Share

Kabanata 4

Penulis: inKca
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-02 12:35:55

Matapos ang board meeting ay agad na pinatawag ni Brandon ang kanyang sekretarya sa loob ng kanyang opisina.

"Kumusta ang pag-iimbestiga kay Amery, Xander?" agad na tanong ni Brandon.

Hindi makatingin ang sekretarya at sa halip ay binaling nito ang paningin sa glass wall ng opisina. Iniiwasan nito ang makapangyarihang tingin ng kanyang amo.

"I'm sorry, Mr. Ricafort... pero wala pa rin pong progress ang investigation." ani ni Xander habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. "After pong umalis ni Ms. Amery ng gabing iyon, hindi na rin po siya bumalik sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Pumunta rin po kami sa address ng dati niyang tirahan, but it turned out na fake po iyong address. Wala raw pong naninirahan doon na may apelyidong Dela Cerna."

"Fake address?" Salubong ang kilay na tinitigan ni Brandon ang sekretarya na parang hindi makapaniwala.

Mabilis namang sumagot si Xander, "Yes, Mr. Ricafort. Nagpunta rin po kami sa police station upang magtanong pero wala rin daw po silang makitang record tungkol kay Ms. Amery.

Naguluhan si Brandon. Anong klaseng tao ang pinakasalan niya? Hindi kaya ito ay isang secret agent?

"Umalis siyang kasama si Anton Madrigal nang gabing iyon, wala rin bang balita tungkol sa lalaking iyon?"

"To be honest Mr. Ricafort, kung talagang gustong itago ni Mr. Madrigal si Ms. Amery sa isang tagong lugar, hindi po talaga natin siya mahahanap."

Isipin pa lang na sa 'isang tagong lugar' dadalhin ni Anton si Amery ay tumatalim na ang mga mata ni Brandon. Bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa.

"Kakaiba rin ang Anton Madrigal na 'yon. Hindi ko akalaing magpapakababa siya para mang agaw ng asawa ng may asawa." Hindi maikubli ang panggigigil na wika ni Brandon.

"Hmm… hindi naman po siguro pang-aagaw 'yon, Mr. Ricafort. Mas tamang sabihin na sinasalo niya mula sa inyo si Ms. Amery."

Agad natutop ng sekretarya ang kanyang bibig. Huli na nang mapagtanto niyang nadulas ang kanyang matabil na dila. Napukol na siya ni Brandon ng masamang tingin kaya naman halos hindi na siya makahinga sa sobrang kaba. Napaubo na lamang siya upang mabalik siya sa kanyang huwisyo at pagkuwa'y mabilis na nagpaalam para umalis.

Sa isang banda ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Brandon ang gabing iyon. Tandang tanda pa niya ang admirasyon sa mukha ni Anton habang nakatitig sa mukha ni Amery. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang bumigat ang dibdib niya.

Sa ganoong hitsura ng asawa niya na walang kadating-dating, paanong ang isang Anton Madrigal na kilalang pihikan at manhid ay kagigiliwan at po-protektahan ito?

Brandon… p-pwede bang… huwag na tayong maghiwalay?

Mahal na mahal kita, Brandon.

"Sinungaling!" malakas na sambit ni Brandon nang paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ni Amery.

Nanlisik ang mga mata niya at halos panginigan siya ng laman. Habang lalo niyang naiisip iyon, ay lalo siyang nanggagalaiti sa galit kay Amery.

Deretsong deretso ang pagkakatayo ni Brandon habang kaharap ang kanyang ama at ang Ricafort patriarch na si Don Simeon.

Si Samantha naman na kasama sana niya ay naiwan sa labas ng silid. Ayon sa matanda, ang babaeng katulad nito ay isa lamang pipitsuging kabit at hindi ito karapat-dapat na humarap sa kanya.

“Magsalita ka! Anong mayroon sa babaeng iyon?!” sa tindi ng galit ni Don Simeon ay malakas na hinampas nito ang hawak na cane sa sahig.

Agad namang dinaluhan ni Senyor Emilio ang ama. “Papa, please calm down…” Bahagya nitong tinapik-tapik ang balikat ng matanda habang ang mga mata ay naninising nakatingin kay Brandon.

“Lolo, tapos na po ang tatlong taong kasunduan natin. Nangako po kayo na tatlong taon ko lang pong magiging asawa si Amery. At kapag natapos na po ang kasunduan, nasa akin na po ang pasya kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagsasama namin o hindi na.” Sa nanghihinang tinig ay paliwanag ni Brandon sa matanda.

Namutla ang matanda at bumalatay ang sakit sa mukha nito. Sa tatlong taon kasing parte ng pamilya nila si Amery, naging masaya ang matanda at hindi man lang niya namalayan na nagtapos na pala ang kasunduan nila ng kanyang apo.

“Ngayon po, napagpasyahan ko nang tapusin ang relasyon namin para makasama na ang taong totoong minamahal ko. Besides, pumayag na rin naman si Amery at pinirmahan na niya ang divorce papers. Aasikasuhin na lang po namin ang certificate para maging formal ang paghihiwalay namin.” Napaawang ang bibig ni Brandon matapos magsalita. Iba ang reaksyon ng kanyang katawan kaysa sa sinasabi ng kanyang bibig.

“Ano?! Talagang divorced na kayo?!”

Halos umusok ang bumbunan ng matanda nang dahil sa galit. Tila mawawalan pa ng ulirat ito nang tumayo. Agad naman siyang inalalayan ni Senyor Emilio ngunit agad ring napalayo nang iwasiwas ng Senyor ang kanyang kamay.

“Papa, hindi pa naman natin natatanggap ang divorce certificate. Kapag hindi kayo huminahon, baka ma-stroke po kayo.” takot na babala pa ni Senyor Emilio sa matanda.

“Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari ito! Bakit ba naging kuntento na lang si Amery? Bakit ba hindi mo na lang siya nagustuhan?!” naghihisterya na si Don Simeon.

Tila napako sa pagkakatayo si Brandon at hindi malaman ang gagawin dahil sa inaakto ng matanda. Ganoon rin si Senyor Emilio na hindi na rin alam kung paanong aamuin ang matandang Don.

“I want Amery! Ibalik n’yo rito si Amery! Kapag hindi siya bumalik, hindi ako matutulog at kakain! Si Amery lang ang magiging granddaughter-in-law ko!” Palahaw ng matanda na animo’y isang batang tinotopak.

Hindi naman mapakali si Senyor Emilio at agad inutusan si Brandon na hanapin si Amery.

"Wala nang patutunguhan ito, Dad. Kahit pa kaladkarin ko siya pabalik dito, tapos na po ang pagiging mag asawa namin at wala na kayong magagawa pa roon." desperadong paliwanag ni Brandon sa ama. Naisip niyang mabuti pang magmatigas siya dahil darating naman ang panahon na makakalimutan din ng pamilya nila ang nangyaring ito.

Sa mga narinig ay lalong nagpalahaw si Don Simeon na naging dahilan ng paninigas ng katawan nito. Dahil sa takot ay agad namang tumawag ng doktor ang mag-ama at nang malaman ito sa buong kabahayan ay nagsimula nang magkagulo ang lahat.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
yng nga o lng punagkaiba ibang pangalan gamit at apelyido
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
Kaya yng lolo ni silver gamit din sa apo dahil sa ginawa nya sa aswa ganto gnto Rin haha Ano ngkataon na parehas ng story Kay silver at aviery mga kaoatid ni aviery Rafael Uriel at sage
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 219

    Sa isang bagong bukas na KTV bar naisipang magbook ng VIP room ni Gab. Nag order siya ng iba't-ibang mamahaling alak at halos mapuno no'n ang lamesa nila. Hawak pa niya sa isang kamay niya ang isang mamahaling whiskey habang bumibirit sa kantang "Di Ko Kayang Tanggapin" ni April Boy Regino. Samanta

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 218

    "Sandali lang!" Napatayong bigla si Senyor Emilio nang tumayo si Brandon mula sa kinauupuan nito. "Hindi ba't personal mong kakilala si Dr. Freddie Yang? Kung maaari natin siyang i-hire bilang technical consultant ng kumpanya, ano ang mahihita natin? Base sa credentials niya, mukhang malaki ang magi

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 217

    Sa loob lamang ng ilang oras, ang masamang balita tungkol sa mga Ricafort ay mabilis na kumalat at biglang nagtrending sa buong mundo. Ang kahihiyang tinamo ni Senyora Carmela nang dakpin ito ng mga pulis sa golf course ay naka-post rin sa social media at kumalat na parang virus. Originally, ang m

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 216

    "Sandali lang, Ms. Madrigal!" Nagmamadaling hinabol ni Mayor Galvez si Avrielle habang nagpupunas ito ng pawis. "Siguro ay kailangan na nating pag-usapan ang tungkol sa proyekto! Halika at pag-usapan na natin." Bahagyang nginitian ni Avrielle ang alkalde nang lingunin niya ito. Lumabas ang ugali ni

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 215

    "Ano bang ibig mong sabihin, Ms. Madrigal? Bakit ba parang may laman 'yang mga pananalita mo na para bang may kaguluhang magaganap kapag sa kumpanya namin ibinigay ang kontrata?" Kunot-noong tanong ni Senyora Carmela. Naroon ang talim sa kanyang tono. Muli, ay hindi na naman siya pinansin ni Avriel

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 214

    Ang mga katagang iyon ay tila kulog na sumabog sa pandinig ng alkalde at ng asawa nito. Hindi sila makapaniwala na ang babaeng kausap nila ngayon ay anak ni Don Alejandro Madrigal na kilalang isa sa pinakamayaman sa buong bansa. "Talaga bang anak ka ni Don Alejandro?" Bakas ang labis na pagkabigla

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status