Share

Chaotic Affection: War in Life
Chaotic Affection: War in Life
Author: Selene ML

C1

Alice’S POV

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa vanity table ko patungo sa bintana ko. Pinagmamasdan ko ang dalampasigan at ang mga haplos ng alon. Huminga ako ng malalim, naaamoy ko ang sariwang hangin na siyang nagpapakalma sa akin.

Gusto kong sulitin ang kaunting oras upang tingnan ang malinaw at mapayapang imaheng ito. Sinabi ko kila mama na gusto kong magbakasyon muna kay lola at hindi ko ine-expect na papayag sila! Walang pag-aalinlangan at sumang-ayon sila sa akin—which made me confused kasi tuwing magpapaalam ako sa kanila ay magtatanong pa sila tungkol do'n.

At aaminin kong nag-enjoy talaga ako rito. Marami akong nakilala at naging kaibigan dito, at ang pag-aalaga ni lola. Lalo na 'pag pinagmamasdan ko ang dalampasigan na 'to, pakiramdam ko ang layo-layo ko sa problema. Walang kumplikasyon, suliranin, at malayong-malayo sa buhay ko ro'n sa Manila.

Narinig kong may kumatok sa pinto ng aking kwarto ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin, nanatili pa rin akong nakatingin sa aking bintana.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam ko na kung sino iyon nang marinig ko ang boses niya.

"Ija, tapos ka na ba? Aalis ka na." My grandmother, I have no problem to deal with her. She's so genuine, kind, and caring person I've ever met. She took care of me, she keep bringing me food outside my door kapag hindi ako kumakain sa tamang oras.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti nang kaunti. "Yes po. Susunod na lang po ako."

"Hurry up, okay? Baka ma-late ka sa flight niyan. Bye the way, you're so gorgeous, Apo. You really look like your mother."

I grinned. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumingon na ulit ako sa 'king bintana, narinig ko pa ang mahinang pagsara ng pinto.

At ngayon, aalis na ako. Babalik na ako sa tunay kong tahanan, sa katotohanan. But, I can't hide my excitement, I miss the people I care about. I miss my parents too, ngayon na lang ulit kami magkikita pagkatapos nang isang buwan. Wala naman kaming problemang pamilya, Pero hindi kami masyadong malapit sa isa't isa dahil madalas silang wala sa bahay.

Saglit akong tumingin sa salamin para pagmasdan ang suot ko. Naka-white t-shirt, black blazer top, black jeans, at black ankle strap sandals ako. Kinuha ko na rin ang black sunglasses ko at isinabit muna sa damit ko.

Huminga ako nang malalim bago ko mapagpasiyahang lumabas na. Nang makababa ako, bumungad sa akin ang hitsura ni lola na mangiyak-iyak na. I already expecting this scene. Nang makalapit ako sa kanya, hinawakan niya ang dalawang pisnge ko.

"Apo ko... I will miss you so much." Hinawakan ko ang kamay nito kung saan nakahawak sa aking mga pisnge.

"I will miss you too, Lola." Sa kaunting panahon na naririto ako, nagpapasalamat talaga akong nakasama ko ulit siya, at naramdaman at natikman ko ang pag-aalaga ng isang lola. Sigurado akong mangungulila ako sa pag-aalaga niya sa akin na minsan ay hindi ko naramdaman sa magulang ko...

Patuloy niya akong pinaalalahanan na alagaan ang sarili ko at kumain sa tamang oras, at kung anu-ano pang mga bagay tungkol sa sarili ko. Tango lang ako nang tango sa kanya, but in fact, hindi ko naman gagawin ang mga bagay na iyon.

Nagpaalam muna ulit kami sa isa't isa bago sumakay sa kotse na ipinadala ni daddy. Meron naman akong bodyguard na ipinadala rin ng magulang ko na maggagabay naman sa akin papunta sa Manila.

Pagkatapos ng ilang oras na byahe, I can't imagine na nandito na kami sa Manila at nagbabyahe na papunta sa bahay. I pursed my lips, trying to hide my excitement. Should I hug them? Oh c'mon, Alice, you're not a kid anymore. At sobrang miss ko na ang mga kaibigan ko, pagkauwing-pagkauwi ko talaga, magka-club kami ng mga kaibigan ko!

Nasa harap na ako ng bahay namin. Bumaba na ako sa kotse at nagsimula nang maglakad patungo sa pintuan. Nang makapasok ako, bumungad sa akin sila mama at daddy na nasa living room, as usual, seryoso ang mga mukha nila.

Napalitan nang maamong mukha ang hitsura ni mama at tumayo nang makita ako, agad ako nitong niyakap.

"Oh, Sweetie. How are you? For sure, my mother taking care of you well. I miss you so much." Niyakap ko siya pabalik at hindi sumagot sa tanong niya. I looked at my dad, I can't explain his expression. Parang may bumabagabag sa kanya, pero nananatili pa ring maayos ang hitsura niya.

Tumingin siya sa akin at sumilay ang kaunting ngiti nito sa labi. "Glad you're back. Come and seat with us." Tumango ako at naglakad na papunta sa direksyon niya.

Umupo ako sa harap niya, at si mama naman ay tumabi kay daddy. Napansin ko pang may binulong si mama sa kanya.

"We have something to tell you, Alice," he calmly said. Pansin ko ang paglunok ni mommy. Bakit parang ang big deal nito? Pero gusto kong ikwento ang mga nangyari sa akin sa probinsya, marami akong gustong ikwento sa kanila, kung paano ako alagaan ni lola, ang nag-iisang kaibigan na kumaibigan sa akin, at marami pang iba.

"What is it, Dad? Hurry up, marami pa akong ikikwento sa inyo!" bakas ang pagkasabik sa pagsabi ko no'n. Bukod sa ibang mga kaibigan ko, hindi ako masiyado natatakot mag-open up sa kanila, dahil open sila sa mga bagay lalo na 'pag dating sa pamilya

namin.

"Of course. Of course, Love." I saw how she pursed her lips tightly.

"Look, I know you're not a baby anymore. And you're the most independent person I love. I know you can handle this, please remember we love you and we—"

"You have to marry the son of Valerco family."

I froze.

I glared at him. What... did he say? Marry? Marry the son of Valerco family? The family of one of the most successful entrepreneur in this country? What kind of sh*t is this?

Nakita ko kung paano masamang tumingin si mama kay papa nang biglaan niyang sabihin iyon. “Henry! Huwag mo naming biglain ang bata!” rinig kong pabulong na sigaw ni mama.

"Joke ba 'to?" natatawa kong tanong. Ano bang pinagsasasabi nila? Baka naman prank lang 'to? Oh my gosh, tatawa talaga ako nang malakas kapag prank lang ito!

Nabaling ang tingin ko kay mommy na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin.

Pero... ang galing naman nila mang-prank kung gano'n. I mean hindi naman sila joker or funny person para magbiro nang ganito kapersonal.

"You're joking, aren't you? What are you talking about, Daddy? Mommy?" Nananatili ang makalma kong hitsura pero nababahala na ako sa mga walang kwentang pinagsasasabi nila.

"Do we look like we're joking, Ali?" my dad asked habang nakataas ang isang kilay nito.

He sighed. "Look, this is the only thing to maintain our business. Kung hindi, malulugi tayo at mawawala ang lahat sa atin."

I exhaled loudly. I can't believe this! Alam ko, alam kong hindi na sila nagsisinungaling sa seryosong mukha nilang nakatingin sa akin. Ano—ano 'to?! Hindi ko sila maintindihan, bakit ganito ang sinasabi nila sa akin?

I looked at her. "And you agree with this, Mom?" Lumuhod siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay, pero agad akong tumayo at masamang tingin ang ibinigay ko sa kanila.

Gusto kong hindi maniwala sa mga sinasabi nila dahil alam kong hindi nila iyon magagawa sa akin. Pero, hindi naman nila kayang mabiro nang ganito.

"Look, Alice, we have no choice. Please, talk to us and agree with—"

I cut her off. "Y'all are insane! How can you say that to your daughter?! To force me to marry a man I didn't even know?!"

Gagamitin nila ako—ang anak nila, para sa kumpanya nila? Kakauwi ko lang tapos ganito ang bubungad sa akin? Ano 'to?! I'm so excited para makita ko sila tapos, ganto ang mangyayari?!

Tumayo si daddy. "As your mother said, we have no choice! Tingin mo talaga gusto naming mangyari ito? Na saktan ka?!"

"But you already did!" Gusto kong sumabog, nanginginig ang aking mga tuhod habang nagsisimula nang magsibagsakan ang mga taksil kong luha. Paano nilang sabihin iyon sa akin?!

"I'm still a kid. I'm still young for those marriage thing! How can you take my freedom for your f*cking business! Kung malugi, edi malugi! Hinding-hindi ako papayag—"

Hindi pa ako tapos magsalita ay isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisnge. I heard my mommy call his name. Napahawak ako sa aking namumulang pisnge habang hindi makapaniwalang tumingin kay daddy.

Galit na galit ang hitsura nito, namumula ang mga mata nito. Paano niya ako magawang saktan?! Sinampal niya ako dahil tutol ako sa pagpapakasal na sinasabi nila?!

"I know you're still young for this—"

"Alam mo naman pala, eh! Bakit mo ako hahayaang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal?!"

"Sumunod ka na lang! Sumunod ka naman sa amin! Kahit ngayon lang!"

I bit the lower part of my lips tightly. Bakit parang buong buhay hindi ko sila sinusunod? Eh buong buhay akong nakabuntot sa kanila. Pinag-aral pa nga nila ako sa university na hindi ko gusto! Tapos sasabihin nila hindi ako sumusunod sa kanila?! Na parang isa akong kahihiyan sa kanila?!

I can't handle this anymore. I don't want them to took my freedom. I'm still young, marami pa akong pangarap. Ni hindi ko nga pinangarap na magpakasal! Sobrang sakit! Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko, habol hininga akong nakatingin sa kanila. Gusto kong magwala, sumigaw sa galit at sakit na nararamdaman ko.

Napatigil ako at dahan-dahang yumuko. There's always an option.

Dahan-dahan at naginginig akong lumohod sa harap ni daddy. Nagulat sila sa ginawa ko, ngunit baka... magbago ang isip nila kapag nagmakaawa ako. Baka maawa sila sa kawawa nilang anak, ito na lang ang tanging paraan.

"Please... there's always an option, Dad. Don't do this to your only daughter. Tutulungan ko kayo para mapalago ulit ang negosyo natin, huwag lang sa ganitong paraan. Please..." nanlulumo kong sabi.

Nanginginig na ang labi ko kaya nanginginig na rin ako nang sabihin ko iyon. Handa akong lumuhod habang buhay at magmakaawa, huwag lang nila kunin ang kalayaan ko.

"What are you doing, Alice? Stand up!" Umiiling ako at patuloy na humihikbi.

"I said stand up, Alice!"

Lumuhod si mama at tumapat sa akin. Niyakap niya ako, ngunit hindi ko magawang suklian ang yakap na iyon. Wala siyang pinagkaiba kay daddy.

Akala ko tututol siya dahil hindi siya gano'ng tao na pipilitin ang isang tao sa isang bagay na hindi niya naman gusto.

Napansin kong may tumulong luha mula sa namumulang mga mata ni daddy. Hindi ba talaga nila gusto ito? Nararamdaman kong hindi nila gusto ito pero there's always an option. They can start again and work together without bothering me.

"Go to your room, Alice. Let's just about it when you're ready." Hinahaplos ni mommy ang aking likod habang sinasabi niya iyon. I will never be ready. But she's right. I need some air.

I need to breathe.

Tumango ako. Nanginginig at dahan-dahan akong tumayo. Saglit akong nakipagtitigan kay daddy ngunit agad na akong tumalikod at naglakad patungo sa kwarto ko.

Halos hindi na ako makalakad nang maayos dahil sa sakit na nararamdaman ko. Isinarado ko ang aking pinto at isinandal ang aking katawan sa pinto.

Dahan-dahan akong dumulas at tuluyan nang napaupo. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa walang awat na paghikbi ko. Huwag namang ganito. Huwag sanang humuntong sa ganito. Umaasa pa rin akong magbabago ang isip nila at gagawa sila ng ibang paraan dahil... hindi ko kakayanin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status