FAZER LOGINJENINE"Anong problema, bro?" mahinang tanong ni Huxley. "Bakit kailangang magtago ni Jenine sa loob ng CR?"Biglang natahimik ang lahat, parang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.Hanggang sa si Marco na ang unang bumasag ng katahimikan. "Bro Huxley, sa ngayon, hindi mo pa kayang intindihin.""Kaya kong unawain, bro. Kahit nawala sa akin ang lahat ng alaala pero maintindihan ko kung anong sasabihin ninyo." Seryosong pahayag ni Huxley.Tiningnan nila ako na tila ba, hinihingi ang permiso ko. Marahan akong tumango. "Uhm, ganito kasi 'yan bro." Tumikhim muna si Marco bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayaw ng parents mo kay Ma'am Jenine kasi may iba silang gusto para sa 'yo. At yon nga si Bianca, anak ng kasosyo ng Daddy mo sa negosyo. At ayaw naming magkakagulo dito, kaya itinago namin si Ma'am Jenine."Gano'n lang kasimple ang paliwanag ni Marco at hindi na ginawa pang complicated ang kwento. Tahimik lang si Huxley matapos marinig ang paliwanag. Walang reaksyon sa mukha niya—
JENINE"Jenine..." mahinang sambit ni Huxley habang nakatingin sa akin. Ilang segundong pagkakatitig 'yon hanggang sa bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang ulo. Agad namang lumapit sina Marco at inalalayan siyang humiga sa sofa bed."It's okay bro." Wika ni Eduard. "H'wag mo munang pilitin.Inalalayan din ako nina Mabel at Rose. "Sana hindi nalang ako nagpunta rito," mahina kong wika. "Di sana sasakit ang ulo niya.""Saglit lang 'yon Ma'am. Agad ding huhupa 'yon kapag nakapagrelax na siya," sagot ni Rose.Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa amin si Marco."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" "Okay lang ako, Marco. By the way, happy birthday. Pasensya na at ito ang nangyari.""Ayos lang Ma'am. Nakapagpahinga na si Bro Huxley. Mayamaya, magigising din 'yon."Muli na namang tumulo ang luha ko. Awang-awa ako sa kalagayan niya. Alam ko sinikap niya akong alalahanin pero hindi pa niya kaya."Ma’am…" mahinang tawag ni Marco habang inaabot ang tissue sa akin. "Huwag niyo pong sisihin
JENINE"Besh, hindi pa ba tayo uuwi? Kanina pa nakaalis ang sinasakyan nina Huxley." Mahinang wika ni Leslie. "Uuwi na tayo ngayon, besh." Sagot ko habang pinupunasan ang pisngi kong nabasa sa luha."Lumuwag na ba ang pakiramdam mo besh?"Marahan lang akong tumango, saka kinuha sa bag ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Huxley noong huli niyang uwi rito. Mataman kong tinitigan 'yon at binasa ang mga petsa na naka engraved doon. "Baka may maalala siya kapag nakita niya 'tong kwintas na 'to," mahina kong sabi."Besh, h'wag kang mawalan ng pag-asa. May awa ang Diyos. Hindi naman forever mananatiling ganu'n si Huxley. Magbalik din ang mga alaala niya." "Oo besh, kahit gaano pa katagal 'yon, hihintayin ko siya."********Isang buwan ang lumipas buhat ng makauwi ng Pilipinas si Huxley. Sa mga kaibigan lang niya ako nakikibalita sa kalagayan niya."Marco, kumusta na si Huxley?""Hindi pa rin niya kami naaalala Ma'am. Sabi ng doktor hindi daw magiging madali 'yon. Everytime na pipilitin
JENINELimang buwan akong naghintay, tiniis na makikibalita nalang sa mga kaibigan ni Huxley tungkol sa kalagayan niya. Kahit sobrang hirap, pero kinaya ko para sa anak ko.Isang araw, matapos kong pakainin si baby Liam, tumunog ang cellphone ko at si Mabel ang tumatawag. "Hello, Ma'am Jenine, kumusta ka na?""Hello, Mabel, heto...lumalaban pa rin. Anong balita kay Huxley?" Malungkot na tanong ko."Maayos na siya Ma'am. Pero wala pa rin siyang maalala." Mahinang sagot niya. "Uhm, sabi nila Tita uuwi na sila ng Pilipinas.Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko."A-anong sabi mo?" halos pabulong kong tanong, habang mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko."Uuwi na sila, Ma’am… diyan na siya magpapagaling. Mas gusto raw ng pamilya niya na sa Pilipinas na siya tuluyang makarecover," paliwanag ni Mabel.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.Ibig sabihin—Mas mapapalapit siya sa akin.Pero ibig sabihin din—Mas haharapin ko ang katotohanang hindi niya ako kilala."Kailan sila
JENINEIlang oras akong naghintay ng balita tungkol kay Huxley. Halos hindi na ako makakain, halos wala akong tulog sa kaaantay. Si Liam nasa crib niya sa kwarto at mahimbing na natutulog. Kaya sa sala lang ako naglalagi para hindi maistorbo ang tulog niya. "Lord, sana po makaligtas si Huxley. Wala pong ibang mahalaga sa akin kundi ang mabuhay siya."Hindi ko naiwasan ang muling mapaluha. "Babe, lumaban ka para sa amin ng anak mo.""Besh, tama na 'yan. Hindi makakabuti sa 'yo ang labis na pag-iyak. Baka magkasakit ka pa niyan," wika ni Leslie. Hindi siya umalis sa tabi ko, at nagleave pa siya sa trabaho para masamahan lang ako."Anak, inumin mo muna itong sabaw para magkalaman ang tiyan mo." Wika ni Nanay. Kalalabas lang niya ng kusina dala ang isang mangkok ng mainit na chicken sopas, at pandesal. "Salamat Nay, pero wala akong gana eh.""Kahit konti lang besh," sabat ni Leslie.Kahit ayaw tanggapin ng sikmura ko pero, pinilit ko nalang para kay Liam. Kailangan kong maging malakas
JENINEKinuha ko si Liam mula sa crib at dahan-dahang niyakap, inilapat ko siya sa dibdib ko habang nakahiga kami sa kama. Ang init ng maliit niyang katawan ang tanging nagpapakalma sa magulong tibok ng puso ko. Pero kahit anong pilit ko—hindi pa rin ako makatulog. Paikot-ikot lang sa isip ko si Huxley.Hindi ako galit.Hindi ako nagtatampo.Gusto ko lang malaman—kung ayos lang ba siya. Kung ligtas ba siya.Pagsapit ng madaling araw, gising pa rin ako. Nakatingin sa kisame habang hinahaplos ang likod ni Liam na mahimbing ang tulog.Babe…” mahina kong bulong, halos hangin lang ang lumabas sa labi ko, “nasaan ka na…?” Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Parang may nangyayaring hindi maganda.Pagtingin ko sa oras—alas tres na ng madaling araw. At hanggang ngayon, wala pa rin kahit isang message man lang.Makalipas ang ilang sandali, hindi ko na kinaya. Maingat kong ibinalik si Liam sa crib at tinakpan ng kumot. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto bitbit ang cellphone ko. Par
JENINETinupad nga ni Huxley ang sinabi niya na tatawag siya sa akin, kapag nakarating na siya sa LA. Kahit papano'y naibsan ang lungkot na nararamdaman ko, dahil nagvi-video call kami at nakikita ko pa rin siya kahit sa screen lang ng cellphone ko. Hanggang sa unti-unti na akong nakakapag-adjust
JENINEPasado alas dos ng hapon, at dumating na nga ang napakalungkot na sandali ng muling pagkakalayo namin ni Huxley. Kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang mapaluha."Babe, please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak," wika niya sabay yakap sa akin ng m
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw ng sayahan kasama si Huxley at ng mga kaibigan niya at ngayon, huling gabi na namin sa Tagaytay. Hindi ko maiwasang malungkot na naman dahil bukas muli na naman kaming magkakalayo ni Huxley. Sa Lunes na rin ang balik ko sa trabaho matapos ang sembreak."Ma'am
JENINENang magsidatingan ang mga kaibigan ni Huxley, naging mas masaya ang paligid. "Maraming salamat talaga sa inyo guys ha. Kung hindi dahil sa tulong niyo, hindi talaga ako makakauwi ng Pilipinas at hindi ko makakasama si Jenine." "Wala 'yon bro Huxley. Anytime, maasahan mo kami," wika ni Mar







