng doktor na makalabas sa ospital, ngunit tila ang buong bahay ay agad na nabalot ng kakaibang sigla dahil sa paghahanda para sa kasal.Mula pa kahapon ay abala na ang mga tauhan ng pamilya. May mga event coordinators na papasok at lalabas ng bahay, mga designer na may dalang damit, at mga tauhan na nagsisigurong walang makakaligtaan sa napakaraming detalye ng seremonya.Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, pakiramdam ni Eloise ay parang hind
Hindi naging madali para kay Eloise ang mga sumunod na araw matapos ianunsyo ni Scarlett ang nalalapit nilang kasal.Bagama’t nananatili siyang nasa ospital upang alagaan si Tanner, unti-unting nabago ang pakiramdam niya sa bawat sandaling magkasama sila. Hindi na iyon katulad ng dati na kaya niyang balewalain ang presensya ng binata, dahil ngayon ay bawat kilos, bawat tingin, at bawat salitang lumalabas dito ay may ibang bigat na dala.Parang sa isang iglap, hindi na siya basta Eloise na nakikitira sa mansyon ng Aldama kundi isang babae na ikakasal sa lalaking matagal na niyang minamahal, kahit hindi siya sigurado kung may puwang ba siya sa puso nito.Tahimik ang kwarto nang umagang iyon, maliban sa mahinang tunog ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Nakaupo si Eloise sa gilid ng kama, maingat na inaayos ang benda sa binti ni Tanner habang sinusubukang huwag masyadong idiin ang kanyang mga daliri upang hindi ito masaktan.“Aray,” reklamo ni Tanner, bahagyang napangiwi ka
Tahimik ang kwarto ni Tanner nang umagang iyon, maliban sa mahinang tunog ng TV na hindi naman talaga pinapanood ng binata. Nakahiga lang siya sa kama habang hawak ang remote, pero paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa gilid kung nasaan si Eloise.Abala ang dalaga sa pag-aayos ng mga gamit sa mesa, tila sinisiguradong maayos ang lahat kahit wala namang nagulo.“Kanina ka pa diyan,” puna ni Tanner.Hindi agad siya pinansin ni Eloise. Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng tray, saka inilapag ang baso ng tubig sa tabi ng kama nito.“Ano naman?” sagot niya nang hindi tumitingin.“Looking for something?”“Wala,” maikling tugon niya.Ngumisi si Tanner at bahagyang umayos ng higa. “Really?”Doon na siya napatingin dito. “Anong gusto mong palabasin?”“Wala naman,” sagot nito ngunit halatang nang-aasar. “Mukha ka lang kasing distracted.”Napairap si Eloise at akmang lalayo na sana pero bigla siyang hinawakan ni Tanner sa kamay. Napahinto siya.“Ano ba?” aniya, bahagyang kumunot ang noo habang t
Hindi agad nakapagsalita si Eloise matapos marinig ang sinabi ni Tanner. Kahit alam niyang bahagi lang iyon ng sitwasyon nila, hindi niya mapigilan ang sarili na bigyan ng kahulugan ang mga salitang binitawan nito.I want my bride to be the most beautiful woman…Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong kumirot sa dibdib niya.“Don’t worry, we’ll make her stand out,” masiglang sabi ng designer habang patuloy siyang sinusukat gamit ang tingin. “Maganda ang katawan niya, madali siyang bihisan.”Napangiti si Scarlett. “That’s exactly what I want.”Tahimik lang si Eloise habang nakatayo roon. Hindi na siya nakisali sa usapan dahil kahit anong pilit niya, hindi niya maalis sa isip ang sinabi ni Tanner.Hindi niya dapat iniisip iyon nang ganito. Hindi niya dapat inaasahan na may ibang ibig sabihin iyon. Pero bakit parang hindi iyon basta sinabi lang?Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na rin ang designer kasama si Scarlett. Naiwan si Eloise sa loob ng kwarto kasama si Tanner
Maghapon nang abala si Scarlett sa mga kontrata at legal na papeles kasama si Darius, lahat iyon tungkol sa paglilipat ng shares ng kumpanya.Hindi na niya namalayan na palubog na ang araw at kanina pa pala namatay ang cellphone niya.Samantala, si Tobias naman ay kanina pa balisa s
Habang binubuklat ni Darius ang mga papel, sandali siyang tumigil. Tumalim ang tingin niya, mahirap basahin ang nasa isip. “At ano naman ang kinalaman niyan sa akin?”Sa tapat niya, nakasandal si Dawn sa mesa, nakangiti habang may kapilyuhang kumikislap sa mga mata. “Nag-away si Scarlett at si Tobi
Nakatayo si Scarlett sa front desk ng hotel, abala sa pag-check in at pagbabayad ng bill. The soft hum of the lobby filled the air, blending with the faint scent of polished wood and fresh lilies from a nearby vase. Kakapirma pa lang niya sa huling dokumento nang isang matinis at pamilyar na boses a
Sa loob ng care facility, tahimik na kumakain ang matandang si Erenea sa kanyang kwarto. Amoy sabaw at gamot ang paligid. Sa tapat nito ay naroon, nakaupo ang tagapag-alaga rito, malumanay itong nakangiti habang binabantayan ang matanda, paminsan-minsan ay tinutulungan itong isubo ang pagkain.







