Share

Kabanata 48

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-08-07 21:48:31
"Anong nangyayari rito?" Mabilis akong napatingin kay Aling Lolita na may dalang dustpan at walis tingting. Mukhang katatapos lang niyang magwalis sa labas, sa may likod ng bahay.

"Siya po!" Tinuro ko si Keaton at sinamaan ng tingin. "Tingnan niyo po ang itsura niya. Akala mo maganda ang katawan." Pero ang totoo, maganda talaga ang katawan niya. Iyong tipong sakto tapos may balahibo pababa doon sa pinakatatago niya.

"Hindi ba? Halos maglaway ka nga, eh." Natatawang sabat niya.

Malaki-laki ang mga mata kong pumihit paharap sa kanya. "Kapal din ng mukha mo 'no? Ako maglalaway dyan? Payat mo nga, eh." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip na bumaling kay Nay Lolita. "Pagsabihan niyo nga po 'yan. Akala mo nasa pamamahay kung makapagsuot ng boxer."

"May abs naman ako. May maipagmamalaki rin. Kahit kilatisin mo pa. Bakit hindi mo tingnan at suriin?" Panghahamon niya at bahagyang napaatras nang ilapit niya ang sarili sa akin hawak ang sandok. "Oh, ano?"

Nagsalubong ang kilay ko
Ensi

may nagbabasa pa ba nito? sorry kung ngayon lang nakapag-ud rito 🥹

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
gracie
yes po ang tagal nga po ng update..hehe paano kaya magiging ok si keaton at mari
goodnovel comment avatar
Sayo Lang Ako
Yes lagi akong nag aabang .........
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Thank u Miss author 🩵🩷🩵
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 49

    "Shaun?" Nginitian niya ako pero halatang napilitan lang lalo na no'ng makita niya kung sino ang nasa likuran ko. "May nangyari ba?" Nilapitan ko siya. Mukhang pagod, eh. Maski ang mga mata. Parang pasan ang buong mundo. "Bakit ganyan ang itsura mo—" napasinghap ako nang salubungin niya ako ng yakap. Naantala ang kamay ko sa ere bago siya niyakap pabalik at hinagod ang kanyang likod. "Hindi ako nakatulog ng maayos," mahinang sagot niya. "Nanaginip na naman ako. Paggising ko, basang-basa ako ng pawis. I was screaming your name, pero naalala ko, wala ka na pala doon." Sumbong niya at hinigpitan lalo ang pagkakayap sa akin. Kaya pala napasugod siya rito. Napabuntong hininga ako. Ito 'yong dahilan bakit hindi ako makaalis-alis noon sa condo niya. Lagi siyang nananaginip ng masama. May time na natutulog ako sa lapag para lang samahan siya pero hanggang doon lang. He respects me as a woman. Never niya akong pinagtangkaan. "Gusto mo bang matulog ako doon ngayon?" tanong ko. "No!" bos

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 48

    "Anong nangyayari rito?" Mabilis akong napatingin kay Aling Lolita na may dalang dustpan at walis tingting. Mukhang katatapos lang niyang magwalis sa labas, sa may likod ng bahay. "Siya po!" Tinuro ko si Keaton at sinamaan ng tingin. "Tingnan niyo po ang itsura niya. Akala mo maganda ang katawan." Pero ang totoo, maganda talaga ang katawan niya. Iyong tipong sakto tapos may balahibo pababa doon sa pinakatatago niya. "Hindi ba? Halos maglaway ka nga, eh." Natatawang sabat niya. Malaki-laki ang mga mata kong pumihit paharap sa kanya. "Kapal din ng mukha mo 'no? Ako maglalaway dyan? Payat mo nga, eh." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip na bumaling kay Nay Lolita. "Pagsabihan niyo nga po 'yan. Akala mo nasa pamamahay kung makapagsuot ng boxer." "May abs naman ako. May maipagmamalaki rin. Kahit kilatisin mo pa. Bakit hindi mo tingnan at suriin?" Panghahamon niya at bahagyang napaatras nang ilapit niya ang sarili sa akin hawak ang sandok. "Oh, ano?" Nagsalubong ang kilay ko

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 47

    “Patunayan mo.” Yun lang ang nasabi ko bago muling pumasok sa loob ng bahay dala ang ibang natuyong sinampay. Wala si Khalil at mukhang sa likod dumaan. Saan kaya 'yon pumunta? Bumuntong-hininga ako at sinimulang tipunin ang mga tuyong sinampay na hindi ko pa natutupi kanina. Paulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari, lalo na ang mga salitang binitawan niya, na parang ang dali-daling sabihin, pero ako, ilang taon ko pa ring dinadala ang bigat no’n. Chance? Madaling magbigay pero mahirap paniwalaan kung minsan. Sa puntong 'to, 'di na ako naniniwala sa salita lang. Gusto kong makita na nagbago talaga siya. Narinig kong lumangitngit ang pinto kaya nilingon ko agad. Si Khalil kasunod si Keaton na tahimik lang na pumasok. “Dito na lang tayo matulog sa sala?" tanong ni Khalil at napakamot ng buhok. "Hindi tayo kasya sa kwarto saka okay lang. Hindi naman kami maarte." Sabay tawa ng mahina. Tumango lang ako. "Kung ayos lang sa inyo, walang problema sa akin. Ako, sanay naman ako sa

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 46

    Hiyang-hiya ako sa nangyari. Siguradong nakita niya lahat. “Ano ba, Keaton!” halos maiyak kong sigaw at tinakpan ang sarili kong basang-basang gamit ang manipis na tuwalya. Pinaghahampas ko sa likod niya ang basang labahan na nadampot ko, hiyang-hiya at nanginginig sa lamig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Matagal na panahon na no'ng makita namin ang katawan ng isa't-isa. "Look, I was shocked. Kasalanan ko bang sumigaw ka? Nag-alala lang ako, Mari." At talagang pumihit pa siya paharap sa akin. “I said, turn around!” sigaw ko ulit habang pinapalo siya sa balikat, sa likod, kahit saan ko siya pwedeng mahampas na hinayaan lang din niya. "Hindi mo kailangang takpan, Mari, nakita ko na lahat sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" "Oh, you heard me, honey." "Bwisit ka!" Pero sa halip na mag-sorry siya, tinawanan lang niya ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, nagpipigil sa inis at baka masubsob ko siya sa kanal na 'to. “Keaton, baliw

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 45

    Pagkatapos no’n, pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagtutupi ng mga nilabhang damit sa maliit na lamesa malapit sa bintana. Isa-isa kong inaayos ang mga ito, paboritong gawain ko ‘yon kapag gusto kong umiwas sa ingay o sa kung sino mang ayaw ko munang makausap. Aminado naman akong nakita ko na noon ang alaga ni Keaton pero matagal na 'yon! Hindi ko na halos maalala tapos 'yong kanina—ah! Parang tumatak na ulit sa isipan ko ang itsura! Bakit kasi ang laki? Mas humaba? Bwisit! Pero kahit anong iwas ko, tila tadhana na ang pilit na naglalapit sa amin. Naramdaman ko ang presensya ni Keaton na ngayon ay nakahilig sa pader. Hindi ko siya tiningnan agad. Nagpanggap akong busy, pero hindi ko napigilang mapalingon din. Bahagyang napamaang ang bibig ko sa nahagip ng mata ko. Nakasampay sa balikat niya ang puting tuwalya habang pinapatuyo ang basang buhok. At ewan ko ba kung bakit parang mas luminaw ang features niya, ‘yung matangos na ilong, matalim na panga, at seryosong mukha.

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 44

    Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman siguro ma-i-infect ang skin ko sa tubig?" tanong niya nang ilusong niya ang kamay sa rumaragasang tubig. Palihim akong napairap. Ang arte ha. "Eh di wag kang maligo!" Narinig kong tumawa siya ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status