JENINEAng alam ko, hindi ako selosa, pero bakit nang makita kong lumapit 'yong babae na parang nagbibigay ng motibo kay Huxley, ba't parang sumusulak ang dugo ko? Tsk. And so, this is how it feels kapag nagseselos. Kaya ganu'n na lamang ka badtrip si Huxley nu'ng pinormahan ako ni Alex at nu'ng nagpunta si Harvey sa school para yayain akong maglunch."O napa'no naman kayong dalawa?" tanong ni Marco nang makabalik na sila sa table namin."Uhm, nagselos kasi 'to eh," nakangiting sagot ni Huxley.Lihim ko siyang nakurot sa tagiliran."Ah, du'n ba sa babaeng ipinakilala ng Mommy mo sa 'yo?" tanong ni Sabrina."Yup. Anak daw ng bestfriend ni Daddy," sagot ni Huxley."Well...well..sorry for her na lang kasi, you're not available anymore," ani Lyza. "O sya, let's forget about it. Ma'am h'wag ka ng magselos. Loyal 'tong pinsan ko sa 'yo eh, I swear."Tango lang ang itinugon ko ngunit muli ko na namang nakurot sa tagiliran si Huxley. Ang ingay kasi. Sinabi pa talaga na nagseselos ako. "Ouch
HUXLEY"O ayan na pala sina Ma'am bro!" wika ni Marco. Napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko nga si Jenine. She is always beautiful in my eyes, with or without makeup. At kahit anong susuotin niya, gaano man kasimple, nakukuha pa rin talaga niya ang atensyon ng mga tao."Saglit lang at pupuntahan ko," sabi ko."Bro, basta h'wag muna ngayon," ani Eduard. "No public display of affection muna this time, bro. Remember, nandito lahat ng admin.""He is right, bro. Kaga-graduate pa lang natin. Siguro paabutin mo muna ng isa or dalawang buwan, bago niyo ilantad sa publiko ang relasyon ninyo," pagsang-ayon naman ni George."Salamat mga bro. Lalapitan ko lang naman siya. S'yempre as the birthday celebrant, it's normal to entertain my guests di ba?" sagot ko."Yep. Pinapaalala lang namin, just in case makalimutan mo at masyado ka ng "ma-carried away" d'yan sa emosyon mo," sabat naman ni Mabel.Napangiti na lang ako habang umiiling. Totoo naman ang sinasabi nila. Hindi pa ito ang tama
JENINEPagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa faculty room. Samantalang sina Huxley naman ay umuwi na rin. S'yempre naghahanda para sa birthday celebration niya mamayang gabi.Pagbukas ko ng pinto ng faculty room, kapansin-pansin ang katahimikan. Wala pa si Leslie. Siguro nagkaroon pa ng bonding moment kasama ang mga estudyante niya—hindi na rin nakapagtataka, ganu'n naman talaga kaming mga advisers sa bawat pagtatapos ng school year.Nang mapatingin ako sa desk ko, literal akong napatigil sa paghinga.May nakapatong na mga paper bag—marami. Napalapit agad ako at dahan-dahang binilang ang mga ito. Isa... dalawa... lima... labingwalo... dalawampu. Dalawampung paper bag. Dalawampung regalo.Nagulat naman ako. Lahat sila? Lahat ng estudyante ko? Hindi ko ito inaasahan. Diyos ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig—hindi dahil sa saya, kundi sa kaba. Baka mamaya, ma-issue pa ako. Baka may makakita at kung anu-ano na naman ang isipin. Baka sabihing nagpaparinig ako o, mas malal
JENINEAlas syete pa lamang ng umaga nasa loob na kami ng gym ni Leslie. Konti pa lang ang naroon at wala pa ang mga estudyante ko. Parang excited na ako na makita silang tumuntong ng entablado. Masaya ako dahil 'With Honors' sila at "With High' naman si Huxley. "Besh, excited ka anoh?" tanong sa akin ni Leslie."Of course, nakakaproud naman kasi na ang mga estudyanteng dating pasaway, sa wakas ay makakagraduate na rin. You know, bilang isang guro, 'yon ay parang reward na rin sa atin di ba?""Yep. Tama ka. Lalo na sa part mo. Buti nalang hindi ganu'n ang mga estudyante ko, at baka matagal na akong nag-quit," aniya. "Hindi biro ang pinagdaanan mo sa kanila besh. Pero hindi ka sumuko kaya nakuha mo ang loob nila, lalo na ang pagmamahal ni—""Ssh." Pambabara ko sa kanya. "Ang bunganga mo.""Okay, sorry. Pero tayo lang naman dito eh. Malayo naman sila sa atin," nakangiting wika nito. "O ayan na pala sila!"Napalingon naman ako sa likuran at nakita ko sina Marco, Eduard at Daphne. "Good
HUXLEY"Bro, relax lang," wika ni Marco. Lumapit na rin ang iba ko pang mga kaklase upang pakalmahin ako. Nanatili lang akong tahimik habang nakakuyom ang mga kamay ko. Parang ang sarap magwala. Naiinis ako kay kuya Harvey, at pumunta pa talaga rito, para ayain si Jenine na maglunch sa labas. At si Jenine naman, di ko alam kung bakit sumama siya."Hux, kalma lang. Alam naman ni Ma'am ang ginagawa niya eh," sabi naman ni Daphne."May tiwala naman ako sa kanya eh," mahina kong sabi. "Kay kuya lang ako walang tiwala. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit napakaintresado naman niyang makipagbalikan kay Jenine gayong marami naman siyang babae.""Maybe...na-realize niya na mahal niya talaga si Ma'am," komento naman ni Eduard."Mahal? Shit!" Hindi ko napigilang magmura. Kaya natahimik silang lahat. "Ang sabihin mo, gusto lang niyang mapasama sa hilera ng mga babae niya si Jenine.""Sorry bro, I didn't mean to say it," paumanhin ni Eduard."Bro, relax lang. H'wag namang masyadong mainit ang
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw at bukas na ang graduation nina Huxley. Setting aside my personal feelings, bilang isang guro at adviser, magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil finally, ga-graduate na sila. Nagtagumpay ako sa misyon ko sa kanila at proud ako bilang teacher nila. Ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot dahil mami-miss ko silang lahat. Hindi man naging maganda ang simula namin ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan naming unawain ang isa’t isa.Noong una, puro reklamo, puro tanong kung bakit ganito ang patakaran ko, o bakit ako istrikto. Akala nila, isa lang akong guro na walang pakialam, pero hindi nila alam kung gaano ko sila pinagmamasdan, kung paano ko sinusubaybayan ang bawat hakbang nila—mula sa mga simpleng recitation hanggang sa mga malalalim na suliraning personal.Ilang beses akong napagod, nasaktan, at halos sumuko sa dami ng pagsubok sa klase, pero palagi kong pinanghahawakan ang dahilan kung bakit ako nagtuturo—para maging