Share

THREE

Aniesha's POV

PAGKARATING namin sa kompanya ay ramdam ko ang tinginan ng mga ka-trabaho ko. Kakabukas pa lang ng kompanya kaya abala ang lahat sa kani-kanilang departamento at kasalukuyan silang nag-i-interview ng mga aplikante.

Marahil ay galit sila sa 'kin dahil mismong sa bibig ko noon nanggaling na ayaw ko na may nale-late ni isang minuto sa pagpasok sa trabaho pero heto ako ngayon, mahigit isang oras nang late. 

"You're scared, aren't you?" biglang tanong ni Montenegro dahilan para makagat ko ang pang-ibaba kong labi. 

"It's kinda weird. Bakit no'ng nalaman mo na kamag-anak ko si Uncle Philip nag-iba na rin 'yong treatment mo sa 'kin? Like, I'm still Montenegro, Montenegro that you used to scold before," natatawang dagdag niya.

Hindi agad ako naka-imik. Bakit pakiramdam ko laging sarcastic ang tono ng pananalita niya sa 'kin?

"Ah.. h-hindi naman," kamot ulong sabi ko.

Kasalukuyan siyang nakatingin sa 'kin. Tila ba may inaantay na mayroon pa akong idudugtong sa mga sinabi ko. Mabuti nalang at biglang bumukas ang elevator dahilan para muli akong makapagsalita.

"N-nandito na tayo," pilit na nakangiting turan ko.

Nauna akong naglakad palabas ng elevator habang siya naman ay nasa aking likuran. Hindi ko 'man alam kung nasaan ang kanyang opisina ay nauna pa rin ako sa paglalakad. Nahihiya at hindi ako komportable sa presensya niya. 

Hindi ko alam pero magmula nang malaman ko na mayaman ang pamilya niya ay tila ba nanliit ako sa sarili ko. 

"Where are you going? My office is over here, stupid."

Maka-stupid naman 'to! Namumuro na 'tong lalaking 'to sa 'kin ah! Namumuro na 'to!

Umirap nalang ako sa ere at muling tinahak pabalik sa opisina niya ang aking sarili. Nang makapasok ako sa 'kanyang opisina ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Ang ganda nang disenyo ng kanyang opisina. Halos lahat ng mga furnitures at pintura ng kanyang opisina ay kulay itim. Kung may makikita ka mang ibang kulay ay gold at silver lang ang mga 'yon.

"Ang ganda ng office mo, Monte—Sir, Montenegro," I corrected.

I heard him chuckled then walked near me. Nang maramdaman ko ang dingding sa aking likuran ay gano'n nalang ang gulat ko nang iharang niya ang kanyang sarili sa 'kin at kinulong ako gamit ang kanyang mga kamay.

Hindi ako nakakilos.  Napakabilis ng galaw na ginawa niya! Wala akong ibang nagawa kung hindi ay ang lumunok at tignan siya sa 'kanyang mga mata pababa sa 'kanyang adams apple.

"Enjoying the view?" natatawang tanong niya pagkatapos ay may narinig akong tumunog at nang ma-realized ko na binuksan niya ang chandelier ay naka-hinga ako nang maluwag.

Umalis siya sa aking harapan at dahan-dahang naglakad papunta sa 'kanyang swivel chair. Nang makaupo siya ro'n ay agad niya akong tinawag dahilan para bumalik ako sa aking katinuan. 

"Start organizing my meetings and also don't forget to answer the phone calls. But I think hindi na kita kailangan pang i-briefing, right? You already know what to do, I guess?" aniya dahilan para tumango ako agad. 

"Y-yes, Sir!" wika ko. 

"You may now leave. I'll call you using the intercom whenever I need something from you," seryosong sabi niya samantalang ako naman ay nag-umpisa nang lumabas sa 'kanyang opisina. 

Inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga papers na ibibigay ko kay Montenegro. Oras ang lumipas ay break time ko na at ng ibang mga head department. Nang makapasok ako sa faculty room ay dinig ko ang bulungan ng mga dati kong ka-trabaho. Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha na sa ref ang pagkain na baon ko pagkatapos ay dumiretso sa office ko na malapit sa opisina ni Montenegro.

Hindi ko mapigilang huwag maluha nang mapansin kong mag-isa lang pala ako dito. Ang iba kong mga ka-trabaho ay masasayang nagku-kwentuhan sa faculty samantalang ako ay mag-isa dito. 

Pinunasan ko ang aking mga luha at suminghot. At least I realized something, wherein power is nothing without love. Aanhin mo ang mataas na posisyon kung hindi ka naman mabait sa mga kasamahan mo o 'di kaya ay hindi ka mahal ng mga taong nakapaligid sa 'yo?

"Such a crying baby," natigil ako sa pagpupunas ng luha habang kumakain nang marinig ko si Montenegro na nagsalita sa aking harapan. Hindi ko manlang napansin ang presensya niya. 

Tumingin ako sa 'kanya na animo'y kinakabisado ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Kumunot ang kanyang noo at binasa ang kanyang pang-ibabang labi.

"Falling for me, huh?" natatawang aniya.

Natigil ako sa pagpapasada ng tingin sa buo niyang mukha at ibinaling ang aking paningin sa ibang puwesto.

"A-asa ka!" utal na sigaw ko.

I heard him chuckled then heaved a deep breath. "I don't want to see my employee eating alone. Let's go," turan niya pagkatapos ay naunang naglakad sa akin subalit tila ba naestatwa ako sa aking puwesto dahil hindi agad ako nakasunod sa 'kanya. Huminto siya sa paglalakad at muling lumingon sa akin nang mapansin niyang hindi ako nakasunod sa 'kanya.

"Stupid woman. I said let's go!" iritadong aniya habang umiiling-iling.

Naiinis 'man dahil sa sinabi niya ay wala akong ibang nagawa kundi ay ang sumunod sa 'kanya. Nang matanaw ko ang faculty ay bigla akong napahinto sa pagsunod ko kay Montenegro.

Ayaw kong mapag-usapan akong muli ng mga ka-trabaho ko lalo na't alam kong may dahilan naman sila kaya nila ako tina-trato nang ganito. 

"Mauna k-ka na muna ho, Sir Montenegro," kamot ulong wika ko, nag-iisip ng maaaring maging dahilan para hindi ako makasama sa 'kanya sa loob ng faculty. 

"Why? You're going somewhere?" takang tanong niya. 

"Doon nalang po ako sa puwesto ko kanina," ani ko hinihiling na pumayag siya dahil hindi ako komportable sa mga presensya nila.

"Still not comfortable when I'm around, huh?"  nakangising tanong niya na siyang naging dahilan nang pag-irap ko sa ere. 

"Huwag kang assuming, Sir," naiiritang sabi ko. 

Hindi lang naman siya ang dahilan kung bakit hindi ako kmportable pumunta sa faculty dahil marami silang DAHILAN. 

"Let's go, then." Aniya pagkatapos ay hinila ako papunta sa loob ng Faculty. 

"Good Afternoon, Sir!" sabay sabay na bati nila Jeff, Martha at nang iba pang mga kasamahan namin. 

"Good Morning, everyone. Allow me to take this opportunity to ask you, guys. Hindi ba kayo komportable sa isa't isa?" tanong ni Montenegro na siyang naging dahilan nang pagtago ko sa 'kanyang likuran na animo'y isa akong bata na naagawan ng candy at agad na nagsumbong sa magulang ko.

"Komportable naman po, Sir Jaxson. Bakit mo po natanong?" takang tanong ni Arianne. 

"May perpekto ba sa inyo?" biglang tanong ni Montenegro sa mga kasamahan namin na siyang ikina-taka naming mga empleyado niya. 

Kahit sino naman siguro magtataka dahil bigla niyang tinanong sa mga kasamahan ko gayong iba naman ang pinag-uusapan namin. 

"Sir?" ani Martha. 

"Do I still need to repeat my question even if it's obvious that you heard what I've said a while ago?" seryosong tanong ni Montenegro. 

"No, Sir. Wala naman pong perpektong tao," ani Jeff. 

"Precisely! Then bakit niyo pinag-uusapan si Ms. Zarzuela t'wing nakatalikod siya sa inyo? Do you really think that I do not notice you guys every time you're backstabbing her?!" halos pasigaw na ani Montenegro. 

"Hindi na kayo mga bata! I don't want any misunderstandings again when I come back here. Make sure that I will not feel any awkwardness between y'all anymore. I'm leaving," turan niya pagkatapos ay umalis na sa aming harapan. 

Halos lahat kami ay nakahinga nang maayos nang umalis si Montenegro sa aming harapan. Lalong hindi makita ang singkit niyang mga mata kaninang galit siya.

"Pasensya na sa inakto namin sa 'yo, Ma'am," wika ni Jeff habang sumasang-ayon ang mga kasamahan niya sa 'kanyang likuran. 

Pinatigil ko muna sila sa paghingi ng paumanhin sa 'kin bago ako nagdesisyong magsalita, "Hindi niyo naman kailangang humingi nang paumanhin sa 'kin. Sa katunayan, ako nga dapat ang humihingi nang paumanhin sa inyo dahil sa inasal ko noon sa dating kompanya na pinagta-trabahuan natin. Pasensya na talaga," I uttered. 

Totoo naman 'yon. Wala silang ginawang masama sa 'kin noon dahil ang totoo ay ako ang pinaka-nagkaroon ng kasalanan dahil sa inakto at inasal ko noon sa kanila. 

Ilang minutong pag-uusap ang naganap sa pagitan naming lahat. Masaya ako dahil sa wakas ay napatawad na nila ako sa kabila nang mga bagay na nagawa ko. 

PAGKA-UWI ko sa bahay ay nagulat ako nang makita kong gulo-gulo ang bahay namin. Iyong lamesa namin ay nakatumba habang 'yong mga upuan at iba pa naming mga gamit ay kung saan saan nakalagay na animo'y nalooban kami ng masamang tao. 

"Ma?! Kuya?! Simon?! Anong nangyari sa-," hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang bigla kong makita ang pamilya ko na pare-parehong umiiyak sa kwarto ko. 

Nagtataka at natatakot 'man subalit pinilit ko ang sarili ko na umaktong malakas. "Anong nangyari sa bahay natin? Bakit wala 'yong iba nating mga gamit?" walang ka-ide-ideya na tanong ko. 

Rinig ko ang iyak nang pamangkin ko na anak ni Kuya na halatang nagugutom maging ang pamilya ko. Segundo ang lumipas bago nagdesisyong magsalita ang isa sa kanila. 

"A-ate si M-mama. Kinuha ng taong pinagkakautangan niya 'yong i-iba nating m-mga gamit. L-lubog tayo sa u-utang, Ate! 3 Milyon ang utang ni Mama!" humihikbing wika ng kapatid ko na siyang nagpabagsak ng mga balikat ko maging nang mga luha ko.

"M-ma! Bakit naman ganyan, Ma?! Hindi sa nagsusumbat ako p-pero... nagpapakakuba na ako kaka-trabaho para mabigay ko lahaaaat ng gusto niyo pero hindi pa rin pala sapat 'yon?! S-sana nagsabi ka nalang sa 'kin! Bakit naman umabot pa sa puntong naging ganyan kalaki 'yong utang mo?!" umiiyak na sabi ko. 

Buong akala ko sapat na 'yong perang binibigay ko sa 'kanya araw-araw pero hindi pa rin pala sapat 'yon? Sinusubukan kong maging malakas araw-araw eh. Sinusubukan ko naman pero bakit t'wing sinusubukan ko mabibigat na problema ang nakakasalubong ko?

"P-pasensya na, Anak!" umiiyak na aniya. 

"Ma! Tatlong milyon 'yon, Ma! Mababayaran ba niyang sorry mo 'yong tatlong milyon na 'yon? Ano ba kasing ginawa mo't umabot nang ganon kalaki 'yong utang mo?! Ano? Binibigay mo sa mga naging lalaki m--," hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang bigla niya akong sampalin sa harap ng mga kapatid ko. 

Buong buhay ko never akong napagbuhatan ng kamay ni Mama dahil lahat ng gusto niya ginawa ko. Naging mabuti akong anak na ultimo ipapambili ko nalang ng mga gamit ko eh mas pinili ko pa ring ibili ng gamit niya at nang mga kapatid ko! 

"Huwag na huwag mo 'kong sumbatan sa mga perang binigay ko sa mga naging nobyo ko dahil kusa mong binigay sa 'kin ang mga perang 'yon! Oo! Hindi pa rin sapat lahat ng pera at bagay na binigay mo sa 'kin! Kulang pa 'yon sa lahat ng sakripisyong ginawa ko para lang makapag-tapos ka ng kolehiyo't makahanap ka ng trabaho mo!" sigaw niya dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit!

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumawa ng mapakla sa harapan siya, "Oo nga pala, kahit ano namang effort ang gawin ko para maging masaya ka eh wala namang talab sa 'yo, eh! Ma! Sawang sawa na 'ko, Ma! Ni minsan ba tinanong niyo 'ko kung kamusta na ba ako? Kung ano nang nangyayari sa buhay ko? Hindi 'di ba?! Kasi wala kayong pakialam sa akin!" lumuluhang wika ko. 

"Tigil tigilan mo 'ko sa pag-iyak mo, Aniesha! Ikaw ang malas sa buhay ko! Sana noon pa lang pinatay na kita sa sinapupunan ko para hindi naging ganito ang buhay ko! Letche!" sigaw niya pagkatapos ay sinanggi ako't iniwan na nakatingin sa kawalan.

"Ate, sorry," umiiyak na ani Simon pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit. Dinaluhan naman kami ng panganay kong kapatid at ng kanyang asawa't anak para yakapin din ako. 

Buong buhay ko naging mabuting anak at kapatid ako pero bakit ganito ang balik sa 'kin lahat ng mga kabutihang bagay na nagawa ko para sa pamilya ko?

"Ako na ang humihingi ng tawad sa mga nasabi ni Mama, Aniesha." wika ni Kuya habang nagliligpit kami ng mga gamit namin dito sa bahay. 

"Ayos lang, Kuya. Sanay naman na 'ko. Umabot pa sa puntong manhid na pati puso ko," pilit na nakangiting wika ko pero sa totoo lang ay naiiyak na ako. 

"Baka na-stress lang si Mama kaya gano'n ang mga salitang nasabi niya sa 'yo kanina. Intindihin mo nalang," ani Kuya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. 

I chuckled then shook my head, "So ibig sabihin taon taon siyang stress? Kuya 'wag mo nang linisin ang pangalan ni Mama sa 'kin. Kahit mahirap siyang intindihin, iintindihin ko pa rin siya huwag kang mag-alala. Kasi pagbali-baliktarin 'man ang mundo nanay ko pa rin siya eh... at mahal ko pa rin siya," halos maiyak na turan ko. 

Hindi na muling umimik pa si Kuya dahil pareho nalang naming inabala ang sarili namin sa paglilinis ng bahay. 

Sa kabila nang masasakit na salitang nasabi mo mahal pa rin kita, Mama. Mahal na mahal. 

itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status