Share

CHAPTER 4

Penulis: Spinel Jewel
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-29 20:51:53

JENINE

"Oh, kumusta ang unang araw mo sa section ng mga pasaway beshie? Ba't ganyan ang hitsura mo? Saka anong nangyari dyan sa slacks mo?" sunud-sunod na tanong ni Leslie pagkapasok ko pa lang ng faculty room.

"Hay, naku! Totoo ngang napakaworst ang section na 'yon beshie, my God!" naiinis kong sabi habang pabagsak na inilagay sa mesa ang mga gamit ko.

"Napaka-ingay, napakagulo... Para yatang may tama 'yong mga 'yon, Diyos ko at ginawa pang disco pub 'yong classroom!" dagdag na sabi ko at pasalampak na umupo sa couch.

"Ganu'n ba? So, nagkakilala na kayo ng kapatid ng ex-jowa mo?" naiintrigang tanong ni Leslie.

"Yep. Ang gaspang ng ugali. Walang modo! At 'yon, pinapatawag na naman sa guidance office kasama ng mga magulang nito."

"At meron pang isang santita sa loob ng classroom. 'Yong Sabrina Monteverde? Hay naku... Nakakainis 'yong babae na 'yon. Sarap ngang patulan eh. Isa pa 'yong si Marco Reyes, naku, napakabastos! Binatuhan ba naman ako ng chewing gum. Kaya tuloy nagkamantsa 'tong slacks ko," galit kong sabi.

"Then? Hindi man lang ba nagsorry sa ginawa niya?"

"Nagsorry naman, kasi tinakot ko na ipapa-guidance silang lahat kung hindi ito aamin. Pero Diyos ko, halata namang napipilitan lang. Wala sa isip ang paghingi ng sorry," sagot ko saka kinuha sa bag ang isa ko pang slacks. Buti nalang at lagi akong nagdadala ng extra.

"Sana nga lang matanggal pa 'tong mantsa noh! Apat lang kasi ang slacks ko eh. Alam mo naman nagtitipid ako lagi," sabi ko nang matapos na akong magpalit.

"Hays...Pareho lang din tayo besh eh. Ako lang din ang breadwinner sa amin simula nang ma-paralyzed ang tatay ko. Mahirap man, no choice. Wala na kasing pakialam sa amin ang nanay ko. Bahala na siya kung masaya na siya doon sa bago niyang pamilya," malungkot na wika ni Leslie.

"Nakakaiyak ano? Pero laban lang tayo besh," dagdag na sabi nito. Halata namang pinipigilan lang ang sarili kahit ang totoo gusto na nitong maiyak.

"Uhm, anong plano mo besh? Magpapatuloy ka pa ba doon sa section ng mga pasaway? Kung sa tingin mo mai-stress ka lang du'n, eh mabuti pang magquit ka na lang ngayon," pag-iiba niya ng usapan.

"Kilala mo naman ako besh. Hindi ako basta-basta sumusuko. Kasi kung matulad lang din ako sa ibang teacher na nag-quit sa section na 'yon, aba sino pa ang magtuturo sa mga estudyanteng 'yon 'di ba?"

"D'yan talaga ako believe sa 'yo besh eh. Saludo talaga ako sa 'yo ma'am!" nakangiting saad ni Leslie sabay nag-hand salute pa ito. Nagkatawanan kaming dalawa habang nagligpit kami ng aming mga gamit. Malapit na rin kasing mag-aalas singko at uwian na naman.

Nang papalabas na kami ng gate, bigla kong natanaw sa may di-kalayuan ang grupo nina Huxley. Agad ko namang iniiwas ang aking paningin at nagkunwari lang na parang hindi ko sila nakita.

"Uhm, di ba si Huxley yan besh?" pabulong na wika ni Leslie.

"Yup. H'wag ka lang magpapahalata sa kanila."

"Hi cher!" narinig kong sabi ni Marco nang mapadaan kami sa kinaroroonan nila.

"Siguro naman, wala ka ng second day sa section namin." At sabay na nagtawanan ang kanyang mga kasamahan. Samantalang, seryoso lang si Huxley na nakatingin sa kawalan.

Hindi ko nalang pinansin ang patutsada ni Marco at nagpatuloy lang kami ni Leslie sa paglalakad. Ngunit umeksena naman itong si Sabrina.

"Well, hindi kami natatakot sa iyo, Miss Guevarra," paismid na sabi nito.

"Ah, hindi ba? Ba't parang feel ko kanina bumahag ang buntot niyo nu'ng sabihin kong ipapa-guidance ko kayong lahat?" nakangiti kong tugon. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa.

Umirap lang si Sabrina sa akin habang matalim akong tinitingnan. Ang sarap nga talagang patikimin kahit isang sipa man lang. Nakakagigil talaga!

"Besh okay ka lang ba?" tanong ni Leslie.

Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.

"Yon ba si Marco, 'yong may maraming hikaw?" tanong ulit ng kaibigan ko nang makalayo na kami sa kinaroroonan ng grupo ni Huxley.

"Yup. Wala nga talagang modo. May kasalanan na nga sa akin, hindi man lang nakitaan ng guilt," sabi ko.

"Hmm, patikimin mo na lang kaya ng isang malakas na suntok besh? Kayang-kaya mo naman 'yon eh!"

"Naku, kung p'wede nga lang besh eh, ginawa ko na sana kanina. Pero alam mo naman—empleyado lang tayo dito. Maimpluwensiya ang mga pamilya ng mga iyon. Ayaw ko namang mawalan ng trabaho, kasi sa akin lang umaasa ang pamilya ko," seryoso kong sagot.

"May paparating na taxi besh, paparahin ko na," sabi ng kaibigan ko.

Kadalasan sumasakay kami ng taxi ni Leslie papuntang Sampaloc. Pareho kasi kaming taga roon. May distansya nga lang ang bahay nila mula sa amin, pero lalakarin lang din naman. Pero minsan naman, kapag medyo gipit na kami sa pera, nagtitiis na lang na sumakay sa bus, kahit abutin kami ng thirty minutes na b'yahe. Pero sa umaga nagta-taxi talaga kami para hindi ma-late sa pagpasok sa school. Strikto pa naman sa oras ang De La Salle kahit isang minutong late lang, nagre-reflect kaagad sa DTR at 'yon, bawas na kaagad sa sahod.

*******

Kinabukasan sa school, pinapatawag ako ni Sir Salcedo sa kanyang opisina. Siya ang principal ng Senior High Department at matagal na ring naninilbihan sa De La Salle bilang isang guro sa high school, hanggang sa naging principal.

"Good morning po sir," bati ko sa kanya.

"Good morning Miss Guevarra. Please have a seat." Sagot nito.

"Uhm, kaya kita pinapatawag Miss Guevarra, para i-kompirma ang iyong commitment bilang adviser sa isa sa mga section sa ABM."

Hindi agad ako nakasagot. Nagtatalo ang aking utak at ang aking damdamin. Iniisip ko, kung kaya ko bang i-handle sa buong school year ang section ng mga pasaway o baka, mai-stress lang ako du'n. Sabi ng utak ko, kaya ko, kasi palaban naman talaga ako. Ngunit sabi naman ng puso ko, hindi ko kakayanin lalo na't nasa section na 'yon ang kapatid ng dati kong boyfriend.

"Miss Guevarra?" untag sa akin ni Sir Salcedo.

"Oo nga pala, once mag commit ka na manatili ka bilang adviser sa section na 'yon, you will have a ten thousand pesos salary increase. Napagdesisyunan na ito ng administration," dagdag na sabi nito.

Nabigla naman ako sa aking narinig. Ang balita ko kasi noon, five thousand lang ang increase, pero siguro dahil sa marami na rin ang nagquit, kaya tinaasan nila. Sa isip ko, malaking tulong na rin 'yong ten thousand. Pandagdag na sa gastusin sa bahay at sa mga kakailanganin sa eskwela ng dalawa kong kapatid.

"Oh ano Miss Guevarra, deal or no deal?" pabirong tanong ni Sir Salcedo.

"Uhm—deal sir," sagot ko.

"Okay, that's good. So—goodluck!" nakangiting wika ng principal saka nakipagkamay sa akin.

Pagkalabas ko ng opisina, hindi ko naman maiwasang mag-alala baka hindi ko kakayanin. Iisipin ko lang na maya't maya'y mapupunta na naman ako sa section na 'yon, sumisikip na ang dibdib ko. Pero dahil sa increase na ten thousand—bahala na nga! Dahil sa labis na pag-iisip ko sa ganu'ng bagay, hindi ko napansin ang taong nakasalubong ko at nabangga ko siya.

"Tsk..clumsy!" usal ng isang lalaki.

Siguro hindi rin siya tumitingin sa dinaanan niya kasi nakita kong busy siya sa pagpindot ng kanyang cellphone. Sabay kaming napatingin sa isa't isa.

"Huxley?"

"Oh, ikaw pala cher!" nakangiti nitong sambit.

"Well, see you around!" dagdag pang sabi nito, saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagkibit-balikat lang ako kasi ilang sandali nalang, makakasalamuha ko na naman 'yon at ang mga kaklase nito.

"Anong kailangan ni Sir Salcedo, besh? Ba't ka pinatawag?" usisa agad ni Leslie nang makabalik na ako sa faculty room.

Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pinag-usapan namin ng principal. Masaya naman siya sa ibinalita ko sa kanya, samantalang ako, kahit natutuwa naman, pero hindi pa rin maalis sa akin ang mangamba, baka hindi ko kakayanin ang section na 'yon. Basta bahala na.

Habang papunta ako sa classroom nina Huxley, bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Sa isip ko, ano na naman kaya ang maari kong maranasan sa pangalawang araw ko sa section ng mga pasaway na mga mag-aaral?

Makaraan ang ilang saglit nasa pintuan na ako ng classroom. Huminga muna ako ng malalim, saka ko pinihit ang doorknob.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Challenging Hearts   CHAPTER 82

    HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, what's wrong?" tanong ni Bianca. Well, I did not expect na dito rin siya mag-aaral sa Harvard at kaklase ko pa. Plinano na talaga ito nina Mommy at Daddy. "Babe, is anything wrong?" muling tanong niya. "I'm fine. Just get out of my way. And don't call me babe. Isa lang ang taong binibigyan ko ng karapatang tawagin ako ng ganyan," malamig kong sagot. "Whatever, Huxley. But let me remind you, you're mine. Ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin," wika niya. "Just give me a chance to love you." "I'm sorry Bianca, my heart only belongs to Jenine." Mariin kong sabi saka mabilis siyang tinalikuran. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Walang ibang laman ng aking isip kundi si Jenine. I miss

  • Challenging Hearts   CHAPTER 81

    JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa. Four thirty pa lang naman kaya, mamaya nalang akong alas singko lalabas ng school.Ilang minuto pa ang lumipas at bigla naman akong nakatanggap mula kay sir Salcedo na gusto raw makipag-usap sa akin ang Mommy ni Huxley."Ano kaya ang kailangan niya sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa trabaho ko o may kinalaman sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko maiwasang mangamba dahil Chairman ng De la Salle ang makakaharap ko. Matapos akong nakapag-ayos, lumabas na ako ng faculty room. Wala pa ring patid ang kaba sa aking dibdib habang tinutunton ko ang daan papunta sa opisina ng Chairman.Nang makarating na ako sa doorstep, huminga muna ako ng malalim, saka mah

  • Challenging Hearts   CHAPTER 80

    JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot

  • Challenging Hearts   CHAPTER 79

    JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang

  • Challenging Hearts   CHAPTER 78

    HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo

  • Challenging Hearts   CHAPTER 77

    HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatitig ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha tila isang anghel na ipinadala sa akin para magbigay ng direksyon sa buhay ko. Napakaganda niya talaga at hindi ako magsasawang titigan siya. Maingat kong inaalis ang braso kong nakaunan sa kanya, dahan-dahan, para hindi siya magigising saka kinumutan ko siya.Napangiti ako nang bahagya, habang iniisip ang lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya inangkin at kung paano niya ipinadama sa akin sa unang pagkakataon ang kaganapan ng aking pagkalalaki. Alam kong nasaktan ko siya, ramdam ko ang mga luha niya, pero hindi ko na nakuha pang tumigil, dahil hindi ko na rin kayang kontrolin ang magkahalong pananabik at pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status