Share

CHAPTER 7

Penulis: Spinel Jewel
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-13 19:41:53

HUXLEY

Hindi ko inaasahan ang malakas na pagsuntok sa akin ni Miss Guevarra. Kung hindi nga lang babae, sarap talagang patulan.

"Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nu'ng hapong lumabas kami sa school campus.

Ang tapang pala ng Jenine na 'yon noh at nagawa pa niyang suntukin ka."

"So ano hahayaan mo na lang ba 'yon?" tanong ulit nito.

"Nope. Kilala mo naman ako Marco. Hindi naman ako patatalo, kaya gagantihan ko siya," seryoso kong sabi.

"Anong binabalak mo? Susuntukin mo rin 'yon, ganu'n?"

"Hindi. Basta," matipid kong sagot.

Nang makauwi na ako ng bahay, dumiretso lang ako sa kwarto, Alas sais pa naman ng gabi at wala pa sila mommy at daddy. Lalo naman si kuya Harvey. Kadalasan, umuuwi 'yon ng madaling araw. But never naman nagreklamo ang parents ko. Pero sa akin, kapag inumaga ako ng uwi, naku, sangkatutak na sermon naman ang laging inabot ko. And worst, sinasaktan pa ako ni daddy.

Kaya 'yong suntok sa akin ni Miss Guevarra, wala 'yon sa akin. Nasaling lang ang pride ko dahil hindi ko inaakala na magawa akong suntukin ng isang karaniwang guro lamang at isang babae pa. Hindi naman ako p'wedeng magreklamo dahil kung gagawin ko 'yon, eh di malalaman ng buong SH department na ang isang Huxley Baltimore ay nasuntok lang ng isang ordinaryong guro.

"Damn you, Miss Guevarra!" pagmumura ko sa aking sarili. Sa tingin ko hindi siya natatakot sa akin. Nakakapanibago, gayong lahat ng mga teachers na nagdaan sa aming section ay takot na takot sa amin kaya hindi nagsurvive. Pero si Miss Guevarra, hindi ko akalaing umabot pa ng tatlong araw.

Dahil na-bored ako, kinuha ko ang aking cellphone at nag-iskrol muna sa aking f******k account. Na-curious naman akong hanapin ang f* account ni Miss Guevarra. At nang mahanap ko na, inistalk ko ang mga photos niya. Hanggang sa makita ko ang isang picture five years ago. Kasama niya sa larawan na 'yon si kuya Harvey. Nag-iskrol pa ako, hoping na makakita pa ng ibang picture nilang dalawa, ngunit 'yon lang mag-isa. Sa palagay ko, yon lang ang hindi niya nabura. Saglit akong nag-isip. Di kaya naging girfriend ni kuya si Miss Guevarra?

Mayamaya, narinig ko ang ugong ng sasakyan. Akala ko sina daddy at mommy, yon pala si kuya Harvey ang dumating. Himala naman at umuwi ng maaga.

Lumabas ako ng kwarto dahil gusto ko siyang kausapin.

"Hi kuya, ang aga natin ngayon ah," bungad kong wika sa kanya nang makapasok na siya sa sala.

"Pagod ako eh. Hindi na ako sumama sa mga kaibigan ko. Marami akong inaasikaso sa opisina," tugon nito. "Oh, ba't ikaw nandito ka na? Wala bang gimmick ang mga kaibigan mo?"

"Na-badtrip ako sa school namin eh, kaya hindi na ako sumama kina Marco," sagot ko naman. "Ah kuya, p'wede bang magtanong?"

"Yes ano 'yon bro?"

"Nakita ko ang picture nyo ni Miss Guevarra sa f******k. Uhm, nagkarelasyon ba kayo noon?" tanong ko.

"Miss Guevarra?" Saglit na nag-isip si kuya. "Jenine Ysabelle Guevarra ba 'kamo bro, yong isa sa teacher sa de la Salle?"

"Yes bro. yon. Kilala mo ba siya?"

"Uhm yes. She was my ex." Tugon ng kuya ko.

Nabigla naman ako sa aking narinig. Hindi ko inaakalang nagkaroon ng relasyon si kuya sa babaeng 'yon.

"At anong nangyari?" curious kong tanong.

"Hiniwalayan ko siya. Boring kasama. Old-fashioned at conservative."

Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi niya.

"Bakit type mo ba?" nakangising tanong nito.

"Nope. Naintriga lang ako sa kanya, kasi matapang. Siya na kasi ngayon ang bago naming adviser sa ABM. Sa palagay ko, hindi natatakot sa aming lahat."

"Eh di mas mabuti. Para tumino na kayo, lalo ka na, bro. Sana naman maka-graduate ka na this year para hindi ka magiging grounded kina mommy at daddy," wika nito.

Hindi naman gaanong nagtagal ang pag-uusap namin at bumalik na ako ng kwarto. Napaisip ako sa sinabi ni kuya na naging girlfriend niya si Miss Guevarra. Hanggang sa isang plano ang nabuo sa aking isipan. Napangiti naman ako sa aking mga iniisip. What if paiibigin ko siya? Why not di ba?

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Mr. Salcedo. Bilang principal ng SH department, I'm sure may contact number siya sa lahat ng mga empleyado.

"Hello sir, good evening, si Huxley ito."

"Yes, Huxley, anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" sagot ni Mr. Salcedo sa kabilang linya.

"Uhm, can I ask Miss Guevarra's contact number? May itatanong lang ako sa kanya tungkol sa lessons namin kanina. Hindi ko kasi masyadong na-gets eh."

"Aba! himala naman Mr. Baltimore. Ngayon lang nangyari na naging intresado ka sa lesson mo. This is a sign of progress," nakangiting wika nito.

Hindi na lamang ako nagbigay pa ng komento. Bahala na siya kung anong iisipin niya, basta gusto ko lang makahingi ng number ng matapang naming adviser at nang masimulan ko na ang aking plano. Matapos na maibigay ni Mr. Salcedo ang number ni Miss Guevarra, sinimulan ko na siyang tawagan.

"Hello." Narinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Ewan ko nga ba kung bakit naman ako biglang kinakabahan.

"Uhm, h-hello," sabi ko.

"Sino po sila?"

"This is Huxley Baltimore, Miss Guevarra. Tumawag ako dahil gusto ko lang mag-apologize sa lahat ng ginawa namin ng mga kaklase ko sa inyo."

"Ows talaga? Totohanan ba 'yang paghingi mo ng sorry Huxley, or baka may pinaplano ka namang hindi maganda?" sabi nito.

Pucha! Ba't niya alam? Hindi talaga basta-basta naniniwala 'tong babae na 'to, sabi ng aking isip. Pero hindi pa rin ako susuko. Pasasaan ba't makukuha ko rin ang loob niya.

"I'm sincerely asking an apology Miss Guevarra. Actually, gusto ko na talagang makatapos ng Senior High. Kaya gusto ko ng tumino sa pag-aaral. Sana hindi pa huli ang lahat at bibigyan mo pa kami ng pagkakataon para maitutuwid namin ang aming pagkakamali." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Well, kung talagang totohanan ang paghingi mo ng sorry, sino ba naman ako para hindi ko kayo patatawarin?" sabi nito.

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Hmm... Ang dali mo palang mauto eh," sabi ng aking isip.

"Thank you Miss Guevarra," wika ko at pagkatapos nagpaalam na ako sa kanya.

Napahiyaw naman ako sa tuwa dahil tagumpay ang unang hakbang ko sa kanya. Tinawagan ko si Marco at sinabi sa kanya ang plano ko.

"Ayos bro! Marunong ka pala sa reverse psychology ha," natatawang wika niya.

"Eh ayaw naman kasi niyang madaan sa astigan, eh di magbait-baitan ako," sabi ko at napahagalpak ng tawa.

"The best ka talaga bro," ani Marco na napahalakhak din. "Pero what if, instead na siya ang paiibigin mo, eh, ikaw ang mainlove sa kanya?"

"Hinding-hindi mangyayari 'yan bro. Hindi ko siya type. Saka napakatanda niya sa akin noh?" seryoso kong sagot.

"Okay, sinabi mo 'yan eh," wika ni Marco. "Basta bro, support lang kami sa 'yo."

Matapos kaming mag-usap ng kaibigan ko, muli na naman akong napaisip. Epektibo kaya itong gagawin ko na paiibigin si Miss Guevarra?

Well, come what may. But I'll make sure I'll gonna win.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Challenging Hearts   CHAPTER 82

    HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, what's wrong?" tanong ni Bianca. Well, I did not expect na dito rin siya mag-aaral sa Harvard at kaklase ko pa. Plinano na talaga ito nina Mommy at Daddy. "Babe, is anything wrong?" muling tanong niya. "I'm fine. Just get out of my way. And don't call me babe. Isa lang ang taong binibigyan ko ng karapatang tawagin ako ng ganyan," malamig kong sagot. "Whatever, Huxley. But let me remind you, you're mine. Ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin," wika niya. "Just give me a chance to love you." "I'm sorry Bianca, my heart only belongs to Jenine." Mariin kong sabi saka mabilis siyang tinalikuran. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Walang ibang laman ng aking isip kundi si Jenine. I miss

  • Challenging Hearts   CHAPTER 81

    JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa. Four thirty pa lang naman kaya, mamaya nalang akong alas singko lalabas ng school.Ilang minuto pa ang lumipas at bigla naman akong nakatanggap mula kay sir Salcedo na gusto raw makipag-usap sa akin ang Mommy ni Huxley."Ano kaya ang kailangan niya sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa trabaho ko o may kinalaman sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko maiwasang mangamba dahil Chairman ng De la Salle ang makakaharap ko. Matapos akong nakapag-ayos, lumabas na ako ng faculty room. Wala pa ring patid ang kaba sa aking dibdib habang tinutunton ko ang daan papunta sa opisina ng Chairman.Nang makarating na ako sa doorstep, huminga muna ako ng malalim, saka mah

  • Challenging Hearts   CHAPTER 80

    JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot

  • Challenging Hearts   CHAPTER 79

    JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang

  • Challenging Hearts   CHAPTER 78

    HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo

  • Challenging Hearts   CHAPTER 77

    HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatitig ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha tila isang anghel na ipinadala sa akin para magbigay ng direksyon sa buhay ko. Napakaganda niya talaga at hindi ako magsasawang titigan siya. Maingat kong inaalis ang braso kong nakaunan sa kanya, dahan-dahan, para hindi siya magigising saka kinumutan ko siya.Napangiti ako nang bahagya, habang iniisip ang lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya inangkin at kung paano niya ipinadama sa akin sa unang pagkakataon ang kaganapan ng aking pagkalalaki. Alam kong nasaktan ko siya, ramdam ko ang mga luha niya, pero hindi ko na nakuha pang tumigil, dahil hindi ko na rin kayang kontrolin ang magkahalong pananabik at pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status