HUXLEY
Nagising ako sa sobrang lakas ng pagkatok ng pinto na parang bang sisirain ito.
"Huxley! Open the door, at mag-usap tayo!" galit na boses ng mommy ko. Natitiyak kong sermon na naman ang aabutin ko nito.
"Shit! Bad trip talaga!" pagmumura ko sa aking sarili. Sinubukan kong takpan ng unan ang dalawa kong tenga ngunit naririnig ko pa rin ang boses ng nagger kong ina.
"Huxley, ano ba?" patuloy pa rin ang pagkatok ni mommy. Mukhang ayaw talaga akong tantanan ng mother kong bungangera.
Kaya bumangon na lamang ako at binuksan ang pinto.
"Ano ba mommy, inaantok pa ako, ang ingay mo naman eh!"
"Ano na naman ba ang pinagagawa mo sa university at tumawag dito ang guidance counselor, para kausapin kami ng daddy mo? Nanuntok ka raw ng isang estudyante du'n? Dios mio! Hindi ka na ba talaga magbabago sa pagiging basag-ulero mo?" galit na bulyaw ni mommy.
"Kasalanan naman ng gagong 'yon. Kamuntik ng matalo ang team namin kahapon sa basketball, dahil inapakan niya ang paa ko. Buti nalang at malakas ang depensa at naipasa ko agad ang bola kay Marco at kung hindi, siguradong matalo kami, at hindi lang suntok ang aabutin ng gagong 'yon, kundi bubugbugin ko pa siya!"
"Sus! 'Yan ka na naman sa baluktot mong katwiran. Naapakan lang ang paa mo, nanuntok ka na kaagad?"
"Hoy, Huxley! Magpakatino ka na nga! Kapag hindi ka pa rin makaka-graduate sa taong ito, magiging grounded ka sa lahat ng bagay plus, cut-off lahat ng credit cards mo, naintidihan mo ba?"
"Oo na mommy, pero as of now, lumabas ka na muna please! At matutulog pa ako."
"Anong matutulog alas nuwebe na ng umaga matutulog ka pa? Maligo kana at magbihis dahil kailangan tayong makipag-ayos du'n sa estudyanteng sinuntok mo. Hindi mo ba alam na major stockholder ng kumpanya natin ang ama nu'n?" pagtatalak pa rin ni mommy.
"The hell I care! Kahit kaninong anak pa siya, kahit anak pa siya ng demonyo, kung babanggain naman niya ako, hinding-hindi ko siya aatrasan!"
"Ewan ko sa iyo! Sumasakit ang ulo ko sa pagiging pasaway mo, Huxley! Basta't magbihis ka na dyan at h'wag mong hintaying pumasok ang daddy mo dito, at baka masaktan kana naman! Bilisan mo at hihintayin ka namin sa mesa," wika ni mommy, saka ito lumabas ng kwarto.
Humiga ako ulit sa kama, dahil antok na antok pa talaga ako. Ngunit biglang, nag-ring ang aking telepono kaya kinuha ko kaagad sa ibabaw ng bedside table.
"Yes bro, napatawag ka, anong balita?" tanong ko sa kaibigan kong si Marco na nasa kabilang linya.
"Bro, papasok ka ba ngayon?"
"Uhm, ayaw ko sana eh, pero pinapatawag ng guidance sina mommy at daddy, dahil du'n sa pagsuntok ko kay Larry," sagot ko naman.
"Kailangan mo rin talagang pumasok bro, kasi balita ko, may bago raw na teacher na ma-aasign sa atin."
"Sino raw?" curious kong tanong.
"Babae raw eh!" tugon ni Marco saka ito tumawa ng malakas.
"Gago, lahat naman ng na-assign sa atin ay puro mga babae. Wala din naman kasing pure na lalaking teacher sa SH eh, puro mga bakla!"
"Sabi ko nga di ba?" Rinig ko ang pagtawa niya.
Okay, see you around nalang bro," sabi ni Marco saka pinindot ang end call button. Ipinatong ko ulit ang cp ko sa ibabaw ng bedside table at tumayo ako para kunin ang tuwalya. Kailangan nga pala talaga akong pumunta ng school dahil may bago raw kaming adviser. Hindi ko alam kung bakit bigla naman akong na-excite.
Nagtungo ako sa banyo, para magshower. At pagkatapos kong maligo, nagbihis na kaagad ako ng school uniform at isinuot ko ang aking itim na maong jacket. Ngunit nagdala ako ng tshirt at pantalon, dahil magpapalit ako mamaya pagdating sa school. Hindi naman talaga ako komportable ng naka-uniporme kasi masyadong pormal, hindi naman nababagay sa personalidad ko. Kung tutuusin pwede naman akong pumasok kahit hindi maka-uniporme pero tiyak namang sangkatutak na sermon ang aabutin ko kay mommy.
Lumabas na ako ng kwarto at agad na nagpunta sa kusina. Naroon na silang tatlo sa mesa. Si mommy, daddy, at si Kuya Harvey. Nang makita ako ni daddy agad namang kumunot ang noo nito at kumulimlim ang mukha. Dahan-dahan akong lumapit at humila ng upuan katabi ni kuya Harvey.
"Tahimik lang akong kumukuha ng pagkain at magsisimula na sanang sumubo nang biglang magsalita si daddy.
"Ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa mo sa school, Huxley? Hindi ka na nga nakakatulong sa negosyo natin, puro perwisyo pa at sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa amin ng mommy mo!"
"Hindi ka na ba talaga titino ha?" dagdag na wika ng aking ama.
Hindi na yata ako mauubusan ng sermon sa bahay na ito, nakakawala ng gana, oo! Kaya imbis na sumubo ako ng pagkain, uminom na lamang ako ng kape, saka ako tumayo at tumalikod.
"Tingnan mo ang kabastusan ng anak mo, Sylvia!"
Narinig ko pang sigaw ni daddy. Pero hindi ko na siya pinansin at nagtuloy lang ako sa parking garage. Mauna na lang akong pumunta sa school, well at least doon mag-eenjoy ako sa mga barkada at kaklase ko. Dahil dito sa bahay? Pucha—Puro sermon nalang. At ang kalalabasan, makukumpara na naman ako kay Kuya Harvey. Wala naman kasing ibang magaling kundi si kuya eh!
Nakakainis talaga itong buhay na to' oo!
Sakay ng aking kotse ay mabilis akong umalis ng bahay papuntang De La Salle. Kung pupunta du'n ang mga magulang ko, aw bahala na silang makipag-areglo sa parents ni Larry. Ngunit saglit akong napaisip sa sinabi ni mommy kanina. Paano kung di ako grumadweyt this year, eh di, maka-cut off ang credit cards ko? Tapos magiging grounded pa ako. Hindi naman ako nabahala du'n sa grounded kasi, kaya ko namang lusutan 'yon. Pero 'yong credit cards, parang ang hirap naman. At sa tingin ko, hindi talaga nagbibiro si mommy nu'ng sinabi niya iyon.
"Hays..Putcha, talaga!" pagmumura ko sa aking sarili.
Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na ako sa school. Matapos kong mai-park ang sasakyan, bumaba na ako kaagad at nagtungo sa men's room para magpalit ng damit. Pagkatapos tumuloy na ako sa SH Department. Ngunit paakyat pa lang ako ng hagdanan nang salubungin ako ni Marco at nag-apiran kaming dalawa.
"Bro, ba't ang tagal mo?" sabi niya sa akin, sabay tapik sa aking balikat.
"As usual bro, sermon na naman ang almusal ko. Bad trip talaga! O ano, nasa classroom na ba ang mga kaklase natin? Hindi pa ba pumasok ang bago nating teacher?" sunud-sunod na tanong ko.
"O nasa loob na silang lahat. Ikaw nalang ang kulang. Uhm, hindi pa dumating ang bago nating teacher bro."
"Wala ka bang idea kung sino 'yon?" curious na tanong ko.
"Hindi ko alam bro eh," sagot niya.
Mayamaya'y nakarating na kami ng classroom at gaya ng dati, maingay at magulo sa loob. Nilapitan ako ng kaklase kong si Sabrina, na matagal ng may gusto sa akin. Maganda naman ito at sexy pero hindi ko type. Ewan ko nga ba, ba't wala pa sa isip ko ang pumatol sa kahit na sinong babae. Mahilig lang ako sa nightlife pero hindi pa ako nakakatikim ng sex. Hanggang sa pakikipaghalikan lang ako pero 'yon lang nu'ng time na nalasing ako sa bar at biglang may lumapit na GRO sa akin. Pasalamat naman ako at hindi pa ako nawala nu'n sa katinuan at hindi ko na naituloy ang ginawa ko dahil nanaig sa akin ang takot na baka bigla akong mahawaan ng HIV lalo na't wala akong dalang proteksyon nu'n.
"Hi love!" nakangiting bati sa akin ni Sabrina, sabay halik sa aking labi. Sanay naman itong laging nag-i-initiate ng halik sa akin, hinayaan ko na lang. Sanay na itong tawagin akong love kahit wala naman kaming relasyon.
"Hi," matamlay kong tugon.
"I guess, bad trip ka ngayon love," sabi nito.
"Oo, kaya iwan mo muna ako Sab."
Buti na lang at agad namang tumalima si Sabrina dahil alam naman niya kung paano ako magalit kapag hindi ako sinusunod kaagad. Sa loob ng classroom, ang boses ko ang nasusunod. At walang sinumang may lakas ng loob na banggain ako, dahil alam naman ng lahat kung anong p'wede kong gawin.
Nakaupo lang ako sa isang sulok at pinagmamasdan ang mga pinagagawa ng aking mga kaklase. Sa tingin ko hindi na darating ang teacher namin dahil baka natakot na rin 'yon. Sino nga ba naman ang hindi matatakot sa section namin na tinaguriang pinakaworst na section ng ABM? Wala talagang teacher na nakakatagal sa amin, 'yong iba nga'y isang araw lang at kinabukasa'y hindi na bumalik. Kaya paiba-iba kami ng guro.
Nasa ganu'n akong pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang isang babaeng nakasuot ng 3/4 na blouse at kulay itim na slacks. Matangkad ito at sa tantiya ko'y nasa 5'6 ang height. Sa tingin ko, ito na 'yong bagong guro namin. Hindi siya pinansin ng mga classmates ko, pero nakita ko kung paano siya nabigla sa kaguluhang kanyang nakita sa loob ng classroom. Sa isip ko, hindi rin makakatagal ang teacher na 'to sa amin.
"Excuse me, can I have your attention please!"
Narinig kong sabi nito, nang pumunta ito sa gitna, ngunit nanatiling walang pakialam ang mga kaklase ko. Inilibot niya ang kanyang mga mata, hanggang sa dumako ang paningin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkainteres sa kung ano pang sasabihin niya, kaya inutusan ko ang aking mga kaklase na tumahimik muna.
"My name, is Jenine Ysabelle Guevarra, your new adviser in this section," pagpapakilala nito.
Bigla namang nagsalita si Marco, "Welcome to your first day in Section Hell, teacher! But I guess there's no more second and third days because this will be your last day here!"
Umugong ang malakas na tawanan, at s'yempre sumabay na rin ako. Ugali naman kasi naming asarin ang bawat teacher na ma-assign sa section namin, para mag-quit na kaagad at wala na kaming klase. Nakakabagot kasing mag-aral. Puro theory, hindi naman magagamit sa actual kapag nagtrabaho na.
Buong akala ko lalabas na ng classroom si Miss Jenine ngunit narinig kong nagsalita ito na ang mga mata'y nakatuon kay Marco.
"Paano ka naman nakakasiguro na ito na ang huling araw ko?" mariin nitong tanong.
"Wow, matapang! Challenging!" nakangiting wika ni Marco.
"Bro Huxley, narinig mo 'yon?"
Sa isip ko, tingnan ko lang kung tatagal itong Jenine na 'to sa section namin, or baka nagtapang-tapangan lang, pero mayamaya'y lalabas din ng classroom at hindi na babalik pa.
"Okay guys, simulan na natin," nakangiti kong sabi.
Alam na ng mga kaklase ko kung anong ibig kong sabihin. Binuksan ko ang malaking bluetooh speaker at nagpatugtog ako ng rock music. Naghihiyawan ang mga kaklase ko, habang nagsasayaw sa gitna. Nag-e-enjoy ang lahat sa pagsasayaw samantalang nasa gilid lang ako't nakatayo. Nakahalukipkip ang mga braso habang nakasandal sa pader.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Miss Jenine at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. Halatang hindi nagustuhan ang ginagawa namin. Aliw na aliw ako habang pinagmamasdan ang kanyang reaksyon. Alam ko hindi na magtatagal at lalabas na rin ito ng classroom.
HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, what's wrong?" tanong ni Bianca. Well, I did not expect na dito rin siya mag-aaral sa Harvard at kaklase ko pa. Plinano na talaga ito nina Mommy at Daddy. "Babe, is anything wrong?" muling tanong niya. "I'm fine. Just get out of my way. And don't call me babe. Isa lang ang taong binibigyan ko ng karapatang tawagin ako ng ganyan," malamig kong sagot. "Whatever, Huxley. But let me remind you, you're mine. Ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin," wika niya. "Just give me a chance to love you." "I'm sorry Bianca, my heart only belongs to Jenine." Mariin kong sabi saka mabilis siyang tinalikuran. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Walang ibang laman ng aking isip kundi si Jenine. I miss
JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa. Four thirty pa lang naman kaya, mamaya nalang akong alas singko lalabas ng school.Ilang minuto pa ang lumipas at bigla naman akong nakatanggap mula kay sir Salcedo na gusto raw makipag-usap sa akin ang Mommy ni Huxley."Ano kaya ang kailangan niya sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa trabaho ko o may kinalaman sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko maiwasang mangamba dahil Chairman ng De la Salle ang makakaharap ko. Matapos akong nakapag-ayos, lumabas na ako ng faculty room. Wala pa ring patid ang kaba sa aking dibdib habang tinutunton ko ang daan papunta sa opisina ng Chairman.Nang makarating na ako sa doorstep, huminga muna ako ng malalim, saka mah
JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot
JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang
HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo
HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatitig ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha tila isang anghel na ipinadala sa akin para magbigay ng direksyon sa buhay ko. Napakaganda niya talaga at hindi ako magsasawang titigan siya. Maingat kong inaalis ang braso kong nakaunan sa kanya, dahan-dahan, para hindi siya magigising saka kinumutan ko siya.Napangiti ako nang bahagya, habang iniisip ang lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya inangkin at kung paano niya ipinadama sa akin sa unang pagkakataon ang kaganapan ng aking pagkalalaki. Alam kong nasaktan ko siya, ramdam ko ang mga luha niya, pero hindi ko na nakuha pang tumigil, dahil hindi ko na rin kayang kontrolin ang magkahalong pananabik at pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko an