Share

Kabanata 28

Blair Castro

UMINOM ako mag-isa. Hinayaan kong malunud sa alak ang nababaliw ko nang puso na nasasaktan dahil kay Lukas. Mahina akong natawa at umiling. Walang mangyayari kung ganitong palagi lang akong magmumukmok.

Hawak ang bote ng alak sa leeg ay tumayo ako pero agad akong nahilo. Lumabas ako ng bahay at naabutan si Lukas na may bitbit na garbage bag. Ngumisi ako at pasuray-suray na naglakad palapit sa kaniya. Itinapon niya ang basurang dala at sinalo ako nang muntik akong mapasubsob.

Tinulak ko siya saka tiningnan habang naniningkita ang mga mata. “L-Lukas! M-May tanong a-ako shayo!”

Nangunot ang kaniyang noo. “You're drunk, miss McBride.”

Tumawa ako at umiling. “Hindi 'yan ang gushto kong marinig! Gushto kong malaman kung—” napatigil ako nang masinok ako. Dumura ako at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status