Share

Kabanata 38

Penulis: Ensi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-17 22:19:44

“Akala ko... nakaka-move on na ako,” bulong ko sa sarili habang hawak pa rin ang kamay ni Shaun. Pero hindi ko rin maikakaila na ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin, lalo na mula kay Keaton.

At doon ko siya narinig.

Si Yumi.

“Ah, ayan pala siya,” malakas na sabi ni Yumi, sapat na para marinig ng ilan sa mga taong malapit. Nakatayo siya sa tabi ni Keaton, pero tumigil ito sa pakikipag-usap sa mga bisita para tumingin sa direksyon ko.

Lumingon ako kay Shaun, mahigpit pa rin ang kapit niya sa kamay ko, pero bago pa siya makapagsalita, muli akong nakarinig kay Yumi.

“Ang tapang mo rin pala, Mari. Akalain mo nakapasok ka sa ganitong lugar?" puno ng pang-iinsultong sabi niya tila gusto akong ipahiya. “At kasama mo pa talaga si Shaun? Wow. From kasambahay to… what? Girlfriend ng investor?” tumawa siya ng mahina, kunwari mahinhin.

Napatingin ang ilang bisita sa amin. May mga nagbubulungan na. Si Keaton, nanatiling tahimik pero hindi inaalis ang tingin sa amin.

M
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Tma yan mari lumaban ka at wag kang papaapi..lalo na sa yumi na yan,buti nga sa knya............
goodnovel comment avatar
❣𝐥𝐢𝐛𝐛𝐲𝐣𝐦❣
Suyo well Kaeton. Pati ba ikaw nasampal sa sinabi ni Mari. Doon ka nalng sa immature mong girlfriend kuno. Di ka kailangan ni Mari.
goodnovel comment avatar
❣𝐥𝐢𝐛𝐛𝐲𝐣𝐦❣
Good job Mari! Clap clap!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 44

    Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman siguro ma-i-infect ang skin ko sa tubig?" tanong niya nang ilusong niya ang kamay sa rumaragasang tubig. Palihim akong napairap. Ang arte ha. "Eh di wag kang maligo!" Narinig kong tumawa siya ng

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 43

    Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 42

    Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina dahil kay Aling Lolita na panay biro. Si Keaton na hindi ko inaasahan na tumawa, nakikipagtawanan ngayon kaya hindi ko maiwasang magulat. Hindi siya ganito dati. Hindi tumatawa. Hindi rin nakikipag-kwentuhan pero sa nakikita ko, may nagbago. Malaking pagbabago. Matapos ko kasing tanggihan ang inalok niyang isaw, hindi na niya ako pinansin. Akala mo naman big deal. Nang mapatingin siya akin, agad akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkusot ng towel sa lababo. Huminga ako ng malalim— "Ay kabayo! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nalapit?" singhal ko kay Keaton nang lumapit na naman sa akin. "Where's your bathroom? I need to pee." Napairap ako. "Dyan sa labas. Covered naman yan at walang dumadaan. May bungkal dyan at rumaragasang tubig mula sa bundok kaya malinis. Dyan ka maghugas o kung anong gusto mo." "Oh, hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung may sumilip?" Natigilan ako. "Sumilip? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang dumadaan d

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 41

    Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I told you earlier,” mahina niyang sabi. “Can I taste that?” Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Yung isaw. Napangiwi ako. “Hindi pwede,” masungit na sagot ko habang nagbabanlaw pa rin ng ri

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 40

    Matapos ang event na 'yon, hindi na ako nagparamdam o nagpakita kina Keaton at Khalil. Pinili ko na lang manahimik. Ayoko na ng gulo, ayoko na ng sakit ng ulo, lalo na ng sakit ng puso. Nakiusap ako kay Shaun kung puwede ba niya akong tulungan makapasok sa TESDA. Gusto kong may matutunan, kahit ano, basta may alam. Thankfully, tumulong siya. Tinuruan niya akong mag-submit ng requirements, nagbigay pa siya ng pambili ng uniform at mga gamit. Pero kahit gano’n, hindi ako tumira sa condo niya. Lumipat ako sa maliit na tindahan ni Aling Lolita. Simula nang bumalik si Aling Lolita, tinanggap niya ulit ako. Hindi man kasing-komportable ng dati, mas masarap sa pakiramdam na alam mong hindi ka pabigat sa kahit kanino. Mabilis lumipas ang mga buwan. Hindi ko namalayan, malapit na akong magtapos sa TESDA. Malapit na ang final assessment ko. Habang pauwi ako galing training. Suot ko pa 'yung uniform ko, may bitbit akong plastic ng street food na puro isaw at barbecue para pang-ulam nam

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 39

    Halos marinig ko ang sariling hininga sa sobrang bigat ng tensyon habang nakatitig kay Yumi. Oo bumalik siya. Ramdam ko pa rin ang kirot sa pisngi ko mula sa sampal niya, pero mas matindi ang kirot sa pride ko. “Mari…” tawag ni Shaun, hawak pa rin ang braso ko. Pero hindi ko siya pinansin. "Alam niyo bang magnanakaw 'yan! Oo 'yang babaeng 'yan! Kasambahay na nga, nagawa pang magnakaw! Ganun talaga kapag mahihirap, magnanakaw na lang dahil sa inggit! Ang kapal din ng mukha para pumunta dito! You're not welcome here!" Tumayo akong diretso, pinunasan ang gilid ng labi ko kung saan may kaunting dugo, saka dahan-dahang humakbang palapit kay Yumi. “Wala akong ninakaw, Yumi, alam 'yan ng Diyos na hindi ko ninakaw ang alahas mo. Senet-up mo 'ko, 'yon ang totoo,” mahina pero matigas kong sabi. Hindi ko na kayang pigilan. Hindi ko na kayang kimkimin. Tumaas ang kilay ni Yumi, “And you think paniniwalaan ka nila? I have evidence, Mari. Ang tapang mo ngayon ha! Porket maganda ang su

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status