Share

CHAPTER 5

"What? Anong date ang pinag sasasabi mo?" agad na angal ko.

"Date. Like couples do." walang gana nitong saad at tumayo. naglakad ito palayo kaya agad akong tumayo upang habulin siya. Hindi niya akong pwedeng iwan dito.

Nasa likod niya lang ako naka buntot, hindi parin nagegets ng utak ko yung date na sinabi niya kanina, kakakilala lang namin date agad? mas mabilis papala siya kay flash kung ganun?

Napahinto ako ng mabunggo ako sa likod niya, napa hawak naman ako sa noo ko. Bakit huminto? Napatingin ako sa kanya dahil naka tingin siya ngayon saakin habang naka kunot ang noo.

Ano nanaman bang problema nang lalaking to ngayon?

"Who the fuck is flash?" medyo sigaw at seryosong tanong niya. Teka nasabi ko ba kanina yung nasa-isip ko?

"tsk." tinalikuran niya na ako at nagsimula nanamang maglakad, kung alam ko lang pasikot-sikot sa lugar nato baka kanina pako lumayo sa kanya at nagtatatakbo kung saang parte nitong bahay. Kaloka!

Napadpad kami dito sa third floor at naka upo lang dito sa may terrace.

Bakit ba ako dinala ng lalaking to dito?

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin nalang sa napakagandang view mula rito. Kitang kita dito ang buong city. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga ganito kagandang tanawin, dati rati--

"It's beautiful isn't?" Napalingon ako sa kanya. Hindi siya saakin naka tingin kundi sa malayo.

Tumango ako " Oo, maganda nga. Kahit araw-araw ko pa sigurong tingnan ang tanawin nato hinding-hindi ako mag sasawa."

Hindi siya umimik kaya tumahimik nalang din ako. Na miss ko din ang pakiramdam na ganito, yung walang iniisip at prinopoblema.

Ilang oras din kaming nandito at naka tingin lang sa mga tanawin, ayaw ko pa din namang umuwi. Gusto ko pang makita ang pag lubog ng araw.

Unti-unti ng lumulubog ang araw sa dagat, halos hindi ko na matandaan nung huli akong maligo sa dagat.

Ang pag lubog ng araw na ata ang napaka gandang nakita ko ngayong araw. Ngumiti ako at pumikit, dinamdam ko ang malamig na hangin.

Sana ganito nalang araw-araw. Sana ganito nalang yung nakikita ko, sana ganito palagi ang nararamdaman ko, walang iniisip, walang pagod, walang problema, parang ganito... malaya ako.

Iminulat ko ang mga mata ko, lumubog na ng tuluyan ang araw. Medyo dumidilim na din. Nararamdaman kong may naka tingin saakin kaya lumingon ako sa kanya.

Katabi ko na pala siya, naka tingin lang siya saaakin, hindi ko mabasa kung anong sinasabi ng mga mata niya. Poot at galit lang ang tanging nakikita ko mula sa mga mata niya.

Bakit parang hinihigop ako ng mga titig niya? Bakit ayaw kong iwasan? Bakit parang gusto kong tinititigan niya ako? Nakita kong bumaba ang mga mata niya, nakatingin siya ngayon sa mga labi ko.

Pabalik balik ang tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Naririnig niyaba? Sana hindi niya marinig. Napalunok ako at unti-unting pumikit.

Naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Nakapalambot, at parang dinadala ako sa kung saan. Gumalaw ang labi niya, hindi ko alam ang gagawin. Ngayon lang ako n*******n ng isang lalaki. Agad niyang hinawakan ang likod ng ulo ko upang palalimin ang pinag sasaluhan naming halik.

Sumasabay nako sa halik niya, ansarap sa pakiramdam. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. Huminto ako at unti-unting lumayo sa muka niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at ganun din siya.

Napakunot ang noo ko dahil parang pumula ang mga mata niya pero naging brown ulit. Namamalikmata bako?

Siyaka lang nag sink in sa utak ko ang ginawa namin. Agad akong tumalikod sa kanya. Sheet!! Totoo bang naghalikan kami? Pero kakakilala lang namin. Angbilis parin nang tibok ng puso ko. Napakagat ako ng ibabang labi.

Narinig kong tumikhim ito.

"Ihahatid na kita pauwi." Agad na itong nag lakad papalayo.

Tumingin muna ako sa madilim ng tanawin at hinawakan ang labi ko. Totoo ba talagang nag kiss kami? Goshhh!! First kiss ko yun.

Lumabas nako agad ng kotse ng huminto na ito sa harap ng gate namin. Kumaway lang ako at agad na pumasok sa gate. Nakahinga nako ng maluwag ng narinig ko ang papalayong kotse. Sinilip ko muna sa gate para sure. Mukang naka alis na nga siya.

"Hoi."

"Ayy palakang bulag!!" Napahawak ako sa dibdib ko. P*****a!

"My bulag bang palaka?" Nilingon ko agad si Zia na nasa likod ko. Kainis nagulat talaga ako. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Bat kaba nanggugulat ha?" Inirapan ko ito.

"Kanina pa kaya ako dito, para kang timang na pasilip-silip diyan sa gate."

"Ahh eh.... kasi may sinilip lang ako." Palusot ko. Di niya pwedeng malaman na sumama ako sa lalaking kakakilala ko lang. Lagot ako sa babaeng to.

"Ano ba yung sinisilip mo? Siyaka bakit ngayon kalang umuwi? Gabi na." Parang nanay na talaga siya kung magsalita, di niya naman ako anak.

"May pinuntahan lang ako. Ikaw, gabi na saan kapa pupunta?" Tanong ko. Mukang aalis siya.

"Pupunta muna ako diyan sa tindahan. May bibilhin lang ako." Lalabas na siya ng gate nang pigilan ko siya. Napataas ang kilay niya.

"S-sasama ako." sabi ko at nauna ng lumabas sa gate. Bumuntong hininga siya at hindi na nag reklamo.

Naglalakad na kami papunta sa bukas pang tindahan. Medyo malayo pa lalakarin namin.

"Saan kaba nag punta kanina ha?" Biglang tanong niya.

"Dumalaw ako sa kanila, siyaka pumunta sa park." Agad na sagot ko. Tumango-tango naman ito.

"Sa park kalang mag hapon?" Napalunok ako, sasabihin ko ba? Hayssst, magsusunungaling nalang ako.

"P-pumunta ako sa d-dating bahay namin." Kahit ang totoo ay hindi, hindi pako ulit naka punta doon. Hindi pako handa.

"Talaga? Pumunta ka nang hindi ako kasama?" Bakas sa muka nito ang gulat.

"Ahhh ehh... di naman ako pumasok e." Nasa tindahan na kami. Agad siyang bumili. Napkin lang pala at mga kung ano-anong pagkain bibilhin niya.

Naglalakad na ulit kami pauwi.

"Ano nga ulit sinabi mo kanina?" Tanong niya habang kumakain ng chicherya.

"Sabi ko hindi--"

Napahinto ako ng may nakita akong mga lalaki sa di kalayuan. Parang naka tingin sila saamin ni Zia. Parang nag-uusap sila pero saamin parin naka tingin. Nakita kong naglakad sila papunta sa direksyon namin, malayo pa ang gate ng bahay. Bigla akong naka-ramdam ng takot. Baka anong gawin nila saamin. Agad kong hinawakan sa kamay si Zia at hinila patakbo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status