Share

Chapter 3

Author: Vintage Rhea
last update Last Updated: 2025-08-26 18:31:35

Napahawak si Roxana sa isang kotse sa parking lot at napahawak din sa dibdib niya. Mabilis pa rin ang tibok nito at nanginginig ang mga tuhod niya sa kaba dahil sa biglaang pagsulpot ni Mikhail kanina.

Bakit ba ginagawa ito ni Mikhail? Hindi ba ito naman ang gusto nito, ang mawala siya sa paningin niya, ang mawala siya sa buhay nito? Sinasaktan siya nito at inaakusahan noon at halos ayaw siyang makita, pero bakit ngayon gusto na naman nitong bumalik siya? Is he crazy? Ano bang pinag-iisip ng lalaking iyon?

Nanlumo si Roxana nang maalala ang sinabi nito kanina. Hindi kasi nito pinirmahan ang divorce? But why? Iyon ang ninanais nito noon, pero binasura lang nito. Ilang beses nitong ipinaramdam sa kanya na hindi siya nito mahal at kailan man ay hindi mamahalin. All this time akala niya wala na talaga sila, na wala na talaga silang koneksyon, pero akala lang pala lahat.

Nalala niya bigla si Justine. Mula noong nakalabas siya ng Pilipinas, wala na itong nabanggit tungkol sa divorce papers. Mas mabuting kausapin niya ito mamaya. Ayaw niya ring bumalik kay Mikhail, baka saktan na naman siya at ulitin ang mga ginawa nito noon.

Ano bang balak ng Mikhail na iyon? Wala naman itong nakukuha sa kanya at lalong wala siyang utang o kinuha sa kanya na kailangan niyang bayaran. Paano kung pinagti-tripan lang siya nito? Edi walang hiya ito, hindi magandang trip iyon. Siguro para sa kanya, trip to underworld iyon.

"R-Roxana..." agad siyang napalingon at nakita si Teddy.

Tumayo siya at naiiyak na lumapit dito. Sabog ang labi nito at may sugat rin ito sa kilay.

"Teddy, are you okay? Gusto mo bang pumunta tayo sa hospital?" saad niya at hinawakan ang mukha nito. Mapait naman itong ngumiti sa kanya.

"Grabe ang sakit sumuntok ni Papa Mikhail. Ang tigas ng kamao niya. Parang nawala lahat ng skincare na nilagay ko," napahampas siya sa dibdib nito dahil sa sinabi nito.

"Ewan ko sa'yo, nasaktan ka na nga, iyon pa rin iniisip mo," singhal niya rito pero tumawa lang ito sa kanya.

"Binibiro lang kita, okay lang ako, don't worry about me. Hindi ko naman ikakamatay ang suntok," malumanay nitong saad kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Bakit ka naman kasi sinuntok ni so hot Mikhail," napangiwi siya sa sinabi ni Perrie. Nasa loob kasi ito kanina kaya hindi nito nasaksikhan ang mga eksena.

Nasaktan na nga ang kaibigan nila, nagawa pa nitong purihin ang lalaking iyon. Well, hot nga naman ito, hindi na maitatanggi iyon. Wait, why is she thinking that he's hot? Napailing siya.

"Hindi ko rin alam gurl, iwan ko ba diyan sa asawa ni Roxana, ang hot na, ang lakas pang sumuntok," ani Teddy at ngumisi pa sa kanya.

Napairap siya sa sinabi ni Teddy.

Sinabi niya na dito noong pauwi na sila sa café na hindi pala pinirmahan ni Mikhail ang papers.

"Hoy Teddy, correction, ex-husband," saad ni Perrie at pinagpatuloy ang paggagamot sa sugat ni Teddy. "Dati niyang asawa yun."

Wala rin pala doon si Marga, nasa Paris ito kasama si Ethan, honeymoon kasi nila.

"Hindi pala pinirmahan noon ni Papa Mikhail ang annulment papers, gurl, so basically magasawa pa rin sila. Legal na mag-asawa at kasal pa rin sila sa papel at sa batas."

Gulat namang humarap si Perrie sa kanya.

"What? But why? Diba iyon naman ang gusto niya, ang mag-divorce kayo? So bakit hindi niya pinirmahan noon?"

Agad siyang napailing at napahilot ng sentido.

"I don't know."

"What if mahal ka pa pala niya, tapos na-realize niya lang ang bagay na iyon noong umalis ka na? Noong wala ka na sa kanya?"

Agad siyang napatingin kay Teddy.

Mikhail Marino would never love her. Actually, he even hated her to death, that's why he hurt her. At may mahal na itong iba, and it's Zuki.

"No, it's imposible. He already has Zuki, he loves Zuki... that's why he hurt me, kasi akala niya sinaktan ko ang mahal niya kaya galit na galit siya sa akin."

"We can't judge someone without knowing their own point of view. I'm not saying na panig ako sa kanya, I'm just saying a fact, do you understand me?"

Napatango siya sa sinabi ni Teddy. Yeah, he's right, pero kilala niya si Mikhail. Wala sa bokabularyo nito ang mahalin ang isang tulad niya.

"Ah basta girl, it doesn't change the fact na sinaktan ka pa rin niya, at ekis siya sa akin," umirap pa si Marga at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Excuse me," saad niya at umalis sa inuupuan niya at pumasok sa loob ng office.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Justine. After two rings ay sumagot na ito.

"Justine," she said. Tumahimik ang kabilang linya at ilang minuto lang ay narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"I'm sorry Roxana, nalaman ko ang ginawa ni Kuya kanina," saad nito. Napaupo siya sa swivel chair at hinilot ang sentido.

"Hindi kami divorce, and why is that?" mahinang sabi niya rito. "Justine, asawa ko pa rin siya." Bumuntong-hininga ulit ito.

"Listen up Roxana, I didn't know na hindi pala natuloy ang annulment. Nalaman ko lang din kamakailan. Binantaan daw ni Kuya ang attorney na kinuha ko para asikasuhin ang divorce papers n'yo, kaya pala wala akong natanggap na response sa kanya matagal na. I'm sorry Roxana, pero sinabi ko na kay Kuya na tigilan ka na, but he's persistent to have you again."

Nanghina siya sa sinabi nito. The hell, Mikhail, ano bang balak mo?

"And he said he'll have you in any ways even if blackmailing you."

Tumayo siya at nagpunta sa kusina para magtimpla ng kape. It's been four days mula noong nangyari sa grocery store at yung sinabi ni Justine. Sa apat na araw, hindi siya mapakali at hindi niya mapigilang kabahan. Paano kung totoo ang sinasabi ni Justine? Agad siyang napailing sa mga iniisip niya.

Baka trip lang talaga iyon ni Mikhail. Naging tahimik naman siya sa loob ng apat na araw, walang nanggugulo sa buhay niya kaya siguro hindi ito seryoso sa mga sinasabi niya. Magaling na din ang sugat ni Teddy. Ewan niya ba kay Mikhail at bakit ito nanununtok, wala namang ginagawa yung tao eh.

Pero kahit tahimik siya sa apat na araw, hindi niya mapigilang kabahan. Feeling niya kasi parang may hindi magandang mangyari. Masyado na siyang negative ever since umuwi siya rito, napapa-paranoid na siya.

Napakunot ang noo niya nang marinig niyang may nag-doorbell. She's not expecting a guest today. Sarado ang café shop ngayon dahil Sunday and by Sunday it's their rest day.

Pagbukas niya ng pinto ay nagtaka pa siya kung bakit dala-dala nito ang mga bag niya.

"Teddy, anong chika mo, bakit dala-dala mo bag mo?" tanong niya rito. Naiiyak naman itong niyakap siya.

"Pinalayas ako sa bahay ko."

"Ano, bakit? Bahay mo yun, binili mo yun, bakit ka pinalayas, aber?" agad itong bumitaw sa kanya at hinigpitan ang hawak sa bag niya.

"Sa loob tayo, Roxana."

Tumango siya sa kanya at tinulungan niya itong ipasok ang mga gamit niya at naupo sila sa sofa sa sala.

"Kaninang umaga may pumunta sa bahay ko, sinasabing umalis na daw ako dahil binili na daw ang lupa. Syempre nagulat ako dahil binili ko na ang lupa't bahay tapos papaalisin ako, pero pumasok ang mga ito sa bahay at nilalabas ang mga gamit ko," mahabang kwento nito kaya hinagod niya ang likod nito.

Bakit feeling niya may kinalaman si Mikhail dito? Wala naman siguro. Bakit naman niya gagawin iyon kung ganun nga?

Alam niya ring pinaghirapan ni Teddy ang pambili ng bahay. Totoong mayaman naman talaga si Teddy kaso naglayas ito sa kanila three years ago dahil ipapakasal daw ito sa isang babaeng hindi naman niya type at 'babae rin daw siya'—note the sarcasm.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, wala din naman akong ibang matutulugan, ayaw kong umuwi sa amin o kumuha man lang ng pera sa bangko," ani nito.

Madami naman itong pera kung tutuusin, kaya nitong bumili ng isang condo unit, pero ayaw nitong kumuha ng pera baka ma-trace daw siya ng pamilya niya at pauwiin.

"You can stay here, you know," saad niya at ngumiti sa kanya.

"Salamat Roxana, ha," saad nito kaya nginitian lang niya ito.

"Sinong bumili ng lupa mo?" tanong niya. Seryoso ang mukha ni Teddy habang nakatingin sa kanya kaya kinabahan siya.

Tama kaya ang hinala niya?

"Mikhail Marino... yang siraulo mong asawa."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 4

    Roxana froze at what he said. Bakit naman gagawin iyon ni Mikhail? As far as she remembered, marami na itong lupa at halos hindi na nga nito alam kung ano ang paggagamitan."What? Why?""I don't know Roxana, yun ang sabi sa amin," usal ni Teddy."Sa amin?" tanong niya.Hindi lang ba si Teddy ang napaalis, kundi may ibang tao pa? Ano bang dahilan nito? Ito na ba yung sinasabi ni Justine, that he is willing to blackmail her in order to get her? Pero bakit kailangan pa nitong idamay ang ibang tao? Nahihibang na siguro ito."Marami kami ang napaalis, naaawa nga ako sa iba dahil wala silang matirhan at wala pang ka pera pera eh," usal ni Teddy."You can sleep on the guest room, Teddy," saad niya. Tumango naman ito at niyakap siya’t nagpasalamat ulit.Pumasok si Roxana sa kwarto at binuksan ang cellphone niya. Nakita niya ang number ni Mikhail, binigay iyon sa kanya ni Justine noong isang araw. Hindi niya alam kung bakit nito pinasa sa kanya ang number nito. Bumuntong-hininga siya at nangin

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 3

    Napahawak si Roxana sa isang kotse sa parking lot at napahawak din sa dibdib niya. Mabilis pa rin ang tibok nito at nanginginig ang mga tuhod niya sa kaba dahil sa biglaang pagsulpot ni Mikhail kanina.Bakit ba ginagawa ito ni Mikhail? Hindi ba ito naman ang gusto nito, ang mawala siya sa paningin niya, ang mawala siya sa buhay nito? Sinasaktan siya nito at inaakusahan noon at halos ayaw siyang makita, pero bakit ngayon gusto na naman nitong bumalik siya? Is he crazy? Ano bang pinag-iisip ng lalaking iyon?Nanlumo si Roxana nang maalala ang sinabi nito kanina. Hindi kasi nito pinirmahan ang divorce? But why? Iyon ang ninanais nito noon, pero binasura lang nito. Ilang beses nitong ipinaramdam sa kanya na hindi siya nito mahal at kailan man ay hindi mamahalin. All this time akala niya wala na talaga sila, na wala na talaga silang koneksyon, pero akala lang pala lahat.Nalala niya bigla si Justine. Mula noong nakalabas siya ng Pilipinas, wala na itong nabanggit tungkol sa divorce papers.

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 2

    Mikhail Marino is known for being a beast, especially when it comes to business. At his young age, humawak na ito ng kumpanya at tinanghal siyang young billionaire in town. Mikhail is a cold-hearted person, ruthless and not used to showing any emotions. Everyone is afraid of him for being a ruthless man. He wanted everything to be perfect, at kapag nagkamali ka kahit kasing liit ng langgam, tatanggalin ka niya sa trabaho dahil wala kang silbi at utak-gamunggo ka.Pero sa lahat ng pagiging demonyo niya, hindi pa rin maiwasan na maraming kababaihan ang nahuhulog rito at gagawin ang lahat maikama lang siya. Bukod sa mayaman, taglay rin ni Mikhail ang kagwapuhan na maihahalintulad sa isang Greek god. From his thick eyebrows, beautiful eyelashes, down to his pointed nose and kissable lips, and a perfect jawline, hindi rin maitatago na mayroon itong perfect built body at nagbabagang abs na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Mapa-artista o modelo ay nahuhumaling sa kanya at lahat gagawin ma

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 1

    Huminga nang malalim si Roxana pagkalabas nila ng kaibigang si Justine ng airport. Matapos magpaalam sa isa't-isa ay naghiwalay na rin sila ng landas. Inalok pa si Justine na sumama sa bahay nila, pero tinanggihan ni Roxana dahil sobra-sobra na ang naitulong sa kanya ni Justine sa loob ng nagdaang limang taon na kasama niya ito.Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa condo kung saan siya mamamalagi, dahil wala pa naman siyang sariling bahay. Ang condo na iyon ay regalo pa ng magulang ng dati niyang asawa noong pagkagraduate niya ng kolehiyo.Ayaw niya sanang tanggapin, pero sinabi ng mga ito na hindi na siya papansinin kapag tumanggi siya. Wala siyang nagawa at tinanggap iyon, kahit pinangako niya sa sarili na pagkatapos niyang magtapos ng kolehiyo, hindi na siya aasa sa kanila at hindi tatanggap ng kahit ano mula sa kanila.Nang mawala ang mga magulang niya, sila na ang sumagot sa lahat ng gastusin kahit na sinabi niya na kaya niya. Sinabi niya kasing magtatrabaho na lang siya para mab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status