Share

CHAPTER 64

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2025-05-16 23:16:54

JENINE

"Ano 'yang dala mo besh?" tanong sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room.

"O sa 'yo na 'yan besh," sabi ko.

Tinanggap niya ito at tiningnan ang laman. "Wow! Cream buns and muffins, my favorite!" bulalas niya at tinikman ito.

"Sinong nagbigay nito besh?"

"Si Alex Natividad."

"Alex?" aniya at bahagyang nag-isip habang kumakain. "You mean, yong Engineering student na nagpapapansin sa 'yo noon?"

Tango lang ang itinugon ko, saka sumandal sa couch.

"Uhm, alam ko na," aniya at tumigil muna sa pagkain. "Kaya mo 'to binigay sa akin, dahil nagseselos ang prince charming mo noh?"

"Kaya nga, seloso eh," sabi ko. "Ito rin kasing si Alex, may pa-flower delivery pa, kaya nabadtrip 'yong isa, buti nalang at napigilan ng mga kaklase niya."

"Oh really? Nagpadeliver ng bulaklak?"

"Yup. Tapos, mayamaya pumunta ng classroom at ibinigay yan sa akin. Bakit 'di nalang inabot ng personal ang bulaklak."

"Eh di mas lalong maiinis 'yong prince charming mo. Buti nalang at hindi mismong si Ale
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Challenging Hearts   CHAPTER 65

    HUXLEYMakalipas ang tatlong araw, matagumpay kong nairaos ang final exam. Hindi lang basta pasado—mataas talaga ang nakuha kong scores. Hindi ako nagmamagaling, pero pinaghandaan ko talaga 'yon. Araw-gabi akong nag-review, hindi lang dahil gusto kong pumasa, kundi dahil may gusto akong patunayan. Inspirado ako—dahil kay Jenine.Nakakahiya naman kung mababa ang makukuha ko sa exam, di ba? Isa pa, gusto kong ipakita na karapat-dapat akong mahalin."O mabuti naman at nandito ka na," bungad na wika ni kuya Harvey nang madatnan ko siya sa sala. Umiinom siya ng canned beer habang nanonood ng TV."Halika ka bro, at samahan mo ako rito," aniya habang itinaas ang lata ng beer na parang nakikipag-toast.Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya sa malaking sopa.“Kumusta ang final exam ninyo?” tanong niya.“Okay lang naman, kuya,” tipid kong sagot, pilit na iniiwas ang tingin.Napansin kong bigla siyang tumigil sa pag-inom at tumingin sa akin. Matagal. Para bang tinitimbang niya kung sasabihin b

  • Challenging Hearts   CHAPTER 64

    JENINE"Ano 'yang dala mo besh?" tanong sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room."O sa 'yo na 'yan besh," sabi ko.Tinanggap niya ito at tiningnan ang laman. "Wow! Cream buns and muffins, my favorite!" bulalas niya at tinikman ito."Sinong nagbigay nito besh?""Si Alex Natividad.""Alex?" aniya at bahagyang nag-isip habang kumakain. "You mean, yong Engineering student na nagpapapansin sa 'yo noon?"Tango lang ang itinugon ko, saka sumandal sa couch. "Uhm, alam ko na," aniya at tumigil muna sa pagkain. "Kaya mo 'to binigay sa akin, dahil nagseselos ang prince charming mo noh?""Kaya nga, seloso eh," sabi ko. "Ito rin kasing si Alex, may pa-flower delivery pa, kaya nabadtrip 'yong isa, buti nalang at napigilan ng mga kaklase niya.""Oh really? Nagpadeliver ng bulaklak?""Yup. Tapos, mayamaya pumunta ng classroom at ibinigay yan sa akin. Bakit 'di nalang inabot ng personal ang bulaklak.""Eh di mas lalong maiinis 'yong prince charming mo. Buti nalang at hindi mismong si Ale

  • Challenging Hearts   CHAPTER 63

    HUXLEYHindi ko mapigilang titigan si Jenine. She is really pretty—'yong tipo ng ganda na hindi kailangan ng effort. Kahit walang makeup, litaw pa rin ang kutis niya, at may natural na glow sa mukha niya na hindi nakakasawang tingnan. Bagay sa kanya ang rebonded niyang buhok—maayos, shiny, at parang may sariling buhay tuwing humahampas sa balikat niya.Mas lalo siyang bumabata ngayon, lalo pa't wala na siyang suot na salamin. I guess, she is wearing contact lens. Mas lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya. Pero actually, hindi lang naman physical na apperance niya ang minahal ko, kundi ang buong personality niya. Ke-rebonded man o hindi ang buhok niya, nagususuot man siya ng salamin or contact lens, it doesn't matter to me. Basta ang alam ko lang, mahal ko siya. At sana nga lang grumadweyt na ako, para malaya na kaming dalawa."I would like to remind you na bukas na magsisimula ang final exam ninyo." Narinig kong sabi niya. "I hope you will all get a high score.""'Yes Ma'am," sabay-sab

  • Challenging Hearts   CHAPTER 62

    JENINEAraw ng Sabado, at walang pasok ngunit maaga pa rin akong nagigising. Iniisip ko kung ano kaya ang p'wede kong gawin ngayon. Hanggang sa muling sumagi sa aking isipan ang pag-uusap nina Carol sa ladies' room kahapon."Si Miss Guevarra? Imposible namang magkagusto si Huxley du'n eh. Napakagwapo niya at mayaman pa, kaya maghahanap talaga 'yon ng mayaman din, sexy at maganda."Muli na naman akong na-insecure sa sarili ko kahit hindi ko naman dapat maramdaman 'yon. Mayamaya, nag-ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong inabot sa bedside table. Si Leslie pala ang tumatawag. "Hello, beshie. Good morning," aniya."Yes beshie. Good morning din. Napaaga yata ang tawag mo? May problema ba?""Nope. Wala naman. Gusto lang kitang ayain sa salon mamaya. Magpa-rebond ako ng buhok.""Ganu'n ba. Mapapa-sana all nalang ako sa 'yo besh," sagot ko. "Samahan mo ako besh. Wala ka naman sigurong gagawin ngayon di ba?""Yup. O sige," sabi ko.Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin at ibinaba ko

  • Challenging Hearts   CHAPTER 61

    JENINE Isang linggo ang nakalipas mula noong naging kami ni Huxley. So far wala namang problema. 'Yon nga lang kailangan naming mag-ingat para h'wag mahalata lalo na sa mga kasamahan ko at sa mga iba pang mga estudyante. Masaya naman ako at naintindihan niya ang sitwasyon namin. Pero 'yon na nga, hindi kami nagkakausap sa school at hanggang tinginan lang kaming dalawa. At kung nagkakausap man, tungkol lang sa lessons namin. Pero palagi naman kaming nagvi-video call sa gabi bago ako matulog kaya okay nalang din. "Ma'am, sumama ka na sa amin maglunch," yaya sa akin ni Marco nang matapos ang klase namin sa umaga. "Oo nga naman Ma'am," sabay-sabay na sang-ayon ng lahat. Napatingin naman ako kay Huxley, at ngumiti siya sa akin, na wari'y nagugustuhan ang ideya ng mga kaklase niya. "Okay sige," nakangiti kong sagot. "P'wede ko bang yayain si Leslie?" "Ayos lang ma'am," sagot ni Marco. Tatawagan ko na sana ang kaibigan ko, pero nagtext naman siya sa akin at sinabing sa labas daw sila

  • Challenging Hearts   CHAPTER 60

    HUXLEYKahit isang oras lang ang tulog ko pero parang hindi naman ako napapagod. Siguro nga dahil inspired ako. Kami na ni Jenine kaya sobrang happy ako. Ganito pala ang feeling na magkaroon ng girlfriend. At 'yong halik na 'yon, it was definitely my first initiated kiss. Although not my first time, dahil ilang beses na ring may humalik sa akin sa bar, tapos si Sabrina. Pero iba ang feeling kapag mahal mo ang hinahalikan mo.Six thirty pa lang nasa school na ako. Pero sa loob lang ako ng classroom habang naghihintay sa mga kaklase ko.Dumating na kaya si Jenine? Tsk. Parang gusto ko siyang puntahan sa faculty room pero may usapan naman kami na ilihim muna namin 'to. Bawal kasi talaga dahil sa ngayon, estudyante pa niya ako. Ayokong mapahamak siya dahil sa akin, kaya magtitiis nalang muna ako.Mayamaya, dumating na ang mga kaklase ko."Oh bro, good morning. Ang aga natin ah," bati sa akin ni Marco sabay nag-apiran kami. Sumunod ding bumati ang iba ko pang mga kaklase."Hmm...Ba't paran

  • Challenging Hearts   CHAPTER 59

    JENINEHindi ako makatulog at panay ang palipat-lipat ko sa higaan. Naroong tumihaya ako, tumagilid, at tumihaya na naman o di kaya'y magtatakip ng unan sa mga mata ko, pero wala pa ring epekto. Paulit-ulit kasi sa isipan ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Huxley. It's my first time na mahalikan sa labi, kasi halik sa kamay at pisngi lang naman ang naranasan ko noon kay Harvey. Kaya siguro, na-bored siya sa pagiging conservative ko at naghanap ng iba na liberated. Hindi ko alam na ganun pala ang feelings ng French kiss. Dios mio. Kung kailan ako nagkakaedad saka ko lang na-experience 'yon. That was unexpected. Napangiti ako habang inaalala kung paano naglapat ang mga labi namin ni Huxley. Napabuntung-hininga ako habang nakatingin sa kisame. Tama kaya ang desisyon ko? Paano kung masaktan na naman ako. What if isang araw, magbabago ang nararamdaman niya sa akin, lalo na't napakabata pa niya. I'm thirty three na and I think he's turning twenty-one this year. And then, I remembered,

  • Challenging Hearts   CHAPTER 58

    HUXLEYPara akong nakalutang sa ulap nang mga sandaling 'yon. I really can't take my eyes off her. Napakaganda ni Miss Guevarra. Her eyes, her smile, and her personality. Bagay na bagay sa kanya ang k'wintas na bigay ko at masayang-masaya ako dahil nagustuhan niya.Kami lang dalawa ang nasa mesa dahil lumipat ang mga kaklase ko at si Miss Leslie sa kabila. Lihim naman akong napangiti sa suportang ibinigay ng mga kaibigan ko sa akin. "Uhm...Huxley, thank you talaga sa lahat ng 'to. I really appreciate your effort, your time and money na ginugol ninyo for this birthday surprise," wika niya."Walang anuman, Jenine," nakangiti kong tugon habang nakatitig pa rin sa kanya."Oo nga pala, paano niyo nalaman na birthday ko ngayon?" "Nakita ko sa teachers' profile display board, kaya kinausap ko sila.""Paano pala kung hindi ako nakasama kay Leslie, dahil may lakad akong iba?" sabi niya."Eh, di magwawala ako," seryoso kong sabi pero tinawanan lang niya ako."Seriously, magwawala talaga ako,

  • Challenging Hearts   CHAPTER 57

    HUXLEY"Nasaan na raw sila bro?" tanong ko kay Marco. Para naman kasi akong hindi mapapalagay. Kinakabahan ako, kasi first time kong gagawin 'tong birthday surprise na 'to. Ni hindi ko nga nasubukan tuwing kaarawan ni Mommy. Hindi naman kasi uso sa akin ang pa-surprise surprise eh. "Bro, relax lang...Ba't di ka mapalagay d'yan?" nakangiting wika ni Eduard."Hmm. Parang nakakahalata na kami sa iyo, Huxley ha," sabi ni Daphne."Ano kasi..."Hindi naman ako makapagsalita. Basta kinakabahan ako at excited na rin."Bro, tapatin mo nga kami. Tutal tayo-tayo lang naman ang nandito. Ano ba talaga ang totoo mong nararamdaman kay Miss Guevarra?"Nabigla naman ako sa tanong na 'yon ni Marco. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanila. Pero I'm sure naman na maiintindihan nila ako. After all, they are my friends. "Huxley, sabihin mo na," panunukso ni Mabel. "Gaya ng sinabi namin, we are always here to support you, di ba?"Tumango naman si Sabrina at, tinapik ako sa balikat. "Okay lan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status