Share

Chapter 1: Cecilia Eckhart Campbell

I opened my eyes with a vague vision. Masakit ang buo kong katawan na para bang ilang beses na nilatigo. Mahina akong napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko. Pilit kong hinila ang sariling katawan paupo sa kabila ng nararamdamang sakit.

' Nasaan ako? ' Yan ang mga unang katagang rumehistro sa isipan ko.

As what I remember ay dapat patay na ako! Sigurado akong patay na ako!

Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid. Wala akong makita. Madilim! Sobrang dilim. Am I in jail now? Isinuplong ba ako ni kuya sa mga pulis?

I inwardly balled my fist as I remembered his betrayal. Pinagkatiwalaan at tinuring ko siyang kapatid ngunit nagawa niya akong traydorin. For what? For that bitch Anastacia?

Napadàing ako sa biglaang pagsakit ng aking ulo. Rumaragasa sa aking ala-ala ang mga tao at mga nakaraang pangyayari na hindi pamilyar sa akin.

Cecilia Eckhart Campbell.

I remembered this woman's name. Ah! She’s the character of the book that I had read before. Kung ganun, my soul was transmigrated into this woman's body? How come? Sa librong binasa ko ay walang exposure ang babaeng ito, she was just mentioned once.

Ginapang ko ang buo kong katawan ngunit agad akong napatigil dahil sa puwersang nakatali sa kanan kong paa.

Am I tied? Hindi! Kumakalansing ito noong kumilos ako. Kadena. Kinadena ako!

Cecilia's memories played in my head again. This body was beaten and lashed to death. At ang utak ng paghihirap ni Cecilia ay ang nobya ng kanyang asawa. Si Hilga Fernandez, the fucking minor villain of the story.

Napatakip ako ng mga mata ko dahil sa pagkasilaw mula sa biglaang liwanag nang may magbukas ng sa tingin ko ay pinto.

" Palayain niyo siya't dalhin sa kanyang kwarto. Paliguan niyo siya roon at bihisan. Bilisan niyo bago pa man dumating si Lord Campbell."

Hindi pamilyar sa akin ang boses na narinig. Pilit kong inaaninag ang mga taong papunta sa akin. Naramdaman ko ang pagtanggal ng kadena mula sa aking paa. Dahan-dahan akong tinayo ng mga ito at tuluyang inilabas sa madilim na lugar na iyon.

I scanned the whole place at napagtanto kong ang kinalalagyan ko kanina ay parte lang ng malaking bahay na ito. No, this is not a house. It's a freaking mansion.

Tinulungan ako ng apat na maids sa pagligo at pagbibihis. At ngayon nga ay ginagamot ako ng mga ito.

" Cecilia! "

Napalingon kami sa bagong dating na babae.

Ayon sa memorya ni Cecilia, ang may-ari ng katawang ito. Ang babaeng kapapasok pa lamang ay ang bunsong kapatid ng kanyang asawa. Si Lily Campbell. Ang tanging taong nagmamalasakit sa nagmay-ari ng katawang ito.

" Oh em gee! What did that bitch do to your face and body? Ang daming pasa at latay. " Nag-aalala nitong inalisa ang buo kong katawan.

" That bìtch! Kung hindi lang talaga siya mahal ni kuya ay matagal ko na sanang nagawan ng masama ang babaeng iyon. "

Ramdam ko ang matinding galit sa mga salita niya.

" Bakit ba kasi ‘di mo isumbong kay kuya ang pananakit na ginawa ng babaeng iyon sayo?! " inis na turan nito. Napatitig ako sa kanya.

" Dahil hindi siya maniniwala," sagot ko rito.

According to this body's memory. Ilang ulit nang nagsumbong si Cecilia sa asawa nitong si Iñigo ukol sa pangmamaltrato ng nobya nito. Pero hindi ito naniniwala.

Anghel ang tingin ni gàgong Iñigo sa kanyang gàgang jowa. Ano ba naman kasi ang laban ng isang unwanted wife sa true love nito?

" Ang galing naman kasing umacting ng bruhang iyon. Akala mo kung sinong santa, eh may sa lahi namang demonyo, " napapairap na sabi ni Lily.

I can't blame her words. Totoo naman kasing magaling umacting iyong babae.

Nagawa niya ngang ibaliktad ang sitwasyon. Sa mata ng mga tao, si Cecilia ang kontrabida sa pag-iibigan nina Iñigo at Hilga, ang nobya nito.

Pero ngayong ako na ang nasa katawan ni Cecilia, ibabalik ko ng doble ang pinaranas nila sa kanya, gaya ng kung paano ko pinahirapan ang aking foster family sa dati kong buhay.

Hintayin lang nila, ipaghihiganti kita Cecilia.

" Kung may magagawa lang ako para sayo Cecilia. Wala talaga akong silbing kaibigan, hindi man lang kita maipagtanggol sa mga taong nananakit sayo, “ madramang saad nito sa akin.

Ayoko talaga sa mga taong dramatic. Pero dahil mabait siya kay Cecilia at may malaking papel siyang gagampanan sa plano ko, palalampasin ko muna siya ngayon. But I will surely drop this woman like hot potato once na mawalan na siya ng silbi sa akin.

" Ayos lang Lily, ayaw ko rin namang madamay ka pa sa kamiserablihan ko, " paawang saad ko rito.

May pag-iingat ako nitong niyakap. Napapairap ako, ang drama.

" Ilalayo kita rito, Cecilia. Ilalayo kita sa kuya ko. Ilalayo kita sa pamilya ko't pamilya mo. Ilalayo kita sa lahat ng mga nananakit sayo. Pangako, " nangangako niyang bulong.

Sorry to disappoint you Lily but I have my own ways. Hindi ako ang uri ng tao na tatakas at lalayo dahil sisiguraduhin kong sila mismo ang magkukumahog na lumayo sa akin.

Isang beses lamang na nabanggit ang pangalan ni Cecilia sa librong nabasa ko. And that was when the female lead asked the male lead about his ex-wife.

Hindi pa man nagsisimula ang istorya ay pinatay na agad ang character niya. Hindi namention sa libro kung sino ang pumatay kay Cecilia kaya ako mismo ang aalam kung sino ang tao sa likod ng pagkamatay niya bago pa man ako nito maunahan.

Fortunately, I had seen Cecilia’s life through her memories playing in my head, kaya nalaman ko na ang naging buhay niya. At lahat ng iyon ay puro paghihirap lamang.

She's the unwanted child of Arthur Eckhart, the head of Eckhart mafia. At dahil mahina si Cecilia at wala itong silbi sa clan nila, siya ang ginawang kapalit ng sariling ama sa hinihinging weapon assisstance nito mula sa pinakamalakas na mafia group, ang mga Campbell. She then became the unwanted wife of Iñigo Campbell.

Ang mundong ginagalawan ng katawang ito ay hindi katulad ng mundo ko noon.

This world is the world of killings and power. Mundo ito ng mga naglalakihang mafias at assassins.

Sa mundong ito, your power will be defined by the number of people you killed. The bigger head you will blow, the higher position you will have.

This world doesn't suit the former Cecilia. She was too innocent and kind.

' Cecilia, Cecilia, Cecila, ang saklap ng buhay nating dalawa. Kapwa tayo inabanduda ng ating mga magulang at pinagmalupitan ng iba. We may have the same face, name, and fate. Pero hindi ako tutulad sa iyo na hinahayaan lang silang saktan ka at mamatay agad kahit hindi pa naman nag-uumpisa ang istorya. Hindi ako tinaguriang crazy bitch sa dati kong buhay para lang pagmalupitan sa mundong ito at mamatay.'

A smirk plastered on my face upon the thought circulating in my head. I will not let the book dictate your life Cecilia. Gagawin ko ang lahat upang manatiling buhay ang character mo hanggang sa huling kabanata ng librong ito. I, Cecilia Samson, who's currently living in the body of Cecilia Eckhart Campbell, is ready to dominate and play a hellish game in this hellish world.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status