Pasensya na po kailangan na talagang magday-off ng lola nyo, like regular employees. Kailangan ko munang irefresh ang mind para smooth ang utak pag nagsulat ulit. Salamat po sa pang-unawa. May obligasyon din po kasi ako dito sa bahay- kailangan ko pang maglaba. Nagagalit na nga yung papa kong Afam, wala na daw kasi siyang brief na maisuot.
Nasa likuran ni kuya Andrew si Gray, nakapako ang tingin sa akin.Nilapitan ni kuya Andrew si Andrea.“Papa!“ masayang bigkas ng pamangkin ko nang makita ang ama.Tahimik na binuhat ni kuya Andrew ang anak. Lumapit siya sa akin, pagkuwa’y may ibinulong. “Birthday nung matanda, pagbigyan mo na.” anito at napapangiti.Dahil sa joke ni kuya Andrew, medyo natawa ko. Medyo gumaan ang tensyon at yung mala-telenovela sanang talak na gagawin ko, hindi na natuloy. Kaya tuloy kahit masama ang loob ko, nakaramdam ako ng guilt dahil ipinaalala niya na birthday nga pala ni Gray ngayon. Nilapitan ni kuya Andrew si ate at sabay na silang mag-anak na lumabas ng veranda kaya naiwan kaming dalawa ni Gray na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang tingin sakin.Kanina pa kaming tahaimik at tila nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin simula nang dumating siya. Maya maya pa ay narinig kong tumikhim ito bago nagsalita.“I’m sorry…..” panimula nito.Hin
Gigi POVTumakbo ako palabas ng restaurant pero hinabol pa rin ako ni Gray.“Gigi–”“Dok..” tawag ng boses malapit sa amin kaya sabay kaming napalingon ni Gray. Isa siguro siya sa mga nurse base na rin sa suot nito.Alinlangang itong nagsalita dahil sa eksena naming dalawa ni Gray.“Pasensya na dok, pero may tawag galing ER.” anito.Tumingin muna sa akin si Gray saka humarap sa nurse. Sinamantala ko yun at mabilis na nagtatakbo papalabas. Hindi ko na nilingon pa si Gray. Basta ako, dire-diretso lang at mabilis na nakapara ng taxi habang si Nancy ay tahimik lang na nakasunod lang sa akin pero ramdam kong online pa rin ang kanyang CCTV mode.Sa loob ng taxi, saka pa lang tumulo ang luha ko. Alam ko naman na yung babae ang humalik. At kagaya naming lahat ay nagulat din si Gray sa ginawa nito. Pero hindi ba dapat itinulak niya ang burikat na yun? Kasi kung sa akin nangyari yun, na may ibang lalaking humalik sa akin, baka masapak ko pa. Tahimik lang si Nancy, nakikiramdam. Nang maka
Gigi POV Paalis na ako nang makasalubong si Madam sa living room. Bitbit ko ang cake na binili ko pagkagaling sa trabaho. “Wag mo na siyang ipagluto. Inililibre niya ang mga katrabaho sa labas kapag birthday niya.” anito. Birthday ngayon ni Gray. Tumanda na naman siya. Maaga akong lumabas ng trabaho para bumili ng cake. Hindi niya alam na alam kong birthday nya ngayon. Isusuprise ko kasi siya. Actually, hindi ko rin alam na birthday niya. Sinabi lang sa akin nung isang araw ni Madam. Nagpahatid ako kay Mang Mario hanggang sa hospital. Isinama ko si Nancy, balak kong magmall pagkatapos. Kapag lumalabas kasi ako, isinasama ko ang isa sa mga Marites. Boring magmall mag-isa eh. Agad kong tinungo ang doctor’s lounge pero wala siya dun. Kaya lumabas ako para magtanong na lang sa front desk kung matagal pa ba siya. Surprise ito kaya hindi ko siya matawagan baka manghinala siya. Nalaman ko mula sa front desk na nasa Osteria restaurant ito kasama ng ilang mga katrabaho, treat daw nito a
Ganun na nga ang nangyari – regular akong ipinagddrive ni Gray kapag may time ito. At kapag busy siya, si Mang Mario naman ang nakatokang magdrive para sa akin. Si Renz, minsan ko na lang makita, kapag kasama nito si Chairman. Yung pagseselos daw niya, hindi ko na lang kinontra para hindi kami mag-away. Kinikilig man ako sa mga ipinapakita niya lately, mas pinipili ko munang maging maingat, wala naman kasi siyang sinasabing mas malalim tungkol sa kanyang nararamdaman. Hindi ako nagmamadali. Kagaya ng bilin ni ate Tintin– enjoyin ko na lang kung anong merun kami. Ang sarap kayang gumising sa umaga na inlab ka, kahit hindi na niya ako inii-sleepwalk ngayon. Inspired akong pumasok sa trabaho lalo na at nanalo ang InovaTech sa bidding kaya tuloy ang project. Then next week , first day of school na kaya inspired akong papasok sa university.. “Pasensya ate, naipit kami sa traffic.” bungad ko kay ate nang makarating kami sa bahay nila. “Ayos lang, wala naman kaming ibang bisita k
Gigi POV Teka, si Ninong Dok ba yan? ” tanong ni Nica. “Oo nga no, hindi ko nakilala.” ani Santi. Ano nga bang ginagawa niya rito, may pinuntahan ba siya dito sa kumpanya? O baka naman– sinusundo niya ako? Humakbang siya palapit sa amin at ang tingin ay diretso sa akin. At habang lumalapit siya ay mas nagiging malinaw ang manipis na highlights ng kanyang buhok. Mas nakadagdag pa yun sa kanyang sèx appeal, or baka naman ako lang itong patay na patay sa kanya kaya kahit anong gawin niya ay ubod siya ng gwapo sa aking paningin. “Hello po, dok.” Sina Nica at Santi ang unang bumati. Bahagyang ngumiti sa kanila si Gray at tumango at bumati rin sa dalawa. Gumawi ang tingin nito kay Jeff, bahagya silang tumango sa isa’t isa bilang pagbati pagkatapos ay ako naman ang hinarap. “Let’s go.” aniya sabay hawak sa pupulsuhan ko. Humarap ako sa mga kaibigan ko para magpaalam. “Mauna na ako sa inyo.” paalam ko sa kanila. Kita ko sa mga mata ng mga kaibigan ko na napakarami nilang gustong
Mabuti na lang at tapos na siya sa procedure, dahil mariin siyang napapikit nang marealized na gingudtym lang pala siya ni Gigi. Mapakla siya natawa. Kahit alam na niya ngayong hindi totoo na mag MU ito at si Gigi ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkabwisit sa Jungkook na nasa litrato. “Ano bang merun sa Jungkook na yan?” walang gana niyang tanong. “Eh kasi naman dok. Sobrang pogi and stylish. Magaling kumanta at sumayaw, nasa kanya nang lahat. Yung style ng buhok niya, ay naku laging bago, pati yung kulay.” sagot ng bata na parang kanina lang ay hindi umiyak. Natawa ang ina ng bata. “Ganyan ang type ng mga kabataan ngayon.” anito. Hindi naman gwapo, sa isip isip niya. Naalala niya tuloy bigla ang kabataan niya. Mas defined ang kanyang panga. Hindi rin siya yung tipo ng lalaki na nagpapakulay ng buhok. Classic at clean-cut palagi ang kanyang buhok na mas nakadagdag ng kanyang kagwapuhan. Kaya nga napakaraming babae ang nagkakagusto sa kanya nung estudyante pa lang siya.
Few hours ago...Kuyom ang palad ni Gray na naiwang nakatanaw na lang sa umalis na sasakyan.Kung hindi lang emergency ang pupuntahan niya sa hospital , hindi niya hahayaang sumama si Gigi kay Renz. Paano na lang pala kung hindi kasama ang kanyang ama ngayon, eh di silang dalawa lang ni Gigi ang magkasama. Minsan lang magkaroon ng ganitong kaagang meeting ang kanyang ama, kaya malaking chance na maraming pagkakataon na magkasama palagi ang dalawa. Hindi man niya aminin, alam niyang hindi rin basta basta ang datingan nitong si Renz. Wala siyang alam kung anong background nito pagdating sa mga babae pero base sa mga naririnig niya, he’s the heartthrob sa kumpanya ni dad.Gray’s always been confident when it comes to women, never once insecure– mukhang ngayon pa lang. Dahil alam niyang bata pa si Gigi and girls her age are naturally quick to admire someone, especially when the one in front of them is an undeniably attractive man like Renz.Hindi niya ugaling gumamit ng cellphone habang
3rd Person POV InovaTech Lab… Tutok ang tingin ng lahat sa RvoSurg habang binubuo ito ng 3 Engineers na mga naka white jumpsuit. 4 hours na lang ay matatapos na ang deadline ng bidding. Sa bandang dulo, nakatayo sina Gigi at mga kaibigan niya habang tahimik na nanood at kinakabahan sa magiging resulta. “We’re about to start the system boot.” anang team leader. “Starting..” “Arm one… Online!” “Arm two… Online!” “Arm three… Failed!” “Arm four… Failed!” 3 beses nilang sinubukan pero failed every time. Maririnig ang mahinang bulungan… “Ipinilit kasi ang laruan ng mga bata…” Alam ng magkakaibigan na sila ang pinaparinggan ng mga ito. Hindi na nakatiis si Gigi dahil alam niyang walang mali sa design nila. “Walang mali sa design namin. Nasa alignment–” “Ms. Mojares, I understand you’re enthusiastic, but we’re in the middle of a diagnostic– not a classroom debate.” anang Senior Engineer. Magsasalita pa lang si Gigi nang biglang sumingit ang isang may hawak n
Gigi POVKinabukasan…,6 AM pa lang ay gising na ako para ihanda ang aking sarili, dahil balik trabaho na ulit ako ngayon. Muli ay nagising akong walang nagiisleepwalk sa loob ng damit ko. Nakakapagtaka talaga na biglang nagbago ang ugali niya. Mabuti na rin yun para iwas kami sa tukso lalo na at sinusubukan kong wag masyadong ma-distract sa kanya.Pagdating ko sa kusina ay si Lisa ang naabutan ko at mukhang siya ang nakatoka ngayon, ipinaghanda na niya ako ng tapsilog para sa almusal ko. Alam ng tatlong Marites ang schedule ko kaya hindi ko na sila sinabihan kagabi. Sa kusina ako kumakain ngayon, at syempre hindi kumpleto ang almusal kung walang ulam na tsikahan.“Akala ko talaga si Ma’am Danica na talaga ang magiging amo namin, baka hindi ako tumagal dito sa mansion pag nagkataon.” ani Lisa na nakaupo sa tapat ko. Umiinom ito ng kape.“Bakit sa Madam mo, nakatagal ka?” tanong ko.“Ay di hamak namang mas mabait si Madam kesa kay Ma’am Danica.” anito.“Talaga?” curious na tanong ko.