Patios' POV
"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school.Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment.I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdidMaria Sonata's POVAMONG all the Castillons, I am the least favorite. Kuya Seve is my Nanay's favorite, and Soledad is my Tatay's favorite. I'm the middle child, technically because I'm older than Soledad, even if we're twins. I always feel that no matter what I do, I'm always the least. I'm no one's favorite. I'm no one's favorite friend. I'm no one's favorite daughter. I'm no one's favorite sister. I'm no one's favorite niece. And because I'm no one's favorite I need to be pretty. I need to be intelligent. I need to be nice. I need to be classy. I need to be tough. I need to excel at everything I do for me to fit in.Most of the time, they say that I think older than my age. I think too much and I know so much. I need to be this and that because I know that I can only depend on myself. Maybe I'm more mature than my age because my experiences have made me grow faster than the average teenager. Well, I believe that maturity is not about age; it's about ho
ANG LUGAR ay puno ng mga taong pasaway sa lipunan. Mga taong lumabag sa batas. Mga taong biktima ng mapoot na katotohanan ng mundo. Mga taong inosente pero dahil sa kahirapan ay naghirap sa loob at pinagbayaran ang kasalanang hindi ginawa. Mga taong nawalan ng pag-asang makalabas. Mga taong ayaw nang lumabas dahil wala ng babalikang pamilya.Ngayon ay nagdiriwang ang mga preso dahil sa paglaya ng kapwa nila bilanggo.Naghihiyawan sa bawat seldang dinadaanan niya at nagbibigay pagbati ang lahat. Ilang taon niyang naging tahanan ang magulo at masikip na kulungan. Ngayon ay haharapin na naman niya ang hindi patas na mundo sa labas."Magpakabait ka na 'pre," masayang bilin ng isang presong naging kaibigan."Oo 'pre, kayo din dito," sagot niya."Pagkaalis mo dito kumuha ka agad ng babae at magpakarami," hiyaw ng isa. Naghalakhakan ang lahat.Tumango siya. "Mahirap ang buhay sa labas.""Mas mahirap ang buhay dito," S
Tuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo.Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili.Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng pagkalalaki nito.Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobrang galit. Malulutong na mga mura at hiyaw ang pinakawalan nito at malakas siyang itinulak ngunit sa pagtulak nito ay mas lalong dumidiin ang pisil niya."Ito na ang
PATULOY sa pagmamakaawa si Mari pero walang nakakarinig sa kanya. Hilam ng luha ang buo niyang mukha. Masakit na masakit na ang kanyang katawan sa panlalaban. Hilong hilo siya, hindi makita ang mukha nito dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata. Kahit na alam niyang wala na siyang pag-asa na makaalis sa sitwasyong ngayo'y kinasasadlakan ay hindi pa rin siya tumigil sa tahimik na pagdarasal na sana ay may tumulong sa kanya. Sana may makarinig sa munti niyang mga daing. Sana may makarinig sa kanyang impit na paghingi ng saklulo. Para siyang tinatanggalan ng lakas habang nagpupumiglas. Hindi na niya kaya ngunit kailangan niyang maging malakas."Maawa na po kayo, patayin niyo nalang ako. Patayin niyo nalang ako." Pagmamakaawa niya. "Parang awa niyo na, parang awa niyo na."Hindi niya alam na ang sanay pakikipagsapalaran niya sa Maynila para maiahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang sa probinsya ay mauuwi sa ganito. Sa isang trahedyang hinding hindi na siguro mawawala sa kanyang pagkat
"DR. SEVENTH Castillion, fuck bunso ang gwapo ko talaga." Napailing lamang si Seventh dahil sa kayabangan ng kanyang Kuya. Si Fifth, ang ikalima sa pitong magkakapatid samantalang siya ang pinakabunso."Busy ako, Kuya," aniya at inilahad ang kamay sa mesa kung saan siya nagbabasa ng mga records ng kanyang mga pasyente."Hindi ka manlang ba nayayamot dyan sa ginagawa mo kahit sa bahay 'yan ang inaatupag mo baka naman ikaw na ang mabaliw niyan." Paninermon pa nito at pabagsak na umupo sa couch na nasa harap mismo ng office table niya. "Bakit hindi ka tumulad sa'kin masaya lang.""This is my work kuya and I'm happy about it," sagot niya."Ewan ko sa'yong bata ka, dati naman kahit busy ka sumasama ka pa rin sa'min pero ngayon kulang nalang pakasalan mo 'yang mga pasyente mo," ngumisi pa ito."Hindi ko alam kung ako ba talaga ang dapat sermonan sa ating dalawa o ikaw." Muli niyang ibinalik ang tingin sa binabasang papel, kailangan niyang matapos iyon bago siya mag-round mamaya."Bahala ka
NAGMAMADALING inilagay ni Mari ang kanyang mga pinamili sa munti niyang mesa at mabilis na inilock ang pinto ng kanya apartment. May pagmamadali sa bawat galaw niya habang hinuhubad ang mga kasuotan. Nang masigurong wala na siyang damit ni isa sa katawan ay dali dali siyang humiga sa kutson at binalot ang katawan ng makapal na kumot.May naramdaman siyang bahagyang pagkirot ng kanyang tuhod ngunit hindi niya iyon pinansin. Marahil ay galos iyon ng muntik na siyang masagasaan kanina ng isang magarang sasakyan ng papunta siya sa palengke para bumili ng makakain para sa loob ng isang buwan.Punong puno ng pawis ang buong mukha dahil sa pag-iwas sa mga taong nakakasalubong lalo na kung mga lalaki iyon. Ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili."Hindi ka dapat matakot Mari, wala na sila. Ikaw nalang ang mag-isa." Pagkausap niya sa sarili upang ng sa gayon ay maibsan ang matinding takot sa kanyang sistema.Sanay na siya sa ganitong mga pagkakataon ng kanya
ALIGAGANG nag-ayos ng sarili si Mari upang maghanda dahil ngayon siya muling mamimili ng mga kakailanganin sa kanyang apartment. Isang buwan na ang lumipas ng huli siyang lumabas sa madilim na silid na iyon at ngayong ubos na ang supply niya ng pagkain ay mapipilitan na naman siyang lumabas.Takot siya sa mga tao pero dahil nag-iisa ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ng paunti unti ang kanyang takot. Kahit anong gawing dasal ay wala siyang nagiging karamay kaya ang sarili nalang niya ang tanging masasandalan.Nang masigurong komportable na siya sa suot na damit ay ilang ulit muna siyang humugot ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng maliit niyang apartment. Tulad ng nakasanayan ay makulimlim na ng tingalain niya ang kalangitan. Walang katao tao sa hallway ng dalawang palapag na paupahan ng land lady niya na siyang ipinagpasalamat niya. Maliliit man ang mga kwarto ay ayos lang dahil ang lugar ay hindi tulad ng sa skwater na mar
KIPKIP ng mahigpit ang kumot sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa lalaking nakangiti sa kanyang harapan. Malumanay ang mga tingin nito ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin siya panatag na nasa paligid ito. Nagising siya kanina at ito agad ang bumungad sa kanya. May dala itong tray ng pagkain at inomin. May takot pa rin sa kanyang kalooban ngunit habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha ay hindi niya mapigilang mainggit. Napakaaliwalas ng mukha nito at ang ngiti ay napakasaya na tila walang problema.Ako, kailan kaya ulit ako ngingiti ng ganyan? Naiiyak na tanong niya sa isipan. "Gabe na kaya kailan mo nang kumain," pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Umiling siya. "Hindi ako gutom," ngunit napangiwi nang mag-ingay ang kanyang tiyan. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nito. "You're hungry, I'll leave for a while so you can eat your dinner." Itinuro nito ang tray na nakalapag sa paanan ng kama.