PAGKABUKAS ng elevator sa floor nang tinutuluyan ni Hero ay dali-daling lumabas ang nga ito na pinangungunahan ni Claire, wala siyang pakialam kung magulo pa ang buhok niya basta ang importante ay makapunta siya agad sa tinutuluyan nito. “Claire saan ba?!” tarantang tanong ni Bea habang nakasunod sa kaniya, sa isang floor kasi ay nasa fifteen ang kwarto na naroroon kaya marami-rami na silang nadaraanan. “Mamaya andito lang yun—ito!” nang makita iyon ni Claire ay nabalutan ng pag-asa ang kaniyang kalooban. Kakatok na sana siya nang bigla iyong bumukas. “Venice? You're awake, what happened to you? You're bleeding!” Hindi nakapagsalita si Claire dahil doon lalo na ng makita niya si Kiel na papalabas ng kwarto ni Hero. Maging ang mag-asawa ay nagulat dahil sa biglang paglitaw nang kaibigan nila. Mas lalong hindi nila napansin ang nagdurugong sugat ni Claire sa pisnge nito na pahaba. Agad siyang hinila ni kiel papasok sa loob. “Hero get the first aid kit, faster!” Si Hero ay
“But you have wound on your face!” “Ano naman? Gagaling din to!” “No,” “Yes,” “No,” “Yes!” “Venice I said no!” “Zekiel I said Yes!” Napakunot ang noo ni Zekiel dahil sa kakulitan ni Claire. Napahawak nalamang ito sa kaniyang nose bridge at hinilot-hilot iyon dahil sa pagkainis. “Zekiel wag na kasi! Kulit mo eh, ayos lang sabi ako gagaling din ito!” Napatingin sa kaniya muli si Zekiel at ngumiti si Claire sa kaniya. “Please?” pa cute na sabi ni Claire sa kaniya. “Hard headed,” “Okay I'll take it as a yes! Thank you!” Napailing nalamang si Zekiel dahil sa kakulitan ni Claire samantalang sila Bea, Dylan at Hero naman ay nagkatinginan dahil sa kanilang nakikita. Kung kanina si Dylan lang ang nakangisi maging si Hero ay ganoon na rin habang si Bea ay kinikilig sa kaniyang nakikita. Yun ang unang beses na nakita nilang naging ganoon si Zekiel, ang magalit ng sobra at sa isang iglap ay napaamo ito ni Claire. Hindi na nagtataka pa ang tatlo dahil alam nila na adik na
“Kumuha ako ng buhok ni Claire at Zayne nang sandaling himatayin ito sa office ni Kiel. Kahit na sigurado na ako na si Claire ang ina ni Zayne dahil sa reaction niya ng makita ang bata ay gusto ko paring makasigurado,” Napatingin si Claire kay Hero dahil sa sinabi nito at sakto na tumingin din ito sa kaniya. “Sigurado akong nasa likod niyang itim na contact lense na yan ang matang kaparehong-kapareho ni Zayne, maaari ko bang makita Claire?” Deretsyong sabi ni Hero sa dalaga, samantalang si Claire ay hindi nagdalawang isip na ipakita dito ang mata niya. Alam niyang mapapagkatiwalaan ang lalaki dahil pinagkakatiwalaan ito ni Zekiel at Dylan. Napatingin ang mag asawa kay Claire na tinatanggal na ngayon ang contact lense nito. Ngayon nalang ulit nila makikita ang mata nito magmula nung magkausap sila noon sa meeting sana. Pag-kaalis ni Claire ay deretsyo itong tumingin sa mata ni Hero na ikinamangha nito. “Kaparehong-kapareho noong kay Zayne,” manghang sabi ni Hero na ikinatawa n
Sabay na naglakad ang dalawa palabas na tila ba hindi kasama si Zekiel. Hinayaan nalamang niya ang dalawa dagil natutuwa siyang makitang magkasama ang dalawa sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Basta mas masaya siya kapag masaya na magkasama ang dalawa. Pagkarating nila sa beach ay maraming tao roon upang maligo. Halos lahat nang mga bisita ay naroroon. “Let's go daddy faster!” Masayang sabi ni Zayne dahil sa may main building palang papunta nang beach ay kita na ang dagat maganda pa naman ang panahon na iyon, summer. “Easy son makakarating din tayo,” tumabi si Zekiel sa anak at hinawakan ang kamay nito habang nakangiti. Bale hawak din ni Claire ang kabilang kamay ni Zayne kaya ang lahat ng napapatingin sa kanila ay natutuwa sa nakikita dahil para silang isang pamilya lalo pa at sila-sila din ang magkasama sa event. Tutuloy na sana sila sa pagpunta sa beach ngunit napahinto sila ng mayroong tumawag kay Zekiel. “Mr.Gray!” Napatingin silang tatlo doon at nakita nila ang i
Pumunta sila sa kwarto ni Claire. Ipinasoot ni Claire ang isang damit na ternong panlalaki na binili niya matagal na panahon na ang nakakalipas, kasabay iyon ng pagbili niya nang damit ni Zoey. “Bagay na bagay sayo Zayne,” naiiyak na sabi ni Claire dito na ikinangiti ni Zayne. “Thank you Tita-Mommy! Ang galing niyo pong pumili ang ganda!” Hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Claire nang mga sandali na iyon. Maghapon silang nag bonding ni Zayne na ikinatuwa ng puso ni Claire dahil iyon ang unang pagkakataon na nakasama niya si Zayne ng matagal at silang dalawa pa. Hindi niya inaasahan na hahantong sa ganoong kasaya ang paghandle niya ng event na iyon kaya sobrang saya niya. Hanggang sa mag gabi na at naglakad lakad sila sa ibaba. Marami ring tao doon na mga guess at employees na naggagala at mayroong umiikot na waiter na may dalang mga wine. Kumuha doon ng isa si Claire habang naglalakad sila. “Tita-Mommy baka malasing ka!” Pagsaway sa kaniya ni Zayne pero umiling siya dito.
NAGISING si Claire dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Sumalubong sa kaniya ang bukas na bintana kung saan nagmumula ang sinag ng araw na gumising sa kaniya. Napaunat siya dahil sa sarap ng kaniyang pagkakatulog ngunit agad natigilan ng mayroong mapansing kakaiba. Agad siyang napahawak sa kumot na nakatalukbong sa kaniya ng mapansin na wala siyang suot kahit isang damit sa katawan. “You're awake,” Nagulat siya ng mayroong magsalita sa tabi niya kaya agad siyang napalingon doon at nakita niya si Zekiel. Nagsimula ng magsitambulan ang puso niya sa sobrang kaba dahil doon. Lalo na at nagpasukan sa isip niya ang nangyari kagabi. ‘N-no this can't be happening,’ Piping sabi niya sa sarili at agad na sumilay ang luha sa mga mata niya. Nakita iyon ni Zekiel kaya agad itong nag-alala sa dalaga. “Hey why are you crying?” Sabi nito at hinawakan siya sa magkabilang braso ngunit agad iyong inalis ni Claire na ikinagulat nito. “No don't touch me, this is wrong. Mali itong nangyari
“Tita-Mommy!” niyakap siya ni Zayne ng makarating ito sa gawi nila sa pinto kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin nalang ito. Gusto niyang kumuha nang lakas mula sa anak. Napagawi ang tingin niya kay Zekiel na seryosong nakatingin sa kaniya kaya napiwas nalamang siya ng tingin. “Kanina papo kita hinahanap Tita-Mommy, nagpunta kami ni daddy sa room niyo pero wala po ata kayo kasi di niyo binubuksan ang pinto,” Nabaling ang tingin niya sa anak dahil sa sinabi nito. Nakatingin ito sa kaniya kaya ngumiti siya dito at ginulo ang buhok. “Wala si tita kanina lumabas ako eh,” Napakunot ang noo ni Zekiel dahil doon. Ngayon sigurado na talaga siyang iniiwasan siya ng dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit, alam niya sa sarili niya papanagutan niya si Claire kung sakali mang mabuntis ito ngunit sa tuwing iniisip niya iyon ay napasok sa isip niya ang ina ni Zayne hindi niya ito magawang iwan-iwanan. Hindi niya maiwan ang nakaraan. “Ganon po ba? Dito ka na po mag dinner a
“It's okay Mommy I understand po! Masaya na po ako sa nalaman ko at least may itsura na siya sa imagination ko!” Napangiti ng mapait si Claire dahil doon at iniba ang usapan. “Kamusta na nga pala si anay Lucing at si tita Quinn mo?” “They are okay mommy, natutulog na po sila. Pagod po kasi si ita Quinn kanina sabi niya po marami siyang work na ginawa samantalang si nanay naman po pinagpahinga ko na 'rin po para maagang nakatulog. While me I'm waiting for your call,” Napatango naman si Claire dahil sa sinabi nito nakalilimutan na niyang tawagan si Quinn, naiwan dito lahat nang trabaho niya. Si Quinn ay kasosyo niya sa negosyo at pinakang pinagkakatiwalaan niya para dito sa panandalian niyang pagkawala. “Tell tita Quinn that I'll call her tomorrow, at pakisabi kay nanay wag magpapakapagod okay? While you, sleep na okay? Tulog na pala sila jaan,” “Yes po mommy! I'm so happy that you called miss na po kasi kita eh!” “I miss you too, behave okay? I love you and goodnight,” “