Share

Chapter 4

Penulis: Vintage Rhea
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-26 19:05:39

Roxana froze at what he said. Bakit naman gagawin iyon ni Mikhail? As far as she remembered, marami na itong lupa at halos hindi na nga nito alam kung ano ang paggagamitan.

"What? Why?"

"I don't know Roxana, yun ang sabi sa amin," usal ni Teddy.

"Sa amin?" tanong niya.

Hindi lang ba si Teddy ang napaalis, kundi may ibang tao pa? Ano bang dahilan nito? Ito na ba yung sinasabi ni Justine, that he is willing to blackmail her in order to get her? Pero bakit kailangan pa nitong idamay ang ibang tao? Nahihibang na siguro ito.

"Marami kami ang napaalis, naaawa nga ako sa iba dahil wala silang matirhan at wala pang ka pera pera eh," usal ni Teddy.

"You can sleep on the guest room, Teddy," saad niya. Tumango naman ito at niyakap siya’t nagpasalamat ulit.

Pumasok si Roxana sa kwarto at binuksan ang cellphone niya. Nakita niya ang number ni Mikhail, binigay iyon sa kanya ni Justine noong isang araw. Hindi niya alam kung bakit nito pinasa sa kanya ang number nito. Bumuntong-hininga siya at nanginginig na tinawagan ito.

Kailangan niya itong kumprontahin. Alam niyang ginawa nito iyon on purpose. She was not assuming na dahil sa kanya, pero sana naman hindi talaga dahil sa kanya. Isang ring pa lang ay agad na itong sinagot. Mukhang inaabangan talaga nito ang tawag niya.

Tahimik ang kabilang linya kaya agad siyang tumikhim at pinakalma ang sarili niya. Kahit hindi niya ito kaharap, nararamdaman pa rin niya ang kaba at ang pagka-intimidate.

"M-Mikhail," mahinang sabi niya.

"Yes, Wife," nangilabot siya sa tono ng pagsasalita nito, it sounded like a bedroom voice. And wait, he knew it was her.

"B-bakit mo... ginawa yun?" mahinahon pa rin ang boses niya.

"Do what?" maang-maangan pa nito. Kahit kinakabahan siya, gusto niya itong sabunutan dahil sa pa-inosente effect nito.

"Wag ka na magpanggap na hindi mo alam. Lupa iyon ng mga tao doon, tirahan nila iyon, bakit mo kinuha?" naiinis na siya at nafru-frustrate.

It should be na hindi na sila nag-uusap dahil wala na sila matagal na. Even if mag-asawa sila, sa papel lang iyon. Besides, hindi naman nila ginusto ang kasal. Isa pa, pinalaya na niya ito, iyon naman ang gusto nito. So bakit ngayon babalik pa ito at guguluhin ang buhay niya? Gusto na niyang makalimot.

"About that, I did that because I want something."

"You can have anything in just a snap, Mikhail, so why bother other people?" hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses niya.

"So I can have you in just a snap."

Natigilan si Roxana sa sinabi nito. So dahil talaga ito sa kanya? Nadamay ang ibang tao, nadamay si Teddy dahil sa kanya.

"W-What?"

"Come back to me and everything will be fine," he said. Agad siyang napailing-iling. No, she wouldn’t. Ayaw niyang maghirap ulit sa mga kamay nito.

"I won't."

Natahimik sandali ang kabilang linya at nagulat siya nang makarinig na parang may nabasag.

"Houses will be demolished this coming Tuesday."

"Mikhail please—" Hindi na niya natapos nang binabaan siya nito ng tawag. Nanghihina siyang napaupo sa kama niya.

What should she do?

"Good morning, Ma'am Roxana."

Ngumiti naman siya kay Jamie nang sinalubong siya nito.

Tinawagan niya ng paulit-ulit si Mikhail kagabi pero hindi na ito sumagot. Alam niyang hindi nito gusto ang sagot na binigay niya kahapon, pero ayaw talaga niya. Nakukunsensya naman siya sa mga taong nadamay dahil sa kanya. Ayaw niyang maging selfish pero ano namang gagawin niya?

Wala siyang laban kay Mikhail, he's a billionaire for Pete’s sake.

Sabay silang dumating dito ni Teddy pero nakikita niya talaga sa mukha nito ang lungkot. Kahit naman mayaman ito at afford na bumili ulit ng bahay, nanghihinayang talaga ito. Dugo at pawis ang binigay nito para mabili lang ang bahay na iyon.

Hindi niya binanggit kay Teddy ang sinabi ni Mikhail na ide-demolish ang mga bahay doon this coming Tuesday. Kakausapin niya si Mikhail, pero hindi siya papayag na bumalik dito.

"Bakit hindi ko ma-contact si Perrie?" napalingon siya kay Teddy.

"Baka busy."

"Hindi eh, kahit gaano ka busy ang babaeng yun sasagutin talaga ang tawag ko," saad nito habang nagtitipa sa cellphone.

Asan kaya siya? Usually naman pumupunta ito rito at exactly 8, pero almost 10 am na at hindi pa rin ito dumarating. Napalingon siya sa entrance ng cafe nang bumukas iyon at umiiyak na pumasok si Perrie. Anong nangyari sa kanya?

"Perrie!" naunang lumapit si Teddy dito at niyakap ito.

"Anong nangyari sa'yo?" saad niya at hinimas ang likuran nito para kumalma. Inutusan niya si Jamie na kumuha ng tubig at agad itong inabot kay Perrie. Umupo sila sa isang mesa rito habang si Perrie ay pilit pa rin nilang pinapakalma.

"What happened bakla, nag-aalala na kami sa'yo?" pag-uulit tanong ni Teddy.

Nilapag nito ang baso at naiiyak pa ring tumingin sa kanila.

"Natanggal ako sa t-trabaho, hindi na daw nila ako kailangan, dahil may mas magaling pa daw sa'kin. At pinalayas na din ako sa apartment ko tapos sumabay pa ang problema ko sa pamilya, inataki sa puso si nanay pero wala akong perang pangpaopera. Lugmok na lugmok ako."

Napahawak si Roxana sa dibdib niya, nasasaktan siya para sa kaibigan. Siya lang kasi ang inaasahan ng pamilya nito sa probinsya at may pinapaaral pa itong mga kapatid.

"What? Bakit ka natanggal? Ang galing mo kaya, at lintik yang landlady mo nagbabayad ka naman ah!" galit na saad ni Teddy.

"Noong una hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagkatanggal ko, pero narinig kong may kausap ang manager namin," sagot ni Perrie.

Tumingin ito kay Roxana na parang sinasabi na kilala niya ang may gawa. Agad pumasok sa isip niya si Mikhail. Siya ba? Siya ba ang may gawa?

"Binayaran ni Mikhail ang manager ko para tanggalin ako at binayaran niya rin ang landlady ko."

Napatayo si Roxana sa sinabi nito. "I knew it!" Sagad na talaga ang Mikhail na yun. Hindi ba nito alam na may naghihirap na sila dahil sa kanya?

Agad siyang lumabas ng cafe at nagpara ng taxi. Tinawag pa nila siya pero hindi niya na sila pinakinggan. Nagpahatid siya sa kompanya ni Mikhail noon.

Hinarang pa siya ng guard pero nag-tuloy-tuloy lang siya. Napapatingin din sa kanya ang ibang empleyado doon pero wala sa kanila ang atensyon niya. Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang top floor. Nang makarating siya ay tahimik na pasilyo ang bumungad sa kanya. Sa pagkaalala niya, siya lang at ang secretary nito ang nasa floor na iyon.

Naalala rin niya nung pumunta siya rito dati dahil inutusan siya ng Mommy nito na ihatid ang pananghalian niya, pero iba ang nadatnan niya. Wala ang secretary nitong si Benson at medyo nakaawang ang pinto at narinig niya ang mga ungol sa loob.

Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung anong ginagawa nito. Iniwan niya sa table ng secretary ang pagkain at naglagay ng note. Madalang rin siyang pumunta rito dahil ayaw na ayaw nito na pumupunta siya. Nagagalit ito pag nandito siya sa building.

Walang katok-katok na pumasok si Roxana sa loob ng office nito. Nakita niya itong nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa labas kung saan kita ang syudad. Humugot siya ng hinga at pinalakas ang loob niya. Nagsisimula na ring mamawis ang kamay niya at nanginginig pa ito.

"What do you think you're doing?" lakas-loob niyang saad. Umikot ang swivel chair nito at humarap sa kanya.

As usual, he had his emotionless face.

"What?" maang nito at kinuha ang ballpen at pinaglaruan iyon.

"Don't act like you don't know what I mean," diin niyang saad. Gumuhit naman ang ngisi sa mukha nito.

"Why? Aren't you having fun?" nakangising saad nito. Napalunok siya dahil sa ngisi nito. It sent thousands of electricity through her body, lalo na kapag naglalapit sila.

"It is not fun at all. Stop this."

"No," saad nito at tumayo sa kinauupuan niya.

"Ano ba talaga ang gusto mo, Mikhail? Dinadamay mo na ang ibang tao!" hindi na niya napigilan at sumigaw na talaga siya.

"You know what I want, Wife." Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. "You. I want you and only you."

Umiling-iling siya. "I won't," saad niya.

Ngumisi naman ito at hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha niya. Naramdaman niya na parang ang init-init at parang nakukuryente siya.

"I'll call all hospitals in Perrie's province and never allow them to ente—"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at agad siyang sumingit.

How dare him. Ganyan ba siya kawalang-puso? Pati ang nanay ni Perrie na may sakit, idadamay pa? Ayaw niyang bumalik sa kanya pero mas ayaw niyang maging selfish. Nangyayari ito dahil sa kanya.

Napabuntong-hininga siya.

"Okay, sige," she said.

Napatingin naman ito sa mga mata niya. "What?"

"Gagawin ko na ang gusto mo."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 4

    Roxana froze at what he said. Bakit naman gagawin iyon ni Mikhail? As far as she remembered, marami na itong lupa at halos hindi na nga nito alam kung ano ang paggagamitan."What? Why?""I don't know Roxana, yun ang sabi sa amin," usal ni Teddy."Sa amin?" tanong niya.Hindi lang ba si Teddy ang napaalis, kundi may ibang tao pa? Ano bang dahilan nito? Ito na ba yung sinasabi ni Justine, that he is willing to blackmail her in order to get her? Pero bakit kailangan pa nitong idamay ang ibang tao? Nahihibang na siguro ito."Marami kami ang napaalis, naaawa nga ako sa iba dahil wala silang matirhan at wala pang ka pera pera eh," usal ni Teddy."You can sleep on the guest room, Teddy," saad niya. Tumango naman ito at niyakap siya’t nagpasalamat ulit.Pumasok si Roxana sa kwarto at binuksan ang cellphone niya. Nakita niya ang number ni Mikhail, binigay iyon sa kanya ni Justine noong isang araw. Hindi niya alam kung bakit nito pinasa sa kanya ang number nito. Bumuntong-hininga siya at nangin

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 3

    Napahawak si Roxana sa isang kotse sa parking lot at napahawak din sa dibdib niya. Mabilis pa rin ang tibok nito at nanginginig ang mga tuhod niya sa kaba dahil sa biglaang pagsulpot ni Mikhail kanina.Bakit ba ginagawa ito ni Mikhail? Hindi ba ito naman ang gusto nito, ang mawala siya sa paningin niya, ang mawala siya sa buhay nito? Sinasaktan siya nito at inaakusahan noon at halos ayaw siyang makita, pero bakit ngayon gusto na naman nitong bumalik siya? Is he crazy? Ano bang pinag-iisip ng lalaking iyon?Nanlumo si Roxana nang maalala ang sinabi nito kanina. Hindi kasi nito pinirmahan ang divorce? But why? Iyon ang ninanais nito noon, pero binasura lang nito. Ilang beses nitong ipinaramdam sa kanya na hindi siya nito mahal at kailan man ay hindi mamahalin. All this time akala niya wala na talaga sila, na wala na talaga silang koneksyon, pero akala lang pala lahat.Nalala niya bigla si Justine. Mula noong nakalabas siya ng Pilipinas, wala na itong nabanggit tungkol sa divorce papers.

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 2

    Mikhail Marino is known for being a beast, especially when it comes to business. At his young age, humawak na ito ng kumpanya at tinanghal siyang young billionaire in town. Mikhail is a cold-hearted person, ruthless and not used to showing any emotions. Everyone is afraid of him for being a ruthless man. He wanted everything to be perfect, at kapag nagkamali ka kahit kasing liit ng langgam, tatanggalin ka niya sa trabaho dahil wala kang silbi at utak-gamunggo ka.Pero sa lahat ng pagiging demonyo niya, hindi pa rin maiwasan na maraming kababaihan ang nahuhulog rito at gagawin ang lahat maikama lang siya. Bukod sa mayaman, taglay rin ni Mikhail ang kagwapuhan na maihahalintulad sa isang Greek god. From his thick eyebrows, beautiful eyelashes, down to his pointed nose and kissable lips, and a perfect jawline, hindi rin maitatago na mayroon itong perfect built body at nagbabagang abs na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Mapa-artista o modelo ay nahuhumaling sa kanya at lahat gagawin ma

  • Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire    Chapter 1

    Huminga nang malalim si Roxana pagkalabas nila ng kaibigang si Justine ng airport. Matapos magpaalam sa isa't-isa ay naghiwalay na rin sila ng landas. Inalok pa si Justine na sumama sa bahay nila, pero tinanggihan ni Roxana dahil sobra-sobra na ang naitulong sa kanya ni Justine sa loob ng nagdaang limang taon na kasama niya ito.Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa condo kung saan siya mamamalagi, dahil wala pa naman siyang sariling bahay. Ang condo na iyon ay regalo pa ng magulang ng dati niyang asawa noong pagkagraduate niya ng kolehiyo.Ayaw niya sanang tanggapin, pero sinabi ng mga ito na hindi na siya papansinin kapag tumanggi siya. Wala siyang nagawa at tinanggap iyon, kahit pinangako niya sa sarili na pagkatapos niyang magtapos ng kolehiyo, hindi na siya aasa sa kanila at hindi tatanggap ng kahit ano mula sa kanila.Nang mawala ang mga magulang niya, sila na ang sumagot sa lahat ng gastusin kahit na sinabi niya na kaya niya. Sinabi niya kasing magtatrabaho na lang siya para mab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status