Kim’s POV“Oh anak! May bisita ka pala!” Sabay kaming tumayo ni Dylan. Pero lumapit siya kay Mama at kinuha iyong bitbit niyang grocery bag, “Ay, salamat, hijo! Napakagentleman mo naman.”“Mano po.” Kinuha niya ang kamay ni Mama at saka nagmano.“Aba! Sa wakas, may naiuwi kang matinong tao dito, anak! Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ni Jixxer eh, ni hindi na nagmamano sa akin iyon.”Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Dylan, “Actually, Mama…”“Hoy! Mama ka dyan!” suway ko sa kanya.“I’m her boyfriend po.” Heto na naman. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang gustong lumabas ng puso ko at kumaripas ng takbo.Hinawakan siya ni Mama sa noo, “Sigurado ka ba diyan, hijo? Baka naman masama ang pakiramdam mo. May mga gamot kami diyan.”“Hahaha, you’re funny, Mama. No wonder why Kim has a good sense of humor.”Hindi ko talaga akalaing may ganitong side pala si Dylan. Kapag nasa office kasi kami, swerte na kung marinig mo siyang magsalita ng higit sa tatlong sentences sa loob ng isang ara
最終更新日 : 2026-06-20 続きを読む