Halos mag-iisang buwan na ako rito sa mansyon ngunit simula nang mangayri 'yong sa fountain kung saan nakita ko ang mukha ni Sir K ay hindi na siya bumaba o nagpakita sa akin. Kahit anong gawin kong pagsulyap sa kwarto niya, pagdungaw, nagbabakasaling makita ito ay walang tsansa. Tila naging multo, naglaho na parang bula. Pinagbawalan din ako ni Aling Lolita na umakyat sa ikalawang palapag at kalimutan ko na raw ang mukha ng amo ko. Pero paano ko gagawin 'yon kung araw-araw kong napapanaginipan? Na kahit anong pilit kong paglimot, parang nakatatak na sa utak ko ang maaliwalas at maganda niyang mukha? Napabuntong hininga na lamang ako habang nagwawalis sa sala. Mukhang wala na talagang pag-asa na makausap at masilayan ko pa si Sir K. Ewan ko ba, kahit masungit 'yon at suplado, hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya niya, eh hindi naman kami naging close o matagal na nagsama. Parang nakakamiss 'yong paninigaw niya, sermon, lahat na. "Oh, ba't nakasimangot ka dyan?" Napasun
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya