JENINE
"Beshie, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie nang mapansin niyang hindi ako mapalagay.
"Kinakabahan ako besh, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa unang araw ko sa section ng mga estudyanteng pasaway. Bakit ba kasi ako ang napili ni sir na maghandle sa section na iyon eh! Kung pwede nga lang akong tumanggi, eh kaso hindi naman maari, namasukan lang tayo dito. We are obliged to follow our superiors." Pagmamaktol kong sabi sabay ligpit ng aking mga gamit kasi mayamaya'y mapupunta na ako sa magulong dimensyon ng De La Salle.
"Eh ano pa nga ba, dahil may tiwala si sir Salcedo na kaya mong i-handle ang mga iyon kasi matapang at palaban ka, kaya ikaw talaga ang maaatasan ng admin. Well, all I can say besh, is goodluck!" wika nito habang naghahanda na rin sa susunod nitong klase.
"But—If ever na hindi mo talaga makayanang i-handle ang section na 'yon no matter how much you try, eh di, mag quit ka para maghanap na naman sila ng iba. As simple as that di ba?" dagdag pang sabi nito.
Sumimangot na lamang ako dahil ano pa nga ba naman ang magagawa ko. Saglit akong nag-ayos ng sarili at sinuklay ang aking lampas na balikat na buhok. Pinunasan ko rin saglit ang aking eye glass, pagkatapos isinuot ko uli.
"Basta, 'yon na besh, goodluck. Uhm—alam mo bang nasa section na 'yon ang younger brother ng gagong ex-boyfriend mo?"
"What?" Nabigla ako sa sinabi ni Leslie kaya medyo napalakas ang boses ko. Buti nalang at kami lang dalawa sa loob ng faculty room dahil may klase pa ang iba naming kasamahan.
Kilala ko ang sinasabi nitong kapatid ni Harvey na si Huxley dahil palagi naman itong pinapatawag sa guidance office. Isa pa'y, wala namang hindi nakakakilala sa pamilyang Baltimore dahil ang pamilyang ito ang may-ari nitong paaralang pinapasukan ko. Parehong tanyag na negosyante ang mga magulang ng dati kong boyfriend at parehong nangggaling sa bilyonaryong angkan.
Maraming negosyo ang pamilyang Baltimore sa loob at labas ng bansa, particularly in America kaya di talaga matatawaran ang yaman at impluwensiya nito. 'Ika nga, the family of wealth and power.
Pero hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinakabahan nang marinig kong nasa worst section pala ang kapatid ni Harvey. Buong akala ko hindi na iyon mag-aaral this year, kasi sabi sa akin nu'n ni Harvey, wala daw 'yong interes sa pag-aaral at mas gusto na lamang sumama sa mga barkada sa bar at nightclubs.
"Besh, okay ka lang ba? Ba't natahimik ka? Ano, bumahag naba ang buntot mo?" panunudyo sa akin ni Leslie habang tumatawa ito.
"Hindi naman sa ganu'n besh. Hindi ko lang inaasahan na isa pala si Huxley Baltimore sa mga estudyanteng makakasalamuha ko mamaya," depensa kong tugon. Pero alam ko talaga sa sarili ko na natatakot talaga ako na magkaroon ulit ng connection sa pamilya ng ex-boyfriend ko. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko kay Harvey dahil sa panloloko niya sa akin. Buong akala ko mabait ang gagong iyon, dahil maamo naman ang mukha kung tingnan. Pero tama nga ang kasabihang, "You cannot judge the book by its cover."
"O sya, time na besh at kelangan ko ng pumunta sa next subject ko," paalam sa akin ni Leslie sabay bitbit ng kanyang bag at libro.
Si Leslie ay matalik kong kaibigan dahil sabay din kaming namasukan dito bilang Senior High School teachers. Pareho kaming graduate ng Financial Management but unfortunately, ako lang ang napili ng SH principal na ma-assign sa pinaka worst na section ng ABM. Gustuhin ko mang tumutol ngunit wala naman akong magagawa, empleyado lang ako dito.
Pagkalabas ni Leslie ng faculty room, lumabas na rin ako at tinungo ang hagdan papuntang second floor. Ngayon ang unang araw ko sa section ng mga pasaway. Pang sampu na raw akong ma-assign dito kaya, hindi ko alam kung kakayanin ko, o baka matulad lang din ako sa iba na nag-quit kaagad dahil hindi makayanang i-handle ang ugali ng mga mag-aaral na iyon. Hindi naman daw marami ang mga estudyante doon, nasa twenty lang daw , sabi ni sir Salcedo, ngunit daig pa ang more than 50 ka mga estudyante sa ingay at gulo ng classroom.
Mas lalo pang lumakas ang kabog sa dibdib ko nang matapat na ako sa pintuan ng panghuling classroom sa second floor. Sampu lahat ang mga silid-aralan doon intended for ABM students kung saan ang pinakahuli ay ang pinakaworst na section.
"Lord, please help me!" usal ko sa aking sarili at ipinikit saglit ang aking mga mata. Pagkatapos, huminga ako ng malalim at sandaling inayos ang aking blouse at slacks.
Pagkabukas ko pa lamang sa pinto, ay agad ng bumungad sa aking paningin ang nakapakagulong classroom. Hindi lang magulo, kundi napakaingay pa. Hindi naman ito naririnig sa labas dahil may pagka sound proof ang silid-aralan.Magulo ang mga upuan, maraming nagkalat na mga papel at balat ng kendi sa sahig. Karamihan sa mga estudyante ay nagpapatugtog ng rock music habang sumasayaw. Ang iba naman ay nagsisipagtawanan habang ang mga paa'y nakapatong sa ibabaw ng arm chair. Merong nanonood ng videos, merong naghahalikan. Talagang ito ang ang pinakaworst na section na aking napuntahan sa loob ng sampung taon kong pagtuturo sa university na ito. At kahit alam na ng mga estudyante na naroon ako sa may pintuan, ngunit parang hindi nila ako nakita.
"Okay, class good morning!" sinubukan kong batiin sila baka-sakaling mapansin nila ako, ngunit wala talaga silang pakialam. At kahit nakatayo na ako sa gitna, patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa. "Diyos ko!" usal kong muli. Parang ngayon pa lang gusto ko ng lumabas ng classroom na ito at mag-quit kaagad. Aatakehin yata ako nito sa puso at mamamatay nang wala sa oras.
"Excuse me, can I have your attention please." This time nilakasan ko na ang aking boses para lang marinig nila ako. Isa-isa kong tiningnan ang mga naroon at sa bilang ko'y nasa twenty talaga silang lahat. Parang hindi naman sila mga estudyante tingnan dahil maliban na hindi nagsusuot ng uniform, napaka untidy naman ang itsura, parang mga hoodlum sa eskinita. At yong mga babae naman, parang GRO sa club at laging nakukulangan ng tela ang damit. Napailing na lamang ako sa aking mga nakikita.
Hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo malapit sa pader. Nakasuot ito ng tshirt na pinailaliman ng kulay itim na maong jacket. May hikaw ito sa kaliwang tenga at astig ang dating nito. At nang mapagtanto kong iyon ay si Huxley Baltimore, bigla na lamang nangatog ang tuhod ko habang patuloy pa rin sa pagkabog ang aking puso.
"Guys, tama na muna yan! May bago tayong teacher oh!"
Narinig kong sabi nito habang nakatingin sa akin. Parang nanunukso ang mga tingin nito at hindi ko alam kung bakit ako apektado. Agad namang tumigil ang mga estudyante sa kani-kanilang ginagawa, at itinuon ang pansin sa akin.
Totoo ngang isang salita lang ni Huxley Baltimore ay napapasunod ang lahat.
"Kayo ba ang bago naming adviser? Hmm—" Pairap na tanong ng isang female student na may maikli at blonde na buhok. Maganda naman ito at makinis ang balat. Halata talagang nanggaling sa mayamang pamilya. Matangos ang ilong at balingkinitan ang katawan. Pero napakagaspang ng ugali, hindi yata naturuan ng tamang pag-uugali ng magulang.
"Hmm, in case you want to know who I am, my name is Sabrina Monteverde," pagpapakilala nito sa akin habang paismid na nakahalukipkip. Bahagya akong ngumiti sa kanya, kahit hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang pagsasalita. Besides, I am inside the classroom at mga estudyante ko ang kaharap ko ngayon kaya kailangang magiging mahinahon ako.
"Good morning class, I am Jenine Ysabelle Guevarra, your new adviser in this section," kalmado kong pagpapakilala sa aking sarili. As much as possible, ayaw kong magpahalata sa matinding tensyon na aking nararamdaman.
"Cher, welcome to Hell Section!" sabay-sabay na sambit ng mga estudyante. Pagkatapos ay umugong ang malakas na tawanan.
"Cher, welcome sa unang araw mo dito. But we can assure you na wala ng second day at third day, because this is gonna be your last day!" wika ng isang lalaking maraming hikaw sa tenga. At umugong na naman ang malakas na tawanan habang nag-aapiran ang mga ito.
Ay ewan! Palibhasa nanggagaling sa maimpluwensiyang pamilya kaya kahit ganito kasama ang pag-uugali hindi pa rin ma-expel sa university. Iba naman talaga ang nagagawa ng yaman at kapangyarihan.
"Paano ka naman nakakasiguro na ito na ang huling araw ko, aber?" tugon ko naman na ang pinupuntirya ko ay ang lalaking maraming hikaw sa tenga. Sinikap kong patatagin ang aking sarili dahil ayaw kong magpahalata na natatakot ako sa kanila.
"Aba guys, matapang si teacher. Ito challenging, woooh!" malakas na sigaw nu'ng lalaki. Mabilis itong tumayo saka kumuha ng scarf sa bulsa ng pantalon nito at iwinagayway sa ere.
"Narinig mo iyon bro, Huxley? May teacher tayong matapang!" sambit nito habang nakatingin kay Huxley.
Dumako ang paningin ko sa kinauupuan ni Huxley, at nakita ko ang pagsilay ng nakakaloko nitong ngiti. Pagkatapos ay sarcastic itong tumawa sabay ng pagpalakpak ng mga kamay nito.
"Bravo!!! bravo!!! So teacher, let's find out kung makakatagal ka ba rito sa amin. Guys it's disco time!" nakangising sambit ng lalaki.
Pagkatapos ay umalingawngaw ang nakabibinging rock music. Sabay- sabay na nagsisigawan ang mga estudyante habang inaalis ang mga upuang nakaharang sa gitna. Mayamaya'y nagsipagsayawan na ang mga ito.
"Stop it!" pasigaw kong sabi. Ngunit nanatiling bingi lang ang mga estudyante.
"Diyos ko!" muli kong usal sa aking sarili. Napabuntung-hininga ako habang pinagmamasdan ko silang lahat. Hanggang sa muling dumako ang paningin ko kay Huxley na nakatayo lang sa gilid habang naghihitit ng sigarilyo. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin na animo'y sinusukat ang aking katatagan. Ngunit, hindi ako patatalo!
Isa itong hamon hindi lang sa aking pagkatao, kundi sa aking propesyon bilang guro. Kaya titiyakin kong hindi ito ang huling araw ko sa section na ito, dahil hinding-hindi ako susuko!
JENINEAng alam ko, hindi ako selosa, pero bakit nang makita kong lumapit 'yong babae na parang nagbibigay ng motibo kay Huxley, ba't parang sumusulak ang dugo ko? Tsk. And so, this is how it feels kapag nagseselos. Kaya ganu'n na lamang ka badtrip si Huxley nu'ng pinormahan ako ni Alex at nu'ng nagpunta si Harvey sa school para yayain akong maglunch."O napa'no naman kayong dalawa?" tanong ni Marco nang makabalik na sila sa table namin."Uhm, nagselos kasi 'to eh," nakangiting sagot ni Huxley.Lihim ko siyang nakurot sa tagiliran."Ah, du'n ba sa babaeng ipinakilala ng Mommy mo sa 'yo?" tanong ni Sabrina."Yup. Anak daw ng bestfriend ni Daddy," sagot ni Huxley."Well...well..sorry for her na lang kasi, you're not available anymore," ani Lyza. "O sya, let's forget about it. Ma'am h'wag ka ng magselos. Loyal 'tong pinsan ko sa 'yo eh, I swear."Tango lang ang itinugon ko ngunit muli ko na namang nakurot sa tagiliran si Huxley. Ang ingay kasi. Sinabi pa talaga na nagseselos ako. "Ouch
HUXLEY"O ayan na pala sina Ma'am bro!" wika ni Marco. Napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko nga si Jenine. She is always beautiful in my eyes, with or without makeup. At kahit anong susuotin niya, gaano man kasimple, nakukuha pa rin talaga niya ang atensyon ng mga tao."Saglit lang at pupuntahan ko," sabi ko."Bro, basta h'wag muna ngayon," ani Eduard. "No public display of affection muna this time, bro. Remember, nandito lahat ng admin.""He is right, bro. Kaga-graduate pa lang natin. Siguro paabutin mo muna ng isa or dalawang buwan, bago niyo ilantad sa publiko ang relasyon ninyo," pagsang-ayon naman ni George."Salamat mga bro. Lalapitan ko lang naman siya. S'yempre as the birthday celebrant, it's normal to entertain my guests di ba?" sagot ko."Yep. Pinapaalala lang namin, just in case makalimutan mo at masyado ka ng "ma-carried away" d'yan sa emosyon mo," sabat naman ni Mabel.Napangiti na lang ako habang umiiling. Totoo naman ang sinasabi nila. Hindi pa ito ang tama
JENINEPagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa faculty room. Samantalang sina Huxley naman ay umuwi na rin. S'yempre naghahanda para sa birthday celebration niya mamayang gabi.Pagbukas ko ng pinto ng faculty room, kapansin-pansin ang katahimikan. Wala pa si Leslie. Siguro nagkaroon pa ng bonding moment kasama ang mga estudyante niya—hindi na rin nakapagtataka, ganu'n naman talaga kaming mga advisers sa bawat pagtatapos ng school year.Nang mapatingin ako sa desk ko, literal akong napatigil sa paghinga.May nakapatong na mga paper bag—marami. Napalapit agad ako at dahan-dahang binilang ang mga ito. Isa... dalawa... lima... labingwalo... dalawampu. Dalawampung paper bag. Dalawampung regalo.Nagulat naman ako. Lahat sila? Lahat ng estudyante ko? Hindi ko ito inaasahan. Diyos ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig—hindi dahil sa saya, kundi sa kaba. Baka mamaya, ma-issue pa ako. Baka may makakita at kung anu-ano na naman ang isipin. Baka sabihing nagpaparinig ako o, mas malal
JENINEAlas syete pa lamang ng umaga nasa loob na kami ng gym ni Leslie. Konti pa lang ang naroon at wala pa ang mga estudyante ko. Parang excited na ako na makita silang tumuntong ng entablado. Masaya ako dahil 'With Honors' sila at "With High' naman si Huxley. "Besh, excited ka anoh?" tanong sa akin ni Leslie."Of course, nakakaproud naman kasi na ang mga estudyanteng dating pasaway, sa wakas ay makakagraduate na rin. You know, bilang isang guro, 'yon ay parang reward na rin sa atin di ba?""Yep. Tama ka. Lalo na sa part mo. Buti nalang hindi ganu'n ang mga estudyante ko, at baka matagal na akong nag-quit," aniya. "Hindi biro ang pinagdaanan mo sa kanila besh. Pero hindi ka sumuko kaya nakuha mo ang loob nila, lalo na ang pagmamahal ni—""Ssh." Pambabara ko sa kanya. "Ang bunganga mo.""Okay, sorry. Pero tayo lang naman dito eh. Malayo naman sila sa atin," nakangiting wika nito. "O ayan na pala sila!"Napalingon naman ako sa likuran at nakita ko sina Marco, Eduard at Daphne. "Good
HUXLEY"Bro, relax lang," wika ni Marco. Lumapit na rin ang iba ko pang mga kaklase upang pakalmahin ako. Nanatili lang akong tahimik habang nakakuyom ang mga kamay ko. Parang ang sarap magwala. Naiinis ako kay kuya Harvey, at pumunta pa talaga rito, para ayain si Jenine na maglunch sa labas. At si Jenine naman, di ko alam kung bakit sumama siya."Hux, kalma lang. Alam naman ni Ma'am ang ginagawa niya eh," sabi naman ni Daphne."May tiwala naman ako sa kanya eh," mahina kong sabi. "Kay kuya lang ako walang tiwala. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit napakaintresado naman niyang makipagbalikan kay Jenine gayong marami naman siyang babae.""Maybe...na-realize niya na mahal niya talaga si Ma'am," komento naman ni Eduard."Mahal? Shit!" Hindi ko napigilang magmura. Kaya natahimik silang lahat. "Ang sabihin mo, gusto lang niyang mapasama sa hilera ng mga babae niya si Jenine.""Sorry bro, I didn't mean to say it," paumanhin ni Eduard."Bro, relax lang. H'wag namang masyadong mainit ang
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw at bukas na ang graduation nina Huxley. Setting aside my personal feelings, bilang isang guro at adviser, magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil finally, ga-graduate na sila. Nagtagumpay ako sa misyon ko sa kanila at proud ako bilang teacher nila. Ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot dahil mami-miss ko silang lahat. Hindi man naging maganda ang simula namin ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan naming unawain ang isa’t isa.Noong una, puro reklamo, puro tanong kung bakit ganito ang patakaran ko, o bakit ako istrikto. Akala nila, isa lang akong guro na walang pakialam, pero hindi nila alam kung gaano ko sila pinagmamasdan, kung paano ko sinusubaybayan ang bawat hakbang nila—mula sa mga simpleng recitation hanggang sa mga malalalim na suliraning personal.Ilang beses akong napagod, nasaktan, at halos sumuko sa dami ng pagsubok sa klase, pero palagi kong pinanghahawakan ang dahilan kung bakit ako nagtuturo—para maging