Share

Chapter 20

Kasalukuyang binabayo ng iba't-ibang uri ng sakuna ang kinaroroonan namin, na naging dahilan upang maging magulo ang daloy ng mana sa lugar. Naglalakihang mga buhawi ang nagsilabasan mula sa kung saan-saan, habang may kasama itong mga malalakas na pagkulog at matatalim na pagkidlat.

“Aaahhh! Kaunting oras na lamang at bibigay na ang mundong ito. Hindi ko na ito kayang patagalin pa,” pagdaing ni Archmistress. 

Marahas siyang hinahampas ng hangin kaya nadaragdagan ang mga sugat niya sa katawan. Napatunganga na lamang ako sa aking kinaroroonan. Hindi ako makapag-cast ng spell. Asar! Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa hapdi ng aking mga sugat. 

“Aaahhh!” sigaw ni Caya, nang bigla siyang tangayin ng isang malaking buhawi. 

“Caya!” bulalas naming tatlo nila Lotus at Suzaine. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Ngunit, hindi ko na sila pinansin at mabilis na sinalungat ang malakas na hanging patuloy sa pagh

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status