Masuk"Kayong dalawa, ayoko nang makikita pa ang mga pagmumukha n'yo. Magtago na kayo sa saya ng mga nanay n'yo at huwag na huwag kayong magkakamaling magpakita pa rito. Dahil sa susunod, hindi ko na alam kung anong pang magagawa ko sa inyo." "S-Sige po, Sir! Sige po!" sabay na sambit ng dalawang securit
Saktong bumuhos ang malakas na ulan nang palihim na tumakas palabas ng mansyon si Chuchay. Bitbit niya ang kanyang teddy bear habang naglalakad siya patungo sa highway upang mag-abang ng taxi. Nang sapitin niya ang Ricafort Hotel, ang suot niyang manipis na puting palda ay basang-basa na. Ngunit
Sa sinabing iyon ni Xander ay lalong kumunot ang noo ni Brandon. Naisip niyang kung na-hack man ang network nila, may posibilidad kayang si Avrielle ang may pakana no'n? O baka naman ang mga kapatid na lalaki na naman nito ang gumawa? "Kuya Brandon!" Nasa ganoon siyang pag-iisip nang istorbohin si
Nagkalat pa rin sa labas ng Ricafort Hotel ang mga reporters na mula sa iba't-ibang news channels. Matyaga silang naghihintay doon dahil alam nilang doon naka-check in si Ava wey, at anumang oras ay pwede itong lumabas mula roon. Ngunit ang pinagtataka ng lahat, ay kung bakit mas dumoble pa ang bila
Sa sobrang pagkabigla ay hindi makapagsalita si Ava Wey. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, matagal na niyang pinapahanap sa halos lahat ng jewelry stores ang broooch na 'yon, ngunit wala sa mga iyon ang nakapagbigay sa kanya ng impormasyon kung saan ito pwedeng bilhin. At ngayong ibinibigay ito sa
"Yes, Ms. Ava Wey. This brooch is from the Twilight of Gods' collection." ngiting-ngiting sagot ni Avrielle. At dahil angat sa lahat ang presensya ni Avrielle, ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa magandang mukha niya. Dahil doon ay hindi napansin ng mga ito ang brooch niyang gawa sa mga yellow di







