Share

CHAPTER 37

Nagulat ako ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Teka kilala niya ako?

Napatingin din si Albert at Gabo sa akin, nagtataka rin siguro dahil kilala ako ng babaeng bampira na nasa harapan ko.

"Kilala mo ba ang bampirang 'to?" Takang tanong ni Albert. Umiling-iling ako at tumingin muli sa babae.

"Sino ka?"

"Hindi na importante kung sino ako. Kailangan kong makita si Ms. Hevean."

Mas lalo kaming nagtaka ng kilala niya si Hevean. Hindi kaya may kinalaman ito tungkol sa ama ng pinagbubuntis ng best friend ko?

"Sino kaba? At paano mo nakilala si Hevean?"

Huminga ito ng malalim.

"Alam kong di niyoko maaalala dahil ako ang kumuha ng mga alaala niyo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Paano?

"Sasabihin ko ang lahat pero kailangan ko munang masigurong okay lang si Ms. Hevean." Seryosong sabi nito. Nagtinginan kaming tatlo ni Albert at Gabo.

Umalis si Gabo at di kalaunan ay bumalik nadin bilang isang tao. Naka short lang ito at na eexpose ang topless niyang katawan. Kitang kita ang ganda
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status