Share

Kabanata 11.2

Blair Castro

NAKATULALA ako sa telescope na nakalagay sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumili ako nito. Nananaig sa puso ko ang pananabik na mabantayan si Lira at mali man ang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan dahil pakiramdam ko'y tama ito—sa puso ko'y tama ang ginagawa ko.

Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa telescope. Hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Lira gamit ang bagay na ito dahil—una, hindi ko alam kung paano iaadjust ang mga nalakagay dito at pangalawa ay gabi na at nakikita kong sarado na ang ilaw sa bahay ni Lukas.

Nang sumilip ako sa eye piece ay mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Tama ang hinala ko, wala akong makikita dahil madilim na sa mansion ni Lukas de Marco.

Bagsak ang balikat na humilata ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sinapo ko ang mukha ko at nagmulat ng mata saka natulala

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status