Pagkatapos lumabas ng ospital, dumiretso si Scarlett sa Scar-Bias Holdings.
Naalala pa rin niya noong siya at si Tobias ang magkasamang pumili ng pangalan ng kompanya. Noon ay pangarap pa lang nila iyon. Pero dahil sa galing niyang mag-strategize ay mabilis na lumago ang negosyo nila, at si Tobias ay nakikihalubilo na rin sa mga elite.
Mula sa opisina ng general manager, rinig ni Scarlett ang mga halakhak doon. Magaan at mapaglaro, kasunod ang malambing na tawa ng isang babae na parang nanunukso.
Hindi na kumatok si Scarlett. Dire-diretso niyang binuksan ang pinto.
Nakita niya si Vernice, nakaluhod sa harap ni Tobias at gumagalaw nang hindi na kailangang ipaliwanag pa, dahil kahit sinong makakita ay alam agad kung anong ginagawa ng dalawa.
Agad na tumayo si Vernice nang makita siya at umatras. Ang blouse nito ay bukas hanggang kalahati, litaw ang dibdib dahil sa malalim na neckline. Mapula ang pisngi, magulo ang buhok, at nakangiti ito nang matamis na parang asukal.
“Mrs. Aldama, narito ka pala,” malandi nitong bati.
Napalingon si Tobias sa asawa. Kita ang pamumutla ng mukha nito dahil sa gulat.
“H-Honey?”
Nanatili lang si Scarlett sa may pintuan, nakatayo, malamig ang mga mata habang tinitingnan ang eksena. Sa isang iglap, kumulo ang sikmura niya sa inis at pagkasuklam.
“Did I interrupt something?” sarkastiko niyang tanong. “Gusto niyo bang bumalik na lang ako mamaya kapag tapos na kayo sa ginagawa niyo?”
“What? No. My pen dropped, that’s all. She was just picking it up.” Mabilis na lumapit si Tobias at hinarap si Vernice. “Get out. Tapusin mo na ang inuutos ko sa’yo kanina.”
Hindi na umimik si Vernice. Dumaan ito sa tabi ni Scarlett, nag-iiwan ng amoy ng pabangong matagal nang naaamoy ni Scarlett kay Tobias.
The message couldn’t have been clearer.
Nagpanggap si Tobias na kalmado, kumuha ng baso at nagbuhos ng tubig. “Honey, buti dumaan ka. Alam mo bang nagugutom na ako? Tara, mag-lunch tayo sa paborito mong restaurant. Marami rin akong iku-kwento sa’yo.”
“I’m not here for lunch, Tobias. Nandito ako para pag-usapan ang annulment natin.”
Napasinghap si Tobias at tuluyan nitong nabitawan ang hawak na baso, bumagsak ang baso sa sahig at nabasag, kumalat ang tubig sa tiles ng opisina.
Napahawak pa ang lalaki sa sentido, parang pinipigilan ang sakit ng ulo. “Scarlett, hanggang kailan mo ba itutuloy ito? Naiintindihan ko kung bad mood ka nitong mga nakaraang araw, pero kung tungkol ito kay Vernice, walang namamagitan sa aming dalawa. Mali ka ng iniisip mo. Yung nakita mo kanina ay wala lang iyon. Kung gusto mo, tatanggalin ko siya ngayon din mismo.”
Hindi kumurap si Scarlett. Hindi siya pumunta roon para makipagtalo. Inilabas niya ang folder mula sa bag at inilapag nang mariin sa mesa.
“Hindi ako nandito para makipag-away o makipagtalo pa, Tobias. Pagkatapos ng annulment natin, sa’yo na ang Scar-Bias Holdings. Hindi ako maghahabol, hindi ko aangkin ng kompanya na iyan. Pero ibalik mo sa akin ang pera ko. At ibalik mo rin sa akin ang The C Alliance dahil iyon na lang ang natitirang ala-ala ng mommy ko sa akin.”
Sandaling nagbago ang ekspresyon ni Tobias. Kumunot ang panga, galit ang namutawi sa mga mata.
“We’re married. We’re in love. How can you talk about annulment!”
“Love?” mapait na tawa ang pinakawalan ni Scarlett. He called this love? Claiming her heart while sneaking around with another woman?
“Matagal ko nang desisyon ito. Ilang beses ko na rin sayo sinabi na gusto ko na ng annulment, pero hindi ka nakikinig. Pirmahan mo na ang annulment papers. Huwag mo nang patagalin pa.” Mariin niyang itinulak ang dokumento sa mesa.
Nakatitig si Tobias sa papeles, at saglit lang, may dumaan na kahinaan sa mga mata nito. “Scarlett, what are you doing? Itatapon mo na lang ba ang lahat ng meron tayo? After everything we’ve been through?”
Pero matagal nang naglaho ang pag-asa ni Scarlett sa kanilang dalawa. Nawala na iyon nang mas pinili nito ang ibang babae kaysa sa kanya, noong gabi ng kasal nila. Noong gabing aksidenteng nakasiping niya ang tiyuhin ni Tobias.
“Pirmahan mo na, Tobias. Tapusin na natin ito.”
“Tapusin?” nanginginig ang boses ni Tobias sa sakit. “Ganun na lang? After all these years, kaya mong basta na lang umalis? Mahal kita, Scarlett. Nangako akong aalagaan kita.”
Ipinikit ni Scarlett ang mga mata, huminga nang malalim, saka dahan-dahang nagsalita. “Tigilan mo na ang mga linyang iyan. Hindi ko na pinaniniwalaan pa ang salita mo, na tanging naririnig ko lang at hindi ko naman maramdaman. Hindi na magbabago ang isip ko. Ibalik mo sa akin ang The C Alliance.”
Muling nagdilim ang mukha ni Tobias. “Ikaw mismo ang nagbigay ng The C Alliance sa akin. Hirap na hirap ang kompanya ngayon, pula ang accounts. Ginagawa ko ang lahat para mailigtas ito. Kapag naituloy na ang mga major projects, ibabalik ko rin ito sa’yo. Maghintay ka lang. At pwede ba, tigilan mo na ang usapang annulment dahil hindi ako papayag kahit ano pang gawin mo.”
Doon na tuluyang naunawaan ni Scarlett ang lahat. Tama ang mga hinala niya na wala na sa asawa niya ang kompanya na minana pa niya sa yumao niyang ina. Naisangla na ni Tobias ang The C Alliance, at hindi na ganoon kadaling mabawi iyon.
“Tobias, you’re shameless! Paano mo nagawa ang bagay na iyon?!” nanginginig ang boses ni Scarlett. Alam ng asawa niya na mahalaga sa kanya ang The C Alliance, pero ginamit pa rin nito iyon na parang wala lang.
“Scarlett, we built Scar-Bias Holdings together! Mas priority dapat natin ito. Ayaw mo namang masira ang lahat ng pinaghirapan natin, hindi ba? Pansamantala lang naman ang paggamit ko sa The C Alliance. Makukuha ko ulit iyon, huwag ka mag-alala. Please, huwag na nating pag-usapan ang annulment. Ibibigay ko na lang ang kahit anong gusto mo.”
Lumapit si Tobias at niyakap siya mula sa likuran, idinampi ang mukha sa buhok niya, pilit inaamoy ang kanyang halimuyak.
Revulsion surged through her. Scarlett shoved him off and spun around, her hand striking his face with a sharp crack.
Pak!
Umikot ang ulo ni Tobias sa lakas ng tama, at limang pulang marka agad na lumitaw sa pisngi nito.
Dahan-dahan nitong itinaas ang kamay para hawakan iyon, matalim ang mga matang ibinalik kay Scarlett, naniningkit habang nakangiwi. “Ano bang problema mo?! Sinusubukan ko na ngang ayusin lahat! Ano pa ba ang gusto mo?!”
“Hindi ako ang may problema sa ating dalawa, Tobias! Ikaw… ikaw ang may gawa ng lahat ng ito kung bakit tayo nagkakaganito! Wala nang natitira sa kasal natin! Tapos na... Tapos na ang lahat!”
Habang binubuklat ni Darius ang mga papel, sandali siyang tumigil. Tumalim ang tingin niya, mahirap basahin ang nasa isip. “At ano naman ang kinalaman niyan sa akin?”Sa tapat niya, nakasandal si Dawn sa mesa, nakangiti habang may kapilyuhang kumikislap sa mga mata. “Nag-away si Scarlett at si Tobias kaya siya umalis. As Tobias’ uncle, shouldn’t you step in and play peacemaker?”Bored na napatingin si Darius sa kaibigan. “Wala ka na talagang maisip na libangan, ano?”Napatawa naman si Dawn. “Relax, binibiro lang kita. Alam ko naman na kahit pa pakasalan mo si Devine, wala ka namang pakialam sa mga issue nilang mag-asawa.”The mention of Devine wiped away the last hint of warmth from Darius’ face, leaving only cool detachment behind.Napansin ‘yon ni Dawn kaya nagkunwari itong giniginaw. Maya-maya pa ay hindi na naman ito nakatiis na hindi banggitin ang pangalang iyon. “Pero... seryoso na talaga. Sigurado ka ba talaga kay Devine? You two don’t seem like a good fit.”Hindi na ito pinasa
Nakatayo si Scarlett sa front desk ng hotel, abala sa pag-check in at pagbabayad ng bill. The soft hum of the lobby filled the air, blending with the faint scent of polished wood and fresh lilies from a nearby vase. Kakapirma pa lang niya sa huling dokumento nang isang matinis at pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan."Look who's here!"Napalingon si Scarlett, bahagyang nagulat. Bumungad sa kanya ang mukha ni Dawn, ngiti-ngiti ito sa kanya na akala mo ay may nakakatawa."Dawn..." seryosong bati niya rito."Hello, Scarlett." He gave her an easy smile, nodding toward the suitcase at her side. “What brings you here?”"Medyo may hindi pagkakaintindihan sa bahay. Kami ni... Tobias. Kailangan ko lang ng ilang araw na pahinga, malayo sa kanya."“Ah, a quarrel with him?” His brow lifted slightly. “So you’re giving each other some space?”Hindi sumagot si Scarlett. Ang katahimikan
Sa loob ng care facility, tahimik na kumakain ang matandang si Erenea sa kanyang kwarto. Amoy sabaw at gamot ang paligid. Sa tapat nito ay naroon, nakaupo ang tagapag-alaga rito, malumanay itong nakangiti habang binabantayan ang matanda, paminsan-minsan ay tinutulungan itong isubo ang pagkain.Sa bungad ng pinto, nakatayo naman roon si Scarlett, hindi makagalaw. Nakatingin lang siya sa kanyang lola, habang mabibigat na alon ng lungkot ang paulit-ulit na bumabangga sa dibdib niya. Sa bawat paghinga niya ay lalo niyang naramdaman kung gaano na kahina si Erenea... tila nawawala sa sarili, naglalakbay kung saan-saan ang isip, kung minsan ay tuluyan nang nawawala.Kung hindi dumating si Darius ngayong gabi, ayaw na niyang isipin kung ano pa ang puwedeng mangyari.Kamakailan, madalas nang mawala sa sarili ang lola niya. Pati ang sarili ay nakakalimutan na rin kung ano ang pangalan. Parang mga lobo ang mga alaala nito, lumilipad palayo, minsan bumabalik, pero kadalasan
Itinaas ni Scarlett ang kamay para takpan ang nakakasilaw na ilaw ng headlights. Biglang huminto ang sasakyan ilang dipa lang ang layo sa kanya, at muntik na siyang mabangga. Napasinghap siya, halos hindi makahinga sa kaba.Bumaba ang bintana at lumitaw ang driver, halatang nabigla ang itsura.Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay, pero natigilan nang mapansin niyang dahan-dahan ding bumababa ang tinted na bintana sa likod.There, sitting upright with a rigid composure, was a man whose presence carried a weight of authority. The familiar cold, sharp, and commanding aura.“Dar... Darius?” Nanigas si Scarlett sa kinatatayuan, mabilis ang tibok ng puso. Parang kusa siyang napatakbo palapit sa sasakyan.Bigla namang tumalim ang mukha ni Darius nang makita siya. “Gusto mo bang mamatay?” malamig at mabigat ang boses nito, halatang pigil ang inis at pag-aalala. "Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makita ang stoplight!"She had darted into the street without thought, traffic roaring aro
Maghapon nang abala si Scarlett sa mga kontrata at legal na papeles kasama si Darius, lahat iyon tungkol sa paglilipat ng shares ng kumpanya.Hindi na niya namalayan na palubog na ang araw at kanina pa pala namatay ang cellphone niya.Samantala, si Tobias naman ay kanina pa balisa sa katahimikan dahil wala man lang paramdam ang asawa. Hindi na siya nakatiis at umiretso siya sa care facility, ramdam ang bigat sa dibdib habang nagmamaneho.Pagdating ni Tobias roon, abala si Erenea sa therapy session. May caregiver na nakaupo sa tabi nito, kinakausap ito at nagtatanong ng ilang bagay para hindi mawala ang atensyon.Tahimik naman na pumasok si Tobias, maingat na hindi gumawa ng ingay para hindi magambala ang therapy. May dala rin siyang ilang paper bags na may lamang supplements, at marahan nitong inilapag iyon sa mesa.Agad na tumayo ang caregiver at magalang na bumati. “Mr. Aldama, magandang hapon po.”“Kumusta si Lola Erenea
Darius drummed his fingers against the polished tabletop, each tap sharp and deliberate. His face carried that same cool detachment that made it hard to read what went on behind his eyes.“Nang una naming palawakin ni Klaus ang negosyo sa abroad, sabay naming dine-sign itong pares ng singsing,” mahinahong sabi nito. “Naging simbolo iyon ng partnership namin. Nangako kami na hindi namin ito aalisin hangga’t buhay ang partnership sa pagitan namin. Ngayong iniligtas mo ang anak niya, ang pagbibigay niya ng singsing sayo ay paraan niya para magpasalamat sa ginawa mo.”Napangiti si Scarlett, kinuha ang singsing at iniikot iyon sa pagitan ng mga daliri niya, halatang aliw na aliw. “Mukhang masuwerte nga ako ngayong araw. Sino ba namang mag-aakala na pareho pala tayo ng singsing?”Darius didn’t respond. He simply watched her, his silence heavy enough to cool the air between them.Scarlett's smile faltered. She lowered the ring and cleared her throat, forcing a lighter tone. “Anyway… let’s ta