Share

CHAPTER 6

Mas binilisan ko pa ang takbo habang hila parin si Zia, hingal na hingal kami ng makarating kami sa harapan ng gate. nilingon ko ang mga lalaki ngunit bakit wala? Nandoon lamang sila kanina pero bakit walang tao sa dinaanan namin? Baka praning lang ako kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Nakita ko talaga sila kanina. Saan nag punta ang dalawang lalaking yun?

"Ano kaba naman Hevean! Bat kaba nang hihila ha?" habol ang hihiningang reklamo ni Zia, hinabol ko muna ang hininga ko bago nag salita.

"May nakita kasi akong mga lalaki kanina, akala ko lalapitan nila tayo kaya hinila kita kaagad." paliwanag ko. Tiningnana niya naman ang dinaanan namin at kunot noo na tumingin saakin.

"Wala naman a, nako ikaw Hevean wag mo akong pinaglololoko ha!"

Inirapan niya ako at nauna na siyang pumasok ng gate, huminga muna ako ng malalim bago tumingin ulit sa dinaanan namin kanina ni Zia. Naka pagtataka talaga, nandun lang sila kanina tapos bigla nalang nawala, guni-guni ko lang siguro talaga yung nakita ko.

Pumasok nako ng gate at nilock iyon, pumasok narin ako ng bahay, naka upo lang si Zia sa couch habang kinakain ang binili niya galing sa tindahan, di man lang ako niyaya kumain, tsk damot!

Napatingin ako sa pinapanuod niya.

"Kakapasok lang ng balita...... may tatlong babaeng natagpuan na wala nang buhay sa likod ng isang bar malapit sa *********, di umano isang lalaki ang gumawa nito sa mga biktima . Nagtataka naman ang mga awtoridad dahil wala man lang silang galos o sugat maliban sa nasabing dalawang butas sa leeg ng tatlong biktima. Sa ngayon nag iimbestiga pa ang mga pulis sa nangyari."

Napangiwi naman ako sa napanuod ko, baka adik ang gumawa nun? Hay nako mga ang babae kasi ngayon puro inom at gala sa dis oras ng gabi.

"Wag kang gagala pag gabi Zi, baka mabutas din leeg mo." sabi ko habang naka tingin parin sa tv.

"Sino kaya satin ang kakadating lang? Ako ba?"

Aba't talaga naman, hindi talaga mauubusan nang sasabihin ang babaeng to.

"Che!!" sabay irap at nag lakad palayo.

Tumungo na ako sa kwarto ko at naligo, ang lagkit ng pakiramdam ko kaya naligo nalang ako kahit alam kong hindi agad matutuyo ang buhok ko.

Pag baba ko wala na si Zia sa couch. Mukang pumasok na siya ng kwarto, may dalaw pala siya kaya ansungit.

Tumungo ako ng kusina at kumuha ng tubig. Busog pa naman ako kaya bukas ng umaga nako kakain, may trabaho na pala ako bukas. Parang andali lang ng dalawang araw na day off ko. Agad akong pumasok sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

Napabangon ako ulit, ano ba yan! Bakit siya lumalabas kapag pipikit ako, ginayuma bako ng lalaking yun? Napahawak ako sa mga labi ko. Totoo ba talaga ang nangyari kanina?

Kinuha ko ang unan at sinuntok-suntok. Nagsisisi ako na diko maintindihan. Bakit ako nakipag halikan sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala? Gosh!! I hate you self!

Humiga nalang ako ulit sa kama at naka tingin lang sa kisame.

"Magkikita pa kaya ulit kami?" tanong ko sa kawalan.

Napa sampal ako sa noo ko, 'talaga ba Hevean?' Gusto mo pa talagang makita ang lalaking yun? Umiling-iling nalang ako at pinikit na ulit ang mga mata. Buti nalang nawala na siya sa isip ko. Niyakap ko ang unan at nag simula ng matulog.

PAG gising ko nang umaga agad akong bumangon at pumasok ng Cr para maligo. Bakit ganun? Bakit parang may katabi ako matulog kagabi? Parang may naka titig kasi saakin at feeling ko may humahaplos sa buhok ko. Diko na talaga alam mga nangyayari saakin. Andami ko ng nararamdaman na hindi naman totoo. Kagaya nung dalawang lalaki kagabi. Baka nababaliw na talaga ako, siguro dahil to sa kiss nung lalaking yun! Tama, siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari saakin to!

Pag tapos kong maligo bumaba na ako agad at wala na si Zia, maaga ata siya ngayon. Pumunta nalang ako sa kusina at tiningnan kong may niluto siya bago umalis. May itlog, hotdog at fried rice na naka handa sa mesa. Mukang kakaalis niya lang dahil mainit pa ang fried rice.

Pagtapos kong kumain ay agad akong nag toothbrush at umalis ng bahay. Muntik ko pang makalimutan 'e lock ang gate, baka may umakyat na magnanakaw sa bahay namin. Sabagay wala naman siyang makukuha dun, pwera sa tv at mga gamit.

Sa likod ako ng restaurant dumaan at pumasok sa staff room at nag bihis ng apron at hair net. Kasabay ko din ang ibang katrabaho ko. As always galit nanaman ang manager namin.

Natapos ang trabaho ko at naghihintay nalang ako ng sasakyan pauwi. Sumasakit nanaman ang paa at bewang ko. Anhirap talaga kapag tatayo buong araw, walang pinag kaiba sa sales lady ang trabaho namin.

Napa tingin ako sa paligid dahil parang may nag mamasid saakin. Hindi talaga ako nag kakamali sa instinct ko, I trust my instincts kaysa sa sarili ko.

Napatingin ako sa bandang kaliwa dahil parang may taong naka tingin sa aakin mula roon.

Maglalakad na sana ako papunta doon ng may bumusina sa harapan ko.

"Sasakay po ba kayo ma'am?" Agad na tanong ng taxi driver.

"Ahh, opo." Sagot ko at pailang na ngumiti, binuksan ko ang backseat at sumakay.

Bago paman makaalis ang taxi sa lugar na yun ay may nahagip ang mata ko sa lugar kung saan parang may naka tingin saakin.

Isang anino ng lalaki ang nakita ko, hindi ko maaninag ang muka niya dahil madilim sa kinatatayuan niya. Tama nga ako, may tao nga doon. Hindi talaga nagkakamali ang instinct ko. Napakunot ang noo ko dahil parang kumaway ito saakin.

Kumurap-kurap ako ng ilang beses pero wala na ang taong naka tayo doon. Namamalik mata nanaman ba ako o totoo talaga yun?

'Hindi nag kakamali ang instinct mo Hevean kaya totoo ang nakita mo.'

Sino ang taong yun? Hindi kaya siya yung isang lalaking lalapit sana saamin kagabi? Sinusundan niya ba ako? Kung totoo man ang hinala ko, kailangan kong mag ingat. Baka isang araw ako na ang ibalita sa tv na wala ng buhay sa kung saang damuhan. Napa kuyom ako ng kamao sa takot at kaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status