Share

CTBRH 02:

•Ariya•

"Ipagpapatuloy mo?" tanong sa akin ni Bullet at tinunga ang basong may laman ng alak. Maaga pa pero heto na naman kami sa tambayan at nag-iinuman. Hindi na nga sila pumasok sa kanya-kanyang trabaho dahil gusto nila akong samahan. "Sigurado ka bang hindi mo pagsisihan ang desisyon na iyan kung sakali man?"

Nagkamot ako sa aking mukha sa tanong niyang iyon. Wala na nga rin akong alam sa takbo ng buhay ko. Ang hirap kasi buong buhay ko ay sila daddy at mommy ang nagde-desisyon, kaya nahihirapan akong tumayo sa sarili kong paa.

Pero kung hindi ko naman pipigilan ang bagay na iyon ay mananatili ako habang buhay na anino ni Ayana at di ko nanaisin iyon. Gusto kong tumayo sa sarili kong pangalan at hindi ginagamit ang katauhan ng iba.

"Kakambal ko pa rin si Ayana, Bullet, kapag hindi ko siya tinulungan ngayon saan naman kami kukuha nang ipanggagamot niya?" Kahit may alitan kaming dalawa ni Ayana ay di ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mag-alala rito.

Malapit naman kami sa isa't-isa noong bata kami ngunit simula nang ma-hospital ito at nagpokus na lamang sila mommy sa kanya ay nagbago na rin ang turingan namin sa isa't-isa.

"Aren't you tired? Alam kong sanay ka nang saluhin ang mga problema nito pero kaya mo ba talagang ibigay ang puri mo para lang sa kakambal mo?" seryosong tanong sa akin ni Raidess. Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong dahil maski ako sa sarili ko ay hindi ko rin alam iyon.

Hindi ko gusto ngunit hindi rin naman ako makakatanggi. Sino namang tao ang gugustuhin na mapangasawa ang taong hindi niya kilala?

"Hindi ba at may savings ka naman, Ariya? Bakit hindi ka na lang lumayo sa pamilya? Hindi naman siguro nila itutuloy ang kasalan kapag wala ka na—"

Umiling ako sa sinabi ni Raidess. "Pamilya ko pa rin sila ayaw kong itakwil ako ng pamilya ko, Raidess."

Nakakintindi naman silang tumango at inakbayan ako. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa magulong ideyang pumapasok ngayon sa isipan ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang kayang panindigan ang mga salitang sinasabi ko, dahil mahina ang puso ko madali itong maawa at balak pa yatang patawarin ang lahat ng nakakasala rito.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw nang tumunog iyon. Binuksan ko iyon at nang makita ang pangalan ni papa ay kaagad kong tiningnan ang dalawa.

Pareho silang napataas ang kilay sa akin dahil sa pagtatanong. "Your dad? Bakit siya nagpapadala ng mensahe sa'yo may kailangan ba siya?"

Nagkibit-balikat ako at binuksan ang mensaheng ipinadala ni daddy. Minsanan lang ito mag-text sa akin at iyon ay kung may kailangan siya at alam iyon ni Raidess at Bullet.

Natigilan ako nang makita ang pangalan ni daddy at pangalan ng bank ko. Nagpadala nga si daddy sa akin nang hinihingi ko kanina. Sa halip na matuwa ay mas lalo akong nainis sa ginawa nito. Ibig sabihin lang no'n ay ganoon lang kalaki ang halaga ng anak niya.

"Pupunta ako sa kasal bukas," mariin kong saad sabay iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Binayaran na ako ni daddy para sa pinakamamahal nitong anak kaya wala na akong karapatang mag-reklamo. "Huwag kayong mag-alala tatapusin ko lang ang kasalang ito tas magpapakalayo na rin naman ako."

Napatingin ako kay Raidess nang ginulo niya ang aking buhok. "Huwag kang magdalawang-isip na tawagan kami ni Bullet kapag naroon ka na sa mansyon ng mga Herrera dahil kahit gaano pa sila kayaman at karami ang tauhan nila ay handa namin silang harapin kapag sinaktan ka niya."

Tumango naman ako at niyakap silang dalawa. Pagkatapos kung ikasal bukas hindi ko na alam kung ano ang kasunpd na mangyayari sa buhay ko.

"Saglit lang," mahina kong wika at lumayo sa kanila nang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay kaagad na bumungad sa akin ang pangalan ni daddy. Napabuntong-hininga ako at sinagot kaagad iyon kahit hindi ko alam ang sasabihin dito. "Napatawag po kayo? May kailangan po ba kayo?"

"Tumawag lang ako para alamin kong natanggap mo ba ang perang idiniposito ko sa iyong account?" Napakamot ako sa aking noo at tumango kahit hindi naman niya ako nakikita. Napaigtad ako nang marinig ko siyang magsalita ulit. "Ariya, natanggap mo ba?"

"Opo, natanggap ko na po. Huwag po kayong mag-alala at pupunta po ako sa kasalan bukas—"

"Uuwi ka mamaya rito para sa kasalan bukas may kinuha ang mommy mo na mga tao para pagandahin ka. Nagkakaintindihan ba tayo, Ariya?" mariin niyang saad, may pagbabanta rin sa tono ng boses nito.

Wala naman siyang magagawa kung aalis akong dala ang perang ibinigay niya, ngunit hindi ganitong klaseng tao marunong manlamang ng iba kahit marami ng ginawang masama ito sa akin.

"Sige po, dad, ibababa ko na po itong tawag dahil may kailangan pa po akong gawin—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bigla na niyang pinatay ang tawag. Naiiling naman akong ibinalik iyon sa aking bulsa.

"Hindi mo ba kami iimbitahan d'yan sa kasalan na pupuntahan mo bukas?" asar sa akin ni Bullet. Kung kasal ko lang sana ito bakit hindi? Pero hindi naman ako si Ariya nang araw na iyon at ang katauhan kong si Ayana ay wala namang kaibigan na si Raidess and Bullet.

"Kapag kasal ko na iyan kahit kayo pa iyong maunang pumunta sa altar hindi ko kayo pipigilan!" Malakas naman silang nagtawanan na dalawa at pinitik ang aking noo. Napahawak ako sa natamaang bahagi habang nakatitig sa kanila nang masama. "Huy kanina pa kayo, ah?! Namumuro na kayo sa akin mga baliw kayo!"

Tatampalin ko sana silang dalawa nang bigla naman itong magtakbuhan palayo sa akin. Naiiling ko silang sinundan ng tingin sana lang ay magkaroon pa rin ako nang oras para makausap at makasama silang dalawa kahit na may asawa na ako.

Sana lang din at walang magiging problema para pagkatapos ng isang gabi na mamagitan sa amin ni Ashton ay makakabalik din ako kaagad.

Wala akong balak na magtagal doon at baka palagi na lang akong nasa bahay. Ang boring ng buhay na iyon. Ano naman ang gagawin ko sa bahay? Maghihimtay na dumating ito tuwing gabi at umaga pata pagsilbihan ito? Not so me.

Madali lang ang buhay na iyon para sa iba ngunit para sa akin ay hindi. Mas gusto kong makipag-race hanggang abutin ako ng pagod. Gusto kong mag-travel para mawala ang stress sa buhay ko

Bumalik ako sa reyalidad nang bigla akong kalabitin ni Raidess. "Uuwi na kami dahil may pinag-uutos pa sa akin si mama. Dito ka lang ba muna?" tanong niya sa akin.

"Dito na muna ako magpapakalma. Aalis din ako rito mamaya pagkatapos," nakangiti kong saad. Tumango naman silang dalawa sa akin at ginawaran ako ng h***k sa pisngi bago tuluyang nagpaalam.

Mag-isa na naman ako. Ramdam ko na naman ang lungkot sa buhay ko na dinaranas ko ng ilang taon. Ang kinikimkum kung galit at poot sa puso ko ay hinayaan ko nang makawala. Wala nang ibang tao rito kaya tiwala akong walang makakakita sa akin. Walang sisita sa gagawin kong pag-iyak dahil wala namang maiingayan doon.

"All I want in life is fairness and happiness please give it to me," malungkot kong saad sabay tingala sa kalangitan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status