Share

CHAPTER 99

Author: Spinel Jewel
last update publish date: 2026-05-02 22:10:24

JENINE

Limang buwan akong naghintay, tiniis na makikibalita nalang sa mga kaibigan ni Huxley tungkol sa kalagayan niya. Kahit sobrang hirap, pero kinaya ko para sa anak ko.

Isang araw, matapos kong pakainin si baby Liam, tumunog ang cellphone ko at si Mabel ang tumatawag.

"Hello, Ma'am Jenine, kumusta ka na?"

"Hello, Mabel, heto...lumalaban pa rin. Anong balita kay Huxley?" Malungkot na tanong ko.

"Maayos na siya Ma'am. Pero wala pa rin siyang maalala." Mahinang sagot niya. "Uhm, sabi nila Tit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marvin Pano
more updates po please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Challenging Hearts   CHAPTER 102

    JENINE"Anong problema, bro?" mahinang tanong ni Huxley. "Bakit kailangang magtago ni Jenine sa loob ng CR?"Biglang natahimik ang lahat, parang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.Hanggang sa si Marco na ang unang bumasag ng katahimikan. "Bro Huxley, sa ngayon, hindi mo pa kayang intindihin.""Kaya kong unawain, bro. Kahit nawala sa akin ang lahat ng alaala pero maintindihan ko kung anong sasabihin ninyo." Seryosong pahayag ni Huxley.Tiningnan nila ako na tila ba, hinihingi ang permiso ko. Marahan akong tumango. "Uhm, ganito kasi 'yan bro." Tumikhim muna si Marco bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayaw ng parents mo kay Ma'am Jenine kasi may iba silang gusto para sa 'yo. At yon nga si Bianca, anak ng kasosyo ng Daddy mo sa negosyo. At ayaw naming magkakagulo dito, kaya itinago namin si Ma'am Jenine."Gano'n lang kasimple ang paliwanag ni Marco at hindi na ginawa pang complicated ang kwento. Tahimik lang si Huxley matapos marinig ang paliwanag. Walang reaksyon sa mukha niya—

  • Challenging Hearts   CHAPTER 101

    JENINE"Jenine..." mahinang sambit ni Huxley habang nakatingin sa akin. Ilang segundong pagkakatitig 'yon hanggang sa bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang ulo. Agad namang lumapit sina Marco at inalalayan siyang humiga sa sofa bed."It's okay bro." Wika ni Eduard. "H'wag mo munang pilitin.Inalalayan din ako nina Mabel at Rose. "Sana hindi nalang ako nagpunta rito," mahina kong wika. "Di sana sasakit ang ulo niya.""Saglit lang 'yon Ma'am. Agad ding huhupa 'yon kapag nakapagrelax na siya," sagot ni Rose.Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa amin si Marco."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" "Okay lang ako, Marco. By the way, happy birthday. Pasensya na at ito ang nangyari.""Ayos lang Ma'am. Nakapagpahinga na si Bro Huxley. Mayamaya, magigising din 'yon."Muli na namang tumulo ang luha ko. Awang-awa ako sa kalagayan niya. Alam ko sinikap niya akong alalahanin pero hindi pa niya kaya."Ma’am…" mahinang tawag ni Marco habang inaabot ang tissue sa akin. "Huwag niyo pong sisihin

  • Challenging Hearts   CHAPTER 100

    JENINE"Besh, hindi pa ba tayo uuwi? Kanina pa nakaalis ang sinasakyan nina Huxley." Mahinang wika ni Leslie. "Uuwi na tayo ngayon, besh." Sagot ko habang pinupunasan ang pisngi kong nabasa sa luha."Lumuwag na ba ang pakiramdam mo besh?"Marahan lang akong tumango, saka kinuha sa bag ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Huxley noong huli niyang uwi rito. Mataman kong tinitigan 'yon at binasa ang mga petsa na naka engraved doon. "Baka may maalala siya kapag nakita niya 'tong kwintas na 'to," mahina kong sabi."Besh, h'wag kang mawalan ng pag-asa. May awa ang Diyos. Hindi naman forever mananatiling ganu'n si Huxley. Magbalik din ang mga alaala niya." "Oo besh, kahit gaano pa katagal 'yon, hihintayin ko siya."********Isang buwan ang lumipas buhat ng makauwi ng Pilipinas si Huxley. Sa mga kaibigan lang niya ako nakikibalita sa kalagayan niya."Marco, kumusta na si Huxley?""Hindi pa rin niya kami naaalala Ma'am. Sabi ng doktor hindi daw magiging madali 'yon. Everytime na pipilitin

  • Challenging Hearts   CHAPTER 99

    JENINELimang buwan akong naghintay, tiniis na makikibalita nalang sa mga kaibigan ni Huxley tungkol sa kalagayan niya. Kahit sobrang hirap, pero kinaya ko para sa anak ko.Isang araw, matapos kong pakainin si baby Liam, tumunog ang cellphone ko at si Mabel ang tumatawag. "Hello, Ma'am Jenine, kumusta ka na?""Hello, Mabel, heto...lumalaban pa rin. Anong balita kay Huxley?" Malungkot na tanong ko."Maayos na siya Ma'am. Pero wala pa rin siyang maalala." Mahinang sagot niya. "Uhm, sabi nila Tita uuwi na sila ng Pilipinas.Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko."A-anong sabi mo?" halos pabulong kong tanong, habang mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko."Uuwi na sila, Ma’am… diyan na siya magpapagaling. Mas gusto raw ng pamilya niya na sa Pilipinas na siya tuluyang makarecover," paliwanag ni Mabel.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.Ibig sabihin—Mas mapapalapit siya sa akin.Pero ibig sabihin din—Mas haharapin ko ang katotohanang hindi niya ako kilala."Kailan sila

  • Challenging Hearts   CHAPTER 98

    JENINEIlang oras akong naghintay ng balita tungkol kay Huxley. Halos hindi na ako makakain, halos wala akong tulog sa kaaantay. Si Liam nasa crib niya sa kwarto at mahimbing na natutulog. Kaya sa sala lang ako naglalagi para hindi maistorbo ang tulog niya. "Lord, sana po makaligtas si Huxley. Wala pong ibang mahalaga sa akin kundi ang mabuhay siya."Hindi ko naiwasan ang muling mapaluha. "Babe, lumaban ka para sa amin ng anak mo.""Besh, tama na 'yan. Hindi makakabuti sa 'yo ang labis na pag-iyak. Baka magkasakit ka pa niyan," wika ni Leslie. Hindi siya umalis sa tabi ko, at nagleave pa siya sa trabaho para masamahan lang ako."Anak, inumin mo muna itong sabaw para magkalaman ang tiyan mo." Wika ni Nanay. Kalalabas lang niya ng kusina dala ang isang mangkok ng mainit na chicken sopas, at pandesal. "Salamat Nay, pero wala akong gana eh.""Kahit konti lang besh," sabat ni Leslie.Kahit ayaw tanggapin ng sikmura ko pero, pinilit ko nalang para kay Liam. Kailangan kong maging malakas

  • Challenging Hearts   CHAPTER 97

    JENINEKinuha ko si Liam mula sa crib at dahan-dahang niyakap, inilapat ko siya sa dibdib ko habang nakahiga kami sa kama. Ang init ng maliit niyang katawan ang tanging nagpapakalma sa magulong tibok ng puso ko. Pero kahit anong pilit ko—hindi pa rin ako makatulog. Paikot-ikot lang sa isip ko si Huxley.Hindi ako galit.Hindi ako nagtatampo.Gusto ko lang malaman—kung ayos lang ba siya. Kung ligtas ba siya.Pagsapit ng madaling araw, gising pa rin ako. Nakatingin sa kisame habang hinahaplos ang likod ni Liam na mahimbing ang tulog.Babe…” mahina kong bulong, halos hangin lang ang lumabas sa labi ko, “nasaan ka na…?” Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Parang may nangyayaring hindi maganda.Pagtingin ko sa oras—alas tres na ng madaling araw. At hanggang ngayon, wala pa rin kahit isang message man lang.Makalipas ang ilang sandali, hindi ko na kinaya. Maingat kong ibinalik si Liam sa crib at tinakpan ng kumot. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto bitbit ang cellphone ko. Par

  • Challenging Hearts   CHAPTER 74

    HUXLEY"Babe, what's wrong?" tanong ni Jenine sa akin matapos kaming kumain." Siguro napansin niya na parang may bumabagabag sa akin. Hindi kasi maalis sa isip ko ang desisyon nila Mommy na sa Amerika na ako papag-aralin ng College."Babe, may problema ba? Please tell me. Kagabi ka pa ganyan eh," an

  • Challenging Hearts   CHAPTER 73

    JENINEDahil malapit na rin ang pasukan, nagkaroon kami ng faculty meeting sa SH Department. Ayaw ko pa sanang magpunta ng school at parang hindi ko pa nasusulit ang bakasyon pero hindi rin naman ako sanay na umabsent sa mga meetings namin. "Hay, parang ayaw ko pang umatend, beshie," wika ni Lesli

  • Challenging Hearts   CHAPTER 72

    HUXLEYDahil bakasyon naman, sinulit namin ng mga kaibigan ko ang mga araw na magkakasama pa kaming lahat. And of course, kasama si Jenine. Pero may times din naman na kami lang dalawa, syempre gusto ko rin naman ng privacy kaya minsan hindi namin nakakasama sina Marco. Nagkakajowa na rin naman sil

  • Challenging Hearts   CHAPTER 71

    JENINEAng alam ko, hindi ako selosa, pero bakit nang makita kong lumapit 'yong babae na parang nagbibigay ng motibo kay Huxley, ba't parang sumusulak ang dugo ko? Tsk. And so, this is how it feels kapag nagseselos. Kaya ganu'n na lamang ka badtrip si Huxley nu'ng pinormahan ako ni Alex at nu'ng n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status