Blair Castro
“WHY did you do that?” halos manlamig ako sa tono ng boses ni kuya Cloud. Bakas dito ang galit at disappointment. “Bakit ka nakikipag-away ng ganoon? Kaya ba masakit ang ulo mo nitong nakaraan dahil nakikipagsabunutan ka kay Alicia? Blair, I never thought na aabot ka sa ganito!”
“Gumanti lang ako, kuya—”
“Hindi 'yon ang nakita ko! Sinadya mo!”
“Oo!” pag-amin ko. “Sinadya ko! Sinadya kong asarin si Alicia. Sinadya kong galitin siya dahil gusto ko. Natutuwa ako kapag nakikita kong nanggagalaiti siya sa galit sa 'kin. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang takot sa mukha niya tuwing lalapitan ko si Lukas.”
“Paano kung saktan niya si Lira?”
Umiling ako. “Hindi niya masasaktan si Lira. Magagalit sa kaniya si Lukas at hindi siya papayag na ma
Blair CastroHINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Lukas. He looked so disappointed. Para bang may inaasahan siya na hindi niya sa akin at nakita at may nakita siya na hindi niya inaasahan. Naguguluhan ako. Bakit ganito ang inaakto niya?Nanlalambot man ay tinapangan ko ang loob ko. Sinalubong ko ang malalim na titig ng luntian niyang mga mata. “Totoo ang lahat ng ipinakita ko sa inyo ni Lira. Ang Blair na nakasama niyo ay totoo kaya wala kang karapatang pagdudahan ang pagkatao ko dahil kailanman ay hindi ko pineke ang nararamdaman ko.”“Then, why are you doing this? Just give me one fucking reason because I'm going crazy! My wife says you're a threat to my family but my mind whispers the otherwise. Ano bang paniniwalaan ko? Tell me the truth now, and I will believe you.”Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. “A-
Blair CastroMANHID ang puso ko sa mga sandaling ito. Wala akong ibang inisip kundi si Lira. Inaabangan ko siya habang nasa loob ako ng bahay ko pero kanina pa ako nakasilip sa bintana pero hindi ko pa siya nakikita. Ayaw niya ba talagang umuwi?Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko. Nadamay pa si Lukas sa mga kabaliwan ko. Nagalit sa kaniya si Lira. Sinalakay ako ng konsensya. Hindi nagalit sa akin si Lukas sa kabila ng kasalanang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan niya gayong may karapatan siyang magalit dahil nasaktan si Lira pero hindi—hindi siya nagalit sa akin bagkus ay nalungkot lamang sa kinahinatnan ng kasalanan ko. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil hindi siya dumagdag sa bigat na nararamdaman ko.Bandang alas dose ng tanghali nang tumawag si kuya. Agad kong sinagot ang tawag niya matapos kong tumikhim para ayusin ang boses ko. “K&m
Blair CastroMASAKIT ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Dahan-dahan akong bumangon at natagpuan ang sarili na nakasuot ng damit na iba sa suot ko kahapon. Nakat-shirt lang ako at pajama.Umawang ang labi ko at gulat na napatingin sa paligid. Nandito naman ako sa kwarto ko pero sinong naghatid sa akin?Lumunok ako at agad na lumabas ng kwarto. Sa kusina ay natagpuan ko ang isang lalaking topless na nakasuot ng aphron habang nagluluto. Eksaktong humarap siya sa akin ay nasinok ako.He stared at me and laughed. “Halika rito. Uminom ka ng tubig saka ng gamot para sa sakit ng ulo.”Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari pero 'yon ang problema sa akin. Hindi ko naaalala ang mga ginawa ko kapag nalasing ako ng husto.“You're probably thinking what happened,” panimula ni
Blair CastroHINDI pa rin ako makapagsalita habang nasa kabilang linya pa rin si Cloud. Pakiramdam ko ay punong-puno ang puso ko ngayon. Ang sarap lang sa pakiramdam na umuusad na ang plano namin at ngayon nga ay makikita ko na ang dalawa pang anak ko.[Pauwi na ako ngayon. Isasama kita bukas pabalik dito para sabay nating puntahan ang kambal.]“Hindi ba pwedeng ako nalang ang pumunta diyan? Hintayin mo nalang ako sa bus station.”[No, Blair. Ako na ang susundo sa 'yo.]Wala na akong nagawa. Hassle naman ng gusto niya pero hindi ko naman siya matanggihan dahil masyado na siyang nagawa para sa akin.Napangiti nalang ako saka tumango. “Sige. Hihintayin kita. Excited na akong makita ang kambal.”Nang matapos ang pag-uusap namin ni Cloud ay hindi na mawaglit ang ngiti sa mga labi ko. Naupo ako na nakang
Blair Castro“BLAIR, sandali.”Tumigil akong muli sa paglalakad. Hindi na ako humarap sa kaniya. Nanatili akong nakatalikod habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. Narinig ko ang buntong-hininga niya.“I'm sorry,” aniya sa mababang boses.Hindi an ako nakatiis. Hinarap ko siya saka ako humalukipkip. “May problema pala sa kompanya ng pamilya mo. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?”“Ayokong mag-alala ka. Ayoko ring iwan ka dito dahil kailangan mo ako,” pangangatuwiran niya pa na hindi ko tatanggapin.Umiling ako. “Hindi sapat ang dahilan mo, Cloud. Pamilya mo na sila bago pa ako dumating sa buhay n'yo. Kung sinabi mo sa 'kin, kaya ko naman e.”Umiling rin siya. “Hindi, Blair. Gusto kong samahan ka. Gusto kong tulungan ka. Wala rin namang kwenta kung aalis
Blair McBrideGAYA ng gusto ni Cloud ay inihatid niya ako sa bahay ko saka siya agad na umalis. Bagsak ang katawan ko sa kama at nang mapag-isa ako ay saka pa lamang lumabas ang luhang pinipigilan ko habang kasama ko si Cloud. Ayokong umiyak sa harapan niya dahil mag-aalala siya at baka hindi umalis. Ayoko na ring ipakita sa kaniya na mahina ako dahil nahihiya na rin ako.Galit lang naman ang nagpapalakas ng loob ko. Kapag nagpapatong-patong ang galit ko kay Alicia ay saka lamang lumalabas ang tapang ko.Sumilip ako sa labas ng bintana ng kwarto nang makarinig ako ng pagdating ng kotse. Gabi na at kadarating lamang ni Lukas. Nakasuot siya ng usual na attire niya kapag pumapasok sa trabaho. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang humanga dahil bawat angulo ay gwapo siya. Ngayong nakita ko na ang hitsura ng kambal ay nasisiguro kong lalaki ang mga ito na kamukhang-kamukha ng ama.
Blair CastroHINDI ako makapagsalita hanggang sa dumating kami sa bahay. Hindi pa rin ako bumababa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lukas dahil sa nangyari. Dapat ko bang unahin ang sorry o salamat?“Kaya mo na bang pumasok mag-isa?” pagbasag niya sa katahimikan.Dahan-dahan ko siyang nilingon. “L-Lalabhan ko nalang 'yung damit mo.”Umiling siya at kinuha ang damit niyang hinubad. “No, it's ok—”Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay hinablot ko na ang damit sa kaniya saka ako dali-daling bumaba pero dahil nga lasing pa ako ay napaupo ako sa simento matapos mawalan ng balanse.“Blair!” nangibabaw ang boses ni Lukas sa kalagitnaan ng tahimik at madilim na gabi. Agad niya akong hinawakan sa braso at inakay na tumayo.Sumandal ako sa kotse niya at napapi
Blair CastroNAGCOMMUTE ako pabalik sa Quezon Province para makita ulit ang mga anak ko. Hindi ko na pinansin si Lukas kahit pa nga nakita niya akong sumakay sa taxi kanina papunta sa station ng bus pabiyaheng Quezon. Hangga't maaari ay gusto kong iwasan ang lalaking 'yon dahil masyado akong nababaliw kapag malapit siya. Ayokong makagawa na naman ako ng kasalanan at masaktan na naman ang bunso kong si Lira.Kahit pa nga labag sa kalooban ko ang ginawa kong pagbalewala sa kaniya ay mas pipiliin kong suwayin ang puso kong nagmumukmok at naghuhuromentado nang sandaling makita ko siya at talikuran.Agad akong nakarating sa lugar kung saan nakatira ang kambal. Pakababa ko ng bus ay tumambad sa akin ang mga tao na agad tumingin sa akin. Ang iba ay tiyak na namukhaan ako dahil tumigil sa kani-kanilang ginagawa. Maging ang mga batang naglalaro ay tumigil para makiusyoso sa pagdating ko—tulad