Share

CHAPTER 79

Penulis: Spinel Jewel
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-19 22:15:46

JENINE

Mabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa.

"Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal.

"Opo nay," mahina kong tugon.

"Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya.

"H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.

Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila.

"Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel.

"Aba... ang galing, parang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Marvin Pano
more update nmn po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Challenging Hearts   CHAPTER 80

    JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot

  • Challenging Hearts   CHAPTER 79

    JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang

  • Challenging Hearts   CHAPTER 78

    HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo

  • Challenging Hearts   CHAPTER 77

    HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatitig ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha tila isang anghel na ipinadala sa akin para magbigay ng direksyon sa buhay ko. Napakaganda niya talaga at hindi ako magsasawang titigan siya. Maingat kong inaalis ang braso kong nakaunan sa kanya, dahan-dahan, para hindi siya magigising saka kinumutan ko siya.Napangiti ako nang bahagya, habang iniisip ang lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya inangkin at kung paano niya ipinadama sa akin sa unang pagkakataon ang kaganapan ng aking pagkalalaki. Alam kong nasaktan ko siya, ramdam ko ang mga luha niya, pero hindi ko na nakuha pang tumigil, dahil hindi ko na rin kayang kontrolin ang magkahalong pananabik at pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko an

  • Challenging Hearts   CHAPTER 76

    JENINEHindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at 4:30 na ng hapon ako nagising. Ang sarap pa sanang matulog, eh kaso may usapan kami ni Huxley na mamamasyal sa dalampasigan.Mayamaya, bumukas ang pinto at pumasok siya. "Hi babe, gising ka na pala.""Oo nga eh, hindi ko alam na nakatulog pala ako. Ikaw, di ka man lang ba nakaidlip?" tanong ko."Hindi eh. Nag-usap na lang kami ng mga kaibigan ko. Ilang araw nalang din kasi at maghiwa-hiwalay na kami," seryosong wika niya. "Oh ano, pasyal na tayo?"Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Pagkatapos sabay kaming lumabas ng kwarto.Malamig ang ihip ng hangin at banayad ang hampas ng alon sa pampang. Ang langit ay nagiging kulay kahel at may kaunting lilang na animo’y ipinintang obra habang papalubog ang araw. Sa dalampasigan ng Boracay, tahimik kaming naglalakad at parehong nakapaa kaya ramdam ko ang lambot ng pinong buhangin sa ilalim ng aking talampakan.Tawa ako ng tawa habang hinahabol ko ng kaunti ang alon at pagkatapos umiiwas ako, p

  • Challenging Hearts   CHAPTER 75

    JENINEMahigit isang oras ang flight namin and now we're here in Boracay. First time kong makapunta rito kaya excited ako lalo na't kasama ko ang mga dati kong estudyante and of course, ang boyfriend ko. Ipinagpaalam nga niya talaga ako kina Nanay kanina. Buti naman at pinayagan ako kasi first time ko naman talagang mag-outing. Hindi kasi ako sumasama kapag may faculty bonding kami kasi nasasayangan ako sa gastos. Pero ngayon, sagot na nilang lahat ang expenses namin at kahit gusto kong umambag ayaw naman ni Huxley. "Babe, are you okay? Napagod ka ba sa byahe?" tanong niya sa akin nang makababa na kami ng eroplano."Uhm, hindi naman.""Nagugutom ka ba? Malapit na tayo sa hotel kung saan tayo mag-stay," aniya. "Okay lang ako, babe."Napakamaalaga talaga niya at palaging ako ang inuuna. Kahit pagod din siya, siya pa rin ang nagtatanong kung okay lang ako. Napatingin ako sa kanya habang binubuhat niya ang isa sa mga bag namin. Tumama ang araw sa mukha niya, at sa sandaling ‘yon, naisip

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status