Share

3: MAMA

Author: Mir
last update publish date: 2026-06-20 17:59:14

Kim’s POV

“Oh anak! May bisita ka pala!” Sabay kaming tumayo ni Dylan. Pero lumapit siya kay Mama at kinuha iyong bitbit niyang grocery bag, “Ay, salamat, hijo! Napakagentleman mo naman.”

“Mano po.” Kinuha niya ang kamay ni Mama at saka nagmano.

“Aba! Sa wakas, may naiuwi kang matinong tao dito, anak! Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ni Jixxer eh, ni hindi na nagmamano sa akin iyon.”

Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Dylan, “Actually, Mama…”

“Hoy! Mama ka dyan!” suway ko sa kanya.

“I’m her boyfriend po.”

Heto na naman. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang gustong lumabas ng puso ko at kumaripas ng takbo.

Hinawakan siya ni Mama sa noo, “Sigurado ka ba diyan, hijo? Baka naman masama ang pakiramdam mo. May mga gamot kami diyan.”

“Hahaha, you’re funny, Mama. No wonder why Kim has a good sense of humor.”

Hindi ko talaga akalaing may ganitong side pala si Dylan. Kapag nasa office kasi kami, swerte na kung marinig mo siyang magsalita ng higit sa tatlong sentences sa loob ng isang araw. Pero ngayong kaharap niya si Mama, para siyang sinapian. Napakadaldal at bolero niya!

“Uuwi ka na ba agad? Dito ka na magdinner. Gusto pa kita makilala.”

“Ma, huwag na po.”

“I have things to do po eh. Don’t worry, Tita, I’ll be back po. Next time I’ll bring pasalubong.” Magalang pa siyang nagmano ulit para magpaalam na.

“Ay naku, ‘wag na! Yung maging girlfriend mo lang ang anak ko, okay na okay na ako doon. Akala ko kasi wala na talagang pag-asa ito eh.”

“Wow ah? Na para bang wala ako rito sa gilid ninyong dalawa?” reklamo ko.

“Hahaha. Ang cute mo talaga kapag napipikon ka.” Ginulo niya pa ang buhok ko. Hala! Itong Dylan na ito, plastik! “Pano babe? I’ll see you at the office tomorrow.”

“Ok sige–awww! Bakit ba kayo naniniko?” reklamo ko kay Mama.

“Maging sweet ka naman ano ka ba?!”

“Hahaha! It’s okay Mama, I like her just the way she is.” Nalaglag ang panga ko nung kumindat pa siya sa akin.

Teka! Parang hindi ako papayag na siya lang ang may best acting award!

“Sige na umuwi ka na, mukhang uulan oh. Tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na ha?” Lumapit ako at akmang hahalik sa pisngi niya nang biglang…

TSUP!

Humarap siya sa akin at sinalo ng labi niya ang halik ko!

“Yiiieee! Ang sweet niyo naman, bigyan niyo na ako ng apo!”

“See you, babe. Thanks for the kiss.” Kinindatan niya pa ako bago siya tuluyang umalis.

Ang first at second kiss ko, ninakaw niya!

Nang tuluyang makaalis si Dylan ay panay ang pang-iinterogate sa akin ni Mama. Pero tinakasan ko siya at saka nagkulong sa kwarto. Panay ang check ko sa cellphone. Pero ilang oras na ang lumilipas ay wala pa ring paramdam si Jixxer. Sinubukan ko rin siyang tawagan at itext pero walang sumasagot.

Nagalit ba talaga siya dahil hinalikan ako ni Dylan?

Bakit ganon? Kinikilig at kinakabahan ako at the same time.

KINABUKASAN

Inagahan ko ang pagpasok. Nagsuot ako ng black dress na medyo maikli at walang manggas. Sinuot ko rin ang itim na ponytail wig na ibinigay ni Rowan.

Pagdating ko sa office ay sinalubong agad ako ni Brent.

“Nice one Dimagiba! Ayos ang outfit, chikababes na chikababes! Ano? Payag ka na bang makipag blind date sa kaibigan ko?”

“A-aahh a-ano kasi…”

“Good morning babe.” Isang kamay ang humagod papunta sa bewang ko. At nang lumingon ako ay sinalubong ako ng napaka-gwapong ngiti ni Dylan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chased by the Billionaires   44. NAGSESELOS KA BA?

    Kim’s POVBuong hapon akong parang uod na inasinan sa desk ko, kahit na malayo ako sa kanila. Paano ba naman, yung boses ni Genevieve ay abot hanggang dito sa tindi ng kaartehan! Sarap sungalngalin ng oxcalic, nakakainis!“Oh my gosh, Dylan! Ang lamig naman ng aircon dito, baka pwedeng paki-adjust? My skin is getting so dry na,” narinig kong reklamo niya habang paypay nang paypay gamit ang kamay niya.“Dry ang skin mo? Bakit hindi mo lagyan ng floor wax hanggang mukha mo para kuminang?” bulong ko.Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-usog ng upuan. Aba? Talaga inadjust niya ang temp ng aircon?!“Kim, kawawa yung keyboard mo baka masira,” paalala sa akin ng katabi ko pero hindi ko siya alintana, “Dahan dahan sa pagtatype huy!”“Okay na sa ‘yo yan?” tanong niya.Napangiti ako ng mapait.“Yes, thank you si much Daddy D!” Daddy D… Daddy D… Daddy D…Sinubukan kong alisin sa utak ko ang mga narinig ko pero hindi ko talaga kaya. Pabalagbag kong itinulak ang upuan ko at saka lumapit sa a

  • Chased by the Billionaires   IMPORTANT ANNOUNCEMENT

    Magandang araw sa inyo! May dalawang bagay akong kailangang sabihin sa inyo. Una, tungkol sa health ko at pangalawa tungkol sa regalo ko para sa inyo. Unahin na natin ang palaro natin para naman hindi masyadong mabigat. Mamimigay po tayo ng 1 winner ng 200 pesos gcash at 3 winners ng 100 pesos gcash. Ang kailangan niyo lang gawin ay sagutin ang tanong at iwan ang sagot sa REVIEW SECTION! Ito ang tanong: Question: Ano ang favorite scene mo sa librong ito? At bakit? Sa tuwing madadagdagan ng 5k views ang story natin, pipili ako ng may pinakamagandang sagot at siya ang mananalo. Don't worry dahil mabilis po ang usad ng views natin. Ipopost ko po ang winners sa Author's note, sa last part ng chapters. Kaya lagi biyo pong babasahin at i-like. Ang pangalawa ko naman pong announcement ay medyo malungkot. Sa tingin ko it is my duty to tell you guys about my health condition right now. Last week galing ako sa Doctor at doon ko lang nalaman na life threatening at posible akong ma-comatos

  • Chased by the Billionaires   43. NEW EMPLOYEE

    Kim’s POV“Mayroon tayong bagong makakasama sa office ngayon. She will be joining the Sales Department starting today bilang bagong account executive natin. Please welcome, Genevieve.”Napansin ko ang biglang pagtigas ng katawan ni Dylan sa tabi ko. Para siyang natuod. Kung kanina ay puno siya ng kakulitan, ngayon ay bigla siyang naging seryoso. Ang mga mata niya ay nakatitig nang diretso sa babaeng nasa harap.Si Genevieve ang babaeng niligtas niya sa bar nung gabing birthday ni Lander. Ang babaeng ubod ng yaman na maarte. Ang nag-iisang babaeng dating niligawan ni Dylan noon binasted siya base sa kwento ng tsismosong si Kris.Naka-designer dress ito na kulang na lang ay lumabas na ang buong kaluluwa niya, may bitbit na mamahaling bag, at kung gumalaw akala mo naghahanap ng alikabok sa bawat sulok ng opisina namin. Ang arte ng tayo niya, akala mo ang dumi dumi namin.Teka lang naman, anong ginagawa ng isang alta-sociedad na katulad nito sa Sales Department? Bakit kailangan niya pa ma

  • Chased by the Billionaires   42. INVITATION

    “Wow, Kim! Iba ang ngiti natin ngayon, ah? Abot tainga, balak mo ba mag-apply sa colgate?” asar agad sa akin ni Sarah pagkapasok ko pa lang sa p***o ng opisina.“Grabe ka naman sa akin! Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako dahil maganda ang gising ko?” sagot ko sabay kindat sa kanya. “Huwag ka ngang basag-trip diyan. Hayaan mo akong mag-enjoy dahil maganda ang simula ng araw ko ngayon.”O baka mas tamang sabihin na maganda ang tulog ko dahil kay Dylan kagabi, hihi!“Naku, baka naman inspired ka lang? Huwag mo sabihing diniligan ka na ni Dylan?” bulong niya nang may kasamang malanding pagsiko sa braso ko.“Hala, siya oh! Trabaho muna, Sarah! Kung ano anong pinagsasasabi mo, kaganda ganda mong babae eh, m*nyak ka!” pag-iwas ko sa paksa, kahit ang totoo ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang mukha ng mokong na si Dylan.Pero, paano kung… erase, erase, erase! Ano ka ba naman Kim? Nahawa ka na sa kamany*kan ni Sarah eh!Naglakad na ako papunta sa sarili kong cubicle

  • Chased by the Billionaires   41. BAKA HALIKAN KITA

    Kim’s POVSabay-sabay na sumindi ang mga ilaw sa sala. Sa sobrang gulat ko, muntik ko nang maibato ang helmet ko sa ceiling fan!Napatitig ako sa gitna ng sala. At doon, nanlamig ang buong katawan ko.Nakatayo si Mama sa tapat ng switch ng ilaw, nakapamewang at ang talim ng tingin sa akin na parangready na siyang bigwasan ako anytime. At sa may sofa namin, nakaupo si Dylan habang nakadekuwatro at humihigop ng kape. Wow, grand reveal naman yata sila masyado!Anak ng pating na may pakpak!“M-Ma... Gising pa pala kayo? D-Dylan… anong ginagawa mo dito?” pilit akong ngumiti ng matamis kahit na ang totoo ay gusto ko nang magpakain sa lupa sa sobrang kaba. “Hehehe, ang late pala oh? Bakit hindi pa kayo natutulog? Uwi ka na Dylan, baka mapano ka pa sa daan kapag ginabi ka pa.”“Kimberly.” Mababa at nakakatakot ang boses ni Mama. “Saan ka galing?”Patay na…“Ah, ano po... sa opisina po! Sobrang daming backlog sa Sales, Ma! Alam mo naman, ang hirap maghabol ng quota ngayon—”“Overtime?” sumingit

  • Chased by the Billionaires   40. CHAMPION

    Kim’s POVKung may isang bagay man na sobrang namiss ng katawan ko bukod sa matulog nang walang iniisip, ito ’yung amoy ng sunog na gulong at ang ingay ng mga makina ng motor. Idagdag mo pa iyong mga sigawan ng mga taong nanonood at yung thrill ng rides, lalo na kapag life and d*ath na ang labanan.“Hala, g*go! Seryoso ba ’to? Buhay pa pala ang reyna ng kalsada!”Napalingon ako sa sumigaw. Eksaktong nandoon sa tapat ng isang tent ang tatlong mukha na akala ko hindi ko na ulit makikita. Si Ken at Marco na mga dati kong kalaban sa karera, at si Mitch, ang nag-iisang tibo sa tropa na mas gwapo pa doon sa naunang dalawa kung pormahan ang pag-uusapan.“Mitch! Ken! Marco!” patakbo akong lumapit sa kanila at nakipag-high five. “Mga dugyot pa rin kayo, ah! Walang nagbago!”“Aba, sumulpot ang nag-iisang Kim! Akala namin habambuhay ka na lang talagang magiging sunod sunuran sa Jixxer na iyon eh, mabuti naman at natauhan ka!!” tawang-tawang sabi ni Ken sabay akbay sa akin.“Grabe ka naman sa tao,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status