LOGINHUXLEY
Matalim akong tiningnan ni daddy habang nasa loob ako ng guidance office. Samantalang si mommy naman ay hindi rin maipinta ang mukha dahil sa pagkadismaya na naman sa akin. Ilang ulit na rin kasi silang pinapatawag sa guidance office. Well, kasalanan din naman 'yon ng administration. Kung istrikto lang sana sila sa pagpapataw ng disciplinary action, 'di sana lumaki ang ulo namin ng mga kaklase ko.
Hays, tiyak na sangkatutak na sermon na naman ang aabutin ko nito pag-uwi ko ng bahay. At ang pinaka-worst pa, ikukumpara na naman ako ni daddy kay kuya Harvey. Kaya iisipin ko pa lang ang ganu'n, naba-bad trip na ako. Paglabas ko ng guidance, tuluyan na talaga akong nawala sa mood at lumilipad na ang isip ko kahit saan.
"Buti naman bro, at nandito ka na. Ikaw lang naman ang makakaligtas sa akin eh," narinig kong sabi ni Marco ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkatapos narinig kong sabi ni Miss Guevarra na ipapa-guidance kaming lahat kung walang aamin tungkol doon sa ibinatong chewing gum sa slacks niya.
"Mag-sorry ka na lang kasi Marco. Ayaw ko ng ma guidance pa eh," sabi ng isa naming kaklase. Sumunod naman iyong iba hanggang sa nagkakaisa na ang lahat.
Napatingin ako kay Marco, at dahil nga bad mood ako, nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ko. S'yempre kagagaling ko lang naman sa guidance office, tapos ngayon, maga-guidance na naman?
"Sorry, Miss Guevarra. Hindi ko sinasadya," wika ni Marco. Alam ko naman na hindi ito seryoso sa paghingi ng sorry. Ginawa lang niya 'yon, para hindi kami magalit sa kanya.
"Just don't do it again, Marco," sabi ng teacher namin habang matalim nitong tiningnan ang kaibigan ko. For the first time, narinig kong nag sorry si Marco. Kahit sabihin mang hindi ito seryoso sa sinabi niya, pero unang beses ko siyang narinig na nag-sorry. Kakaiba din itong bagong adviser namin, challenging, sa isip ko. Mukhang hindi ito takot sa amin or baka sa umpisa lang ito nag tigas-tigasan . Baka sa susunod na araw, bigla na lang itong mag quit sa section namin dahil hindi na niya makayanan pa ang stress.
Nang matapos na ang klase, gaya ng dati naming nakasanayan, doon kami tumambay sa may bench malapit sa gate ng paaralan. Mas gusto naming tinitingnan ang bawat estudyanteng dumaraan doon at kung merong mapagtripan, eh di 'yon na. Makaraan ang ilang saglit, nakita kong papalabas na si Miss Guevarra at ang kasama niyang teacher. Nang matapat sila sa kinaroroonan namin, bigla kong narinig si Marco. "Siguro naman cher, wala ka ng second day sa amin!" Sabay na nagkatawanan ang mga kaklase ko, ngunit nanatili lang akong walang kibo. At nang sumabat si Sabrina ay saka naman sumagot si Miss Guevarra. Talagang palaban nga ito. Well, let us see kung hanggang saan ang kaya niya.
Sakay ng aking kotse, nilisan ko ang De La Salle at binaybay ang daan pauwi. Hindi na ako sumama pa sa kanila ni Marco na gumala, kasi baka tuluyan akong magiging grounded sa bahay. Palilipasin ko na lang muna ang galit ng mga magulang ko saka ako gumimik sa labas.
Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ay kaagad ko ng naririnig ang sermon ng mommy ko.
"Hindi ka na ba talaga titino Huxley? Nagsasayang ka lang talaga ng panahon! Kung naging matino ka lang sana, eh di malapit ka ng grumadweyt ngayon ng College!"
Nagtuloy-tuloy lang ako sa kwarto at hindi pinansin ang sinasabi ni mommy, ngunit bigla namang sumabat si daddy. At dito na ako, tuluyang na bad-trip.
"Wala ka ba talagang pangarap sa buhay mo?"
"Kapag hindi ka pa rin makakagraduate ng Senior High sa taong ito, hindi na kita papag-aralin pa!" galit na wika ni daddy.
"Kung bakit hindi mo na lang kasi tularan ang kuya mo!" bulyaw ni mommy.
Sinabi ko na nga ba eh. Ikukumpara na naman ako kay kuya Harvey. Wala ng ibang magaling kundi si kuya. Kahit ilang beses naman itong nag-uuwi ng babae sa bahay, eh talagang bilib na bilib pa rin ang mga magulang ko sa kanya.
Bad trip talaga!
Dahil sa hindi ko na matitiis ang sermon nila sa akin, nagtuloy na lang ako sa kwarto. Na bad trip na talaga ako, at wala na akong ganang kumain pa. Naisip ko, ano kaya kung maglayas ako? Pero paano naman kung i-freeze nila 'yong credit cards ko? Saan naman ako pupulutin?
Pasalampak akong humiga sa kama at nagpatugtog sa bluetooth speaker. Ayaw ko na talaga dito sa bahay. Kaya lang sa ngayon, no choice ako.
******
Maaga akong nagising kinabukasan dahil nag ring 'yong alarm clock ko. Sinadya ko talagang gumising ng maaga, para maaga din akong makaalis papuntang school. Ayaw kong nakakasabay sina daddy sa pagkain, at baka sermon ulit ang almusal ko. Bumangon ako at naligo kaagad. Matapos kong makapagbihis, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kasi kumakalam na talaga ang sikmura ko. Hindi ako kumain kagabi kaya nagugutom na talaga ako.
Dahil ayaw kong maabutan nina daddy, nagmamadali akong umalis ng bahay matapos kong makapag-almusal. Naisip ko, gigising pala ako ng maaga para hindi na nila ako maabutan sa bahay.
Pasado alas syete pa nang dumating ako sa La Salle. Sa unang pagkakataon, hindi ako nali-late. Kadalasan naman mga ten o clock ako nakakapasok ng klase. I'm sure hindi pa dumating ang mga kaklase ko kasi palagi ding late ang mga 'yon, lalo na si Marco.
Habang abala ako sa pagpindot ng aking cellphone kasi nagchat ako kay Marco, biglang may babae akong nakabangga.
"Clumsy!" sambit ko.
"Huxley?"
"Cher, ikaw pala. See you around," nakangiti kong sabi. Samantalang siya naman ay nakasimangot lamang habang patuloy sa paglalakad. But I find her cute. Tsk.
Pagkapasok ko sa room, ay agad naman akong binati ng iilan sa mga kaklase ko. Mga sampu pa lang kaming naroon including Sabrina.
"Hi love, ba't ang aga mo yata ngayon?" wika ni Sabrina at akmang hahalikan ako, ngunit mabilis akong nakaiwas.
Ewan ko nga ba, ba't ayaw ko sa kanya. Maganda naman ito at sexy. Isa pa, nakakasama ko siya sa mga gala. Alam kong malaki ang gusto nito sa akin, pero ako, ni katiting ay wala. Never pa akong nagkaroon ng seryosong relasyon, madali kasi akong magsawa eh.
Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang iba ko pang mga kaklase.
"Hi bro, okay ka na ba?" bati sa akin ni Marco saka ito nakikipag high-five.
"Hindi na masyadong bad trip. Pero kung hindi ako gumising ng maaga, baka hanggang ngayon bad trip pa rin ako. Alam mo naman doon sa bahay, halos hindi nagsasawa sa kaka-sermon sa akin.
"Oo nga pala, ba't naman maaga tayong lahat?" nakangiti kong sabi.
"Aba s'yempre, excited sa second day ni Miss Guevarra," tumatawang sambit ni Marco.
JENINEDalawang araw ang nakalipas bago muling tumawag sa akin si Marco."Ma'am Jenine, maayos na ang kalagayan ni Bro Huxley. Pero gano'n pa rin, wala pa rin siyang maalala.""Lord, thank you po." Mahina kong wika. Sa ngayon, sapat na sa akin ang marinig na okay siya."Pero Ma'am...m-may problema eh."Muli na namang bumangon ang kaba sa puso ko. "A-anong problema, Marco?""Ma'am, ayaw ko sanang sabihin 'to eh, pero I think kailangan mong malaman. Pero Ma'am, you need to be strong.""Marco, pls sabihin mo na.""Teka lang Ma'am at may ise-send akong picture sa 'yo sa messenger."Ilang segundo ang lumipas at may nagpop up na notification. Dali-dali kong tiningnan 'yon.Napamulagat ako nang makita ang sarili ko sa picture habang nakatitig sa briefcase na may lamang pera. Yong pangalawang picture naman, yong pagsarado ko sa briefcase."Marco anong ibig sabhin nito?""Ma'am, may nagpadala nito sa kanila ni Tita Sylvia. Kaya iniisip nila tinanggap mo talaga ang pera at 'yon din ang pinapan
JENINETinawagan ko ang cellphone ni Marco ngunit hindi ko siya makontak. Nakailang dial na ako pero wala pa ring sumasagot.Napatingin ako sa brief case na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung magkano ang laman no'n basta ko nalang isinarado ngunit bigla nalang may tumabi sa akin at parang may itinutok sa tagiliran ko."Akin na ang brief case mo," matigas na wika ng lalaki. Nakasuot ito ng maong na jacket at itim na bonnet kaya hindi ko makita ang mukha niya."Uhm, Mister. H-hindi sa akin 'to," sabi ko sa isang garalgal na tinig."Wala akong pakialam, sa yo man o hindi ang pera na 'yan. Basta ibigay mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa 'yo." Mariing saad ng lalaki at mas lalo pang dniinan ang pagtutok ng baril sa tagiliran.Bigla akong pinagpawisan kasabay ng panginginig ng aking katawan.Napalinga ako sa paligid. Umaasang may makakatulong sa akin, pero wala. Abala ang mga waiters at waitress sa pag-aasikaso sa mga customers.Wala akong nagawa kundi ang iabot sa kanya ang br
JENINENagkasundo kaming magkita ni Huxley sa isang tagong restaurant sa Makati. Nauna akong dumating sa nasabing lugar at agad akong pum'westo sa mesa kung saan nakikita ko ang bawat customer na pumapasok.Kinakabahan ako habang naghihintay sa kanya. Marahil dala na rin siguro ng sobrang excitement.Tatlumpung minuto...Hanggang sa isang oras ang inabot ko sa paghihintay, ngunit hindi siya dumating.Muli akong napatingin sa entrance ng restaurant at gayon na lamang ang pagkagulat ko nang bumungad sa aking paningin ang elegante ngunit nakakatakot na awra ni Mrs. Sylvia Baltimore, ang Mommy ni Huxley. Nakasunod naman sa kanya ang isang lalaki na may bitbit na brief case.Hindi na ako makaiwas pa, nakita na niya ako."So, dito pala kayo balak na magkita ng anak ko." Matigas niyang sabi nang makalapit sa akin."M-magandang araw po Ma'am." Mahina kong bati habang nakayuko ang ulo."H'wag ka ng umasa pang darating si Huxley. At p'wede ba kalimutan mo na ang anak ko, dahil ikakasal na siya.
JENINEAng saya-saya ko ng mga sandaling 'yon. Hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi kahit na noong makapasok ako ng kwarto. Naroon si Nanay, nakasandal sa couch malapit sa crib ni baby Liam."Nay, mano po.""O anak, nakauwi ka na pala. Uhm, sila Mabel din ba 'yong naghatid sa 'yo?""Hindi po, Nay. Sina Marco, Eduard at Huxley po."Hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya nang mabanggit ang pangalan ni Huxley.Tiningnan ako ni Nanay. "Ang saya mo yata, anak?"Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari kanina sa selebrasyon.Tahimik lang na nakinig si Nanay habang nagkukwento ako.Mula sa pagdating ko sa restaurant… hanggang sa pagkikita namin ni Huxley.Pati ang mga simpleng bagay na ginawa niya—ang pagtitig niya sa akin, ang paghawak niya sa kamay ko, at ang pagnanais niyang ihatid ako pauwi.Hindi ko namalayang tuloy-tuloy na pala ang pagsasalita ko habang may ngiti sa labi.Parang sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwang pag-iyak—nakahing
JENINE"Anong problema, bro?" mahinang tanong ni Huxley. "Bakit kailangang magtago ni Jenine sa loob ng CR?"Biglang natahimik ang lahat, parang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.Hanggang sa si Marco na ang unang bumasag ng katahimikan. "Bro Huxley, sa ngayon, hindi mo pa kayang intindihin.""Kaya kong unawain, bro. Kahit nawala sa akin ang lahat ng alaala pero maintindihan ko kung anong sasabihin ninyo." Seryosong pahayag ni Huxley.Tiningnan nila ako na tila ba, hinihingi ang permiso ko. Marahan akong tumango. "Uhm, ganito kasi 'yan bro." Tumikhim muna si Marco bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayaw ng parents mo kay Ma'am Jenine kasi may iba silang gusto para sa 'yo. At yon nga si Bianca, anak ng kasosyo ng Daddy mo sa negosyo. At ayaw naming magkakagulo dito, kaya itinago namin si Ma'am Jenine."Gano'n lang kasimple ang paliwanag ni Marco at hindi na ginawa pang complicated ang kwento. Tahimik lang si Huxley matapos marinig ang paliwanag. Walang reaksyon sa mukha niya—
JENINE"Jenine..." mahinang sambit ni Huxley habang nakatingin sa akin. Ilang segundong pagkakatitig 'yon hanggang sa bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang ulo. Agad namang lumapit sina Marco at inalalayan siyang humiga sa sofa bed."It's okay bro." Wika ni Eduard. "H'wag mo munang pilitin.Inalalayan din ako nina Mabel at Rose. "Sana hindi nalang ako nagpunta rito," mahina kong wika. "Di sana sasakit ang ulo niya.""Saglit lang 'yon Ma'am. Agad ding huhupa 'yon kapag nakapagrelax na siya," sagot ni Rose.Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa amin si Marco."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" "Okay lang ako, Marco. By the way, happy birthday. Pasensya na at ito ang nangyari.""Ayos lang Ma'am. Nakapagpahinga na si Bro Huxley. Mayamaya, magigising din 'yon."Muli na namang tumulo ang luha ko. Awang-awa ako sa kalagayan niya. Alam ko sinikap niya akong alalahanin pero hindi pa niya kaya."Ma’am…" mahinang tawag ni Marco habang inaabot ang tissue sa akin. "Huwag niyo pong sisihin
JENINEPag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Nanay Milagros na nakaupo sa lumang sofa sa sala, nakatutok sa telebisyon habang hawak ang tasa ng salabat. Maliit lang ang bahay namin—may sira na sa kisame at mga pintura sa dingding na nagsimula nang magkupas—pero ito ang aming tahanan, at kahit papaano
JENINEKinabukasan, maaga kaming pumasok ni Leslie sa school. Kahit wala naman akong gaanong tulog kagabi at medyo masama ang pakiramdam ko, ngunit 'di ako p'wedeng umabsent. No work, no pay kasi kami, kaya sayang naman kung mababawasan ang sweldo ko."Sana nga lang nand'yan na ang mga estudyante m
JENINEEnsaktong 7:30 ng umaga ako umalis ng faculty room, at nagtungo sa SH building. Magsisimula kasi ang klase ko ng 7:40 kaya kailangang nandu'n na ako ahead of time. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan.Hindi naman gaanong malayo ang building ng Senior High mula sa faculty roo
HUXLEYUnti-unti ko ng naramdaman na parang iniiwasan ako ni Miss Guevarra. Bakit kaya? Dahil ba sa hindi niya ako gusto, o dahil sa estudyante lang niya ako kaya nagpipigil siya sa kanyang sarili? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Bro, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco







