Share

Kabanata 20

Blair Castro

BUMALIK ako kina Lukas tulad ng gusto niya. Mabilis akong naligo dahil sa panlalagkit na dulot ng natapon sa akin na juice. Hindi na rin ako nag-abalang tuyuin ang buhok ko. Agad akong bumalik kina Lira na naghihintay sa akin sa lanai.

Sinalubong niya ako. “Teacher!”

Ngumiti ako nang hawakan niya ako at pinaupo sa kaninang inuupuan ko na ngayon ay malinis na. Iniabot niya sa akin ang juice at plato na may lamang cookies.

“Teacher, look! Ang ganda po ng ginawa natin.” tuwang-tuwa na ipinakita sa akin ni Lira ang kinalabasan ng project niya.

Ngumiti akong muli saka tumango sa kaniya. “Magaling ka kasi magdikit.”

Napako ang tingin ko sa litrato ni Aliicia. Sa totoo lang at gusto ko itong pilasin kanina pa. Nahihirapan rin akong tanggapin na si Alicia ang nakalagay sa pwesto ng nanay sa project

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status