Kabanata 7
May maliit na kurba sa labi ni Eunice habang inaayos ang mga bulaklak na Carnation sa vase. Tapos na niyang linisin ang buong living room sa tulong ng kasambahay ng mag-asawang Klinn at Cassy. Jelai is a hyper woman. Iyon kaagad ang napansin ni Eunice sa dalagang maid pero pasalamat din siya sa kadaldalan nito dahil kahit paano ay naokupa ang isip niya ng mga kwento nito at walang humpay ang kanyang pagtawa.
"Alam mo ba ate Eunice? Si Ma'am Cassy? Akala ko talaga mamamatay na 'yan noon sa sobrang lungkot. Halos minsan nga hindi na umaabot sa loob ng bahay. Sa pinto pa lang hagulgol na ang peg nun." Kwento na naman ni Jelai.
Nahinto sa paggupit ng stem ng bulaklak si Eunice para lingunin si Jelai na prenteng nakaupo sa sofa at may hawak na magazine. "Bakit naman? Aren't the in good terms before?"
Pumakla ang ngiti ni Jelai at kumislap ang awa sa mga mata nito. "Hindi kasi naging maganda noon ang sitwasyon nila tapos na-comatosed pa si Sir Klinn ng four years. Isipin mo, four years ding halos lumuha ng dugo si Ma'am Cassy makalapit lang kay Sir Klinn. Kung ako yun, hmp! Baka naghanap talaga ako ng iba kesa pinagtatabuyan ako."
Nakaramdam ng awa si Eunice ngunit sa huli, nanaig ang bilib niya kay Cassy. Hindi niya inakalang dumaan ang dalawa sa ganoong tagpo ng kanilang buhay. Kung titignan kasi ang mga ito ngayon, para bang kasisimula lang ng love story nila at sobrang sariwa pa ng pagmamahal na nadarama nila para sa isa't-isa.
Kumirot ang puso niya nang maalala kung gaano rin kainit ang pagmamahal nila ni Terrence noon. Hindi niya alam kung bakit sila humantong sa ganito, sa isang sitwasyong tila bangungot na walang katapusan.
Napabuntong hininga siya at pilit na ngumiti. "Napakaswerte ni Sir Klinn. Hindi lahat ng babae ay kayang tiisin ang sakit. Women are often weakest when struck in their hearts. Minsan sa sobrang sakit ay kusa na lang namamanhid ang puso at isang araw, magigising ka na lang na wala ka nang maramdamang pagmamahal." Tinuloy niya ang paggupit sa stem ng bulaklak. "Kaya ikaw, Jelai ha? Huwag kang basta papasok sa relasyon kung alam mong hindi pa handa ang puso mo. Madaling tanggalin ang label pero yung kirot sa puso? Hindi."
"Ate Eunice, hindi pa naman talaga ako ready. Iaahon ko pa sila tatay sa hirap. Marami pa akong pangarap. Pupunta pa ako ng iba't-ibang bansa at hahaplusin ko pa ang abs ni Shawn Mendes." Humagikgik ito.
Natawa tuloy si Eunice. "Ikaw talaga puro ka kalokohan!"
Pinuno ng kanilang halakhak ang silid hanggang sa bumukas ang main door at pumasok ang mag-asawang Klinn at Cassy. Nakasunod naman sa kanila ang isang lalakeng kung tatantyahin ni Eunice ay nasa five ten din ang taas. Hindi ganoon kalakihan ang pangangatawan nito at moreno ang kutis ngunit napakaganda ng bilugan nitong mga mata. Manipis din ang mga labi nito at kaunting galaw lang ng bibig ay lumalabas na ang dimples nito sa magkabilang pisngi. May pilat ito sa kanang cheekbone ngunit nakadagdag lamang ito sa dating ng binata.
"Eunice, Jelai." Nakangiting tawag ni Cassy. "This is Vhon. Siya ang bagong nurse ni Keios."
Tumayo si Jelai at ngumiti, halatang nagpipigil na magpakita ng kilig sa binata. "Hello, kyah. Jelai po. Super-maid nila Ma'am Cassy. Single but not ready for jowas yet."
Mahinang natawa si Vhon dahil sa sinabi ni Jelai, pati ang mag-asawa at si Eunice.
"Nice to meet you, Jelai. Mukhang magkakasundo tayo." Magalang na tugon ni Vhon bago nabaling kay Eunice ang tingin nito. Sumilay kaagad ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata nang matitigan ang mga mata ni Eunice. "Hi..."
Eunice smiled back and slightly nodded her head. "Hello. I'm Eunice."
"Siya ang former nurse ni Keios but since she has a condition, we had to find a new one but Eunice is super nice." Singit ni Cassy saka nginitian si Eunice.
Sandaling sinulyapan ni Vhon si Cassy dahil sa sinabi nito ngunit agad ding ibinalik ang tingin kay Eunice. Hindi alam ni Eunice ngunit tila may kislap sa mga mata ng nurse nang muling magtama ang mga mata nila.
Eunice avoided visiting Keios' room since the last time she went there. Siya pa rin ang naghahanda ng pagkain nito at naglilinis ng silid nito kapag lumalabas sila para sa check ups ni Keios ngunit hindi na muling nag-krus ang landas nila sa nakalipas na dalawang linggo. Kahit pa sabihing hindi naman ganoon kalawak ang mansyon, hindi pa rin sila nagkikita.
Sa totoo lang ay hinihintay lang naman niyang kusa silang magkita. Halata kasi niyang ilag ito sa kanya at hindi niya maintindihan kung bakit. Nang magising naman ito ay parang ayos naman sila. Sinabi pa ngang totoo siyang nakikita nito saka siya nginitian. Nang malaman nitong hindi nito maigalaw ang mga binti, doon ito nagsimulang pakitunguhan siya ng iba.
Sa kabila ng treatment ni Keios, hiling pa rin niyang isang araw ay makalakad muli ito. Makukuntento na lang din siya siguro sa panonood ditong maglaro kung sakaling magpatuloy ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.
Sumapit ang araw ng Linggo. Halos magtatatlong linggo na rin silang hindi nagkikita ni Keios. Madalas ay si Nurse Vhon ang kanyang kakwentuhan tungkol sa lagay ni Keios at sa ilang bagay-bagay.
Dahil wala ang hardinero ay naisipan ni Eunice na diligan ang mga bulaklak. Wala rin ang mag-asawa dahil ang mga ito raw ang sumama kay Jelai para maggrocery. Si Lukas naman ay hindi na nila kinuha pa sa mansyon dahil lalake ang nurse na nakuha para kay Keios. Paminsan-minsan ay pumupunta si Lukas sa kanya para magbalita.
Ang huli nga nitong kwento ay nasa ospital daw si Terrence pero tikom daw ang bibig nito. Sinasabi pa raw nitong wala raw itong maalala sa nangyari at sinabi pa nitong umalis daw siya isang araw bago naganap ang pagkakabaril. Hindi rin daw ito nagpaumbestiga o nagsampa man lang ng kaso kina Gilbert. Isang bagay na sobrang pinagtataka ni Eunice.
Napabuntong hininga si Eunice nang maalala na naman ang binalita ni Lukas. Binabagabag talaga siya ng kung anumang tumatakbo sa isip ng asawa niya at bakit iyon ang sinabi nito sa mga pulis. Kung anumang balak ni Terrence ay sigurado siyang hindi iyon maganda kaya mas nag-aalala siya para sa anak niya at sa mga taong naiwan sa hacienda.
"Baka malunod ang mga halaman."
Biglang nagbalik sa reyalidad si Eunice nang marinig ang pamilyar na tinig. Nang lingunin nito ang likod niya ay naroon na pala si Vhon—tulak ang wheelchair ni Keios.
"Vhon..." Pagak siyang ngumiti bago umiling. "Napalalim lang ang iniisip ko."
Ngumiti si Vhon. "Halata nga. By the way, may clinic ang kaibigan ko sa bayan. She's an OB-Gynecologist. Pwede kitang samahan sa kanya sa day-off ko."
"Talaga?" Nahaplos ni Eunice ang kanyang tiyan. "Oo nga pala hindi ko pa napapa-check up si baby."
"Great! Sa Friday wala akong pa—"
"May asawa kang tao bakit ka nandito?" Bigla na lamang sabat ni Keios. Bumaba ang tingin ni Eunice sa matalim kung makatingin nitong mga mata.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Eunice nang mapansing nakaigting ang panga ni Keios na para bang naiinis ito. Wala naman siyang maalalang ginawa rito pero para bang iritable ito kapag nasa paligid siya.
"Mahabang kwento ho ang tungkol sa asawa ko." Magalang pa ring tugon ni Eunice.
Tumaas ang isang kilay ni Keios. "That doesn't change the fact that you have a husband. Anong klaseng asawa ba ang meron ka at hinahayaan kang magtrabaho? You're pregnant. Dapat ay siya ang nag-aalaga sayo at siya ang sumasama sayo sa check ups mo."
Mapaklang napangiti si Eunice. "Gago."
Nanlaki ang mga mata ni Keios ngunit mayamaya ay nagsalubong muli ang mga kilay nito. "Minura m—"
"You asked me what type of husband do I have? Sinagot ko ho kayo. Gagong tipo ang asawa ko." May bahid na ng pait ang tinig niya at lumamig na rin ang kanyang ekspresyon.
Keios seemed stunned with what she said. Ilang sandali itong hindi nakatugon. Mayamaya ay iniwas nito ang tingin at pinagsalikop ang mga palad. "Bakit mo pinili kung gago pala?"
Eunice doesn't know why she felt bitterness in Keios' tone. Ayaw din siyang tignan nito habang hinihintay ang sagot niya kaya wala siyang nagawa kung hindi muling humarap sa mga tanim at tinuloy ang pagdidilig.
Malungkot siyang ngumiti habang nakatitig sa mga bulaklak na nababasang tubig. "Hindi mo naman kasi malalaman ang tunay na kulay ng isang tao kapag sobrang mahal mo. Dahil ang gugustuhin lang tignan ng mga mata mo ay ang pagmamahal niyo. Kung..." She sighed and gently touched her tummy. "Kung pwede ho sana ay ayaw ko munang mapag-usapan ang tungkol sa asawa ko. Masama raw ho sa buntis ang mga bagay na nakakapagpasama ng loob."
Keios didn't reply. Binalot sila ng katahimikan hanggang sa si Vhon na ang bumasag nito.
"So magpapa-schedule na ako ng check up mo, Eunice? Pwede din kitang ipaalam kay Ma'am Cassy at Sir Klinn." Prisinta ni Vhon.
Lumingon si Eunice at sasagot na sana nang biglang nagsalita si Keios. "You don't have to, Vhon." Matalim na nilingon ni Keios ang nurse niya bago nito binaling ang tingin kay Eunice.
Keios' gaze locked hers for seconds, making her feel the things she wasn't permitted to feel in the first place. Hindi niya maiwasan, dahil sa mga mata ni Keios ay naroon ang guhit ng selos, pagkadismaya...at pagnanasa.
Keios breathed deeply and looked away, as if he's struggling to control something with in him. Humigpit din ang hawak nito sa armrest ng wheelchair.
"Take us to the doctor tomorrow." Keios gulped. "Ako ang sasama kay Eunice."
EpilogueKEIOS never imagined himself to be as happy as he is after he married Eunice in front of thousands of people. Their wedding was envied by many, especially when their love story was told during his vow. Marami ang naiyak sa naging buhay nila, ngunit kung gaano karaming luha ang pumatak sa awa, doble naman dahil sa tuwa nang sa wakas, naidugtong na rin niya ang kanyang apelyido sa kanyang asawa.It was like a dream he never made when he was young. Buong buhay niya ay ang football lamang ang tanging minahal niya, ngunit nang dumating si Eunice, Keios realized there's still a lot of space in his heart for other dreams.He became really close with his Dad. They get to watch games at home along with his brothers, they go out of town as a family, and they became each other's biggest fans in their own chosen paths.Nang manganak si Eunice sa kanilang anak na si Keison, halos hindi nila nahawakan ang anak dahil napa
Kabanata 30MALAKAS ang kabog ng puso ni Keios habang hawak ang bola ng kanyang ama. Naroroon siya sa locker area at ihinahanda ang kanyang puso. From the locker, he can hear people cheering so loudly already.He missed this. He missed his number 5 Huskeez uniform. He missed the adrenaline rush he feels every time he hears the loud cheers. And he missed the feeling of belongingness that thrums in his veins whenever he's on the field.But he is different now from the Keios people last saw playing more than three years ago. Ngayon, hindi na malamig ang mga mata ng Keios na lalabas sa field dahil lang alam niyang wala rin sa lugar ang taong gusto niyang makita siyang naglalaro. Because the man he wanted to show off to is here, sitting next to him, wearing a coach uniform."You ready?" Tanong ng kanyang ama.Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang magiging teammates niya sa larong ito.
Kabanata 29KAHIT gustuhin ni Eunice na salubungin ang tingin ni Terrence, hindi niya pa rin magawa. Her heart is pounding violently, no longer because of her love towards the man she married, but because of the fury thrumming in her veins.Nanatili siyang nakatitig sa kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. Nanginginig ang mga ito at kung hindi niya ipagsasalikop, natatakot siya sa maaaring magawa ng mga ito."Eunice."His voice sounded very different from how he used to call her. May pag-alo na sa tono nito, hindi tulad noon na kinikilabutan siya tuwing nadidinig ito. Still, she remained silent, with lips pursing hardly together.Nadinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Nagpunta ako rito dahil sinabi ng mga magulang mong dadalaw kayo ng anak nat—""A—Anak ko." Tuluyan siyang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. "Anak ko."
Kabanata 28KEIOS kept his strong facade as he stared at his Dad. Sanay na siya sa malamig at galit nitong titig mula pa noong magbinata siya. Siya lamang ang bukod-tanging anak nitong nanindigan sa kanyang pangarap.He remembered how hard his dad slapped him when he refused to take the course his dad wanted for him.He remembered how he called him useless when he sneaked out of their house just to join trainings to be a football player.And he remembered how he ignored him when he showed his first ever football uniform.His dad did nothing but crash his dream, at sa pangalawang pagkakataon, haharap na naman siya rito upang ipaglaban ang kanyang pangarap.Marahas na nagtaas-baba ang mga balikat ng kanyang ama bago ito tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata at malinaw na nais siyang sindakin upang itigil niya ang ginagawa niya."How long are you still goi
Kabanata 27KITANG-KITA ni Eunice ang pagsingkit ng mga mata ni Rebecca nang lumabas sila ni Saki patungo sa sala kung saan prente na itong nakaupo. Nahinto ito sa pag-uutos sa katulong na ipaghanda siya ng maiinom at nang magtama ang kanilang mga mata, Rebecca waved her hand to the poor maid as if she owns the house.Tumaas ang kilay nito sa kanya. "So the rumors are true? The whore is here."Saki's teeth gritted. Kung hindi lang nito hawak si Harmony ay siguradong sumugod na ito kay Rebecca. Mas nanggigigil pa man din ito habang si Eunice ay pilit na kinakalma ang sarili. She doesn't want to step down low to the self-proclaimed fiancee' of the man she's in love with kaya nang muntik humakbang si Saki patungo rito dahil sa narinig, agad niya itong hinawakan sa braso.Nabaling sa kanya ang galit na mga mata ni Saki ngunit pilit niya itong nginitian. "Let me handle this. Malaki na masyado ang atraso nito sa akin."
Kabanata 26NAHIHIYANG binaba ni Eunice ang kanyang tingin sa dibdib ni Keios nang sa pagdating nila sa mansyon ng mga Ducani ay naroroon ang ama nina Keios kasama ang kanyang nakatatandamg kapatid na sina Kon at Klinn. It's already been over a year, but the fear of staring back at Khalil Ducani still makes her feel...unwelcomed.Nadama niya ang marahang pagpiga ni Keios sa kanyang balikat bago ito tumikhim. "Dad..."His dad didn't answer for a moment, ngunit dama ni Eunice ang pagtaas ng tensyon sa paligid.She heard his dad sighed heavily. Mayamaya ay tumayo ito. "In my office. Now."Nagkatinginan sila ni Keios. Seryoso ang ekspresyong nakaukit sa mga mata nito ngunit pinilit pa rin siyang gawaran ng matipid na ngiti bago nito dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ni Harmony."I'll just talk to him. Si Manang na ang magdadala sa inyo sa kwarto ko."Napalunok si Eun