เข้าสู่ระบบNakangiting pumasok si Devine sa silid ni Darius, dala ang balitang nakuha niya mula sa doktor.Umupo siya sa gilid ng kama at marahang kinuha ang librong binabasa ni Darius upang makuha ang buong atensyon nito. Yumuko siya at mabilis na ninakawan ng isang maikling halik sa mga labi si Darius bago ito nginitian nang matamis. Ngunit sa kabila ng lambing ni Devine, nanatiling seryoso at walang emosyon ang mukha ni Darius. "Nakausap ko na ang doktor mo, babe. Pwede ka na raw mamasyal ngayong linggo," excited na sambit ni Devine. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Darius, ipinipikit ang kanyang mga mata habang ninanamnam ang sandaling iyon.Para kay Devine, ito ang langit. Noon, kahit magkatabi sila ay ramdam niya ang pag-ilang at panlalamig ni Darius sa kanya. Ngunit ngayon, dahil sa amnesia nito, nagagawa na niya ang lahat ng kanyang ninanais, ang yakapin ito nang matagal, hawakan ang mga kamay nito nang walang pag-aalinlangan, at angkinin ang bawat sandali na tila ba siya tala
Pagpasok pa lamang nina Scarlett sa loob ng himpilan ng pulisya, agad na nakuha nila ang atensyon ng lahat. Si Mendoza ay mahigpit pa ring nakahawak sa braso ni Magdalene na ngayon ay tila lantang gulay na dahil sa takot at kahihiyan."I'm filing a case against Magdalene Aldama for Two Counts of Frustrated Múrder and Conspiracy to Commit Múrder," deklara ni Scarlett sa malamig at matigas na boses.Napatigil sa pag-type ang pulis sa lobby nang makita ang pamilyar na mukha ni Scarlett at ang nananangis na si Magdalene. Dalawang Aldama ang nasa harapan niya ngayon. Dali-dali itong tumayo, halos matumba ang kanyang silya sa pagmamadali."M-Mrs. Aldama... Ms. Magdalene..." nauutal na sambit ng pulis. "Sandali lang, tatawagin ko lang ang Hepe. Dito muna kayo sa private office."Hindi nagtagal ay lumabas ang Chief of Police, si Col. Santiago, na mabilis na nag-ayos ng kanyang uniporme nang makita ang gulo sa loob ng kanyang presinto."Mrs. Aldama, anong nangyayari rito?" takang tanong ng Kol
Nagliliyab ang dibdib ni Scarlett habang binabaybay nila ang daan patungo sa mansyon ng mga Aldama. Nakakuyom ang kanyang mga palad at halos bumaon na ang kanyang mga kuko sa balat sa tindi ng poot.Noon pa man, alam niyang hindi siya gusto ni Magdalene para kay Tobias. Tiniis niya ang lahat ng panglalait at pangmamaliit nito noon dahil sa pagmamahal niya sa dating asawa. Pero ang pagtangkaan ang buhay niya at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan niya? Ibang usapan na iyon. Hindi niya hahayaang palagpasin ang kademonyohang ito.Agad na binuksan ng mga guwardiya ang malaking gate nang makita ang pamilyar na sasakyang paparating. Hindi pa man lubos na nakakahinto si Greg ay mabilis nang bumaba si Scarlett at naglakad nang madiin papasok sa mansyon. Ang bawat hakbang niya ay tila nagpapayanig sa sahig."Ma'am Scarlett—""Nasaan si Magdalene?" Hindi na natapos ng kasambahay ang sasabihin nang putulin ito ni Scarlett gamit ang isang matalim na tingin."N-Naroon po sa kuwarto niya, Ma'am," m
Ang unang dinampot ni Scarlett nang magising siya kinabukasan ay ang kanyang cellphone. Umaasa siyang may kahit isang maikling mensahe na galing kay Darius, ngunit gaya ng mga nakaraang araw, blangko pa rin ang kanyang inbox. Napabuntong-hininga siya at mabilis na nag-type ng mensahe.To: DariusGood morning, my love. I hope you're doing well there. Thinking of you always. Please call me when you can. I miss you.Pagkatapos i-send ang text, nag-inat siya ng katawan. Pagbaba niya sa malawak na kusina ng villa, natigilan siya.Naroon ang kanyang Lola, kasama sina Doña Elene at Don Anton. Ang tatlo ay seryosong nagkukwentuhan habang nagkakape, pero agad na naputol ang kanilang usapan nang mapansin ang kanyang pagdating."Good morning, Scarlett iha. Maupo ka na, sabayan mo kami kumain ng almusal," malambing na aya ni Doña Elene.Nakangiting tumango si Scarlett bago bumaling ang tingin kay Don Anton, na nilapagan siya ng plato, kutsara't tinidor sa harapan niya.Kinuha niya agad ang plato
Dear readers,Apat na buwan na mula nang simulan ko ang kwento nina Darius at Scarlett. Apat na buwan na rin tayong magkasama sa pagsubaybay sa pag-unlad ng kanilang kwento sa bawat saya, sakit, at pagsubok na kanilang hinarap. Tatlong araw na lang at matatapos na ang kanilang kwento.Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta. Hindi magiging matagumpay ang kwentong ito kung wala kayo. Kayo ang dahilan kung bakit nagpatuloy ako hanggang sa huling kabanata.At sa pagtatapos ng kwentong ito, sisiguraduhin kong bibigyan ko kayo ng isang magandang wakas, isang wakas na karapat-dapat sa tiwala at pagmamahal na ibinigay ninyo.Maraming salamat mula sa puso.Love,London Bridge
Dahan-dahang iminulat ni Darius ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay libu-libong karayom ang tumutusok sa kanyang ulo at ang buong katawan niya ay parang hinihigop ng kama sa tindi ng panghihina. Katatapos lang ng kanyang high-dose chemo kahapon at dinala na siya pabalik sa kanyang private room.Habang unti-unting lumilinaw ang kanyang paningin, isang mukha ang bumungad sa kanya. Isang babaeng may mahabang buhok, mapupulang labi, at mga matang tila nagniningning sa tuwa nang makita siyang nagising. Dahil sa labo ng paningin at bigat ng gamot sa kanyang sistema, hindi niya makilala ang mga detalye ng mukha nito."Scarlett..." bulalas ni Darius sa paos na boses. Hindi niya alam kung bakit, pero iyon ang tanging pangalang nakaukit sa kanyang puso at isipan sa sandaling iyon.Itinaas niya ang nanginginig na kamay at dahan-dahang hinawakan ang mukha ng babaeng nasa harapan niya."Darius," mahinang bulalas ni Devine. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi dahil sa maling pang







