Kabanata 8
Tahimik lamang si Eunice habang nakasakay sa front seat ng kotse. Si Lukas ang nagmaneho para sa kanila patungo sa kaibigang doktor ni Vhon at nakaupo naman sa back seat ng sasakyan sina Vhon at Keios. Habang nasa byahe, hindi maiwasan ni Eunice na magtaka pa rin kung bakit ginusto ni Keios na sumama sa kanila gayong malamig ang pakikitungo nito sa kanya. She wanted to ask him, pero sa tuwing tinitignan siya ni Keios habang blangko ang ekspresyon sa mga mata nito, umuurong ang dila niya at nawawalan siya ng lakas ng loob upang kausapin ito.
"Eunice, are you taking vitamins? Para kasing maputla ka." Ani Vhon habang nasa byahe sila.
Napalingon si Eunice sa likod ngunit mas nauna niyang nasalubong ang seryosong mga mata ni Keios. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. May iba talagang epekto sa kanya si Keios kahit hindi niya iyon aminin sa sarili niya. Siguro ay dahil malaki ang pagkagusto niya rito noon bago niya nakilala si Terrence.
Iniwas niya ang tingin kay Keios at bumaling kay Vhon bago siya pilit na ngumiti. "Ang totoo ay ngayon palang ako makakapagpa-check up ulit. I only went to the doctor once, noong kinumpirma ko kung buntis nga ako. May nireseta sa aking vitamins kaya lang ay hindi yata hiyang ng katawan ko kaya tinigil ko. Hindi pa ako nakakabalik sa doktor kaya wala pa akong iniinom na vitamins."
"Ganun ba? Dibale magaling na doktor ang kaibigan ko. We went to the same pre-med school at gamay niya ang trabaho niya." Nakangiting tugon ni Vhon.
Ngumiti si Eunice at tinango ang kanyang ulo. "I trust your judgements, Vhon. Kampante ako ngayong malalaman ko kung kumusta na ang lagay ng baby ko. Sa dami ng stress ko noong mga nakalipas na buwan, hanga ako sa anak kong walang masamang nangyari sa kanya."
"Mana ba naman sayo, ate Eunice. Sana walang makuha mula kay Sir Terrence dahil kawawa ang bata kung magiging mala-demonyo rin ang pagkatao pero duda naman ako roon. Mukhang nararamdaman ng bata ang pinagdadaanan mo at nakikisama siya sayo." May mapaklang kurba sa labing ani ni Lukas. Sa mga mata nito ay nabakas ni Eunice ang awa nito para sa kanilang mag-ina.
"Sir? What do you mean sir?" Biglang tanong ni Keios.
Nanlaki ang mga mata nila ni Lukas nang mapagtanto kung ano ang nasabi nito. Si Eunice ay napatingin kay Keios na salubong na ang kilay. Pilit niyang iniling ang kanyang ulo habang sumusulyap kay Lukas na halatang natensyon sa nasabi niya.
"Uhm, sanay kasi si Lukas na tawagin ang mga tao sa amin ng Sir. Hindi ba pati kay Vhon ay iyon din ang tawag niya?" Pagsisinungaling ni Eunice.
"Oo, Sir Keios. Masyadong magalang ang batang 'to." Suporta ni Vhon sa sinabi niya.
Nagkatinginan sila ni Vhon at nagngitian ngunit nang muli niyang tignan si Keios, napansin niyang madilim na ang ekspresyong nakapinta sa mukha nito.
Iniwas niya na lamang muli ang tingin at tinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. Nagsisimula pa lamang ang araw ngunit marami nang talipapang bukas sa gilid ng daan. Paniguradong hindi lamang kanina nagbukas ang mga pwestong iyon dahil ang daang kanilang tinatahak ang madalas daanan ng mga turista.
Nadaanan nila ang isang stall na may tindang hilaw na mangga. Nanuyo ang lalamunan ni Eunice at napahawak siya sa kanyang tiyan. Nang mapansin iyon ni Lukas, binasag nito ang katahimikan sa loob ng kotse.
"Sabi ni Mama ay hindi raw maganda sa buntis na hindi nakakain kung anong hinahanap niya. Balita ko may hinahanap kang pagkain noong isang araw pa. Baka yun ang dahilan kaya maputla ang itsura mo, ate Eunice." Ani Lukas.
Napahawak si Eunice sa laylayan ng kanyang t-shirt. Totoo ang sinabi ni Lukas. Para ngang sumasama ang pakiramdam niya kapag hindi niya nakakain ang gusto niya kaya lang ay wala naman siya sa tamang posisyon para maghanap ng kung ano-anong pagkain.
"O—Okay lang ako. Natitiis ko naman." Ani Eunice.
"Ano bang gusto mo, Eunice? Kahit ako na lang ang bibili. Tama si Lukas. You should be eating what you're craving for." Sabat naman ni Vhon.
Nilingon niya uli ang back seat. "I'm fine, really."
But her eyes landed on Keios' worried pools. Matagal siyang napatitig doon, bago niya nakita ang paggalaw ng panga nito. "What are you craving for, Eunice?" His voice was soothing, almost comforting. Tila iyon ang unang beses na narinig niya si Keios na ganoon ang tono at hindi seryoso o malamig.
Napalunok siya at sandaling hindi nakaimik dahil sa gulat at pagtataka sa tanong na iyon ni Keios. Nang makabawi siya ay binasa niya sandali ang ibaba niyang labi bago nagsalita. "I think I want some ice cream. Gusto ko ng cheese flavor...t—tsaka po ng manggang sobrang asim na isasawsaw sa maanghang na suka."
Nanubig ang kanyang bibig nang maisip ang mga pagkaing gusto niyang kainin. She never liked those foods before, lalo iyong maasim na mangga at maanghang na suka. In fact, hindi niya maalalang kailanman ay kumain siya ng pagkaing maanghang.
Mahinang tumango si Keios at tinuon na ang atensyon sa labas ng kotse. Hindi na lamang ulit nagsalita si Eunice. Umayos siya ng upo sa kanyang pwesto at bumuga ng hangin upang pakalmahin ang kanyang puso. Bakit gano'n? Madalas niyang mamalayan ang sariling kinakabahan kapag kausap na si Keios.
"THE BABY needs more nutrients from you, Eunice. Hindi masyadong malakas ang kapit ng bata kaya mas magandang hindi mo pinapagod ang sarili mo. Magrereseta ako sayo ng vitamins at pampakapit. Make sure to drink your milk, okay? Kailangan mong palakasin ang katawan ko. You're actually underweight considering that you are pregnant. Ang laki ng binaba ng timbang mo sa sinabi mo sa aking normal weight mo. Have you been stressing yourself at nangangayayat ka?" Tanong ni Dra. Fran na siyang sumuri sa kanya.
Nasa harap siya ng lamesa ng doktor habang sina Lukas, Keios, at Vhon ay nasa couch sa loob din ng opisina kaya naririnig ng mga ito ang pinag-uusapan nila ng doktor.
Lumunok si Eunice nang makaramdam ng tensyon sa katawan. Stressed? Mas matindi pa roon ang pinagdaraanan niya. Kung tutuusin ay emotionally and physically abused siya, pero mas pinili niyang tatagan ang loob niya para sa kanilang mag-ina.
Isang pilit na ngiti ang lumandas sa kanyang mga labi. "I guess I'm just anxious about being a mother. Wala kasi akong naging mother figure noong lumalaki ako kaya medyo pressured ako sa totoo lang."
"Oh don't stress yourself with that." Ngumiti ang doktor saka nagsulat sa notes nito. "Besides, you can ask your husband's help sa pagprepare sa sarili mo. At isang bagay na lagi kong sinasabi sa patients ko, make sure the baby hears the daddy's voice, too. Nakakatulong ang pagkausap ng parents sa sanggol sa development nito."
Tumikhim siya at pumakla ang ekspresyon. "I'll think about it, but thanks for the advice." Humugot siya ng malalim na hininga saka pinilit iwaksi sa isip ang imahe ni Terrence. "Okay na po ba, Doc?"
"Yes." Tumango ito at pinilas ang reseta para sa kanya. "Don't forget your vitamins, okay? I'll see you next month, mommy Eunice." Nakangiti nitong ani.
Mommy. Humapdi ang sulok ng kanyang mga mata dahil sa unang pagkakataon, may naringgan siya ng salitang iyon na hindi niya dapat ikatakot. Humugot na lamang siya ng hininga at pilit pinakalma ang sarili bago niya kinuha ang reseta. Nagpaalam siya sa doktor at binalingan ang mga kasama ngunit ang mga mata niya ay awtomatikong napunta kay Keios.
Eunice stopped for a moment to stare at his worried and sad face. But the thing is, hindi lamang ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Keios ang nakapagpatigil sa kanya, kung hindi pati ang kung saan ito nakatitig.
Sa kanyang tiyan.
HUMIHIKAB na si Eunice nang makalabas siya ng banyo. Kakatapos lamang niyang magshower pagkatapos ng hapunan at pakiramdam niya ay babagsak na talaga ang kanyang mga talukap.
Nag-apply siya ng lotion sa kanyang balat saka hinagod ng brush ang kanyang buhok. Nahinto lamang ang ginagawa niya nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto.
Nilapag niya ang brush sa ibabaw ng kama saka humihikab na tinungo ang pinto upang pagbuksan ang taong naroon, ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makita kung sino ang taong nasa labas ng silid.
Her heart began to pound violently, as if trying to jump out of her chest and towards the man staring at her in a cold way. Tila nahihiya pa ito dahil ilang sandali lamang ay ito na ang umiwas ng tingin.
"Sir Keios, ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Eunice habang hinahanap sa labas ng silid ang nurse nito.
Keios cleared his throat and lifted the plastic bags sitting on his lap. "You..." He sighed and looked up at her in a now concerned way. "You need to satisfy your cravings. Masamang pinipigilan mo lang ang takam mo sa pagkain."
Nasurpresa siya at nahihiyang tinanggap ang mga plastic. Nang makita pa lamang niya ang mangga, nagtubig kaagad ang kanyang bibig at kumurba ang kanyang mga labi bilang pasasalamat.
Tinanggap niya ang mga plastic saka niya mas binuka ang pinto para kay Keios. "Thank you dito, Sir Keios..."
Tumango si Keios at iniwas ang tingin. "Keios." He cleared his throat. "Just Keios. Ayokong tinatawag na Sir sa totoo lang."
"Ganun ba? Sige." Ngumiti siya rito nang muli siya nitong tignan sa mga mata. "Keios, salamat...sa lahat."
Halos tuluyang tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso nang makita ang pagsilip ng multong ngiti sa mga labi ni Keios. Pati ang mga mata nito ay tila kumislap at lumambot din ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata nito.
"Nasaan nga pala si Vhon?" Tanong niya nang mapagtantong tumagal na ang titig niya rito.
"He's in his room right now. Hindi ko na siya inabala tutal magkatabi lang ang silid natin. Am I bothering you? Pwede na akong umalis kung oo." Tila nahiya bigla ito na kinagulat niya. Iba talaga ang palikitungo nito sa kanya ngayon.
"No. Actually," tinaas niya ang plastic ng pagkain. "Marami ito. Pwede nating pagsaluhan kung gusto mo." Hinaplos niya ang kanyang tiyan nang maramdaman ang muling panunubig ng kanyang bibig.
"Sure." Keios replyed before he maneuvered his wheelchair. "And maybe you can also tell me about that asshole who got you pregnant while you are enjoying my company." Biro ni Keios, ngunit sa mga mata nito ay napansin ni Eunice ang pait na sinubukan nitong itago sa kanya.
Mapaklang ngumisi si Eunice at lumabas ng pinto. Sabay silang mabagal na tinahak ang daan sa halllway, tila nakikiramdam sa isa't-isa, hanggang sa tuluyang nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Eunice.
"Terrence." She swallowed her inhibitions to open up. Humaplos ang kirot sa kanyang puso at gumuhit ang malungkot na kurba sa kanyang mga labi. "I saved him from an accident a week after you left the hospital, at hindi na niya ako tinigilan mula nang araw na iyon..."
Tinignan siya ni Keios, at sa unang pagkakataon, nakumpirma niya ang emosyong nakaguhit sa mga mata nito. Umigting ang panga nito at dumilim ang ekspresyon nang magsalita ito.
"So kung nagising pala ako kaagad, hindi nangyari sayo ang lahat ng 'to?" Seryosong tanong ni Keios na nakapagpahinto sa kanya sa paglalakad, at tuluyang nakapagpawala sa kanyang puso.
EpilogueKEIOS never imagined himself to be as happy as he is after he married Eunice in front of thousands of people. Their wedding was envied by many, especially when their love story was told during his vow. Marami ang naiyak sa naging buhay nila, ngunit kung gaano karaming luha ang pumatak sa awa, doble naman dahil sa tuwa nang sa wakas, naidugtong na rin niya ang kanyang apelyido sa kanyang asawa.It was like a dream he never made when he was young. Buong buhay niya ay ang football lamang ang tanging minahal niya, ngunit nang dumating si Eunice, Keios realized there's still a lot of space in his heart for other dreams.He became really close with his Dad. They get to watch games at home along with his brothers, they go out of town as a family, and they became each other's biggest fans in their own chosen paths.Nang manganak si Eunice sa kanilang anak na si Keison, halos hindi nila nahawakan ang anak dahil napa
Kabanata 30MALAKAS ang kabog ng puso ni Keios habang hawak ang bola ng kanyang ama. Naroroon siya sa locker area at ihinahanda ang kanyang puso. From the locker, he can hear people cheering so loudly already.He missed this. He missed his number 5 Huskeez uniform. He missed the adrenaline rush he feels every time he hears the loud cheers. And he missed the feeling of belongingness that thrums in his veins whenever he's on the field.But he is different now from the Keios people last saw playing more than three years ago. Ngayon, hindi na malamig ang mga mata ng Keios na lalabas sa field dahil lang alam niyang wala rin sa lugar ang taong gusto niyang makita siyang naglalaro. Because the man he wanted to show off to is here, sitting next to him, wearing a coach uniform."You ready?" Tanong ng kanyang ama.Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang magiging teammates niya sa larong ito.
Kabanata 29KAHIT gustuhin ni Eunice na salubungin ang tingin ni Terrence, hindi niya pa rin magawa. Her heart is pounding violently, no longer because of her love towards the man she married, but because of the fury thrumming in her veins.Nanatili siyang nakatitig sa kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. Nanginginig ang mga ito at kung hindi niya ipagsasalikop, natatakot siya sa maaaring magawa ng mga ito."Eunice."His voice sounded very different from how he used to call her. May pag-alo na sa tono nito, hindi tulad noon na kinikilabutan siya tuwing nadidinig ito. Still, she remained silent, with lips pursing hardly together.Nadinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Nagpunta ako rito dahil sinabi ng mga magulang mong dadalaw kayo ng anak nat—""A—Anak ko." Tuluyan siyang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. "Anak ko."
Kabanata 28KEIOS kept his strong facade as he stared at his Dad. Sanay na siya sa malamig at galit nitong titig mula pa noong magbinata siya. Siya lamang ang bukod-tanging anak nitong nanindigan sa kanyang pangarap.He remembered how hard his dad slapped him when he refused to take the course his dad wanted for him.He remembered how he called him useless when he sneaked out of their house just to join trainings to be a football player.And he remembered how he ignored him when he showed his first ever football uniform.His dad did nothing but crash his dream, at sa pangalawang pagkakataon, haharap na naman siya rito upang ipaglaban ang kanyang pangarap.Marahas na nagtaas-baba ang mga balikat ng kanyang ama bago ito tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata at malinaw na nais siyang sindakin upang itigil niya ang ginagawa niya."How long are you still goi
Kabanata 27KITANG-KITA ni Eunice ang pagsingkit ng mga mata ni Rebecca nang lumabas sila ni Saki patungo sa sala kung saan prente na itong nakaupo. Nahinto ito sa pag-uutos sa katulong na ipaghanda siya ng maiinom at nang magtama ang kanilang mga mata, Rebecca waved her hand to the poor maid as if she owns the house.Tumaas ang kilay nito sa kanya. "So the rumors are true? The whore is here."Saki's teeth gritted. Kung hindi lang nito hawak si Harmony ay siguradong sumugod na ito kay Rebecca. Mas nanggigigil pa man din ito habang si Eunice ay pilit na kinakalma ang sarili. She doesn't want to step down low to the self-proclaimed fiancee' of the man she's in love with kaya nang muntik humakbang si Saki patungo rito dahil sa narinig, agad niya itong hinawakan sa braso.Nabaling sa kanya ang galit na mga mata ni Saki ngunit pilit niya itong nginitian. "Let me handle this. Malaki na masyado ang atraso nito sa akin."
Kabanata 26NAHIHIYANG binaba ni Eunice ang kanyang tingin sa dibdib ni Keios nang sa pagdating nila sa mansyon ng mga Ducani ay naroroon ang ama nina Keios kasama ang kanyang nakatatandamg kapatid na sina Kon at Klinn. It's already been over a year, but the fear of staring back at Khalil Ducani still makes her feel...unwelcomed.Nadama niya ang marahang pagpiga ni Keios sa kanyang balikat bago ito tumikhim. "Dad..."His dad didn't answer for a moment, ngunit dama ni Eunice ang pagtaas ng tensyon sa paligid.She heard his dad sighed heavily. Mayamaya ay tumayo ito. "In my office. Now."Nagkatinginan sila ni Keios. Seryoso ang ekspresyong nakaukit sa mga mata nito ngunit pinilit pa rin siyang gawaran ng matipid na ngiti bago nito dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ni Harmony."I'll just talk to him. Si Manang na ang magdadala sa inyo sa kwarto ko."Napalunok si Eun