Share

CHAPTER 4

"Pano ko naman hindi titingnan e halos ata ng itim sa mundo nasalo mo na." Pag mamaldita ko.

Totoo naman e. Nakita kong nag smirk ito. Umiwas ako ng tingin, parang mas naging gwapo niya tingnan nung nag smirk siya. Umiling-iling ako, hindi siya gwapo. Masyado siyang dark para sakin.

"Dark huh!" mahina nitong sabi. Hindi ko narinig ng mabuti kaya lumingon ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko. Sinuot nito ang glasses at tumayo. Nagulat pako ng lumapit ito saakin at hinawakan ako sa kamay.

"Hoy! Anong g-ginagawa mo?" tanong ko pero di siya umimik at hinila ako. Napatayo ako nang wala sa oras at nag pahila. Baka mamaya dalhin ako kung saan tas....... rapen ako. Sana wag naman, muka naman siyang hindi rapist e. Masyado siyang gwapo para maging rapist.

"Saan mo bako dadalhin?" tanong ko ulit, pero wala e deadma. Sumigaw nalang kaya ako ng tulong?

"Wala akong gagawin sayo." Malamig na boses nito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman kung ganun.

Huminto kami sa itim na kotse, mukang mamahalin. Kanino to? Wag niyang sabihin na driver siya nito kaya naka pure black din siya? Binuksan nito ang shot gun seat at naghintay. Anong hinihintay niya? Teka nakatingin ba siya saakin? Mukang hindi yata? Diko naman maaninag dahil sa shades niya. Nagulat ako ng hinubad niya ito at mariin akong tinitigan.

"Get in." seryoso nitong sabi. Seryoso ba siya? Oo nga mukang seryoso nga. Di nalang ako umimik at nag tatakang pumasok at umupo. Isinuot niya muna ang seat belt bago isinara ang pinto. Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil anlapit niya sakin habang sinusuot ang seat belt ko. Pwede niya naman akong sabihan para ako nalang mag suot diba? Naamoy ko tuloy ang pabango niya. Inferness ambango! Parang gusto ko tuloy langhapin lahat hanggang wala ng matira sa kanya bwahahahaha.

Teka bat nga pala ako sumasama sa hindi ko kilala? Ni hindi ko nga alam pangalan nito e, bigla-bigla nalang nanghihila. Kung inaakala niyang katulad ako ng mga babaeng pagala-gala kanto pwes! Nagkakamali siya!

"Can you just stop?" Nagulat ako at tumingin sa kanya ng magsalita siya. Anong stop? Stop saan? Nalilito ako, baka nga baliw tong lalaking to. Ayokong sumama sa baliw. Pero sumasama nako sa kanya. Gusto kong nalang iuntog ang ulo ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga nito at pinaandar ang sasakyan. Kinakabahan talaga ako. Ngayon lang nangyari to, siyaka may phobia ako sa mga kotse. Tumalon kaya ako palabas ng kotse? Patay naman ako nun. Bumuntong hininga nalang ako.

Tahimik lang ako habang naka tingin sa labas. Tahimik nga ba? Kanina pako nag iisip dito. Hindi parin maalis sa isip ko kung saan ako dadalhin ng lalaking to. Kanina pako isip ng isip kung anong gagawin ko. Tatakas bako? Kapag huminto ang kotse bubuksan ko ba ang pinto at sisigaw ng tulong? Na strestress ako.

Ilang minuto ang lumipas at huminto kami sa parang palasyo. Dumaan pa kami sa parang gubat kanina. Natatakot talaga ako. Bakit niya naman ako dadalhin sa lugar na to? Kilala ko ba siya? Baka kilala siya ni Zia? Baka boss siya ni Zia?

Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Napalunok pako, gentleman naman pala. Nang maka labas nako agad niyang isinara ang pinto at iniwan ako, naglakad na ito papasok sa parang mansyon na bahay. Binabawi ko na ang pagiging gentleman niya.

Hinabol ko siya at pumasok na rin. Baka may kung ano sa labas at lapain ako, katulad ng lobo o aswang.

Ng maka pasok nako nang tuluyan, namangha ako sa nakita ko. Parang maka luma na parang makabago Ang tema nitong bahay. Parang kumikintab lahat. Totoo bang gold and pader? Eh itong sahig? Ang yaman naman ng may ari nito. Kumikintab talaga, parang totoong gold talaga ang nandito.

"Mahal na-- Ikaw pala sir Xyrus." napatingin ako sa babaeng sumulpot sa kinaroroonan namin. Sino naman to? Kapatid niyaba? Mukang bata pa e.

Napatingin ito saakin, ngumiti ito at yumuko. Ngumiti din ako pabalik sa kanya. Bakit parang amputi niya? Nilagok niyaba lahat ng gluta? Medyo napa tawa ito kaya napakunot ako ng noo. May nakakatawa ba?

Hinawakan ako ulit ng lalaking humila saakin kanina at dinala sa mahabang mesa. May mga naka handang pag-kain at andami, iba't ibang putahe ang naka hain. Fiesta ba dito? Asan ang mga bisita?

Inilalayan niya akong maka upo at siya naman ang umupo sa ginta nitong mahabang mesa. Medyo katabi niya lang ako dahil nasa left side lang ako.

"Eat." Mahinang pagkakasabi nito pero sapat lang para marinig ko. Nagdadalawang isip pako, baka may lason o pampatulog ang mga to.

Huminga ito ng malalim na parang may pinipigilang kung ano. Wag niyang sabihin na mag aanyong aswang siya? Tas ako yung kakainin? Sabagay masarap naman ako... este di ako masarap.

"Can you just stop thinking nonsense?" Napatingin ako ulit sa kanya.

Nababasa niya ba naiisip ko? Pano niya nalaman na nag-iisip ako? May kapangyarihan ba siya? Tumingin nalang ako sa mga pagkain.

Kinuha ko ang kutsara at inilagay sa bibig ko. Sayang naman tong mga pagkain kung di kakainin. Mukang ako ang unang bisita kaya sino naman ako para tumanggi? Hihingi nalang ako ng plastic mamaya para dalhan ko si Zia pauwi.

Diko nalang pinansin ang lalaking katabi ko at kumuha na ng mga pagkain. Medyo nagugutom na rin naman ako.

Magana lang akong kumakain ng mapansin kong naka tingin lang ang lalaking to saakin. Kanina pa to tingin ng tingin saakin. Crush niya ba ako? Kung crush niya man ako pwes... hindi ko siya gusto. Masyadong maitim.

Inirapan ko siya at patuloy lang sa pagkain. Nang matapos nako napa dighay pako ng mahina.

"Tsk!"

Rinig ko mula sa kanya. Tiningnan ko ang plato niya, mukang di siya kumain. Kung ayaw niya eh di wag! Wag pilitin kong busog!

"Bakit mo ba ako dinala dito? Samalat nga pala sa pagkain." Sabi ko sabay inom ng juice.

"Dinala kita dito para pakainin." iritadong sagot nito saakin. Huh? Ano daw? Dinala para pakainin? Ano tingin niya sakin pulubi? Ambait niya naman pala kung ganun.

"May pera naman ako para kumain sa kalenderya. Pero salamat na din. Nabusog ako sobra." Sabay himas ko ng tiyan. Malapad lang akong naka ngiti habang naka tingin sa kanya. Teka ano nga pala pangalan nito? Dark? Black Phantom? Pure Black? Or Black Jack?

Madilim itong naka tingin saakin. May nasabi ba akong masama? Ang sakit niya tumingin. Umiwas nalang ako ng tingin at napalunok.

"Xyrus is my name."

Ay oo nga pala. Nasabi pala nung naka glutang babae kanina. Bakit ambilis ko maka limot?

Anganda ng pangalan pero feeling ko hindi maganda ugali. Pero mukang mabait naman ata siya, pinakain Niya ako siyaka sinama sa lugar nato kahit hindi ko siya kilala? Kapag ito nalaman ni Zia baka kaltukan ako sa ulo nun.

"Free ka naman tuwing linggo hindi ba?"

Napa tango ako sa tanong niya. Sabado at linggo ang free ko. Bukas may trabaho nako. Hayssttt anghirap maghanap ng pera ngayon.

"We can date every sunday then."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status