Share

Kabanata 3

Author: inKca
last update Last Updated: 2024-10-02 12:18:54

Madrigal Mansion

Sa harap ng isang magarang mansyon ay ipinarada ang isang itim na Rolls-Royce. Personal namang binuksan ang pintuan niyon ni Armand, ang pangalawang anak nina Senyor Alejandro at Senyora Minerva Madrigal.

"Welcome back, Your Highness!" Yumukod pa ang binata nang tumapak ang mga paa ni Avrielle sa red carpet.

Sa ilalim ng maliliwanag na mga ilaw, lalong nagningning ang kagandahang taglay ni Avrielle. Ang mga paa niyang ngayo'y nakasuot ng stilleto, ay kaninang nakasuot lamang ng rubber shoes. Pinalitan niya iyon kanina habang nasa sasakyan. Ngayon tuloy, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nakauwi sa kanyang palasyo.

"Kuya Armand, kumusta naman ang lahat dito?" tanong niya habang naglalakad sila papasok ng mansyon.

"We're good… pero iba pa rin ngayong nandito ka na ulit sa amin. By the way, nagustuhan mo ba ang birthday present ko sa'yo? Balita ko, nagtrending iyon sa social media!" Bakas na bakas ang tuwa at excitement sa mukha ni Armand habang nagsasalita.

Nagliwanag naman ang mukha ni Avrielle nang maalala ang fireworks display. "Oo naman, Kuya Armand. Gustong gusto ko nga, eh. Narinig ko pa nga sa bulung-bulungan kanina sa cruise na napakaswerte naman daw ng babaeng pinag alayan niyon. Panigurado raw na napakayaman ng kung sinuman ang nagpagawa n'on. Tinawag pa nga nilang diamong-studded mongrel ang taong iyon… Naks! Ibang level ka na talaga, Kuya!" Pumapalakpak pang tukso ni Avrielle sa kapatid.

Imbes na mapikon ay hinila na lang ni Armand si Avrielle at kinulong sa isang mahigpit na yakap.

"Huwag mo nang uulitin na umalis dito, ha?"

"Hindi na, Kuya. Sobra na akong nasaktan sa ginawa niya… ano pa bang rason para manatili ako roon?" Nakaramdam ng kapayapaan si Avrielle sa mga bisig ng Kuya Armand niya. "Alam mo Kuya, hiyang hiya ako sa inyong lahat. Sumugal ako sa loob ng tatlong taon pero wala naman akong napala. Ibinigay ko ang lahat… pero iniwan pa rin niya ako sa bandang huli. Akala ko nga, mababaliw na ako dahil sa lungkot."

Bahagyang tumawa si Avrielle matapos magsalita. Ngunit sa kaloob-looban niya, mas mapait pa sa ampalaya ang kanyang pakiramdam. Halos mapaiyak na siya sa sakit kapag ganitong naaalala niya ang dating asawa ngunit pinipigilan lamang niya. Sinumpa niya kasi sa kanyang sarili na sa oras na umalis siya sa bahay ni Brandon, hinding-hindi na siya iiyak. Naisip niyang hindi deserve ng lalaki na pagsayangan pa ng mga luha niya.

"Ang walang hiyang iyon! Anong karapatan niyang tratuhin ka nang ganoon? Bukas na bukas din ay paiimbestigahan ko 'yang Ricafort Group Of Companies! Pwede ko ring sabihan si Alex na ipadukot si Brandon!"

Halos maglabasan ang mga ugat sa sentido ni Armand dahil sa galit. Habang si Anton naman ay nakangiti na parang nakakaloko. Pabulong pa itong nagsalita ng 'Amen' habang pinagdidikit ang mga palad.

"Ikaw naman Kuya Anton, kailan ka magiging seryoso? Ganyan ba ang characteristic ng isang future pastor?" inis na sita ni Armand.

Rumehistro ang isang mapait na ngiti sa mga labi ni Avrielle habang nakatingin sa dalawang kapatid.

"Hindi ba pwedeng magmahalan na lang tayo at huwag nang magbangayan?" pakiusap ni Avrielle sa dalawa.

"Kausapin mo kasi 'yang Kuya Anton mo. Hindi ko alam kung anong nangyari r'yan at biglang naging bahag ang buntot!"

Nang matapos ang pag-uusap nilang magkakapatid ay tinungo nila ang silid ng kanilang ama na si Senyor Alejandro.

Ngayong kaharap na niya ang kanilang ama, hindi niya mapigilan ang panlalamig ng kanyang mga palad.

"Matapos mong maglagalag ng tatlong taon, heto't parang bibigyan mo pa yata ako ng karamdaman? Napakagaling mo naman talaga, anak ko!" Sa nanlalaking butas ng ilong ay sarkastikong litanya ng kanilang ama.

Upang mawala ang tensyon ay pinilit ni Avrielle na magpakawala ng isang matamis na ngiti. "Salamat sa compliment, Dad."

Magsasalita pa sana si Senyor Alejandro nang sumingit si Anton, "Dad, now that Avrielle is back, it's time to put some things on the agenda. I've decided to step down as CEO of Madrigal Corporation and let Avrielle take over."

Nanlaki ang mga mata ni Avrielle dahil sa mga sinabi ng kanyang Kuya Anton. Habang si Senyor Alejandro naman ay lalong nagdilim ang mukha at halos umusok ang bumbunan sa galit.

"Anong kalokohan 'yang pinagsasabi mo, Anton?!"

"Tatlong taon lang naman po ang pinangako kong magsisilbi ako sa kompanya. Ito na ang oras para bumalik ako sa pagsisilbi sa simbahan. Alam n'yo namang naroon ang puso ko at ang pagpapastor ang siyang pinapangarap ko." mahabang tugon ni Anton sa malumanay na tinig.

"Kung hindi mo kayang gampanan, bakit hindi na lang si Armand ang ipalit mo sa posisyon mo?" maawtoridad na tanong naman ni Senyor Alejandro.

"Naku, Dad! Hindi ako pwede r'yan. Makakasira sa pagiging government official ko ang maugnay sa malalaking kumpanya. Baka maimbestigahan pa ko nang hindi oras." agad na tanggi ni Armand.

Halos umakyat sa ulo ni Senyor Alejandro ang kanyang dugo dahil sa kunsumisyon. Natanong na lang niya sa kanyang sarili kung ano bang nagawa niya at ang anak niyang mga lalaki ay walang interes sa kanilang kumpanya.

Taun-taon ay unti-unti siyang nanghihina. Tumatanda na siya at hindi na niya kayang patakbuhin ang kumpanya. Gusto na niyang magpahinga ngunit kapag tinitignan niya ang tatlong nasa harapan niya ngayon, hindi niya alam kung kanino sa mga ito ipapamana ang pamamahala sa kanilang kabuhayan.

Hindi naman sa hindi niya mahal si Avrielle at wala siyang tiwala rito… malakas lang kasi ang paniniwala niya na ang dapat mag handle ng kanilang kumpanya ay isang lalaki.

"Eh sino po bang nagsasabi na hindi kayang mamuno ng isang babae? I can do it, Dad! So, ako na ang president from now on." taas-noong sabi ni Avrielle sa kanilang ama.

"Akala mo ba ganoon lang 'yon kadali? Hindi laro ang Madrigal Corporation. Paano namang ang isang batang katulad mo ay gagalangin ng mga empleyado roon? Naiintindihan mo man lang ba ang pasikot-sikot ng negosyo?" Hindi maitago sa mukha ng Senyor ang pagkabigo.

"At isa pa, hindi kita mapagkakatiwalaan. Umaalis ka kung kailan mo gusto at nagliliwaliw sa malayo nang wala man lang pasabi. Hindi mo ba alam kung gaano kami nag alala rito? Akala nga namin ay patay ka na!"

Nasaktan si Avrielle dahil sa kanyang mga narinig. Nag-init ang kanyang mga mata at nag-umpisa na itong pangiliran ng luha.

Ganito man kahigpit at ka-istrikto ang ama niya sa kanila, naisin man niyang magrebelde, karapatan pa rin nito na malaman ang tungkol sa pagpapakasal niya nang palihim kay Brandon. Dapat pa rin siyang humingi ng kapatawaran.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Malang Jan
hhvgnvctnvffugdxc
goodnovel comment avatar
Nimpha
update please
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
tapos ng birthday riin sa yate suprise gift na kaoatid niya si Uriel
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 209

    Sa living room ng mansyon, naroon ang nag-aalalang si Samantha. Ang mga katulong naman ay nagkanya-kanya ng tago sa bawat sulok upang mag-abang ng maiinit na eksena na pwede nilang pagtsismisan mamaya. Alam nilang magkakaroon ng aberya, dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila na naroon ang dating

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 208

    Agad na inutusan ni Brandon ang mga katulong upang linisin ang kwarto ni Chuchay. Si Avrielle naman ay nanatili sa tabi ng dalaga habang inaalo ito. "Hindi na ako matatakot... Hindi na ako matatakot... Nandito na ang ate Amery ko..." Twenty years old na si Chuchay, ngunit dahil isa itong autistic,

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 207

    Bahagyang natigilan si Avrielle, ngunit agad din namang nakabawi. "O-Okay lang ako. Ang tanungin mo ay si Chuchay kung okay ba siya." Dahil sa pagkabigla ay agad nagdilim ang mga mata ni Brandon kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa mga braso ni Shaina. "Aray, Kuya! Pakawalan mo na ang mga

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 206

    "Ella, narito ako sa Ricafort Mansion. Pumunta ka rito at sunduin mo ako." "Hala, bakit po kayo nandyan?" bakas ang pagkabigla sa tinig ni Ella. "Mahabang kwento. Basta't sasabihin ko na lang sa'yo kapag narito ka na." Matapos ang kanilang pag-uusap sa telepono ay deretso nang umakyat si Avrielle

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 205

    Bahagyang napakurap-kurap ang mga mata ni Avrielle, gumapang rin ang kilabot sa makinis niyang balat. "Paano mo nalamang size 36 ang paa ko?" Nanatili naman ang seryoso at kalamigan sa mukha ni Brandon. "Mukha kasing maliit kaya hinulaan ko na lang." Bahagyang naitago ni Avrielle ang mapuputi niy

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 204

    "Napagkasunduan natin kagabi na pupunta ka sa Ricafort mansion upang kunin ang mga gamit mo." Pinakawalan na ni Brandon ang mga kamay ni Avrielle, pagkatapos ay humawak na ito sa manibela. "Pupunta naman ako mamaya, kaya hindi mo na kailangang gawin 'to!" "Hindi ako naniniwala sa'yo." Ini-start n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status