LOGINHUXLEYSa makalawa na ang kasal ko, pero hindi ko alam kung tama bang magpakasal ako sa taong hindi ko kilala.Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Gustuhin ko mang matulog pero ayaw namang mag cooperate ang utak ko."Lord, please bring back my memory. Ito lang ang paraan para mapanatag ang kalooban ko, at nang makapagdesisyon ako ng tama." Mahina kong usal sa sarili saka mariin akong napapikit.Muli na namang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng ilang beses nang gumugulo sa mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw.Isang babaeng umiiyak.Isang babaeng nakangiti.Isang babaeng paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko."Huxley..."Bigla akong napamulat.Kasabay no'n ang mabilis na pagtibok ng puso ko."Jenine..." Bulong ko sa sarili.Bakit parang siya ang nakikita ko sa aking panaginip? Bakit nasasaktan ako kapag naalala ko ang pag-iyak niya at ang pagmamakaawa niyang paniwalaan ko siya."Hindi kita ipinagpalit sa pera."Mariin kong kinuyom ang aking kamao.Bak
JENINESa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko, habang papalapit ang nakatakdang kasal ni Huxley kay Bianca.Parang bawat pag-ikot ng orasan ay unti-unting sumasakal sa akin.Ilang araw nalang ang natitira, bago tuluyan siyang maging asawa ng ibang babae.Madalas akong umiiyak habang tinitingnan ang mga pictures namin sa gallery ng cellphone ko. Mga kuha noong mga panahong wala kaming ibang iniisip kundi ang mga pangarap namin para sa isa't isa."Kapag nakagraduate ako, papakasalan kita."Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang pangakong iyon ni Huxley.Napapapikit na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.Dahil ngayon, ibang babae na ang pakakasalan niya.At ang mas masakit, hindi man lang niya maalala na minsan, ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya."Ate?"Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Anna.Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto habang may hawak na tray ng pagkain."Kumain ka naman. Halos buong araw ka nang hindi lumalabas dito.
JENINE"Mom, Dad. What's wrong?" tanong ni Huxley habang papalapit sa amin.Nagtama ang aming paningin at nababasa ko sa mga mata niya ang pag-alala ngunit mabilis ding naglaho 'yon at napalitan ng isang malamig na ekspresyon."What are you doing here?" "Huxley, gusto ko lang makausap ka."Biglang kumunot ang noo niya. "For what?"Nakakapanibago ang tono ng kanyang pananalita. Tama nga si Marco, nakumbinsi na rin si Huxley sa sinabi ng mga magulang niya. "Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan. Katulad ka rin ng iba, mukhang pera." Matigas niyang sabi."Huxley—""Narinig mo na ang sinabi ng anak ko." Putol ni Mrs. Baltimore. "Umalis ka na at h'wag ka ng pumunta pa rito. Ikakasal na si Huxley in two weeks kaya h'wag mo na siyang guluhin pa."Hindi ko na napigil ang muling pag-agos ng aking mga luha. Walang katapusang pag-iyak."Huxley, please pakinggan mo muna ako. Hindi kita ipinagpalit sa pera. Hindi ko magagawa 'yon kahit kailan. Kahit hindi mo ako naalala, pero alam ng Diy
JENINE Dalawang araw ang nakalipas bago muling tumawag sa akin si Marco."Ma'am Jenine, maayos na ang kalagayan ni Bro Huxley. Pero gano'n pa rin, wala pa rin siyang maalala.""Lord, thank you po." Mahina kong wika. Sa ngayon, sapat na sa akin ang marinig na okay siya."Pero Ma'am...m-may problema eh."Muli na namang bumangon ang kaba sa puso ko. "A-anong problema, Marco?""Ma'am, ayaw ko sanang sabihin 'to eh, pero I think kailangan mong malaman. Pero Ma'am, you need to be strong.""Marco, pls sabihin mo na.""Teka lang Ma'am at may ise-send akong picture sa 'yo sa messenger."Ilang segundo ang lumipas at may nagpop up na notification. Dali-dali kong tiningnan 'yon.Napamulagat ako nang makita ang sarili ko sa picture habang nakatitig sa briefcase na may lamang pera. Yong pangalawang picture naman, yong pagsarado ko sa briefcase."Marco anong ibig sabhin nito?""Ma'am, may nagpadala nito sa kanila ni Tita Sylvia. Kaya iniisip nila tinanggap mo talaga ang pera at 'yon din ang pinapan
JENINETinawagan ko ang cellphone ni Marco ngunit hindi ko siya makontak. Nakailang dial na ako pero wala pa ring sumasagot.Napatingin ako sa brief case na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung magkano ang laman no'n basta ko nalang isinarado ngunit bigla nalang may tumabi sa akin at parang may itinutok sa tagiliran ko."Akin na ang brief case mo," matigas na wika ng lalaki. Nakasuot ito ng maong na jacket at itim na bonnet kaya hindi ko makita ang mukha niya."Uhm, Mister. H-hindi sa akin 'to," sabi ko sa isang garalgal na tinig."Wala akong pakialam, sa yo man o hindi ang pera na 'yan. Basta ibigay mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa 'yo." Mariing saad ng lalaki at mas lalo pang dniinan ang pagtutok ng baril sa tagiliran.Bigla akong pinagpawisan kasabay ng panginginig ng aking katawan.Napalinga ako sa paligid. Umaasang may makakatulong sa akin, pero wala. Abala ang mga waiters at waitress sa pag-aasikaso sa mga customers.Wala akong nagawa kundi ang iabot sa kanya ang br
JENINENagkasundo kaming magkita ni Huxley sa isang tagong restaurant sa Makati. Nauna akong dumating sa nasabing lugar at agad akong pum'westo sa mesa kung saan nakikita ko ang bawat customer na pumapasok.Kinakabahan ako habang naghihintay sa kanya. Marahil dala na rin siguro ng sobrang excitement.Tatlumpung minuto...Hanggang sa isang oras ang inabot ko sa paghihintay, ngunit hindi siya dumating.Muli akong napatingin sa entrance ng restaurant at gayon na lamang ang pagkagulat ko nang bumungad sa aking paningin ang elegante ngunit nakakatakot na awra ni Mrs. Sylvia Baltimore, ang Mommy ni Huxley. Nakasunod naman sa kanya ang isang lalaki na may bitbit na brief case.Hindi na ako makaiwas pa, nakita na niya ako."So, dito pala kayo balak na magkita ng anak ko." Matigas niyang sabi nang makalapit sa akin."M-magandang araw po Ma'am." Mahina kong bati habang nakayuko ang ulo."H'wag ka ng umasa pang darating si Huxley. At p'wede ba kalimutan mo na ang anak ko, dahil ikakasal na siya.
HUXLEYHindi ako mapakali pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jenine. Kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata kahit na nakangiti siya. Alam kong napakahirap ang sitwasyon naming dalawa lalo na sa part niya dahil siya ang laging kinokompronta ni Mommy.Napaluha ako habang tinitingnan ang
JENINEPanibagong araw na naman sa eskwela. Kahit wala akong ganang pumasok, kailangan talagang piliting bumangon para sa pamilya ko. "Anak kung masama naman ang pakiramdam mo, h'wag mong piliting pumasok," wika ni Nanay habang kumakain kami ng almusal."Okay lang naman po ako, Nay." Mahina kong sa
HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, wha
JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa







