LOGINHindi ako gold digger. Oo, tatlong trabaho ang pinagsasabay ko. Server ako sa umaga, cashier sa hapon, at sa gabi, naglilinis ako ng kubeta sa isang bar sa Makati. Ako si Maria Tala Loresca, twenty-three years old. May utang na kasing lalim ng depression ko, at walang balak na lumaki ang interest nito. Kaya nang lapitan ako ni Lucas Salazar sa VIP lounge ng club na pinagtatrabahuhan ko isang lalaking nakasuot ng suit na halatang isang buwang sahod ko ang isang butones, may amoy na pangmayaman at kayabangan, at may titig na parang hinuhubaran na ako bago pa man ako magsalita, akala ko isa siyang manyakis na mayaman. "Five million. One night. No names, no feelings, no bullshit." Tiningnan ko siya. Six feet. Broad shoulders. At isang ngisi ng lalaking sanay makuha ang gusto niya. "Sure. Sige. Pero cash agad." That night, ikinama niya ako sa penthouse niya. Walang bulaklak. Walang kandila. Pagkatapos? Limang milyon sa bedside table. Umalis akong hindi siya ginising. Akala ko tapos na. Hanggang sa malaman ko ang totoo makalipas ang tatlong linggo. Ako pala ang sikretong anak ng taong pinakakinamumuhian niya ang ina ko ang babaeng sumira sa pamilya niya, at siya ang rason kung bakit namatay ang kanyang ina. Kaya ang plano ko ay paibigin siya. Pakakasalan ko siya. Gagamitin ang apelyidong Salazar para kunin ang lahat—pera, lupa, dignidad niya. Plano ko siyang sirain. Hindi ko inasahan na habang ginagawa ko 'yon, unti-unti rin pala akong mababaliw sa kanya. Sa mga kamay niyang humawak hindi lang ng katawan ko kundi ng pusong tinuruan kong maging bato. At ang masaklap? Kapag nalaman niya ang totoo—na ang babaeng hinuhubaran niya sa kama ay ang mismong dugo ng demonyong hinahangad niyang mamatay at hindi ako sure kung sino ang mas masasaktan. Siya ba? O ako?
View MoreMaria Loresca POV
Alas onse ng gabi, nakatayo ako sa harap ng pinto ng VIP lounge ng Velvet Room isang sikat na club sa Makati na pagmamay-ari raw ng isang Chinese na drug lord, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga, nagbabayad sila ng cash, walang tanong, at hindi nanghihingi ng SSS number. Ang trabaho ko rito ay tagalinis ng kubeta. Oo. Nagwi-wipe ako ng ihi ng mayayamang lalaki sa bowl, nagsasampay ng tissue na nabasa ng tae ng mga babaeng naka-Dior, at nagkukuskos ng tiles na may puting mantsang hindi ko na inaalam kung ano. Puta, ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Utang. 'Yan ang sagot. May utang ako sa bangko na 1.2 million ito ay pinambayad ko sa ospital bill ng nanay kong nagkaroon ng stroke, tapos namatay din pagkaraan ng tatlong buwan. Salamat, Universe. May utang pa ako sa limang lending apps na araw-araw akong tinatawagan gamit ang mga numerong hindi ko na kilala. May utang ako sa kapitbahay namin sa Tondo, kay Aling Nena na nagpautang para sa libing, at kay Mang Boy na nagpahiram pambili ng kabaong. Twenty-three years old ako, pero pakiramdam ko sixty-five na ako. Tatlong trabaho ang kailangan kong gampanan araw-araw, server sa umaga sa isang karinderia sa may Malate, cashier sa hapon sa isang convenience store sa Pasay, at tagalinis ng kubeta sa gabi dito. Kaya nang may lumapit sa akin na lalaki sa loob ng VIP lounge upang malinis ng kubeta doon kasi may sariling CR ang VIP room ay hindi na ako nagtaka. Maraming manyakis dito at sanay na ako. Pero iba siya. Nakaupo siya sa leather couch, hawak ang isang baso ng whiskey na tinititigan niya. Naka-suit siya at hindi 'yung mumurahin sa divisoria, kundi 'yung halatang pinasadya sa Italy. Kulay charcoal gray. Black tie na ang silk ay kitang-kita sa ilalim ng ilaw. Relo niya? Hindi ako marunong tumingin ng brand, pero kumikinang na parang isang taon kong sahod sa tatlong trabaho ko. Mga anim na talampakan ang taas niya, matangkad. Malapad ang balikat. Buhok niya ay medyo mahaba sa taas, naka-comb back. At ang mukha—putangina, para siyang na-edit sa Photoshop. Matangos ang ilong, panga na pwedeng maghiwa ng karne, at mga labing parang laging handang ngumisi. Pero ang mga mata niya... malamig. Walang emosyon. Para bang lahat ng tao sa paligid niya ay kasangkapan lang. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung anong itsura ko noon at sigurado ako na yung mukha ko ay pagod na pagod, yung uniporme kong itim na polo at maong na may mantsa ng bleach, yung kamay kong basang-basa pa ng zonrox. Inakala ko sasabihin niya, "Miss, madumi ang CR." Pero hindi. "Five million," sabi niya. Natigilan ako. "Ha?" "Five million pesos," ulit niya. Walang ngiti. Walang pag-bati. Diretso sa punto. "One night. My place. No names, no feelings, no bullshit." Napainom ako ng alak. Hindi dahil sa gulat kundi dahil may natirang whiskey sa baso ng nakaraang customer na hindi ko pa nalilinis. Hinigop ko 'yon na parang tubig. "Puta," sabi ko. Tapos hinarap ko siya. "Sige. Pero five million agad. Cash. At 'pag nilabasan ka sa loob ko, additional two." Akala ko maiinis siya. Akala ko tatawanan niya ako. Tumawa siya. Pero hindi 'yung normal na tawa. Malamig, parang yelo na nabasag sa sahig. At sa ilalim ng lamig na 'yon, may iba pa. Isang bagay na nagpadaloy ng kakaibang init sa tiyan ko. "Deal," sabi niya. Tumayo siya. Mas matangkad siya kaysa sa inakala ko at kailangan kong pang i-angat ang ulo ko nang husto para makita ang mukha niya. "Alam mo ba kung sino ako?" "Hindi," sagot ko. "At sinabi mo, no names. So 'wag mo nang sabihin." Muli siyang tumawa. "I like you." Iniabot niya ang kamay niya. "Let's go." Hindi ko hinawakan ang kamay niya. Sa halip, tumingin muna ako sa paligid. Walang tao sa VIP lounge dahil alas onse y media na, karamihan ng mayayaman ay nasa loob pa ng mga private room kasama ang mga bayarang babae o droga. Ang bantay sa pinto ay si Kuya Rodel, na kilala ako at alam na hindi ako magnanakaw. "Paano ko malalaman na hindi mo ako papatayin?" tanong ko. "Hindi kita papatayin," sabi niya. "Sayang ang five million." May punto siya. Sumakay ako sa kotse niya na naghihintay sa labas ng gusali, isang itim na SUV na ang loob ay amoy leather at ang driver ay naka-unipormeng may guwantes. Hindi ako nagsalita sa buong byahe. Hindi rin siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa bintana, minsan ay nakapikit, parang wala ako sa tabi niya. Pero alam kong nandiyan siya. Alam ko dahil sa amoy niya na mabango, pero hindi pabango na nabibili sa mall. Amoy kahoy, amoy pera, amoy mayaman. Dumating kami sa isang building sa BGC. Hindi condo bagkus ay ang malawak na penthouse. Buong top floor sa kanya. Pagpasok namin sa elevator, nag-swipe siya ng card, tapos nag-beep ang scanner para sa fingerprint. Puta, mas mahigpit pa sa bangko. "Anong pangalan mo?" tanong niya habang paakyat kami. "Bakit mo kailangan malaman?" "Gusto ko lang malaman kung sino ang sisigaw sa ilalim ko mamaya." Namula ako. Hindi naman ako nahihiya dahil limang milyon 'to, putangina. Pero ang lalaking 'to ay may kakayahang magpaluhod ng kahit na sino gamit lang ang boses niya. "Maria," sabi ko. "Tala Loresca." "Maria," inulit niya, tila ninanamnam ang bawat pantig. "Maganda." Bumukas ang pinto ng penthouse. Hindi ako handa. Buong dingding ay salamin na kita ang buong Makati at BGC—mga ilaw na kumikinang na parang mga bituin sa lupa. Ang sahig ay marmol. May grand piano sa isang sulok. At sa gitna, isang king-sized bed na natatakpan ng puting kumot na mukhang mas mahal pa kaysa sa isang taon kong upa sa Tondo. "Hubarin mo ang damit mo," sabi niya. Hindi ito utos, pero hindi rin tanong. Napatigil ako. "Wala man lang bang foreplay?" Lumapit siya sa akin. Dahan-dahan. Bawat hakbang niya ay may bigat. Hanggang sa nasa harap ko na siya at sobrang lapit na naamoy ko ang whiskey sa hininga niya, nakita ko ang mikroskopikong peklat sa baba niya, naramdaman ko ang init ng katawan niya kahit hindi kami magkadikit. "Ikaw ang foreplay ko," bulong niya. "Tingin ko pa lang sa'yo kanina sa club, basang-basa ka na." At tangina. Tama siya.Maria Loresca POV Makalipas ang isang linggo, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako ma-a-attract kay Lucas. Sinabi ko 'yan habang hinihintay ko siyang sunduin ako sa karinderia ni Aling Baby. Alas otso ng umaga, katatapos ko lang magsaing at maghugas ng pinggan. Amoy mantika ako at pawis. Suot ko ang lumong unipormeng may butas pa sa may kili-kili. Dumating siya sakay ng itim na SUV at hindi 'yung unang ginamit niya, ibang model naman. Mas mahal. Mas mahaba at may driver na bago. Pagbaba niya, namutla si Aling Baby. "Maria," bulong niya. "Sino 'yang adonis na 'yan?" "Wala," sagot ko. "Sakay ko pauwi." "Pauwi? Eh mag-i-start pa lang ang araw, Maria." Tama siya. Alas otso pa lang ng umaga. Ang routine ko ay karinderia hanggang alas-dose ng tanghali, cashier sa 7-Eleven mula ala-una hanggang alas-siyete ng gabi, tapos Velvet Room naman ay mula 9PM hanggang alas-tres ng madaling-araw. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Lucas nang makalapit siya. Suot niya ay mamahalin
Maria Loresca POV Sa susunod na mga araw, hindi ko na muna ginagalaw ang tseke. Binalik ko ang dati kong routine ang pagiging server sa umaga sa karinderia ni Aling Baby sa Malate, cashier sa hapon sa 7-Eleven sa Pasay, at tagalinis ng kubeta sa gabi sa Velvet Room. Pero may nagbago. Sa tuwing may pumapasok na lalaking naka-suit sa karinderia, napapatingin ako. Sa tuwing may bibili ng condom sa 7-Eleven na lalaking matangkad at may magandang boses, napapahinto ako. Sa tuwing may pumapasok sa VIP lounge na amoy pera at kayabangan, napapapitlag ako. Lucas. Hindi ko alam ang apelyido niya sa umpisa pero alam ko na ngayon dahil sa tseke, ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako pinili. Bakit ako? May mas magaganda, mas bata, mas may karanasan sa club na 'yun. May mga artistang nag-aabang sa mga lalaking tulad niya. May mga sosyalerang handang lumuhod nang walang bayad. Bakit ako? Ang tagalinis ng kubeta? Isang gabi, habang nagpupunas ako ng ihi sa sahig ng CR ng VIP lounge—
Maria Loresca POV Pagbalik ko ng Tondo, alas siyete na ng umaga. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil halos buong gabi ay inangkin niya ako na animo'y walang kapaguran, sumasakit rin ang panga ko, at may kakaibang sakit sa pagkababae ko na parang may nakalimutan akong hugutin sa loob. Bago ako bumaba ng taxi—oo, nag-taxi ako pauwi, kasi may limang milyon na ako sa bulsa, puwede nang hindi mag-tricycle na amoy usok at pawis. Tiningnan ko muna ang tseke. Lucas Salazar. Five million pesos. Banco de Oro. Puta. Totoo ba 'to? O baka panaginip lang 'to? Baka mamaya ay magising ako sa higaan kong may butas ang foam at amoy ihi ng pusa ni Aling Nena? Kinagat ko ang tseke na parang tanga, sinisigurado kung totoo ba talaga ito at hndi naman ito napunit. Laking-Maynila ako. Alam kong ang tseke ay pwedeng tumalbog kung walang laman ang account. Pero ang pangalang Salazar? Kilala ko 'yon. Sino ba naman sa Maynila ang hindi nakakakilala sa Salazar Group of Companie
Maria Loresca POVHinubad niya ang suit niya na parang hindi ito mamahalin. Una ang jacket, kasunod ay ang kurbata, sabay dahan-dahang binubuksan ang mga butones ng polo niya. At putangina lang, dahil sa ilalim ng tela ay may katawang parang inukit ng Diyos. Dibdib na matigas, tiyan na may walong abs, mga brasong kayang buhatin ang isang tao nang walang kahirap-hirap.Hindi siya nagmadali. Tiningnan niya ako na nakahubad na dahil ako mismo ang naghubad sa sarili ko, hindi ko na hinintay na utusan niya ako. Hinubad ko ang suot kong pang-itaas, ang bra ko, ang maong ko, ang panty ko. At nakatayo ako roon, hubad, sa harap ng isang estranghero na limang milyon ang ibabayad sa katawan ko.Inakala ko sasabihin niya ang mga bagay na sinasabi ng mga lalaki sa mga babae tulad nang; "Ang ganda mo." "Ang kinis mo."Pero hindi."Lumuhod ka," utos niya.Dahil siguro sa excitement din na nararamdaman ko ay sumunod ako.Binuksan niya ang zipper ng pantalon niya. At nang makita ko ang ari niya ay hin












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.