登入Naalala ni Eloise ang conference, ang pagdukot sa kanya ng mga tauhan ni Sakura, at kung paano niya nabaligtad ang sitwasyon hanggang sa mapahiya si Sakura kasama si Harry. Pagkatapos noon, naalala niya ang tubig na ininom niya sa medical conference at matapos iyon, puro init at magulong pagnanasa na lang ang natira sa alaala niya.Naalala niyang dali-dali siyang lumabas, nakita si Tanner, at isiniksik ang wallet niya rito habang humihiling na tulungan siya nitong kumuha ng kuwarto. Pagkatapos noon, putol-putol na ang mga alaala niya.Parang panaginip.Isang mahaba at matinding panaginip kung saan mahigpit siyang nakakapit sa isang lalaking hindi niya halos makita nang malinaw, paulit-ulit na humihingi at tumatanggap ng init at saya mula rito. Pero malinaw pa rin sa katawan niya ang pakiramdam, ang kasiyahan, ang pagkakuntento, at ang matinding sarap na ibinigay ng lalaking iyon.Nang maramdaman niya ang bahagyang pananakit sa pagitan ng kanyang mga hita, agad niyang hinila pababa ang
Matapos ang matinding nangyari sa kanila, mahimbing na nakatulog si Eloise habang nananatili pa rin sa katawan niya ang epekto ng gamot.Nakahiga si Tanner sa tabi niya, nakasandal ang ulo sa isang braso habang seryosong pinagmamasdan ang magandang mukha ni Eloise.Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kagulo at kabilis ang nangyari sa pagitan nila. Nakakatawang isipin na noong una silang muling nagkita, halos gusto nilang patayin ang isa’t isa sa galit. Pero sa loob lang ng maikling panahon, hindi lang nailigtas ni Eloise ang buhay ng anak niya, napunta pa ito sa kama niya at hinayaan siyang mahalin at haplusin ang bawat bahagi ng katawan nito sa paraang hindi niya kailanman inakala.Hindi ba sobrang bilis ng takbo ng relasyon nilang ito?Pero kahit ganoon, hindi niya maitangging gusto niya ang pakiramdam na iyon.Sa ospital, palaging matapang at matalas si Eloise. Pero sa mga bisig niya, naging kalmado at napakalambing nito.Napangiti si Tanner sa sarili niyang iniisip habang kusa
Buti na lang at dumating agad ang elevator. Agad na isinakay ni Tanner si Eloise sa loob nito. Naiwan sandali si Yvo, natulala sa nasaksihan, bago nagmadaling pumunta sa reception para tapusin ang check-in.Wala pang isang minuto, nadala na ni Tanner si Eloise sa presidential suite na madalas niyang gamitin kapag may business trip siya.Pagpasok nila, balak sana niyang dalhin si Eloise sa banyo para paliguan ng malamig at matulungan itong mahimasmasan. Pero bago pa niya magawa iyon, biglang nagbago ang kilos ni Eloise.Bigla nitong niyakap ang leeg niya at walang babalang hinalikan siya.Tuluyang nablangko ang isip ni Tanner sa biglaang pagdampi ng maiinit at malambot na labi ni Eloise. Matagal na siyang umiwas sa mga intimate na relasyon, kaya sa mismong sandaling iyon, parang tuluyang bumigay ang pagpipigil niya.Lalo pa’t si Eloise ang kanyang kaharap. Tila bumalik siya sa nakaraan.Balak sana ni Tanner na itulak siya palayo, pero sa pagkagulat niya, aksidente niyang nasipa ang pin
Pakiramdam ni Eloise ay nagliliyab ang buo niyang katawan, na para bang may libo-libong maliliit na langgam na gumagapang sa ilalim ng kanyang balat. Doon lang napunta ang tingin niya sa bote ng tubig na nakalagay sa tabi niya.Wala sa isip niya nang kunin niya iyon mula sa lumang bahay. Nauuhaw kasi siya noon, at dahil sealed naman ang bote, hindi na siya nagduda. Pero ngayon, naisip niya na malamang nilagyan iyon nina Harry ng pampainit ng katawan para ipainom sa kanya sakaling tumanggi siya sa balak ng mga ito.Hindi niya namalayang nahulog pala siya sa bitag ni Harry.Lalong namula ang mukha ni Eloise habang unti-unting umepekto ang gamot. Halos hindi na siya makaupo nang maayos habang pilit niyang tinatapos ang presentation niya. Sa sobrang pagpipigil, nagawa pa rin niyang matapos ang lecture sa conference.Pagkababa niya sa stage, dali-dali niyang pinulot ang mga gamit niya at halos tumakbo palabas ng conference room na parang may humahabol sa kanya.Bilang doctor, alam na alam
Nang marinig ang hinihingi ni Eloise, nag-atubili si Sakura.Totoo na ilang beses na silang nagkaroon ng mainit na relasyon ni Harry, umaabot pa nga sa puntong halos masira nila ang kama sa hotel sa sobrang gigil, pero hindi pa rin siya ganoon kalaya para gawin iyon sa harap ng ibang tao.“Eloise, this is inappropriate, isn't it? I'm a woman, I have dignity too, you know? Aren't you just degrading me by doing this?” umiiyak na sabi ni Sakura habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.Ngayon lang niya trinato si Eloise nang may totoong pag galang. Nasaan kaya ang konsensyang iyon noong inutusan niya si Harry na gahasain at patayin si Eloise?Matagal na nanirahan si Eloise sa abroad at marami na siyang klase ng tao na nakilala. Dahil sa ginawa ni Sakura, alam niyang kung hindi siya kikilos ngayon, uulitin lang nito ang pananakit sa kanya.Pagbalik niya sa bansa, may bago na siyang paniniwala, hindi na siya magiging babaeng ang kabaitan ang magiging dahilan ng kanyang pagbagsak.Sa isi
“Sabihin mo kung sino ang nag-utos sa inyo na kidnapin ako,” malamig ngunit mapanganib na sabi ni Eloise.Nag-aalala siyang baka matigas pa rin si Harry at hindi magsabi ng totoo, kaya bahagya niyang diniinan ang hawak sa kutsilyo. Dumulas ang talim sa leeg nito at nag-iwan ng manipis na guhit ng dugo.Nang makita ni Harry ang sarili niyang dugo, nanginig ang kanyang mga tuhod. Hindi pala madaling target si Eloise gaya ng sinabi ni Sakura. Sa paraan pa lang ng paghawak nito sa kutsilyo, halatang mas delikado ito kaysa sa inaasahan niya.Epektibo ang pananakot ni Eloise.“Kung hindi ka magsasalita, marami akong paraan para pahirapan ka,” babala niya.“Doctor ako. I know exactly where to cut to ensure the slowest possible death.” Yumuko siya nang bahagya at mahina ang boses na nagpatuloy, “Pwede kong simulan sa pagputol ng ugat mo sa leeg, then make eighty-one precise incisions across your body. You'd bleed out drop by drop until you meet your maker.”Bahagya niyang ikiniling ang ulo ni
Isinandal ni Scarlett ang kanyang likod sa swivel chair sa loob ng opisina ni Darius. Hindi pa man pormal na nagsisimula ang kanyang araw, ngunit pakiramdam niya ay naubos na ni Magdalene ang lahat ng lakas sa kanyang katawan.Halos gabi-gabi niyang pilit na binubuo ang puzzle kung sino ang may pak
Umalingawngaw ang tunog ng takong ni Scarlett sa sementadong sahig ng lumang bodega. Sa gitna ng silid, nababanaag sa ilalim ng isang bumbilya ang leader ng grupong nag-ambush sa kanila. Nakatali ito nang mahigpit sa isang silyang bakal, habang ang tatlo pang kasamahan nito ay nakahandusay sa sahig
Dear readers,Apat na buwan na mula nang simulan ko ang kwento nina Darius at Scarlett. Apat na buwan na rin tayong magkasama sa pagsubaybay sa pag-unlad ng kanilang kwento sa bawat saya, sakit, at pagsubok na kanilang hinarap. Tatlong araw na lang at matatapos na ang kanilang kwento.Maraming salam
Pagpasok pa lamang nina Scarlett sa loob ng himpilan ng pulisya, agad na nakuha nila ang atensyon ng lahat. Si Mendoza ay mahigpit pa ring nakahawak sa braso ni Magdalene na ngayon ay tila lantang gulay na dahil sa takot at kahihiyan."I'm filing a case against Magdalene Aldama for Two Counts of Fr







