Blair Castro
“BLAIR, sandali.”
Tumigil akong muli sa paglalakad. Hindi na ako humarap sa kaniya. Nanatili akong nakatalikod habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. Narinig ko ang buntong-hininga niya.
“I'm sorry,” aniya sa mababang boses.
Hindi an ako nakatiis. Hinarap ko siya saka ako humalukipkip. “May problema pala sa kompanya ng pamilya mo. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?”
“Ayokong mag-alala ka. Ayoko ring iwan ka dito dahil kailangan mo ako,” pangangatuwiran niya pa na hindi ko tatanggapin.
Umiling ako. “Hindi sapat ang dahilan mo, Cloud. Pamilya mo na sila bago pa ako dumating sa buhay n'yo. Kung sinabi mo sa 'kin, kaya ko naman e.”
Umiling rin siya. “Hindi, Blair. Gusto kong samahan ka. Gusto kong tulungan ka. Wala rin namang kwenta kung aalis
Blair McBrideGAYA ng gusto ni Cloud ay inihatid niya ako sa bahay ko saka siya agad na umalis. Bagsak ang katawan ko sa kama at nang mapag-isa ako ay saka pa lamang lumabas ang luhang pinipigilan ko habang kasama ko si Cloud. Ayokong umiyak sa harapan niya dahil mag-aalala siya at baka hindi umalis. Ayoko na ring ipakita sa kaniya na mahina ako dahil nahihiya na rin ako.Galit lang naman ang nagpapalakas ng loob ko. Kapag nagpapatong-patong ang galit ko kay Alicia ay saka lamang lumalabas ang tapang ko.Sumilip ako sa labas ng bintana ng kwarto nang makarinig ako ng pagdating ng kotse. Gabi na at kadarating lamang ni Lukas. Nakasuot siya ng usual na attire niya kapag pumapasok sa trabaho. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang humanga dahil bawat angulo ay gwapo siya. Ngayong nakita ko na ang hitsura ng kambal ay nasisiguro kong lalaki ang mga ito na kamukhang-kamukha ng ama.
Blair CastroHINDI ako makapagsalita hanggang sa dumating kami sa bahay. Hindi pa rin ako bumababa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lukas dahil sa nangyari. Dapat ko bang unahin ang sorry o salamat?“Kaya mo na bang pumasok mag-isa?” pagbasag niya sa katahimikan.Dahan-dahan ko siyang nilingon. “L-Lalabhan ko nalang 'yung damit mo.”Umiling siya at kinuha ang damit niyang hinubad. “No, it's ok—”Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay hinablot ko na ang damit sa kaniya saka ako dali-daling bumaba pero dahil nga lasing pa ako ay napaupo ako sa simento matapos mawalan ng balanse.“Blair!” nangibabaw ang boses ni Lukas sa kalagitnaan ng tahimik at madilim na gabi. Agad niya akong hinawakan sa braso at inakay na tumayo.Sumandal ako sa kotse niya at napapi
Blair CastroNAGCOMMUTE ako pabalik sa Quezon Province para makita ulit ang mga anak ko. Hindi ko na pinansin si Lukas kahit pa nga nakita niya akong sumakay sa taxi kanina papunta sa station ng bus pabiyaheng Quezon. Hangga't maaari ay gusto kong iwasan ang lalaking 'yon dahil masyado akong nababaliw kapag malapit siya. Ayokong makagawa na naman ako ng kasalanan at masaktan na naman ang bunso kong si Lira.Kahit pa nga labag sa kalooban ko ang ginawa kong pagbalewala sa kaniya ay mas pipiliin kong suwayin ang puso kong nagmumukmok at naghuhuromentado nang sandaling makita ko siya at talikuran.Agad akong nakarating sa lugar kung saan nakatira ang kambal. Pakababa ko ng bus ay tumambad sa akin ang mga tao na agad tumingin sa akin. Ang iba ay tiyak na namukhaan ako dahil tumigil sa kani-kanilang ginagawa. Maging ang mga batang naglalaro ay tumigil para makiusyoso sa pagdating ko—tulad
Blair Castro EKSAKTONG alas sais y media nang dumating si Cloud kasama ang isang lalaking natitiyak kong abogado. Agad akong hinila at nilapitan ni Cloud na may pag-aalala sa mukha. “Ayos ka lang? Ano bang nangyari?” Hindi ako umimik. Nilingon ko ang abogado na agad lumapit sa hepe ng pulisya at nakipag-usap. Ibinalik ko kay Cloud ang paningin ko at napansin ko ang pagkakakunot ng kaniyang noo. “Why won't you tell me? Anong nangyari, Blair?” Bumuka ang bibig ko para magsalita pero natigilan ako nang lumapit sa amin ang abogadong kasama ni Cloud. Kasunod nito ang pulis na kumausap sa akin kanina. “Mr. McBride, okay na ang lahat,” nakangiting balita sa amin ng abogado. Nilingon ko ang pulis na may bahid ng pagtataka sa mukha. Kanina lang ay ginigisa niya ako, paanong abswelto na ako ngayon nang hindi manlang ako nagpapaliwanag? Tumango
Blair Castro NATANAW ko si Lira sa lanai kinabukasan. Umiinom siya ng gatas habang kumakain ng cookies. Napangiti ako habang tinatanaw siya mula sa bintana ng kwarto. Namiss ko kaagad siya. Kung pwede ko lang siyang lapitan, yakapin at sabihing namiss ko siya ay ginawa ko na. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok sa kwarto si Cloud na unang tiningnan ang kama bago ako natagpuan sa may bintana. “Kain na tayo. Tapos na ako magluto,” pag-aaya niya. Tumango ako, “Sige, susunod na ako.” Imbes na lumabas ay lumapit siya sa kinatatayuan ko. “Ano bang tinitingnan mo?” Sumilip siya at nakita ko ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. Sinulyapan niya ako, “Akala ko naman walang nakuha sa 'yo si Lira.” Nangunot ang noo ko at nilingon ang anak ko. Wala naman talaga. Kamukhang-kamukha siya ng kaniyang ama. Ni walang
Blair CastroHINDI ako makatulog. Ang tanging laman ng isipan ko ay ang lakad namin ni Cloud bukas. Hindi kami tiyak kung papayag si Luisa Ibanez na ipa-DNA ang kambal. Lapitan at kausapin nga lang ang kambal at mahigpit niya ipinagbabawal sa akin, ipa-DNA pa kaya. Gayunpaman, kailangan kong sumubok dahil wala namang ibang paraan para mabawi ko ang mga anak ko kundi patunayan na ako ang ina ng mga ito.Kinabukasan ay agad akong nag-ayos. Matapos maligo at mag-ayos ng sarili ay agad kaming umalis ni Cloud. Dumaan nalang kami sa isang fast foof para bumili ng almusal.“Are you nervous?”Napalingon ako kay Cloud nang itanong niya 'yon. Sa totoo lang, ngayon lang kami nag-usap. Simula pa kasi kaninang umaga ay tahimik kami at parehong abala sa sariling iniisip.Uminom ako ng kape saka bumuntong-hininga. “Kinakabahan ako. Alam kong hindi natin
Blair Castro“WHAT RESEMBLANCES? TALAGA BANG PANININDIGAN MONG MABUTING BABAE 'YANG KABIT MO, LUKE? HOW COULD YOU COMPARE MY DAUGHTER TO HER?!”Umawang ang labi ko dahil sa sagot ni Alicia. Suminghap ako at sarkastikong natawa. Talagang pinanindigan niya na anak niya si Lira! The nerve!Iritado akong pumasok sa loob ng bahay saka isinara ang pinto. Hindi ko na inintindi ang patuloy na pag-aaway nina Lukas at Alicia. Dumiretso nalang ako sa kusina at naiiling na nagtimpla ng kape.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at hindi na nakatulog pa ulit. Bandang alas kuwatro ng umaga nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan sa tapat. Agad akong sumilip sa bintana at nakita si Alicia na nagmamaneho ng kotse.Nagtaas ako ng noo. Wala si Lukas na palagi siyang inihahatid sa labas kapag umaalis siya.Gusto kong matawa sa nasaksihan ko. Nagsisimula na
Blair CastroHINDI pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Lukas. Kanina pa ako dito sa loob ng kwarto pero tulala pa rin akong nakatingin sa kamay ko na hinawakan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagkakabuhol-buhol ang hininga ko at hindi ako makapag-isip ng matino.Ano nga kayang sinasabi ni Lukas kanina? Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya? Naalala na ba niya ang nangyari sa amin five years ago?Marahas akong napailing saka sinapo ang mukha ko. Sabay-sabay ba talagang lalabas ang katotohanan? Grabeng pasabog naman 'yon kung sakali. Tiyak na wala nang kawala si Alicia pero natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga anak ko lalong-lalo na si Lira na siyang higit na apektado sa kasinungalingan ni Alicia. Kung pwede ko lang ipaliwanag sa kaniya ang lahat ngayon.Inubos ko ang oras ko sa pagtunganga sa kawalan. Nang bandang alas kuwatro ay nagtex