MasukJENINE
"I said that's enough!" buong lakas kong sigaw.
Ngunit nanatili pa ring bingi ang mga estudyante at patuloy pa rin ang mga ito sa pagsasayaw. Talagang walang respeto ang mga ito at bakit pa kasi hindi nalang i-expel sa university, eh nakakapagbigay lang ng sakit ng ulo sa mga teachers dito.
Muli kong tiningnan ang kinaroroonan ni Huxley. Nakita ko pa rin ang nakakaloko niyang ngiti na para talagang inaasar ako. Akala siguro ng kumag na ito, uurungan ko sila. It's a great challenge yata sa pagkatao ko at hindi ako papayag na matatalo ako ng mga estudyanteng ito. Teacher ako dito and I have the full authority inside the classroom.
Lumapit ako sa kung saan nakalagay ang speaker at biglang pinindot ang power off, kaya natigilan ang lahat at tumingin sa akin.
"What the he—" narinig ko ang boses ni Sabrina.
"Makinig kayong lahat dahil minsan ko lang itong sasabihin sa inyo! I am your teacher and you are my students. Hindi ako makakapayag na bastusin niyo lang ako ng ganito, di porke't mga mayayaman kayo. Those who don't want to stay inside the class, the door is available for your exit! Kung nandito kayo para mag-aral so, it means gusto niyong matuto. Pero kung ginawa niyo lang scapegoat ang classroom na ito dahil sa kung ano man ang pinagdaanan ninyo sa inyong bahay, well, mas mabuti pang h'wag na kayong pumasok," mariin kong sabi sa kanila.
Nakita ko ang pag-arko ng isang kilay ni Sabrina. "And who do you think you are para pagsabihan kami ng ganyan? Hindi mo ba alam na kayang-kaya ka naming patalsikin dito, in just a snap of our fingers?"
"And do you think natatakot ako?" buong tapang kong sagot. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas para sabihin 'yon. Kusa na lamang lumalabas sa bibig ko, kahit deep inside, natatakot naman talaga ako, kasi puro mayayaman ang mga ito. Baka mamaya mawawalan pa ako ng trabaho. Napakahirap pa namang makahanap kaagad ng mapagkakakitaan ngayon. Isa pa'y walang ibang inaasahan sa bahay namin kasi may sakit ang nanay ko, at may dalawa akong kapatid na pinapag-aral sa kolehiyo. Pero hindi rin naman ako makakapayag na mabastos ng ganito kaya ipaglalaban ko talaga ang karapatan ko.
"And let me remind you my dear students kung bakit ABM ang pinapakuha sa inyo ng inyong mga magulang dahil umaasa sila na balang araw, makakatulong kayo sa negosyo ng inyong mga pamilya."
"Now, kung gusto ninyong matuto, arrange your chairs and fix everything so we can start with our lesson. But if you don't want to learn, get out and I will automatically give you failing grades at hindi talaga kayo makakagraduate this school year!"
Hindi kumibo ang mga estudyante at nakatingin lang sa akin. Pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Huxley na parang hinihintay ng mga ito ang anumang sasabihin ng kinilalang lider ng kanilang classroom.
"Huxley Baltimore, naghihintay sa iyo ang mga kaklase mo. One false decision, will definitely affect your grades and will absolutely disappoint your family," matapang na wika ko.
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Huxley sa akin, ngunit kailangan kong tatagan ang aking sarili at hindi ako dapat ma-intimidate sa kanya. Ako ang guro dito kaya ako ang dapat na masunod sa loob ng classroom.
"Okay guys, sa ngayon pagbibigyan natin si teacher. Arrange the chairs now!" utos niya sa kanyang mga kaklase. Agad namang tumalima ang mga estudyante kahit ang iba ay hindi maipinta ang itsura dahil sa sobrang inis sa akin.
Nakaramdam ako ng konting kasiyahan sa puso nang makita ko silang nag-aayos ng mga upuan. Kailangan pala talagang paamuin ko muna itong si Huxley Baltimore para magiging madali na lang din sa akin ang pasunurin ang iba pang mga mag-aaral
Nang magsiupo na ang lahat, sinimulan ko na ang unang lesson ko sa kanila. Nagreview muna ako sa basic accounting para malaman ko kung may natutunan nga ang mga ito nu'ng Grade 11, or baka nakapasa lang dahil sa mayayaman ang kani-kanilang pamilya.
"Okay class, ano nga ba iyong DEBIT at CREDIT? Who can give me the difference between the two?" panimulang tanong ko.
"Hay walang katapusang tanong, cher. Sisiw naman niyan!" sambit ni Huxley.
"Go na bro, sagutin mo na!" nakangiting wika ni Marco.
"Debit, 'yon yong natatanggap mo, at ang Credit, 'yon yong naibigay mo like when I say, If you debit my love, I will credit my life," kampanteng sagot ni Huxley.
"Oh, galing naman! Bravo, bravo!" nakangiting wika ni Marco at pumalakpak pa ito. Nagsipagpalakan din ang iba pang mga mag-aaral.
"O ano tama ba ako cher?" nakangiting tanong ni Huxley sabay kindat pa nito sa akin.
"Uhm, yes, very good!" kaswal na sagot ko.
"But what is the importance of Debit and Credit in Accounting?"
"Ako pa rin ba ang sasagot cher? Hmm. baka mainlove ka na sa akin n'yan!" sabi ulit ni Huxley saka humulagpos ng tawa.
Bigla namang sumabat si Sabrina at parang nang-aasar ito sa akin. "Ba't tanong ng tanong ka naman teacher, ikaw naman ang guro dito. Bakit 'di mo nalang kami turuan? Or baka naman kaya mo lang kami tinatanong dahil hindi mo rin alam ang sagot." Sarcastic na wika nito.
Umugong ang malakas na tawanan sa klase, at para akong napahiya sa sinabi ni Sabrina. Kung hindi nga lang ito mas bata sa akin. ang sarap kayang patulan at patitikimin ng isang malakas na sipa at nang matauhan. Aba'y marunong yata ako ng karate. Tinuruan ako ng tatay ko nu'ng grade six pa lamang ako hanggang sa mag high school. Kaya lang nu'ng mamatay ang ama ko, kinalimutan ko na ang pagsasanay ng karate at nagfocus na lamang ako sa pag-aaral.
"Of course, alam ko ang sagot Miss Monteverde. Hindi naman siguro ako i-assign dito kung wala akong knowledge sa accounting di ba? And to prove it to you, I will be the one to answer my own question but get ready because I'm going to ask you later," seryoso kong tugon.
"Well, the importance of Debit and Credit in accounting is to keep the company's books in balance. So, in business, Debits and Credits are used for every transaction and this is what we call the double-entry accounting.
"So I guess, it's my turn now to ask question to you Miss Monteverde." Kalmado ngunit mariin kong wika habang nakatingin kay Sabrina.
"For example, your business purchases a new computer for Php 36,000 on credit, how are you going to record the transaction using the T-account?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa akin. Halatang wala itong natutunan kahit basic lang naman sa accounting. Palibhasa'y wala sa isip ang pag-aaral at puro kaartehan lang ang nalalaman.
"Who can answer? Anybody from the class?" tanong ko habang inilibot ang mga mata ko sa lahat ng mga estudyanteng naroon.
"How about you Marco, do you know the answer?"
Nagkibit-balikat lang ito at patuloy sa pagnguya ng chewing gum. Ang sarap nga talagang sapakin. Punung-puno lang ng kahambugan, wala namang binatbat.
"Bro, Huxley save us. H'wag mong ipahiya itong section natin. Eversince, ikaw naman talaga inaasahan namin dito eh! Go na bro!" pangungumbinsi nitong si Marco.
"Oo nga naman love, kayang-kaya mo naman 'yang sagutin eh," wika ni Sabrina.
Huxley! Huxley! Huxley!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.
At nang biglang bumukas ang pinto.
"Sorry for the interruption Miss Guevarra, but will you please excuse Huxley Baltimore? His parents are here and his presence is needed in the guidance office," wika ng SH principal.
"Okay sir, no problem."
"Huxley? You may go now," wika ko.
"Bro, goodluck!" sabi ni Marco sabay tapik nito sa balikat ng kanyang kaibigan.
Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Huxley. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naawa sa kanya. Alam kong matalino naman ito, kasi 'yon din naman ang sabi nu'n sa akin ni Harvey, kaya lang basag-ulero at pasaway lang talaga. Walang interes sa pag-aaral at patigil-tigil kaya hanggang ngayo'y hindi pa rin nakakapag-graduate ng Senior High.
At ngayo'y pinapatawag na naman sa guidance office. Siguro'y gumawa na naman ng kalokohan.
"Okay class, let's go back to our lesson. Wala ba talaga sa inyo ang makakasagot ng tanong ko kanina?"
"Ikaw nalang ang sumagot cher!"
"Oo nga naman cher! Hindi namin alam, kaya ikaw nalang sumagot sa sarili mong tanong," sabat ng isa pang lalaking may hikaw din sa magkabilang tenga. Nagtawanan ang lahat na halata talagang nang-aasar lang sa akin.
Diyos ko! Usal ko sa aking sarili sana makakapagtimpi pa ako sa mga estudyanteng ito at baka makalimutan kong teacher pala ako dito at, maupakan ko ang mga ito. Baka mamaya sumikat pa ako nang wala sa oras. "Isang teacher nanapak ng mga estudyante sa ABM." Diyos ko! H'wag naman sana.
Bumuntung-hininga na lamang ako at kumuha ng marker para makapagsulat sa white board. Hindi kasi ako nakagawa ng powerpoint dahil hindi ko pa naman alam kung saan ako magsisimula sa lesson ko. Marami na kasing mga teachers na naunang na-assign sa section na ito, at hindi ko alam kung alin na ang na tackle nila sa accounting subject. Pero sa tingin ko nama'y wala talagang natutunan 'tong mga mag-aaral na ito kaya kailangan kong magsimula sa basic.
Habang nakatalikod ako para gumuhit ng T-account, nararamdaman kong parang may ibinato sa akin at tumama sa slacks ko. Tapos narinig ko ang impit na pagtawa ng mga estudyante. Kinapa ko ang aking slacks sa kanang bahagi at naramdaman ko ang malagkit na bagay na dumikit sa kamay ko. Chewing gum pala ang ibinato sa akin, at isa lang ang alam kung gumawa nito—si Marco!
Biglang nanginig ang buo kong kalamnan sa galit. Sa buong buhay ko ngayon lang may gumawa sa akin ng ganito, at estudyante ko pa. Hindi na talaga ito tama at kung palalagpasin ko pa ito, tiyak na uulitin na naman sa susunod. Dahan-dahan akong humarap at tiningnan silang lahat. Isang nakakalokong ngiti ang nasilayan ko sa mga labi ni Marco, habang ang iba nama'y hindi makatingin ng diretso sa akin. Tiningnan ko rin si Sabrina na parang nanghahamon pa, ni hindi ko man lang nakitaan ng guilt sa ekspresyon ng mukha.
"Sinong nambato sa akin ng chewing gum?" tanong ko sa kanila ngunit ang mga mata ko'y nakapokus kay Marco.
Nagkibit-balikat lang ang mga ito at wala ni isa man ang sumagot.
"Alam kong sinadya talaga ang pagbato sa akin. Ganu'n na ba talaga kasama ang mga ugali niyo at wala na kayong ibang alam na gawin kundi kalokohan at katarantaduhan? Wala na ngang laman ang mga utak niyo sa mga lessons, puro pa sakit ng ulo ang ibinibigay ninyo sa mga teachers na dumaan sa inyo, at pati na rin sa akin!" buong lakas kong sigaw sa kanila.
"Now, aminin mo ang kasalanan mo Marco, at mag-apologize ka sa akin! Or else ipapatawag ko ang parents mo at haharap tayo sa guidance office!"
"At bakit ko naman gagawin 'yon. Hindi naman ako ang nambato sa iyo eh," pangangatwiran pa nito.
"Oh, talaga lang ha. At sino naman kaya ang nambato sa akin, gayong ikaw lang naman ang nguya ng nguya ng chewing gum kanina pa!"
"O ano, ayaw niyong magsalita? Or kayong lahat ida-drop ko at wala na talaga kayong pag-asang makakagraduate pa," buong tapang kong sabi.
Nagsitinginan sa isa't isa ang mga estudyante, at nababasa ko ang pagkabahala sa kanilang mga mukha.
"Aminin mo nalang bro!" sabi ng isang mag-aaral.
"Just apologize Marco! Ayaw kong ma drop eh! Magiging grounded na ako nito," sabat ng isa pa.
"Oo nga, just say sorry na lang para matapos na 'to," sabay-sabay ng karamihan.
Hindi pa rin kumibo si Marco, nagbingi-bingihan lang ito at patuloy lang sa pagpindot ng cellphone niya. Matigas talaga itong kumag na ito, pero hinding-hindi talaga ako patatalo. Never!
At nang muling pumasok si Huxley sa classroom, nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ni Marco, dahil dumating na ang sa tingin niya'y kakampi niya. Ngunit, hindi pa rin ako natatakot kahit isang Huxley Baltimore pa ang makakalaban ko!
JENINEPasado alas dos ng hapon, at dumating na nga ang napakalungkot na sandali ng muling pagkakalayo namin ni Huxley. Kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang mapaluha."Babe, please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak," wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Napaingos ako. "Hindi ko lang mapigilan, babe.""Naku Ma'am, kapag ganyan kayo, baka hindi na umalis yan si bro Huxley," panunukso ni Marco."Oo, hindi na ako iiyak," mahina kong sabi. Sandali kong isinantabi ang nararamdaman kong lungkot, kailangan kong maging matatag para sa amin ni Huxley kahit ang totoo, sumisikip na ang dibdib ko dahil ilang minuto nalang papasok na siya sa boarding area.Nang magsimula ng mag-announce ang airport staff para sa kanilang boarding time, parang gusto ko na namang maiyak. Pero kailangan kong pigilan dahil ayaw kong mahihirapan si Huxley."Paano babe, papasok na ako," wika niya at muli akong niyakap at kinintalan ng halik sa noo. Pero hindi ko na n
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw ng sayahan kasama si Huxley at ng mga kaibigan niya at ngayon, huling gabi na namin sa Tagaytay. Hindi ko maiwasang malungkot na naman dahil bukas muli na naman kaming magkakalayo ni Huxley. Sa Lunes na rin ang balik ko sa trabaho matapos ang sembreak."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Daphne. "Naku, I'm sure nalulungkot na naman si Ma'am dahil aalis na tayo bukas lalo na si Huxley," wika naman ni Sabrina."Tumingin silang lahat sa akin na para bang nakikisimpatiya sa nararamdaman ko."Babe," mahinang wika ni Huxley saka masuyong hinawakan ang kamay ko. "Kaya natin 'to di ba?"Tumango lang ako at ngumiti sa kanya."Basta ang masasabi lang namin sa inyo Ma'am, bro..." wika ni Marco. "Maging matatag kayong dalawa.""Yes bro. Tama." Pagsang-ayon naman ni Eduard. "Di ba nga love conquers all?""Yes true." Sabay-sabay na saad ng lahat."O sya, let's enjoy muna. This time, wala munang drama," nakangiting pahayag ni Mabel.Napangiti na
JENINENang magsidatingan ang mga kaibigan ni Huxley, naging mas masaya ang paligid. "Maraming salamat talaga sa inyo guys ha. Kung hindi dahil sa tulong niyo, hindi talaga ako makakauwi ng Pilipinas at hindi ko makakasama si Jenine." "Wala 'yon bro Huxley. Anytime, maasahan mo kami," wika ni Marco sabay tapik sa balikat ni Huxley."Yes tama yan, bro. Hindi ka namin kayang pabayaan," pagsang-ayon naman ni Eduard."Basta we are always here to support you and Ma'am Jenine, bro." Sabat naman ni Sabrina.Narinig ko ang isa-isang pagsang-ayon ng grupo at hindi ko napigilang mapangiti. Parang ang gaan sa dibdib. Sino bang mag-aakala na ang mga estudyante kong pasaway noon, ay siya pa palang magiging tunay kong mga kaibigan ngayon.“Grabe kayo… nakaka-emo naman ’yan,” biro ko, pilit na pinapawi ang init na biglang namuo sa mga mata ko.“Ay, Ma’am, huwag ka ngang umiyak,” agad na sabi ni Daphne, sabay abot ng tissue. “Hindi bagay sa’yo ’yung iyakin. Mas gusto namin 'yong personality mo noon
WARNING! MATURE CONTENT AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.JENINEPagkapasok namin sa kwarto, inilock niya ang pinto at maingat niya akong inihiga sa kama. "Babe, sobrang nami-miss kita," wika ni Huxley at masuyong hinaplos ang pisngi ko.Muli siyang tumitig sa mga mata ko at nauunawaan ko 'yon. Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya.Muling naglapat ang aming mga labi sa magkahalong pagmamahal at pananabik sa isa't isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa bahagya niyang kinagat ang tenga ko na nagdulot sa akin ng matinding sensasyon. "Huxley..." tanging katagang nasambit ko habang ninanamnam ang bawat paghaplos niya sa balat ko.Habang bumababa ang mga halik niya sa aking leeg, naramdaman kong lalong bumigat ang bawat paghinga ko. Kapwa mainit ang aming katawan, parang nag-aapoy sa matinding pangangailangan at pananabik sa isa't isa.Ang kanyang mga kamay ay marahang dumulas sa aking baywang, parang sinasaliksik ang bawat pulgada ng balat na matagal niyang hindi nahawakan. B
JENINEMaraming kotse ang nakaparada sa parking lot, pagkalabas namin ng airport. Yon ang mga sundo nila ni Eduard. Siguro kung hindi lang nagkaproblema, marahil nandito na rin ang sundo ni Huxley.Mayamaya'y dumating na rin ang family driver ni Marco."Bro, h'wag mo na kaming samahan sa Tagaytay. Dumiretso ka nalang muna sa bahay niyo," wika ni Huxley."Oo nga Marco. Hayaan muna natin itong dalawang 'to na magkasarilinan," nakangiting pagsang-ayon naman nina Sabrina at Daphne."So ano bro, kayo nalang muna ang tutuloy du'n? Anyway, may address naman kaya siguro naman hindi kayo maliligaw," natatawang saad ni Marco. "Pinapaayos ko na rin du'n pati na ang pagkain ninyo.""Maraming salamat bro. Pasensya na kayo, at namumulubi ako ngayon," wika ni Huxley. Bagama't nakangiti siya pero naramdaman ko na hindi talaga siya sanay na walang pera.""Oy, pumunta kayo ha. Aasahan namin kayo roon," muling saad niya."Of course, darating kami. Maybe later na. Kayo na muna ni Ma'am Jenine ngayon," mul
HUXLEYNagdaan ang maraming buwan at ganu'n lang ang setup namin ni Jenine. Nagtatawagan kami tuwing gabi (Philippine time) at umaga naman dito sa Amerika. Unti-unti na rin akong nakakapag-adjust. But of course, nangungulila pa rin ako sa kanya.Isang linggo na lang at magse-sembreak na kami at excited na akong umuwi ng Pilipinas. "Bro, anong plano?" tanong sa akin ni Marco nang minsang magkausap kami sa telepono."Gusto ko sanang umuwi bro, pero hanggang ngayon naka-freeze pa rin lahat ng credit cards ko.""Don't worry about it, di ba nagpromise kami na tutulungan ka namin?""Salamat bro. Pasensya na kayo," mahina kong sabi."No problem bro, kailan mo ba planong umuwi, at sasabay kami sa iyo? I mean, at least sabay tayong dumating ng NAIA."Saglit akong natahimik nang sumagi sa isipan ko si Mommy. Paano kung malaman nila ang pag-uwi ko. Baka mas lalo lang madamay si Jenine."Bro, what's wrong? Ba't bigla kang natahimik?" untag sa akin ni Marco."Naisip ko lang, paano kung malaman i







