Share

Carrying The Billionaire's Real Heir
Carrying The Billionaire's Real Heir
Author: MissBangs001

CTBRH 01:

•Ariya•

"You need to marry Ashton Herrera, A*i, and that's an order!" pasigaw at mariin na saad ni daddy. Ang baritonong boses nito ay dumagundong sa loob ng aming bahay. Nanginginig na ang tuhod ko habang tinitingnan silang dalawa ni mommy.

Ngayon lang ako nasigawan ng aking ama dahil sa kapabayaan ng kakambal ko. Kung hindi lang sana ito nagpunta ng club para magliwaliw bago ang kasal nito edi sana hindi ito nagalaw ng ibang lalaki bukod sa mapapangasawa nito.

Simula bata sila ay palagi na lang itong gumagawa ng mga maling bagay at pagkatapos ay pinapaayos sa akin. Nasanay kasi ito na palaging pinagtatanggol ni daddy kaya hindi na nito alam ang tama sa mali. Kapatid ko nga siya pero aaminin ko na lumaki itong suwail na anak, ngunit hindi naman nila nakikita ni mommy at daddy.

Palagi nilang rason ay hayaan na lang daw dahil bilang lang daw ang mga araw niya rito sa mundo.

"Dad, you're so unfair! Palagi na lang ako ang naglilinis sa pangalan ni Ayana. Hindi ko alam kung bakit pati ito ay kailangan kong gawin." Gumaralgal na ang boses ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Mahal na mahal ng mga magulang ko si Ayana dahil simula noong bata kami ay siya itong palaging masakitin kaya nga balak nilang ipakasal sa bilyonaryong si Ashton kahit limang taon ang tanda nito sa amin.

Dalawamput-walong taong gulang na ito samantalang kami ni Ayana ay dalawamput-tatlong gulang pa lamang. "Hindi ko po gusto ang lalaking iyon—"

Napahawak ako sa aking mukha nang maramdaman ko ang malakas na sampal ni daddy. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya at malungkot na ngumiti.

"Huwag mong hadlangan ang kasiyahan ng kakambal mo, Ariya, kayo lang ang magtutulungan sa mundong ito!" galit nitong wika. Tumaas-baba na rin ang d****b nito halatang hindi na nagugustuhan ang nangyayari, pero hindi rin naman ako pwedeng tumigil dito at ang kasiyahan ko naman ang mawawala. "Pakasalan mo si Ashton Herrera—"

"Bakit hindi na lang pakasalan ni Ayana ang lalaking iyon? Hindi ba siya naman talaga ang may gusto kay Ashton? Hindi naman mahalaga kung birhen pa siya—"

"Shut up, Ariya Luna Mendoza! Ang gustong maging asawa ni Ashton ay ang mga birhen na babae at hindi na pwede ang kapatid mo." Sa tingin ko ay napuno na ito lalo na at kinumpleto na niya ang pangalan ko. Kinamot pa nito ang noo niya habang nakatingin sa may ceiling. "Ang kailangan mo lang ay pakasalan si Ashton at ibigay sa kanya ang hinahanap niya at pwede ka ng umalis kinabukasan dahil papalitan ka na ni Ayana."

Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya. Ano ba ang tingin ni daddy sa akin? Isang bagay na kapag natapos gamitin ay pwede ng itapon dahil may ipapalit naman?

Hinaplos ko ang aking mukha nang makaramdam ako ng ginaw roon. Ang bawat init na patak ng luha galing sa aking mga mata ay gumiginaw na habang dumadampi sa aking mukha.

"Hindi ko alam kung ano ang tingin niyo sa akin. Ilang beses kong itinanong sa sarili ko kung bakit magkaiba anf turing niyo sa aming dalawa! Pero wala na akong pakialam doon ngayon, dahil kahit anong gawin ko hindi niyo naman ako sasagutin 'di ba?" galit kong. bulyaw sa kanya. Napahawak ako sa aking sentido sabay buga ng hangin. "Limang milyon, dad, kapalit ng pagpapakasal ko sa lalaking iyon. Kapag binigyan mo ako ng ganyan kalaking halaga bukas nang umaga ay sisipot ako sa kasalan na iyan." Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Ngayon lang ako humingi ng pera para sa gagawin kong iniutos niya sa akin.

May rason kung bakit ako humihingi ng pera sa kanya. Ito na ang huling pagkakataon na lilinisin ko ang pangalan ni Ayana. Ito na rin ang huling tulong na ibibigay ko sa kanya, dahil pagkatapos ng araw na ito ay aalis na ako sa mansyon na ito at mamumuhay na akong mag-isa.

"Anong gagawin mo sa malaking halaga na iyan, Ariya?!" Nagdikit ang kanyang dalawang kilay habang nakatitig sa akin. Hindi ako nagpatinag at tinitigan din siya nang mabuti. "Nandito ka sa bahay ko at ako ang nagpapakain sa'yo. Hindi mo kailangan nang ganoong kalaking halaga kung nakatira ka naman sa bahay ko."

"Do you think I can still live here after doing this? No, dad! That's impossible. Kung pwede ko lang patayin ang sarili ko pagkatapos makuha ng lalaking iyon ang iniingatan ko ay gagawin ko," galit na sigaw ko sa kanya.

Pumagitna na sa amin si mommy at inaawat ako. Naaawa naman ako kay mommy lalo na at siya palagi ang dumadamay sa akin kapag sinisigawan o pinapagalitan ako ni dad.

"Ariya, kumalma ka, hija, alam mo naman na may sakit ang iyong ama hindi ba?" mahinahong saad ni mommy. Nakapulupot ang kamay nito sa bewang ng aking ama habang hinahaplos ang likuran nito ng una.

Sarkastiko akong natawa at tiningnan silang dalawa. Sa sobrang kabaitan ko halos ibigay ko na sa kanila ang lahat ngunit hindi naman sa lahat ng oras ay maibibigay ko ang hinihingi nila pero bilang pagtanaw na rin ng utang na loob dahil isinilang ako sa mundong ito dahil sa kanilang dalawa ay pagbibigyan ko ang mga ito.

"Iyon lang ang maio-offer ko sa inyo, mom, kung hindi niyo iyon maibibigay sa akin ay hindi ko rin maibibigay sa inyo ang hinihingi ninyo. Alam ko ang rason kung bakit atat kayo na magpakasal si Ayana kay Ashton."

Pareho silang dalawa na natigilan at napatingin sa akin. Muntik nang bumagsak ang kompanya namin kung hindi lang dahil sa ama ni Ashton at dahil ayaw ni daddy na mawala ang malaking suporta nito ay pinili niyang ipagkaloob ang anak niya rito at dahil nga may gusto si Ayana rito ay siya ang napili ni dad na magpakasal, lalo na at makakatulong ang pera ni Ashtons sa pagpapagamot sa kakambal ko.

Hindi lang nila inaasahan na ang little saint nila ay makakagawa ng malademonyong bagay. Mula pagkabata namin lahat ng sinasabi nito ay tama at lahat naman ng mali ay dapat kung pagtakpan.

Lumaki ako sa nanay lola ko sa isang maliit na isla kaya kaunti lang ang nakakakilala sa akin.

"Anak, ang laki ng limang milyon kakaayos pa lang ng daddy mo ng kompanya," mahinang saad ni mommy at pinipilit akong abutin.

Nagkibit-balikat ako at lumalayo rito para hindi niya ako mahawakan. Ayaw kong mapalapit dito dahil bigla akong nanghihina at magagawa ko na lang ang lahat ng gusto nila. Kahit naman hindi ako malapit sa kanila ay mga magulang ko pa rin sila at isang yakap lang ng mga ito ay mapapaamo na nila ako.

"I'm sorry, mom. Tawagan niyo na lang ako kapag nakapag-desisyon na ako kailangan ko pang puntahan si Raidess at Bullet," usal ko at mabilis nang naglakad palayo sa kanila.

Hindi ko kayang magalit sa kanila ng husto dahil kahit balik-baliktarin ang mundo magulang ko pa rin sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status