Share

CHAPTER 3

Author: SECRET_PYUNG
last update Last Updated: 2023-08-16 20:04:43

"Oii! Gising! Para kang mantika kung matulog."

Mahina kong binuksan ang mga mata, kinusot-kusot ko muna mukang may muta pako. Agad akong napatingin kay Zia, kakadating lang ata ng babaeng to.

"Kakadating mo lang ba?" Tanong ko sa kanya. Humikab pako, mukang ilang oras din akong naka tulog.

"Kani-kanina lang." Maikling sagot nito bago tuluyang umalis sa harapan ko at dumiretso sa kwarto niya.

Naglakad nako papunta sa kusina, bigla tuloy akong nauhaw. Bakit kaya kapag gigising ang isang tao parang na dedehydrate? Saan napunta yung tubig kapag natutulog?

Napaisip naman ako, binuksan ko ang ref at kinuha ang manok na lulutoin ko. Siguro napupunta sa pantog? Tama! Kapag gigising ang isang tao parang naiihi diba? So sa pantog nga.

"Parang kang timang alam mo yun?" Napalingon ako kay Zia na nag salita sa pintuan ng kusina.

"Che! May iniisip lang ako." Agad na sabi ko. Kahit kailan talaga pa epal!

"Kailan kaba nag isip ng maayos?" Lumapit ito saakin at kinuha ang manok na hawak ko. Sa tingin ko siya na mag luluto. Buti naman kung ganun, mas masarap siya mag luto kaysa sakin e.

"Ikaw diko alam kong kakampi ba kita o ano? Ansama ng ugali mo sakin!" reklamo ko. Ganito talaga ugali niya mula pagkabata. Baka nung pinag bubuntis palamang siya e masama na talaga ugali? Pasalamat siya mabait ako.

"Kakampi muko Hevean pero minsan diko alam takbo ng utak mo. Masyado kang lutang." Sabi niya pa.

Inirapan ko siya at tiningnan lang siya habang nag hihiwa.

"Anong plano natin bukas?" Tanong ko. Free time namin pareho siyaka palagi naman kaming nag bobonding kapag linggo. Mas gusto ko sa park pumunta or sa arcade ng mall. Kaso baka pa epal nanaman tong babaeng to, kung anong gusto kong gawin e ayaw niya naman.

"Gusto kong matulog mag hapon. Ayoko nang istorbo." Ansungit talaga. Napa 'tsk' nalang ako.

"Sige matulog ka hanggang hindi kana magising!" sigaw ko at padabog na pumunta sa kwarto ko.

Kung ayaw niya e di wag! Kaya ko naman gumala mag isa. Kinuha ko ang wallet sa drawer at tiningnan ang pera ko. Napa sampal ako sa noo ko. 500 pesos nalang pala pera ko. Binayad ko pala sa kuryente at pinang grocery nung naka raang linggo. Ako this month nag bayad tas siya naman next month. Next week pa sweldo ko. Pano to?

Umupo ako sa kama at bumuntong hininga. Hiram kaya ako pera kay Zia? Next month pa naman siya mag babayad ng kuryente at mag grogrocery e. Ngumiti ako ng nakakaloko at bumaba papunta sa kusina. Nagkukunwari akong malungkot.

"Hindi kaba talaga sasama? Pano naman ako?" Sabi ko sa malungkot na tono. Hindi niya parin ako nililingon. Busy siya sa pag gigisa.

"Feeling ko talaga hindi muko 'Bestfriend'" diniinan ko talaga ang pag kakasabi para naman umepek.

Huminga ito ng malalim at inilapag ang sandok sa lababo. Naglakad ito papunta sa kwarto niya, pag balik may dala na siyang isang libo. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. Baka mamaya mahalata niya.

Lumapit siya saaakin at idinikit sa noo ko ang isang libo. Napapikit pako baka kasi tamaan ang mata ko. Mahirap na baka mabulag pako.

Malapad akong ngumiti at kinuha ang isang libo sa noo ko. Alam na alam niya talaga ang gusto ko.

"Wag na wag mo akong iistorbohin bukas." sabi nito at nag patuloy sa pag luluto. Tumango-tango naman ako na parang bata at hindi parin umaalis ang ngiti sa mga labi. Pa kanta-kanta akong pumasok sa kwarto at inilagay sa wallet ang isang libo. Baka mamaya mawala pa,

Kinaumagahan na ligo agad ako at nag bihis. Kumain na rin muna ako at pumara ng tricycle para mag pa hatid sa sementeryo. Dadalawin ko muna sila bago gumala.

Bumili ako ng kandila at posporo. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila. Agad kong nakita ang pangalan ni Mama at Papa.

'Helen Ann Andora-Cavellente'

'Vernardo Cavellente'

Huminga muna ako ng malalim bago pilit na ngumiti. Sinindihan ko ang dalawang kandila para kay mama at dalawa rin para kay papa. Hinaplos ko ang mga lapida nila. Pinipigilan kong umiyak. Ayoko nang umiyak kapag dumadalaw ako tuwing linggo sa kanila. Alam kong ayaw nila akong nakikitang umiiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Alam niyo naman kung anong nangyayari saakin araw-araw, alam kong binabantayan niyoko....." napa hinto ako at yumuko. "k-kung masaya na kayo kung nasaan man kayo ngayon, siguro oras na para maging masaya narin ako. Lilibangin ko muna ang sarili ko, siguro kapag naka hanap nako ng taong mag papasaya sakin hindi na siguro ako mangungulila sa inyo." Tumawa ako ng may naisip akong kalokohan. "Sana di ako tumandang dalaga, HAHA. Alam ko sasabihin mo papa sayang lahi natin, sabagay tama ka. Sayang yung egg cells ko kapag nabulok lang." Ngumiti ako at hinaplos ulit ang lapida nila.

"Aalis napo ako, mag bobonding muna ako, tinamad po kasi si Zia e. Pagalitan niyo po siya next time." Pag bibiro ko.

Ilang sandali pa akong naka tayo doon at nag paalam na kila mama at papa. Sumakay na ulit ako sa tricycle at dumiretso sa park. Madami ngang tao sa park tuwing linggo. Bonding day ng mga pamilya, kagaya namin noon. Mahirap para saakin at hindi ko parin matanggap pero ilang taon na ang lumipas. Pagod na akong isipin ang lahat ng mga nangyari noon.

Umupo ako sa isang bench, wala namang naka upo doon kaya malaya akong naka upo mag isa. Naka harap ako sa fountain. Ilang beses na kaya akong nag wish dito. Na scam lang ako palagi,

Napalingon ako sa lalaking umupo sa kabilang side ng upuan. Hindi naman masyadong mahaba ang upuan nato, kasya lang ang apat na tao.

Paborito ba nito ang itim kaya puro itim suot niya? Naka v-neck t-shirt siya tas naka slacks na black tapos ang buhok niya pure black din na parang nasisilaw ako kasi parang kumikislap e. Pati relo at glasses niya itim din. Bakit di nalang buong katawan niya lagyan niya ng itim na tinta? Kaloka!

"Done checking?" bigla itong nagsalita. Napa kunot noo naman ako. Ako ba kausap niya? Lumingon-lingon ako sa paligid baka kasi nag kakamali lang ako tas baka sabihin assuming ako. Tumingin ulit ako sa kanya. Sino ba kausap nito? Baliw ata to e.

Hinubad nito ang glasses at tumingin saakin. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Ang mga mata niya kulay brown na parang gray. Ano ba siya hybrid? Baka dahil medyo malayo ako kaya diko masyadong makita.

"Staring is rude Ms." Napapitlag ako ng magsalita siya ulit. Napa iwas naman ako ng tingin. Iniingles ako, syempre di ako papatalo.

"Then don't look at me too Mr." agad na sabi ko at inirapan siya. Akala niya ha.

"You look at me first." rinig kong sabi nito. Bumuga muna ako ng hangin at pekeng ngumiti sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [Epilogue / Special Chapter]

    [ Hevean POV ] ( 7 years later ) Hindi ko aakalain na ganito ang magiging wakas ng lahat. Siguro tama ang naging desisyon ko noon. Dahil kung hindi, wala sana akong gwapong mag ama. Pitong taon na si Herus at parang labing tatlong taon na ang laki nito. Sabi ni Xyrus, normal lang daw iyon sa pagiging bampira. Maging ako ay naging bampira narin. Noong umpisa ay parang naninibago pako ngunit habang patagal ng patagal ay mas natututunan ‘kong mamuhay ng ganito. Dahil sa lason ng itim na rosas ay namatay ako, akala ko ng panahon na iyon ay yun na ang magiging katapusan ko–pero nagising nalamang ako na iba na ang pakiramdam ko. Napara bang ipinanganak akong muli ngunit sa ibang katauhan. Ang pagiging puting mangkukulam ko ay tuluyan nang nawala ngunit nasa dugo parin iyon ng anak ko. Ngumiti ako ng lumapit sa akin si Wena at umupo sa tabi ko, inalalayan ko pa itong umupo. Amo'y na amoy ko ang amo'y ni Gabo sa kanya. Paano ba naman, dikit ng dikit sa kanya si Gabo. Hindi ko nga akalain n

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 48 ]

    [ Xyrus POV ]Anong ibig sabihin nito? Bakit may kamuka si ina? Sino siya? At anong sinasabi niya? Andami kong tanong sa isip. Naguguluhan ako. Ngumisi ito habang matalim na naka tingin sa akin.“Wag kang mag alala, hindi ko na pahahabain ang paghihirap mo munting prinsipe.” Pag tapos niyang sabihin iyon ay siyang pag bungad ni Hevean mula sa kaniyang likuran. Anong ginagawa niya dito? At nasaan ang anak namin?“You B*tch!!! I will kill you!! Don't you ever dare to touch her!” Galit na sigaw ko. Ngunit mas ikina ngisi niya ito.“Awww nakakatakot. HAHAHA bago mo yata ako patayin e mauuna ka muna. Shshshshshs” May isinambit itong hindi ko maintindihan.Biglang sumigaw si Hevean sa sakit at nawalan ng malay. Lalapitan ko na sana ito ng biglang atakihin nya ako, anong nangyayari? Bakit niya ako inaatake?“Baby it's me,” tawag ko ngunit parang ibang tao na ito.“Hindi ka niya maririnig. Hindi na siya ang Hevean na inaakala mo. Isa na siyang taga sunod ko. Patayin mo siya!” Utos nito. Mul

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 47 ]

    [ Wena POV ]Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna.“Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan.Binaklas ko ang kadena at lupid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid.Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong napaka lakas nilang pareho. Napaka lakas ng hangin sa buong paligid at nag kalat ang apoy at mga patay na katawan ng mga lobo at mangkukulam.Napatingin sa akin ang Hari. Nakita niyang bitbit ko ang Reyna.

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 46 ]

    [ Xyrus POV ]Mahinahong linusob namin ang kaliwang parte ng palasyo, kaunti nalang ang natitira sa kaninang maraming kawal, ang iba sa kanila ay mga mangkukulam, half blood vampires at mga black wolves.Nag-anyong lobo ang mga kasama namin at ang mga ibang mangkukulam ay ginagabayan kami upang hindi lubusang mapuruhan sa laban.Hinila ko ang katawan ng dalawang bampira at itinapon sa nagsisiliparang mga itim na mangkukulam, naka sakay sila sa mga walis at gumagamit ng mahika upang tamaan kami mula sa itaas. Buti na lamang ay narito sila Zia upang bigyan kami ng proteksyon. Ramdam ko ang takot ng ibang mga bampira, alam nilang mas malakas ako kaysa sa kanila. Walang kapangyarihan ang mga half blood kaysa sa aming mga pure blooded vampires.Ang iba sa kanila ay ginawa lamang bampira upang maging kaanib ng Vamos Clan, pati mga inosenteng tao ay dinadamay nila at ginagawang bampira.Lumipad ako sa ere at sinipa ang isang mangkukulam pababa, lumading ito sa dalawang bampira, nadurog at n

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [CHAPTER 45]

    [Xyrus POV]Hinaplos ko ang malambot at madulas nitong buhok. Mahimbing itong natutulog kasama ng aming anak. Napangiti ako at hinayaan silang matulog. Ilang linggo lang ako sa portal pero parang ilang daang taon ang naka lipas kapag hindi ko siya nakikita. Sa ilang linggo na i‘yon ay maraming nangyari.Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nakita ko si Wena na humahangos patungo sa kinaroroonan ko.“Mahal na prinsipe, ang iyong ina.” Sambit nito.“Anong balita?”“Papatayin na siya ng iyong ama, narinig ko mula sa mga kawal na bukas ng gabi nila ito gaganapin, sa likod ng palasyo kasama ng ibang mga mangkukulam. Gustong makuha ng hari ang lahat ng mga kapangyarihan nila.” Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng aking ama. Hindi na siya ang Hari na nakilala ko noon, Isa na siyang sakim!“Anong plano mo?” Malamig na boses ng isang lalaki. Madilim itong naka titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaibigan ni Hevean at Zia, at siya ang pinuno ng hukbo

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [CHAPTER 44]

    [ Hevean POV ]Nang magising ako ay agad kong nakita ang anak ko na tahimik na natutulog sa dibdib ko. Ngumiti ako at mangiyak-ngiyak nang haplusin ko ang malambot na buhok nito. Buhay ang anak ko. Humagolgol ako ng iyak kaya nagising ito, mas lalo akong natuwa ng marinig ko ang pag hikbi nito. Pinilit kong tumayo at kinarga ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat na naka tingin si Zia, nakita ko ang pag tulog ng luha nito at agad niya akong nilapitan at niyakap.“Sa w-wakas gising k-kana. . . a-akala ko mawawala kana, wag mo na ulit g-gagawin yun.” Umiiyak na sabi nito. Napangiti ako at niyakap ito pabalik ngunit muling umiyak ang anak ko.“Akala ko din Zi, mabuti at iniligtas mo ko at ang anak ko.” Saad ko.Kumunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nagtataka. Pinahiran niya ang mga luha at umiling.“Hindi ako ang nag ligtas sayo. Mabuti nalamang at naka rating siya kagaad para mailigtas kayo ni Herus.” Parang hindi nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status