Share

Chapter 5

Nagulat ako nang makarinig ng isang malakas na pagsabog. Nang nagpalinga-linga ako sa aking paligid, napagtanto kong nasa isang kagubatan ako. May dalawang tao akong nakikita mula sa aking kinaroroonan- isang babaeng nasa mid-30 na siguro ang edad at isang batang babae. 

Teka, anong ginagawa ko rito? Hindi ba't nasa Caelum Academy ako at kauuwi lang namin nila Caya galing sa Dome Magia. Nanaginip na naman ba ako?

“Isa kang malaking kahihiyan! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin magawang kontrolin ang iyong kapangyarihan, Ash,” sermon ng babae sa bata.

Ash? Bakit parang pamilyar sa akin ang eksenang ito? Ngunit, wala naman akong maalala na nangyari na ito sa akin. Ako ba ang batang iyon?

Nangunot ang aking noo. Nagtago ako sa likod ng isang puno at pinanood silang dalawa. Napansin ko ang maraming punong natumba at nasusunog ang mga ito. 

Napadako ang aking tingin sa batang umiiyak. Punit-punit ang kaniyang damit at napakaraming sugat na ang natamo sa kaniyang katawan. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa lupa at naghahabol ng hininga.

“Pagod na po ako, Ina. Puwede po bang bukas na natin ulit ipagpatuloy ang aking pagsasanay? At saka gusto ko na pong makalaro ulit si Debbie at ang iba pa,” pagmamakaawa ng bata habang humihikbi.

“Hindi maaari. Kailangan mong matutunang kontrolin ang iyong kapangyarihan ngayon din. Hindi ako makapaniwalang anak ka ni Lisa. Tumayo ka na riyan at gawing muli ang aking pinapagawa,” matigas na hayag ng babae.

Hindi ko alam ngunit nasasaktan ako sa kaniyang mga salita. Mas lalong lumakas ang iyak ng bata dahil ayaw ng babaeng tumigil siya sa ginagawang pagsasanay. Hindi ba puwedeng pagpahingain niya muna ang kaniyang anak? 

“Isang malaking pagkakamali ni Lumia na pinili ka niya bilang isa sa mga Celestial Zodiac. Wala kang kuwenta!” bunghalit ng babae sa bata at saka hinagupit niya ito ng kaniyang hawak na tungkod. 

Impit na tili ang lumabas sa bibig ng bata. Napahandusay siya sa lupa at biglang nawalan yata ng malay dahil sa ginawa ng babae.

Sobra na siya. Matapos niyang pagsalitaan ng mga masasakit na salita, may gana pa siyang pisikal na saktan ang bata. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at humarap sa babae. Naiinis ako sa kaniya. Akmang tutulungan ko na sana ang bata at aakayin pauwi ngunit bigla-biglang binalot na lamang siya ng itim na usok. 

Lumutang siya sa ere at nag-angat ng kaniyang ulo sa babae. Ano itong kahindik-hindik na kapangyarihan nararamdaman ko mula sa kaniya? Nakapangigilabot!

“Tama ako. Isa kang--”

Naputol ang sinasabi ng babae dahil bigla na lamang nagkaroon ng napakalaking butas ang lupa at nawasak ang kabuuan ng kagubatan. Naduwal ang babae at nagkaroon siya ng maraming sugat at paso sa buong katawan. 

Mapait itong napangiti sa bata at...

“Ashburn Samyah Imperial!” 

Napabalikwas ako sa aking higaan nang makarinig ng isang napakalakas na sigaw. Nagising ang aking diwa at halos mabasag na ang aking mga eardrum. Ilang ulit kong kinusot-kusot ang aking mga mata. Tae, sino ba 'yang anak ng siopao ang nambubulahaw ng aking tulog?

“Mabuti naman at gising kana. Bumangon kana riyan at magsisimula na ang ating ensayo,” seryosong utos niya sa akin.

“Huh? Ensayo?” gulat kong tanong sa kaniya.

“Oo, may ensayo tayo ngayon. Kaya bumangon ka na riyan at maligo!” pagmamando niya sa akin at saka itinuro ang banyo. 

“Pero--”

“Maliligo ka na o papaliguan kita?” nanunuksong tuya niya sa akin. 

Agad akong napalundag mula sa aking higaan at saka tumalima sa kaniya. Mabilis kong tinungo ang banyo at binuksan ang sprinkler.

Nasa kalagitnaan na ako ng paliligo nang biglang sumagi sa aking isipan kung paano nakapasok sa loob ng aking kwarto si Raid.

Napahawak ako sa dalawang matambok na bagay sa aking harapan. Inalog ko ang aking utak dahil sa ideyang naiisip ko. Hindi naman niya siguro gagawin ang bagay na iyon. Subukan niya lang talaga akong maiyakin at ipakakain ko sa kaniya ang aking kamao.

Binilisan ko na lamang ang paliligo at itinakip sa aking katawan ang mahabang tuwalya. Paglabas ko ng banyo, nasa kuwarto ko pa rin siya at nakahiga sa aking kama habang ginagawang unan ang kaniyang mga kamay. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng matalas na tingin. Sinenyasan ko siyang lumabas pero ang damuho, hindi nakuha ang ibig kong sabihin.       

“Oh, anong nangyari sa'yo? Bakit ang sama ng tingin mo? At ano yang pangiwi-ngiwi mo? Gusto mo ng kiss?” sunod-sunod na tanong niya sa akin at nabalot ng pagtataka ang kaniyang mukha.

“Gusto mong ikiskis ko sa pagmumukha mo itong kamao ko? Lumabas ka sa aking kuwarto, ngayon din. Anong gusto mo? Magpapalit ako sa harapan mo?” mapang-uyam kong sambit sa kaniya.

“Pwede rin naman kung gugustuhin mo,” mapaglarong wika niya saka ngumisi.

Nandilim ang paningin ko at hindi ko namamalayang napalabas ko sa aking katawan ang aking celestial weapon. Nakahanda akong gulpihin siya anumang oras.   

“Sabi ko nga, lalayas na.” Napakamot na lamang sa kaniyang batok. Napaka-maniyak niya talaga. He's driving me nuts.

Kusa namang bumalik sa aking katawan ang aking celestial weapon. Nagmadali na akong nagbihis at saka lumabas. Nadatnan ko silang lahat na naghihintay. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

“Hello, magandang umaga!” bati ko sa kanilang lahat.

“Good morning din, Ate Ash. Sabay ka na po sa akin. Sakay po tayo sa likod ni Poly babe,” salubong sa akin ni Marc at inalok akong sumakay sa likod ng kaniyang alaga. Nakalabas pa ang dila nito at tila asong naglalaway. 

“Sam, good morning din. Kumusta ang tulog mo?” masiglang bati naman ni Caya.

Napangiwi na lamang ako. Naalala ko tuloy ang aking panaginip. At saka, inaantok pa kasi ako at pinipilit lamang ang sarili na huwag humikab. Pasado alas-dose na kasi ng madaling araw no'ng natapos ang pagdiriwang kagabi.

“Napagod ka siguro kagabi kaya ka nahuling magising,” komento naman ni Suzaine. 

Napatango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.     

“Mag-ensayo na tayo,” deklara ni Raid sabay hawak sa aking kamay. 

“Raid, 'yong kamay ko. Pwedeng bitiwan?” angil ko sa kaniya.

“Ah, sorry excited lang ako,” tugon niya saka alanganing napangiti sa akin. Tumawa naman ang ilan sa amin at tinutukso-tukso kaming dalawa. 

“Ayieeeh!” buyo nila sa amin. Kinunutan ko lamang sila ng noo at napaikot na lamang ng aking mga mata.

“Such a waste of time!” bulalas naman ni Deborah. 

Nahuli ko siyang umirap sa aking gawi bago nagsimulang maglakad. Ano bang mayro'n sa babaeng 'to? May galit ba siya sa akin? Ngunit, imposible namang may galit nga siya sa akin dahil ngayon lang naman kami nagkasama.

Napatigil na lamang ako sa pag-iisip nang mapansing tuloy pa rin ang sagutan nina Marc at Raid. 

“Sa akin siya sasama. Ako ang nauna sa kaniya,” matigas namang paninindigan ni Marc saka hinigit ang isa ko pang kamay.

Nagtagisan ang mga mata ni Raid at Marc. Tila may mga kuryenteng namumuo sa kanilang mga pagitan. Napailing na lamang sina Nicanor, Almirah, Niklais, Lotus at Acanta sa senaryong kanilang nasasaksihan. Nagpaalam sila sa amin at nauna nang maglakad.      

“Hoy, Lotus Iunick, hintayin mo ako,” hirit naman ni Caya at sumunod na rin sa kanila. 

Maging si Suzaine ay walang nagawa kundi habulin ang iba. Si Glade na lamang ang naiwang kasama namin at nahuli ko siyang mariing nakatitig sa akin. Naalala ko tuloy iyong nagawa kong pambabato sa kanila ng aking takong kagabi.      

 “Ah, basta! Sa akin siya sasama. Poly babe, tulungan mo ako rito.” 

Dinakma naman ni Poly si Raid at nilawayan ang buong mukha. Yuck, it’s gross! Kadiri!      

“Ano ka ba,Poly? Lumayo ka sa akin. Ang lansa-lansa mo,” nandidiring wika ng lalaki saka umaaktong nasusuka.

Napahagalpak naman ng tawa si Marc habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.

“Hahaha! Sige lang Poly babe, huwag kang tumigil,” hagalpak ng bata. 

“Pasensya na sa inyong dalawa ngunit sa akin siya sasama. May utang pa sa akin ang babaeng ito.” Biglang sumingit naman si Glade sa eksena at saka hinila ang aking kamay. 

Kinarga niya ako at parang sakong inilagay sa kaniyang balikat.     

“Ano ba, Glade! Ibaba mo ako. Tae ka, hahambalusin kita ng aking celestial weapon kapag 'di mo ako ibaba,” pagbabanta ko sa kaniya.

Mabilis siyang tumakbo at inilayo ako mula sa dalawa. Pinagsusuntok ko siya sa kaniyang likuran ngunit hindi pa rin niya ako ibinababa.       

“Hoy, Glade! Ibalik mo siya sa amin,” malakas na sigaw ng dalawa. Nakita ko silang sumakay sa likod at hinabol kami ni Glade.

“Hahaha, mauuna na kami sa inyo. Bastias!” sigaw ni Glade sa pabalik sa dalawa at saka tinawag ang kaniyang celestial weapon.

Sumakay siya rito at pinalipad ito nang matulin. Buwisit na lalaking ito! Naililipad ang palda ko sa bilis niyang magpalipad ng kaniyang baston. Kapag ako'y nakawala sa kaniya, humanda siya sa akin.         

Ilang sandali pa, nasa harapan na kami ng isang gusaling hindi naman kalakihan.

Ibinaba niya ako at inilapit ang mukha sa akin. Buti na lamang at napaatras ako, kundi magkahalikan na sana kami ngayon dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Tiningnan niya ako na parang inuusisa ang buo kong pagkatao. Hindi pa siya nakuntento at inamoy-amoy pa ako. Hindi na ako nakatiis at itinulak siya palayo. Hindi ba niya alam na ang awkward ng ginagawa niya?     

“Ikaw nga!” bulalas niya. Napakunot ang aking noo at tinaasan siya ng isa kong kilay.  

“Anong ako nga? Bakit mo ako binuhat at dinala rito? Binibigyan kita nang sampung segundo para magpaliwanag,” banta ko sa kaniya. 

Inihanda ko ang aking celestial weapon at binago ang anyo nito. Ginawa ko itong isang malaking martilyo. Hindi naman siya natinag at nagpatuloy sa pag-aanalisa sa akin. 

“Walang duda, ikaw nga 'yan!” 

Naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niya.     

“Ano bang kalokohan na naman ito?” matigas kong tanong sa kaniya.

Napailing siya at saka nginitian ako. Naiinis na talaga ako sa kaniya. Parehong-pareho sila ng kaniyang kaibigan na nakakabanas ang mga pagmumukha. Sabi nga nila, “Birds with the same feathers, flocks together.” 

“Wala. Ibig kong sabihin ay ikaw nga iyong babaeng nangahas na batuhin kami ni Raid kagabi.” 

Bigla naman akong kinabahan nang maalala ko kung ano ang ginawa ko sa kanila kagabi. Nanuyot ang aking lalamunan nang pinanliitan niya ako ng mga mata.

“A-Anong gagawin mo?” tarantang tanong ko.

 Ngumisi siya at saka inilayo ang kaniyang mukha sa akin.

“Naisahan mo kami kagabi. Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo ni Raid?” seryosong tanong niya. 

Literal na nahulog ang aking panga dahil sa pagiging seryoso ng kaniyang ekspresyon sa mukha. Ilang beses akong napakurap ng aking mga mata. Ang weird ng lalaking 'to.    

“Bilis na! Sabihin mo na bago pa magbago ang isipan ko. I am a man after all, at may isang salita ako. We have a deal last night and you won,” he mentioned.

Ah, 'yon pala. Akala ko kung ano na. Ano kayang hihingihin ko mula sa kanila? Wala akong maisip. 

“Sa ngayon, wala akong maisip na pabor. Saka na lang,” pagdedesisyon ko. 

“Owws? Sigurado ka? Ayaw mo bang paglingkuran ka namin. Magaling akong manghimas este magmasahe ng likod,” mapaglarong sambit niya.

“Che! Ewan ko sa'yo. Bahala ka riyan! Pareho kayo ng kaibigan mong ang dumi ng pag-iisip,” inis kong saad at saka inihampas sa kaniya ang aking celestial weapon.

Napasubsob naman siya sa lupa at nagkaroon ng bukol sa ulo. Buti nga sa kaniya. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Sa hindi kalayuan, nakita kong paparating na ang ilan naming mga kasama. Mas nauna pa ako sa kanila dahil sa walang hiyang Glade na 'to. 

“Ate Ash, ayos ka lang ba? Anong ginawa sa iyo ng Glade na iyan?” sigaw ni Marc kahit nasa malayo pa lang siya. 

As usual, nakasakay na naman siya sa likod ng kaniyang alaga at kasama niya si Raid na tila binagsakan ng langit at lupa ang kaniyang mukha. Ilang sandali pa, nakarating na sila sa aming kinaroroonan.     

Bigla-bigla namang lumitaw si Archmaster Leonard sa harapan namin at may kasama siyang isang babae. Mukhang kaedaran lamang ito ni Archmaster kung pisikal na katangian ang pagbabatayan. Katulad ni Archmaster, kakaibang puwersa rin ang nagmumula sa kanya at napakabigat ng kaniyang presensiya.    

“Archmaster Leonard, Archmistress  Demia, magandang umaga po,” sabay-sabay na bati ng aking mga kasama. Yumuko silang lahat bilang pagbibigay galang.

Nakiyuko na lang din ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat bang gawin kaya nakigaya na lang sa kanila.     

“Bakit po kasama niyo si Archmistress Demia, Archmaster?” tanong ni Caya.    

“Siya ang kasama niyo sa inyong ensayo ngayon. Ituturo niya sa inyo kung paano gamitin ang inyong mga celestial weapon,” tugon ni Archmaster. 

“Bueno, nais kong magsimula na tayo sa ensayo nang maaga tayong matapos. Mayroon pa akong aasikasuhing ibang importanteng bagay,” turan ng Archmistress na puno ng awtoridad sa kanyang boses. 

Halatang strikto siya at napakaseryosong tao. Nahuli kong lumunok ng laway si Marc at Caya. Bakas din sa kanilang mukha ang takot. Bakit kaya?       

The Archmistress thumped the ground with her long wooden staff and the entire place suddenly changed into a vast pasture. What kind of magic is this? 

“Terrain Magic: New World,” kalmadong sambit ng Archmistress. Napaawang na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha.

“Ang galing!” bulong ko sa aking sarili.    

“Ayos na ang lugar na ito para wala kayong anumang mapinsalang gusali o mapahamak na nilalang habang nag-eensayo. Chosen Twelve, I demand you to give your best shot in this training,” matigas na saad ni Archmistress Demia.  

“Yes, Archmistress Demia!” we all said in chorus.

“Magsimula na tayo. Ilabas niyong lahat ang inyong mga celestial weapon,” utos niya sa amin. 

“Battledore!” 

“Bow of Chastity!”

“Voyage!”      

“Dragon Cannon!”     

“Lash of Vengeance!”

“Ordan!”     

“Krakowen!”     

“Blade of Pride!”       

“Doomsday!”          

“Crescent Spear!”     

 “Bastias!”        

“F-Feather of Metamorphosis!”          

Ako ang pinakuling tumawag sa aking celestial weapon. At sa kamalas-malasang pagkakataon, nabulol ako sa pagtawag ng aking sandata. Nakakahiya! 

Pinandilatan ako ng mga mata ni Archmistress Demia. Sa ginawa niyang iyon, nagsitindigan ang mga balahibo ko aking katawan. Habang kalmado at seryoso lang namang pinapanood kami ni Archmaster Leonard.        

“In order to bring out the true power of your weapons and your Zodiac, you, your zodiac and your weapon should become one. Gather all your magic and energy to the center of your body. You need a strong focus and concentration in doing this,” Archmistress Demia stated.         

Nagsimula kaming lahat na mag-concentrate at inipon ang mga enerhiya sa aming katawan. Pero paano nga ba mag-ipon ng enerhiya patungo sa pinakagitnang parte ng katawan? Hindi ko nga alam. Paano kaya? 

Isang minuto. Dalawang minuto. Tae, nagsisimula na akong pagpawisan dito ngunit hindi ko pa rin magawang magpokus.

“Yes! Nagawa ko,” masayang wika ni Caya kaya nawala ako konsentrasyon.

Napalingon ako sa kaniya. Nagniningning ang kaniyang Bow of Chastity at kahit hindi niya hawakan ay nagagawa pa rin niyang kontrolin ito.

“Focus, Ms. Imperial!” 

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa pagtaas ng boses ni Archmistress sa akin. Hindi agad ako nakagalaw nang makita ang kaniyang palad na papalapit sa aking mukha. Isang malutong sampal ang iginawad sa akin ng Archmistress. 

“If you are on a training with me, don’t do unnecessary things. I really hate it!” iritado niyang wika.

Napangiwi na lamang ako dahil sa hapdi ng aking mukha. Ngunit, ipinagsawalang bahala ko ito. Pumikit ako at bumalik sa pagpopokus.      

“I said concentrate! Now, get up and continue,” muling sigaw ni Archmistress Demia kaya nawala na naman ako sa konsentrasiyon. 

Sa isang kumpas ng kaniyang kamay ay napahalik sa lupa si Raid. Tae, ganito ba ang paraan niya ng pang-eensayo? Kaya pala mukhang takot na takot sina Caya at Marc kanina. Pumikit akong muli at nagpokus bago pa ako mahuli ng Archmistress.  

“Nagawa ko. Nagawa ko,” dinig kong tinig ng batang si Marc. Sana ganoon lang kadaling mag-ipon ng enerhiya. 

“Woah! Amazing,” bulalas naman ng boses ni Glade.

Pinilit ko pa lalong mag-concentrate at pinigilan ang sariling imulat ang mga mata. Nagmumukha lang akong natatae dito- parang naiire na ewan.

“Finally!” Almirah and Suzaine exclaimed in almost the same time. 

Lahat na yata sila ay natapos na ang ipinapagawa ni Archmistress. Ako na lang yata ang hindi pa. 

Concentrate. Focus. Concentrate. Focus. What should I do?          

“Stop, Ms. Imperial and Mr. Semyonovich. Ikukulong ko muna kayo sa isang sphere at doon niyo gawin ang aking ipinapagawa. I’ll begin the phase two of the training with the other chosen twelve. It’s useless to have a powerful weapon if you don’t know how to protrude it’s true power. Gawin niyo iyan kahit abutin pa kayo nang buong maghapon. If you can’t do it, expect for severe punishments,” Archmistress Demia firmly stated amidst my deep concentration.

Napamulat na lamang ako ng aking mata at ngumiwi. Napabuga naman ng hangin si Raid mula sa kaniyang bibig. Maging siya rin ay hindi magawang palabasin ang tunay na kapangyarihan ng kaniyang celestial weapon.

“Absolute Sphere,” sambit ni Archmistress. 

Umangat kaming dalawa ni Raid sa ere at may isang malaking sphere ang pumalibot sa amin.

Hindi ko naririnig ang mga sinasabi ng mga kasama namin sa ibaba ngunit kitang-kita ko kung paano naging seryoso ang kanilang mga mukha at pumwesto sila sa magkakaibang direksyon. Tila ba nakahanda silang umatake kay Archmistress anumang oras.

Nagpatuloy na lamang ako at lumayo nang ilang hakbang kay Raid. I need inner peace. I don’t know if this will work out but I  will still try it. I sit on the surface of the sphere and start to meditate. Maybe, I can use the principles of Yoga.

Mahinahong paglanghap at pagbuga ng hangin sa aking ilong ang aking ginawa. Ilang minuto ko ring ginawa iyon hanggang sa may mga imaheng pumasok sa aking isipan. 

Nagbago ang kapaligiran at tila ba nasa ibang mundo na naman ako. Nakaapak ang aking mga paa sa buhangin. Marahang hinahampas ng mga alon ang dalampasigan. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi mahapdi sa balat. Ang bughaw na kalangitan ay nagbibigay ng kaginhawaan sa pakiramdam. Malaya ring inililipad ng hangin ang aking buhok.    

Paanong napunta ako rito? Sa aking paglalakad sa dalampasigan, may isang pulang alimango ang lumapit sa akin. Gumapang ito sa aking paa ngunit hindi naman naninipit, kaya kinuha ko ito. Inilagay ko ito sa aking palad.    

“Kumusta, munting nilalang!” parang tangang pagkausap ko rito. 

Ibinuka nito ang kanyang mga sipit at saka isinara rin lang. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa makalikha ng tunog. Napatawa na lamang ako dahil sa tuwa.

Ngunit, nagulat ako nang biglang nasilaban ito ng apoy. Magkahalong pula at itim ang kulay ng apoy na bumalot sa alimango. Nangunot ang aking noo dahil sa pagtataka. 

Nagbago ang ihip ng hangin at naging itim ang buong kalangitan. Ang init ng aking pakiramdam. Tila ba nagbabaga ang buong paligid. Maging ang aking mga mata ay umiinit din. May kung anong mga kapangyarihan ang naglalaban sa aking loob. Hindi ko mawari kung ano ang mga ito at hindi maipaliwanag na sensasyon ang sumakop sa akin.     

Nakarinig ako nang isang malakas na sigaw, at kasabay nito ang ingay ng isang salaming nabasag. Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata.

Napapalibutan ako ng pinaghalong itim at pulang apoy. Anong nangyayari? May hawak na rin ako ngayong setrong may pulang bilog sa dulo nito. Ito ba ang aking celestial weapon? Ito ba talaga ang tunay na anyo nito? Nagawa ko bang palabasin ang tunay nitong kapangyarihan? 

Ngunit, bakit pakiramdam ko ay may kakaiba? Bakit parang may mali? Iginala ko ang aking tingin at nagulat na lamang nang mapansing wala na ang ginawang sphere ni Archmistress.

Mas lalong nanlalaki ang aking mga mata nang makitang nagtatagisan ang apoy na nagmumula sa akin at ang kapangyarihan ni Raid. Pilit niyang nilalabanan ito ng kaniyang mga kidlat. Ngunit, hindi nagtagal ay nilamon siya ng aking apoy. Nakita ko na lamang siyang bumagsak sa lupa.         

Gutay-gutay ang kanyang pang-itaas na damit at may ilan siyang natamong paso sa katawan. Ako ba ang may kagagawan nito? Nanginginig ang aking mga kamay at nabitiwan ang hawak kong setro. Anong ginawa ko? Namatay ang apoy na bumabalot sa akin.

Kapagkuwan ay nakaramdam ako ng panghihina. Uminog ang aking paligid at hindi nagawang balansehin ang sarili. Pinilit kong labanan ang pagkahilo ngunit bigo ako. Marahan kong naipikit ang aking mga mata at tuluyang nawalan ng ulirat.     

I’m sorry Raid. Hindi ko sinasadya. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mae Millarez
Ang ganda ng story
goodnovel comment avatar
Zuckhinie Niemzak
putik kala ko libre my bayad pala delete nyu na apps nyu mga gago
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status